CHAPTER 5


THE TWINS OF PURGATORY...

TOKI'S P.O.V

Hey guys this is your one and only beautiful, sexy, and magandang Guardian Toki, wala akong apilido kaya huwag niyo nang itanong heheh kung tinatanong niyo kung anong buhay ko bago ako naging gurdian ay isa lang isasagot ko sainyo, "hindi ko alam." Hindi ko na kase alam kung saan ako nag mula o anong tunay kong pangalan, pati nga pangalan ng magulang ko ay hindi ko na ma-alala, kase once na mapunta ka sa paradiso, mawawala lahat ng ala-ala mo na naipon sa mundong iyong pinggalingan. Isa pa, pagka-akyat mo sa paradiso ay bibigyan ka-agad ng tungkulin na maging isang guardian ng isang sanggol na ipinapanganak sa iba't ibang mundo, sabi kase ng mga Deus na makikita sa paradiso ay may 23 na mga mundo na kailangan nilang bantayan, oy baka isipin niyo na inaalila lang ang mga napupuntang kaluluwa sa paradiso ah, nagkakamali kayo kung ganon dahil para saamin naman ang pinapagawa sa amin, kapag kase nakapagpapunta kami ng 1000 na kaluluwa sa paradiso ay makukuha namin ang reward na ma-isilang muli, kaya nagpupursige talaga ako. By the way nag-uusap pala ngayon ang Supreme Dea Justo at Kagu tungkol sa wish ni Kagu na kailangan tuparin ng Supreme Dea.

"Talaga po didinggin nyo po ang hiling ko?" Masayang tanong ni Kagu sa Supreme Dea Justo. "Oo, iho, ngunit hindi kita pababalikang muli sa mundong kinamuihan mo bagkus ay may isang mundong kailangan ang isang tulad mo upang masugpo ang kasamaang tinatago doon." Malumanay at makabuluhang saad ng Dea kay kagu....

"U-uhm kung ganon po pala ay hindi ko na makakasama ulit si mama? Pero Okay lang po, ngunit may isang mapangahas na huling hiling po ang hihilingin ko sainyo." Kinakabahang usal ko sa Dea.

"Sana po huwag nyong kunin ang mga kaalaman ko tungkol sa mundo ng mga mortal, dahil ito nalang po ang magiging ala-ala ko sa akin ni ina, nakikiusap po akong kahit wala na akong kapangyarihan tulad sa hiling ko, basta hindi lang po mawawala ang alala ko kay mama, nakikiusap po ako" Pakiusap ni Kagu sa Dea, grabe mahal na mahal talaga ni Kagu ang kanyang ina, hays, na-curious na tuloy ako kung anong itsura ng aking mga magulang.

Ngumiti naman ang Dea, "oo, naman, ngunit maari ba kitang bigyan ng Bagong pangalan bilang reward ko sa iyong gabi-gabing pananalangin sa mga namayapa na dito sa purgatoryo?" Malumanay na paki-usap ng Dea kay Kagu, hala grabe naman, nawa'y lahat nabibigyan ng pangalan ng isang Supreme Being. "Oo naman po, isang pribileheyo sa akin na bigyan ako ng bagong pangalan lalo na't isang Supreme Dea ang magbibigay sa akin nito." Ngiting sagot ni Kagu sa Dea, omo! Nawa'y lahat.

Tinapat ng Dea ang ispada sa balikad ni Kagu na nag pabigla kay Kagu, "huwag kang matakot iho, ito ay ritual lamang nang pagbibigay ko ng pangangalan at basbas saiyo," Malumanay at nakangiting saad ng Dea, na tawa naman ako dahil doon.

"Ikaw na dating si Manuel Kagura Anastacio na namatay sa mundo ng mga mortal ay tatawagin ng Sephtis Kali at ang iyong magiging magulang sa iyong muling pag silang na ang bahalang mag bigay ng apelido na bubuo sa iyong pagkakakilanlan." Saad ng Dea kay Kagu, ay I mean Sephtis Kali, hays, buti pa siya agad mare-reincanate, ako kailangan ko pa ng isa para makapag-reincarnate. "Maraming salamat po, ikinagagalak ko pong binagyan nyo ako ng pangalan." Pasasalamat naman ni Kagu, este Sephtis Kali sa Dea.

"Anak, tandaan mo kahit anong mangyari, Ikaw lang ang may kakayanang pumili ng daang tatahakin mo anak, wag mong pansinin ang ibang nilalang na huhusga sa iyo ah." Paalala ng Dea kay kagu sabay bitaw ng napakatamis na nginti, hays, napaka-ganda talaga ng Dea Justo, I wonder bakit siya nakapiring, paniguradong mas maganda siya kapag wala ang piring niya sa mata.

"Bago ka tuluyan isilang muli meron pa akong hiling regalo saiyo, Toki, ilang nilalang na ang napagtanggol at napa akyat mo sa paradiso?" Tanong saakin ng Dea. "Sa pagkaka-alam ko po ay 999 napo at kung mapapa-akyat ko po si Kagu sa paradiso ay magiging 1000 na po na limit para ma-reincarnate po ang isang Guardian, Bakit nyo po na-itanong Mahal na Dea?" Tanong ko sa Dea.

Ngumiti lamang ito at humarap kay Kagu, este Sephtis Kali, pinatong ng Dea ang ispada sa balikat ni Sephtis Kali at inilipat din naman sa kabilang balikat. "Ikaw na Humiling sa mga Dea at Deus na pinangalanan ngayon bilang Sephtis Kali, ay pinapayagan kong maisilang muli kasama ng iyong Guardian na nagngangalang Toki bilang iyong magiging kapatid at kakambal, humayo kayo ngayon sa Mundo da Fantasia at sugpuin ang nakatagong kasamaan" Saad ng Dea na nagpagulat saakin, gosh! weh? Totoo ba iyon? Ako ay mabubuhay ng muli? "Ta-talaga po, i-isasama po ako ni Kagu, I mean Sephtis Kali?" Umiiyak na tanong ko sa Dea, shocks, ang pangarap ko ay matutupad narin ngayon.

"Oo, Guardian Toki, at papangalanan kang Vita Guia, at tatawagin kayong The Twins of Purgatory." Saad ng Dea sa amin, pero grabe nabigyan din ako ng isang nakagandang pangalan, napakalaking utang na loob na ang na-ibigay sa akin ng Dea. "Salamat po." Umiiyak na saad ko, sabay takbo para yakapin siya, nagpayakap naman ang mahal na Dea, gumanti naman ito ng yakap.

"S-Sorry po nadala lang ako ng emosyon ko." Nasaad ko naman ng bumitaw ako sa yakap saakin ng Dea. "Ayos lang sa akin iyon, iha, sya nga pala, mga anak, isama nyo narin ang aking anak na si Lucian, bilang kaparusahan nya dahil may nilabag syang isang batas sa paradiso, maaari ba? Hindi pa naman ngayon, paglipas siguro ng sampung taon." Malumanay na saad naman ng Dea saamin.

"Isang malaking Pribiliheyo po saamin na maisama ang inyong anak, Mahal na Dea." Saad ko naman sa Dea, lumayo naman ito sa amin...

Biglang sumayaw ang Supreme Dea. Tumalon ito, sinasak-sak din ng Dea ang hangin gamit ang kanyang ispada, at iikot din naman ito sa ere. Ilan lang sa mga step na nakikita kong ginagawa nya, sa pagkaka-alam ko ay Holy Sword Dance ang ginagawa niya ngayon, ang alam ko din ay hindi lang basta sayaw ang ginagawa nya, dahil ang mga Dea lang ang may kakayahang sayawin ang Holy Sword Dance at wala ng iba, ginagawa nila ang pagsasayaw ng Holy Sword Dance upang buksan ang isang lagusan patungo sa isang Mundo.

Nang sak-sakin nya ulit ang Hangin, bigla nalang nagcrack, para bang isang salamin ang hangin at biglang bumukas, kung titignan naman ang lagusang nagbukas ay masasabi kong nakakatakot ito, sobrang dilim kase sa loob ih.

"Mauna na kayo sa anak ko, dahil ipapadala ko sya doon pag mga 10 taong gulang na kayo sa susunod nyong buhay, kaya sige na mga anak pumasok na kayo sa lagusang yan upang maisilang na kayong muli" Malumanay na Instraksyon sa amin ng Dea, agad naman kaming pumasok ni Sephtis Kali sa loob.

Bigla naman parang hinigop kami nito ng napaka-bilis kaya kinabahan ako, nahilo pa nga ako, nang tignan ko si Sephtis Kali ay nakapikit lang ito, kinabahan naman ako dahil baka nawalan na ito ng malay, ngunit naramdaman niya atang nakatingin ako sa kanya kaya naman nagsalita ito.

"Ipikit mo na ang iyong mga mata, magtiwala tayo sa Supreme Dea, aking magiging kapatid" Saad nya na nagpagaan ng loob ko kaya pinikit ko na ang aking mga mata, at naramdaman kong parang dinalaw ako ng antok kaya naman, nakatulog na ako ng tuluyan...

...

THIRD PERSON P.O.V

Samantala sa Mundo Da Fantasia, Material Plane, Fey Wild, Floresta Encantada naman, ang mahiwagang tahanan ng mga Legendary Holder, ay payapa ang kalangitan, mapayapang naglalaro ang ibang mga bata, nang biglang nagliwanag ang buong palikid, nakakasilaw ito, na kahit mga Legendary Light Holders ay di makatingin, hindi naman kita ng ibang mga kaharian sa Mundo Da Fantasia ang liwanag dahil sa engkantasyon at pananggalang ginawad dito ng 10 Anciàos Santos at ng dalawang Deus sa lugar na ito. Nang mawala ang liwanang ay nakita nila ang isang napakagandang nilalang, nakapiring ang mga mata nito, at may hawak na ispada at maliit na timbangan, kilalang-kilala nila ito, dahil isa ito sa tatlong magkapatid na Supreme Being na gumawa sa Mundo da Fantasia, walang iba kung hindi si Supreme Dea Justo.

Gumuhit ang pagtataka sa mukha ng lahat, kaya nagtanong ang tagapamahala ng Floresta Encantada na si Òtima Maè Aurelia Picosa, ang pinakamatandang Legendary Holder na may hawak sa Hold of Youth, kaya di sya tumatanda at nanatiling Bata, sakatuyan nyan sa laki, pangangatawan at mukha nya ay mapagkakamalan syang sampung taong gulang na babae pero ang totoo ay 500 taon na syang nabubuhay sa Mundo da Fantasia at isa sa mga lumaban sa Dark Continent noong Panahon ng pananakop ng mga ito.

Yumuko sya bilang pagbibigay galang sa Supreme Dea "Bakit po kayo naparito, Supreme Dea Justo?" Tanong ng Otima sa Dea.

"Naparito ako dahil nais kong ibigay sa'yo ang dalawang binhing ito Aurelia. Ito ang binhi ng Purgatoryo, nais kong itanim mo ito sa iyong bakuran, at sa oras na lumaki at mamulak-lak ito ay lalabas ang dalawang sanggol, Isang lalake at isang babae. Ang lalake ay tawagin mo sa pangalang Sephtis Kali, ang babae naman ay tawagin mo sa ngalang Vita Guia, palakihin, turan ng tamang asal, at sabihan mo si Santos Esmeralda na sya na ang bahala sa pag-aaral nila sa takdang panahon, aalis na ako dahil kailangan na ako sa purgatoryo, aasahan ko ang iyong kooperasyon Aurelia." Paliwanag ng Supreme Dea sa Otima, tumango naman ito at ngumiti ng malawak.

"Makaka-asa po kayo mahal na Supreme Dea Justo." Nakangiting saad ni Òtima Màe Aurelia sabay abot ng mga binhi ng kalawakan.

Nang tignan nya ito ng malapitan ay namangha siya sa ganda ng mga binhi, tila ba isa itong dyamanteng laman ang isang napakagandang andromeda sa loob nito, tumalikod na ang Dea at bumalik na sa purgatoryo.

Nang nawala na ang Dea sa kanilang paningin ay ka-agad namang bumalik si Òtima Màe Aurelia sa kanyang tahanan at dali-daling itinanim ang mga ito. Sa kanyang isipan at kaloob-looban ay napaka saya nya dahil magkakaroon narin sya ng anak, sa tagal kase ng panahon na nabubuhay sya ay nag-iisa lang sya dahil nga sa bigat na nakalaang sa kanyang tunggkulin ay kinalimutan na nya ang pag-Ibig, para kase sakanya ay isang malaking sagabal at kainahan lang ang pag-ibig, nagmahal naman ito kaso isang beses lang, at walang nakakalam kung saan o anong nagyari sakanyang lalaking minahal na nagngangalang Nephelim...

...

Nasa Multi-Media po yung Sword Dance na tinutukoy ko kanina na sina sayaw ni Supreme Dea Justo.

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top