CHAPTER 48
GLENN...
XAVIER'S P.O.V
Lumiwanag pa ng lumiwanag hanggang sa lumiit na lang ito at naaninag akong tatlong pigura ng mga nilalang na mayroong iba't-ibang bilang ng mga pakpak.
Namilog ang mata ko at napanganga na lang ang naging reaksyon ko nang makita ko ang "bagong anyo" ng tatlong Sphere. Like what the heck! hindi ko in-expect na magiging lalaki at napakagugwapo ng tatlo!
Lumapit ang tatlo sa akin at nag bow bilang pagpapakita ng pagalang.
"Ako po si Haniel, Owner." Pakilala ng isang lalakeng maganda pa sa ibang babae, napaka feminine kase niya, may pale blue siyang buhok, kilay at pilik mata, may medyo bilugan at medyo maliit siyang mukha at mata, may matangos na ilong, may kissable lips, maputi ang kanyang balat, may kulay pale blue din siyang pak-pak, wala itong suot na pang itaas, sa pang ibaba naman ay tanging manipis na tela lang ang tumatakip dito, guys! ang sexy niya!
"Maraming salamat po sa papuri Owner." Biglang saad niya sa akin kaya ayun napakamot nalang ako sa batok ko dahil sa hiya hehe.
"Ako naman po si Raziel, Owner." Pakilala naman ng isang lalaking may gray na buhok, may bilugang maliit na mukha, may medyo kalakihang mata, matilos na ilong, kissable lips, nakaka-akit na jaw line at medyo pointed na baba, may anim na pakpak ito, at may hawak na ispada, ang kanyang outfit naman ay katulad ng k-kay L-Lucian, hayss
erase nga muna yan, kailangan makita ako ng mga Sphere ko na masaya ako.
"Ako naman po si Uriel, Owner." Pakilala naman ng isang lalaking may white at mahabang buhok, na may singkit na mata, matangos na ilong, may matipunong pangangatawan, may dalawang pakpak, tanging pantalon lang ang suot niya at wala itong pang itaas na damit kaya kitang kita ang kanyang mga abs, hays sana lahat may abs.
"Hayaan niyo owner, magkakaroon din kayo ng ganito, gusto niyo bang hawakan abs ko para ma-feel niyo naman?" Mapang-asar na saad nito sa akin. Tsk, tsk, tsk, mapusok ang isang 'to ah.
"Ah! Kay Adrien lang ako kakalampag, oh shocks!" Nabiglang saad ko na nagpatulala at nakapagpanganga sa aking mga Sphere, hala potek, dapat sa isipan ko lang sinasabi 'yon, potek bakit bigla na lang lumabas sa bibig ko and worse nasabi ko pa ng malakas.
"Hala ka owner ah, kahit sinaktan kana't lahat sa kanya ka parin pala kakalampag hahaha." Tumatawang saad saakin ni Philomena na ikinapula ng pisngi ko kaya para 'di halata ay yumuko nalang ako.
"Philo! wag mo ngang ganyanin owner natin, lalo lang siyang nahihiya oh!" Suway naman sa kanya ni Claire.
"Sorry po." Paghingi ng tawad sa akin ni Philomena at saka nagpeace sign, na tinanguan ko naman.
"Future Owner!" May diin na pagkakasabi ni Eurydice.
"Sama talaga ugali!" Saad naman ni Alessia, lumiit naman ang mata ni Eurydice, kaya naman umawat na ako baka saan na naman sila mapunta.
"Tama na 'yan guys." Pagpapatigil ko sabay humarap sa tatlong Sphere at nag tanong.
"Haniel, Raziel, Uriel, may tanong pala ako sa inyo, ano nga palang mga Hold power niyo?" Tanong ko sa kanila.
"Boys hayaan niyong ako ang sumagot niyan." Sabat naman ni Claire, tinanguan naman siya ng tatlo.
"So ganito 'yan owner, 'di ba nasabi na ni Eurydice na kapag bago ang owner ay magkakaroon din ng bagong Sphere? at para silang sanggol na bagong panganak?" Tanong ni Claire saakin na tinanguan ko naman.
"So ang mangyayare ay parang magiging anak mo sila at tuturuan kung paano mamuhay at kailangan mo silang tulungan na madiskubre ang kakayahan nila." Paliwanag niya, ah so para palang magpapalaki lang ako ng isang anak sa tatlong ito, but I like it, gosh namiss ko tuloy si Nay Olin.
"Owner bakit po kayo naiiyak?" Tanong naman bigla ni Haniel. The heck! 'di ko nahalatang tumulo na pala ang luha ko dahil doon, kaya naman agad kong pinunasan ito. "Wala ito, naalala ko lang ang Nay Olin ko." Nakangiting saad ko sa kanila.
"Ay! Maalala ko lang pala, 'di ba dapat magco-commitment tayo ngayon?" Saad ko, naalala ko kase na dapat mag co-commitment kami ngayon, 'diba nga kaya nila ako pinapunta dito dahil sa kadahilanang iyon?
"Ay shocks! Sorry owner nakalimutan ko." Saad naman ni Dhriti sabay kamot sa batok, hehehe ang cute talaga ng mga Sphere ni Nay Olin.
"Sphere mo na kami ngayon." Biglang saad naman ni Minerva habang nakangiti.
"Tch, "FUTURE" po." May diin na saad ni Eurydice na kinasamid ko, I love this girl, ang cute niya lang, parang nakikita ko sakanya si Guia, Wait! Ay potek! Ibibigay nga pala ang class namin ngayon kailangan ko nang bilisan.
"Future owner. 'Wag mo kong tinutulad sa babaeng Sniffler na 'yon." Seryosong saad ni Eurydice na nag pagulat sa akin hahaha nakalimutan kong nababasa pala nila ang isip ko hahaha, so kilala niya pala si Guia hahahah nag peace sign naman ako sa kanya. Napatampal na lamang sa noo si Eurydice.
"Mga Sphere, ngayon nga pala ang bigayan ng class namin, magrerequest sana ako na bilisan na natin." Nag-aalalang saad ko sa kanila dahil nga naalala ko bigla yung bigayan ng Class."Okay po." Sagot naman ni Philomena Sabay Halik sa akin, sunod naman ay Minnette, sunod si Claire, sunod si Eudrydice, sunod si Alessia, at ang huling humalik sa akin ay si Minerva.
"Tanggapin mo kami bilang iyong Hold Power, tanggapin mong buo ang aming kapangyarihan." Sabay sabay na saad ng Anim, bigla namang umilaw silang Anim at naging bola ng Energia, nagulat naman ako ng maging bolang energia din sila Dhriti, Ansuya, at Eleen, bigla naman silang pumunta sa taas ng aking ulo at bigla nalang may tumamang iba'-ibang kulay ng liwanag sa akin, 'di naman ako nasilaw sa liwanag na iyon, sa katunayan nga ay parang ang sarap sa pakiramdam, para bang pinapagaan nito ang loob.
Pagkatapos noon ay biglang may lumitaw na mga letrang lumulutang sa aking harapan at bumuo ng mga salita, tulad noong binigay saakin nila Dhriti ang kanilang Hold Power.
Divine Soul Hold
Power of Hold:
Alessia The Sphere of Protection : Guard.
Side Effect on user: None.
Description: You can make a mass shield.
(Divine Held Needed)
Philomena The Sphere of Love: Attraction.
Side Effect on user: None.
Description: Hypnosis, then attract your opponent and you can control them in your will.
(Note: Hindi ito gagana sa mga Dark Holder)
(Divine Held Needed)
Minette The Sphere of Faithfulness: Crucified.
Side Effect on user: Internal Bleeding.
Description: Whenever you use this Hold Power to your opponent, they will crucified to the "Cross held-form."
(Divine Held Needed)
Claire The Sphere of Hope: Day Dream.
Side Effect on user: Metal paralysis for one day.
Description: Whenever you use this Hold Power to your opponent, you can give a false hope in their soul, so you can easily control them.
(Divine Held Needed)
Eurydice The Sphere of Justice and Loyalty: I am you, you are me.
Side Effect on user: One week of sleep.
Description: Can easily use the Hold Power of other Sphere of Elysium.
(Divine Held Needed)
Minerva The Sphere of Prudence: Enhance.
Side Effect on user: You cannot use another hold for one day.
Description: Whenever you use this Hold Power, you can have an enhance senses like, super hearing, super vision, super strength, and super smell.
(Divine Held Needed)
'Yan ang mga mababasa mula sa mga letrang nabuo.
Ilang saglit pa ay nagbalik na sa dating anyo ang aking mga Sphere at yumuko sila, kaso may naalala lang ako, bakit yung tatlo hindi nagbigay ng commitment saakin.
"Wait lang, bakit kayong tatlo ay naka tayo lang diyan? ayaw niyo bang makipag commitment sa akin?" Tanong ko sa tatlo na dahilan para masamid sila at matawa ng konti, nag taas naman ako ng kilay, aba tinawanan lang ang tanong ko.
"Kase po Owner, sa inyo na kami simula nang binigyan niyo kami ng pangalan." Nakangiting paliwanag naman ni Urial saakin.
"Ah okay, so guys sino mag babalik sa akin sa aming dimensyon?" Tanong ko naman sa kanilang lahat.
"Ah, pwede na po kayong umalis at bumalik dito sa kahit anong oras niyong gustuhin, basta pumikit lang po kayo at isipin yung dimensyon na ito o ang orihinal niyong dimensyon at mapupunta na kayo dito o sa inyong dimensyon." Paliwanag naman ni Minerva sa akin.
"Ah ganon ba? maraming salamat, sige aalis na ako." Paalam ko sakanila atsaka na ako pumikit at inisip ang aking tunay na dimensyon, fuck late na niyan ako sa pagbibigay ng class! Pero ano kaya ang class ako?
...
Ilang saglit pa ay naramdaman ko naman na nakahiga na ako sa damuhan ngunit may narinig akong isang tinig at base sa timbre ng tinig niya ay isa itong lalake.
"Fuck! I need to do this." Saad niya, sabay namang may naramdaman akong humawak sa aking bibig at binuka ito, at kasabay din non ang paglapat ng isang malambot na bagay sa aking labi.
Kaya naman unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at pagbukas na pagbukas ng aking mata ay natulala nalang ako sa aking nakitang mukha na nakahalik saakin. Nasambit ko nalang saaking isipan ang pangalan niya dahil sa gulat.
"Prince Glenn..."
...
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
Para naman maka-usap niyo ako ng matino para sa mga updates sa mga story ko, you can add me on facebook, search niyo lang po ang "Dandiv" naka-one name po ako ngayon thanks.
THE NEW SPHERES
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top