CHAPTER 49

WHO ARE YOU?

PRINCE GLENN'S P.O.V

Nandito kami ngayon ni Kuya Rhys sa Holder Class at hinihintay pa ang mga bagong makakasama namin sa aming klase.

"Woi! Babe!" Sigaw ng isang babaeng naka-agaw ng aking pansin, at nang lumingon ako ay nakita ko ang isang babaeng naka-pony tail ang buhok, may pabilog at may kaliitang muka, may matangos na ilong, at pointed na baba, na nakasuot ng white na dress at boots. Hindi ako pweding magka-mali na si Nirvana nga ito ang babaeng unang nagpatibok sa puso ko– ang anak ng Duke sa kaharian nila Kuya Rhys.

Ginantihan ko naman siya ng pagkaway bilang pagtugon sa kanyang pagtawag pansin sa amin, lumapit naman ito agad saakin at tinapik ang aking balikat.

"Aba, Prince Glenn lumaki ata ang katawan mo ah. Grabe ka siguro kung mag-work out ano?" Nakangiting saad nito saakin habang tinatapik tapik ang aking balikat.

"Hindi naman."  Nahihiyang saad ko naman dito habang kinakamot ang batok ko. Gusto ko lang i-flex mga muscle ko na pinagtrabauhan ko ng matagal, pagdating talaga sa babe kong 'to tiklo pagiging snob ko.

"Oh babe bakit wala kang kibo riyan?" Biglang saad naman ni Nirvana kay Kuya Rhys, akala niyo ba ako sinasabihan ni Nirvana nang babe? Hiling ko nga na sana ako na lang iyon pero gaya nang narinig niyo si Kuya Rhys ang tinawag niyang babe, dahil fiancè niya lang naman si Kuya Rhys at isa pa hindi niya naman alam na may gusto ako sa kanya dahil nga torpe ako, 'di ko maamin ang tunay kong nararamdaman para sa kanya.

"Tss bakit ba kasi sinusundan mo ako hanggang dito? Pwede ka namang mag-aral na lang sa mundo ng mga tao tutal naroon naman ang iyong ama." Walang ganang sagot ni Kuya Rhys. Hays ang hirap makita na yung taong mahal mo binabasura lang ng iba – paano ko nasabing binabasura lang ni Kuya Rhys si Nirvana? Noong mga bata pa lang kami mga seven years old siguro ay hinabol-habol na ni Nirvana si Kuya Rhys, kaso si Kuya Rhys lagi niyang inaayawan si Nirvana. Kung magtatanong naman kayo kung paano sila naging mag-fiancè ay hindi namin alam, basta isang araw bigla na lang sinabi ni Nirvana sa amin na fiancè na raw niya si Kuya Rhys at tagos sa buto yung sakit noong nalaman ko 'yon.

"Ihh! Ayaw ko ng umuwi roon, may mga ala-alang ayaw ko nang balikan doon, pero 'di ka ba masaya na makakasama mo sa iisang paaralan ang mapapangasawa mo?" Nakangiting tanong ni Nirvana kay Kuya Rhys. Binigyan lang naman ni Kuya Rhys ng nakakatamad na itsura si Nirvana, What the heck? Ang ganda kaya kapag ngumingiti si Nirvana tapos bibigyan niya lang ng ganitong itsura hays.

"Alam mo naman ang sagot ko, Nirvana." Walang ganang saad ni Kuya Rhys kay Nirvana, What the — bakit 'di na lang kasi ako Nirvana?

"Hays bakit 'di ka pa kasi umamin hindi yung nagkakaganyan ka Glenn." Sabat bigla ni Reflection, ang aking Hold being.

"Aba himala sumagot ka yata ngayon?" Tanong ko dito dahil suplado at ' di pasalita ang hold being na ito, pero ngayon biglang sumsabat.

"Hay bahala ka nga riyan!" Inis na saad niya sabay putol ng Telecom saakin, Tss bastos.

"Bakit ka ba ganito sa akin?! Ginagawa ko naman ang lahat para magustuhan mo ako Rhys!" Galit na sigaw nito dahilan para mapunta sa amin ang tingin ng mga Fantasian.

"Nirvana ikalma mo ang sarili mo, pinag-titinginan na tayo." Sabat ko naman para kumalma at tahimik si Nirvana, pero bigla namang sinagot ni Kuya Rhys si Nirvana.

"Alam mo na ang sagot diyan." Walang ganang sagot ni Kuya Rhys kay Nirvana dahilan para mapaiyak si Nirvana, What the — lagi na lang ganito. Ang hirap makita yung taong mahal mo na umiiyak dahil sinasaktan ng iba, hays wala man lang akong magawa para mapagaan ang nararamdaman niya.

"Lagi nalang bang ganyan ang sagot mo Rhys! pagod na pagod na ako sa sagot mong 'yan!" Sigaw ni Nirvana habang humahagulgol, Damn! Wala man lang akong magawa!

"Sige gusto mo ng matinong sagot? Sige bibigyan kita ng matinong sagot. Una sa lahat hindi kita mahal, hindi kita kayang mahalin, at hindi kita mamahalin! Lagi ko namang sinasabi sa iyo 'yan bakit hindi mo maintindihan?! Ha?! Ganyan ka na ba kabobo?! Isa pa nakatali na ako sa isang tao! Ngunit hindi sa iyo! kundi sa isang taong "MAHAL NA MAHAL KO!" Sigaw ni Kuya Rhys dahilan para mapahagulgol pa lalo si Nirvana sa iyak, Shit! I hate myself  dahil wala man lang akong magawa!

"Ah ganon?!" Sigaw ni Nirvana habang umiiyak at saka ito lumapit kay Kuya Rhys, noong una akala ko ay sasampalin niya si Kuya Rhys ngunit ang mga sumunod na tagpo ay nagpadurog sa aking pagkatao, sa aking kaluluwa, at sa aking puso.

Harap-harapan lang namang hinalikan ni Nirvana si Kuya Rhys at ako ito tulala, pinagmamasdan na ang taong mahal ko ay may kahalikang iba. Kaya ng makabawi ako ay agad akong nagkuyom ng kamay at nag-ejection ako palabas ng gymnasium.

Nang makalabas na ako ay sumandal ako sa pader at doon ako umiyak, binuhos ko lahat ng sakit na aking nararamdaman habang nakasandal sa pader,wala na akong pakialam kung may makakita man sa akin dito, ngunit ilang oras lang ay biglang binalot ng takot ang aking buong sistema halos tumagos sa buto ang takot na nararamdaman ko ngayon, naramdaman ko na lang kase na may nagpalabas ng Death Aura sa loob ng gymnasium. Kaninong Death Aura kaya ito?

"Fuck baka may masama nang nangyayari sa loob!" Nasambit ko na lang at saka mabilisang nag-ejection sa loob ng gymnasium.

Nang makapasok na ako sa loob ay nakita ko ang nilalang na pinagmumulan ng Death Aura at iyon ay si Kali, ang lakas talaga ng Fantasian na ito kaya nagtataka rin ako kung saan siya nagmula, hindi, hindi lang siya, nararamdam ko rin sa iba pa niyang kasama na malalakas din sila.

Makikita ngayon ang buong gymnasium na nanginginig na tila ba'y takot na takot, ngunit kita ko naman ngayon ang babaeng nagngangalang Guia ang kapatid ni Kali na lumalapit ngayon sa kinaroroonan ni Kali na tila ba'y wala lang sa kanya ang Death Aura na nagpapanginig sa lahat ng nilalang sa loob ng gymnasium. Yes kasama ako roon sa mga nilalang na nanginginig, dahil mas lumakas pa ang pagpapalabas ni Kali ng Death Aura.

Ilang sandali pa ay tinapik ni Guia ang balikat ni Kali at humupa na ang Death Aura na pinapalabas niya.

Nang tuluyan ng mawala ang Death Aura na nilalabas ni Kali ay agad hinanap ng aking mga mata si Nirvana at Kuya Rhys. Ilang saglit pa ay nahagip sila ng aking mga mata na nakayakap sa isa't isa, mag-eeject sa kanila nang halikan ulit ni Nirvana si Kuya Rhys at nagpadurog na naman sa buong sistema ko kaya nag-ejection na lang ako sa "Garden of Lepidoptera." Ang hardin kung saan ako laging pumupunta kapag nalulungkot ako.

Nang makapunta na ako sa bungad nito ay talaga namang namangha ako dahil sa hindi parin kumukupas ang ganda nito kahit na nasa tatlong daang taon na itong nakatayo dito. Nauna pa nga itong naitayo sa Campo de Iris Academy. Makikita kase ang isang malaking pinto na may itsura ng paro-paro – isang Fera na itinuturing na pinakamagandang Fera sa lahat ng Neutral Fera, agad kong binigkas ang Enchantment na tanging kaming mga Prinsepe at Prinsesa lang ang may alam.

"Oh borboletas que acalmam meus sentimentos abram suas asas e voem com minhas dores." Pagbigkas ko sa Enchanment, bigla namang bumukas ang pinto, siya nga pala hindi to mabubuksan nino man, kahit na nga kami na mga Prinsepe at Prinsesa ay kailangan pang bigkasin ang Enchantment na makakapag bukas dito, pero may isang libro ang nagsasabing merong isang Fantasian ang kayang makapasok sa lagusan ng "Garden of Lepidoptera" na hindi binibigkas ang Enchantmen at iyon ang Fantasian na may Hawak sa maalamat na Charm Hold.

[Translation: Oh, paro-paro na nagpapakalma ng aking damdamin, ayahan mo sana akong makapasok sa iyong bisih. Ibubka ang iyong napakagandang pakpak at ako'y paraanin.]

Nang tuluyan nang bumukas ang pinto ay natanaw ko naman ang upuan na nasa ilalim ng puno ng hiyas, kaya naman lumapit ako doon, ngunit habang papalabit ako ay may nakita naman akong isang nakakasilaw na iba't ibang kulay ng liwanag. Nang matapos ang liwanag na iyon ay agad akong lumapit sa pinanggagalingan ng liwanag na iyon. Kita ko naman ngayon ang isang nilalang na napakaganda na may mahabang buhok, may ma-among, ngunit nakasuot panlalaking damit at wala itong malay kaya naman inalog ko siya ng inalog at pilit na ginigising.

"Miss, gising miss." Saad ko rito habang inaalog-alog siya, ngunit lumipas ang ilang oras na paggising ko sa kanya ay hindi parin ito gumigising. Kaya napagdesisyonan ko na gawin sa kanya ang mouthto mouth resuscitation ito dahil baka mawalan siya ng hangin at mamatay.

"Fuck! I need to do this." Nag-aalangan na sigaw ko. Ayaw ko naman kasing basta-basta na lang humalik, para kasing hinalikan ko na siya sa gagawin ko, pero I need to do this para mailigtas ko ang buhay niya.

Kaya naman ibinuka ko na ang bibig niya at inilapit ang labi ko sakanya.

Nang magdikit na ang aming labi ay sabay naman nang pagmulat ng kanyang mga mata kaya naman na-istatwa ako dahil doon.

...

XAVIER'S P.O.V

Nang makabalik ako sa tamang wisyo at napagtanto kong si Prince Glenn nga ang kahalikan ko ay agad ko itong itinulak ngunit napalakas ata ang pagtulak ko at napabalibag ito at tumama sa isang puno, kaya naman nagpanic ako at agad siyang pinuntahan.

Nang makalapit ako sa kinaroroonan niya ay kita ko namang hawak-hawak niya ang kanyang likod. Kaya naman inalalayan ko siya.

"Hala, triste po Prince Glenn 'di ko sinasadya. Ikaw kase nanghahalik na lang kasi bigla." Saad ko sa kanya habang tinutulungan siyang makatayo.

"Triste, Miss hindi ko sinasadya, gusto lang sana kitang bigyan ng hangin dahil mukhang nawalan ka ng mala. Ang tagal kaya kitang ginigising pero 'di ka man lang nagising." Saad niya ng makatayo na siya ng tuluyan.

"E-Eh ano po, uhm mahal na prinsepe hindi ako babae kaya kung maaari po sana huwag niyo akong tawaging Miss at isa pa, hindi niyo po ba ako nakikilala? Ako po yung kasama nila Kali sa Hospital noon. Ako ito si Xavier." Pagpapakilala ko sakanya, potek tawagin ba naman akong Miss.

"Weh? Hahaha wait lang wala namang kasama sila kali na isang "lalake" na may puting buhok, at mukhang babae ah?" Tanong nito sa akin na kinabigla ko. Ako? May puting buhok? haha.

"Ayos lang po ba kayo mahal na prinsipe? kulay red po ang buhok ko at isa pa alam ko naman pong medyo hubog babae ang pangangatawan ko pero grabe naman yung papuri niyong mukhang babae hahaha." Saad ko naman dito at nang tignana ko siya️ kitang-kita ko ang reaksyon niyang napipikon hahaha.

Pero nagulat nalang ako ng bigla itong sumigaw at ginamit ang kanyang Hold power.

"REFLECTION: REPLICA!" Sigaw niya bigla namang may nabuong liwanag sa aking harapan.

Katapos nang liwanag na iyon ay bigla na lang nagkaroon ng isang salamin sa aking harapan at nakita ko ang isang babae na may mahabang puting buhok, may puting pilik mata at may maputing balat.

"S-Sino ang kaharap ko ngayon?" Tanong ko sa Prinsepe. "Hindi ba obvious? Hays edi ikaw." Walang ganang sagot ng Prinsepa, aba bipolar yata 'to kanina todo ngiti ngayon napaka sungit parang si Adrien. Hays speaking of sa gung-gong 'yon niloko lang ako! Pinagpalit pa ako sa demonyo, but bagay naman sila, demonyo din naman kase si Adrien, remember his Hold?

"Ayy wait! late na pala ako sa pag-iidentefy ng Class." Saad ko skanya. "Sige lakad kana dito muna ako at magpapahangin" Saad nan nito.

"Sige mahal na prinsepe mauna na ako." Paalam ko naman sakanya at pumikit na ako upang mag quick step.

...

PRINCE GLENN'S P.O.V

"Ayy wait! late na pala ako sa pag-iidentefy ng Class." Saad ni Xavier habang natataranta.

"Sige lakad kana dito muna ako at magpapahangin." Saad ko naman dito, maganda ngang umalis na muna siya, naalala ko na naman kase ang nangyari kanina at gusto ko munang mapagisa.

"Sige mahal na prinsepe mauna na ako." Paalam niya. Lilingunin ko sana ito nang saktong paglingon ko ay parang may liwanag na bumalot sa katawan niya at naglaho ito! Wait, ejection ba iyon? Sa pagkaka-alam ko kaming mga prinsepe at prinsesa lang ang may kayang gawin yon ah, teka nga! Paano siya nakapasok dito sa graden? Potek, prinsepe ba siya? Siya kaya yung nawawalang prinsepe na kapatid ni Kuya Rhys? Hays habulin ko nga. Siguradong pupunta 'yon sa likod ng gymnasium. Kaya naman agad akong nag-ejection sa likod ng gymnasium.

Nang mapunta na ako sa likod ng gymnasium ay nabigla na lang ako nang makitang umiiyak si Xavier. Lumapit naman ito sa akin sabay halik na nagpabigla sa akin. Kaya naman pilit kong hinihila ang bewang niya para maghiwalay kami ngunit kumapit lang ito ng mahigpit sa may batok ko.

"Please huwag mo muna akong bitawan habang nandiyan pa sila." Saad nito gamit ang TeleCom sa akin. Kita ko rin ang pagtulo ng kanyang mga luha.

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )

Para naman maka-usap niyo ako ng matino para sa mga updates sa mga story ko, you can add me on facebook, search niyo lang po ang "Dandiv" naka-one name po ako ngayon thanks.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top