CHAPTER 47
ARE YOU?
GUIA'S P.O.V
"Hay kinakabahan ako, Soliel! huhuhu baka mapunta ako sa bravous eh sabi sa akin kanina ni Ate Adhira ay masyado daw mahirap ang training doon sa class na yon. " Kinakabahang saad ko kay Soliel.
"Vita Guia Picosa, ikaw na ang su-"
"Teka lang nag-eemote ako 'wag kang panira." Saad ko kung sino mang ponsiyo pilatong sumisira sa pag e-emote ko, huhuhu sobrang kaba na talaga ang nararamdamana ko ngayon!
"Hala! same tayo ng nararamdaman Guia, gosh baka sa bravous class tayo mapunta." Kinakabahang usal din niya.
"Hoy Guia, ayaw mo pa bang pumunta sa harapan? kanina ka pa tinitignan ni Señor Migs!" Pagtawag pansin ni Kuya Kali sa akin, dahilan para mapatingin ako kay Señor Migs na ngayon ay nakataas na ang kilay at mukhang galit, kaya naman lumakad na ako papunta kung saan nakatayo si Señor Migs.
"Hoy Guia!" Inis na tawag sa akin ni Kuya Kali, kaya naman inis din akong bumaling sakanya.
"Ano na naman?!" Iritableng tanong ko dito dahilan para mapataas ng kilay si Kuya Kali, luh! attitude ka ghorl?!
"Ipapa-alala ko lang sayo na magsorry ka kay Señor Migs mamayang pagkalapit mo, ang bastos mo kasi kaninang tinatawag ka niya ay pinutol mo ang pagtawag niya ng pansin sayo." Inis at nakataas na kilay na saad ni Kuya Kali, na kinataka ko, saan ko naman dinisrespect si Señor Migs?
Isip...
Isip...
Isip...
"HALA!" Sigaw ko dahil naalala kong may tumatawag nga pala sa pansin ko kaninang nag-eemote ako huhuhu, si Señor Migs yata iyon ah, naku po!
"Oh, na-alala mo na?" Taas kilay na tanong ni Kuya Kali saakin, kaya naman nahihiyang tumango ako sakanya, sabay talikod at tinuloy ko na ang paglalakad papunta sa kinatatayuan ni Señor Migs...
Nang tuluyan na akong makalapit ay, agad akong yumuko sa harap niya...
"Señor, triste, hindi ko po sinasadyang bastusin kayo kanina." Nakayukong saad ko. "Itaas mo ang iyong ulo, ano ka ba maliit na bagay lang yon, pero sa susunod ah, wag mo ng gagawin yon, lalo na sa ibang Aprisentador, iba-iba tayo ng ugali Guia, kaya baka magawa mo yan sa iba at pagmulan pa ng away." Pangaral saakin ni Señor Migs, kaya naman humingi ako ng tawad ulit sakanya. "Triste po ulit." Saad ko ulit kay Señor Migs.
"Sige na Ms. Picosa, maari mo nang hawakan si Cloppy." Nakangiting paanyaya naman nito na agad kong sinunod.
"CLOP! CLOP! CLOP!" Saad ni Cloppy nang hawakan ko siya at biglang nag iba-iba ito ng Kulay.
Red, White, Black, Green, Yellow, Brown, mga kulay na ang paulit ulit na makikita sa kanyang katawan ngayon.
Pagkatapos ng ilang segundo ay biglang tumigil sa color White ang kulay ni Cloppy na nangangahulugang...
"Wow! Congrats Guia, ang kulay na lumitaw sa iyo ay white na nanganga hulugang isa kang Bearer o Support." Saad ni Señor Migs na ikinanganga ko, weh?! paanong nangyari iyon eh naka deactivate ang pangsupport/bearer Hold Power ko, kung maaalala niyo, ang sinabi kong gagamitin at i-aactivate kong Hold Power ay SALVATION: ILLUSION lang? bakit Support/Bearer parin ang lumjtaw at hindi Holder? Kaya sa pagka curious ko ay nagtanong ako kay Señor Migs
"Señor, bakit po bearer ang napunta sa aking class? ang alam ko po kase Holder class dapat ako." Tanong ko kay Señor Migs, na ikinangiti naman niya
"Lapit kang kaunti Guia, may ibubulong ako." Utos naman nito saakin, agad ko naman siya sinunod at lumapit sakanya.
Nang pagkalapit ko ay agad naman niyang hiningi ang tenga ko na agad ko din namang sinunod.
"Alam mo, isa din ako sa mga nakakaalam na Floresta Encantada, ako kase ang Vice-Diretora ng Campo de Iris Academy kaya alam ko ang pinag mulan niyo, alam ko ding kayo ni Kali ang Life and Death Holder." Bulong saakin ni Señor Migs na kinagulat ko, weh?! Meron pa palang pa-vice diretora dito hahahaha, pero grabe din mga impormasyon tungkol sa amin na pilit nilang tinatago, alam kasi nilang once na mabunyag na kami ni Kuya Kali ang Life and Death Holder ay ibig lang sabihin ay umpisa na ng panibagong digmaan.
"At isa pa Guia, wala kang matatago sa mga Finders na katulad ni Cloppy, dahil alam ng mga finder ang lahat ng bagay sa bawat isang Fantasian - ngunit, hindi nila ito masisiwalat, dahil sila ang kapantay ng mga Slylope sa pagiging pinakamatapat na nilalang. Oh sige na pumunta kana sa iyong respective flag." Taka ngiting saad saakin ni Señor Migs, ngunit napag desisyunan kong hintayin ko na sila Soliel at Kuya Kali, tural, sunid sunod lang naman kami...
"Señor, pwede po bang dito muna ako sa tabi, hintayin ko na po sila kuya." Pagpapaalam ko kay Señor Migs. "Oh sure, NEXT!" Sigaw niya, naglakad naman si Soliel papunta sa gawi namin, nang makalapit si Soliel ay agad itong nag bow sa harap ni Señor Migs.
"Sige, Ms. Cyra maari mo nang hawakan si Cloppy." Nakangiting paanyaya sakanya ni Señor Migs.
"CLOP! CLOP! CLOP!" Saad ni Cloppy nang hawakansiya ni Soliel at biglang nag iba iba ito ng Kulay.
As usual na lumalabas sakanya ang mga kulay na Red, White, Black, Green, Yellow, Brown.
Ilang segundo pa ay bihga nalang tumigil sa Kulay na Green ang kulay ni Cloppy na nangangahulugang...
"Alright Ms. Cyra, isa kang Holder, kung iyo nang nais na pumunta sa iyong respective flag ay maari ka nang pumunta." Saad ni Señor Migs kay Soliel...
"Ah pwede po ba ako dito sa tabi ni Guia, hihintayin pa po namin si Kali, maari po ba Señor?" Tanong ni Soliel kay Señor Migs...
"Sure, sige tumabi ka muna kay Guia tutal si Kali na naman ang susunod, NEXT!" Nakangiting saad ni Señor Migs kay Soliel, tumabi naman kaagad si Soliel sa akin, sabay din naman tinawag ni Señor Migs si Kuya Kali...
Pumunta naman si Kuya Kali sa sa aming lugar kung saan din naman nakatayo si Señor Migs kasama si Cloppy.
Nang makalapit si Kuya Kali ay nag bow siya kay Señor Migs...
"Sige na Mr. Picosa maaari mo nang hawakan si Cloppy." Anyaya naman ni Señor Migs kay Kuya Kali na agad namang sinunod ni Kuya...
Ngunit nagulat nalang kami na nasa tabi niya ng biglang magpakawala ito ng Death Aura dahilan para mapaluhod nalang kami bigla na nasa malapit sakanya kahit si Señor Migs ay napaluhod, ilang saglit pa ay makikitang biglang nag kulay black si Cloppy, at biglang sumigaw ito ng napakatinis...
"CLOOOOOOOOPPPPPPPPPP!" Sigaw ni Cloppy dahilan para mapatakip kami ng tenga naman, pero patuloy pa rin si Kuya kali sapagpapakawala nito ng Death Aura kaya naman gumamit na ako ng Life force at nilapitan si Kuya.
Habang lumalapit ako ay kita ko ang mga nag sasalubong na kilay ni Kuya Kali kaya naman tinapik ko siya sa balikat.
"ANO?!" Sigaw niya na nagpabigla saakin, pero tinapangan ko ang loob ko dahil kita ko ngayon sa paligid na nahihirapan na rin sa pinaghalong sigaw ni Cloppy at Death Aura ni Kuya Kali.
"Kuya tignan mo ang nagyayari sa paligid mo!" Sigaw ko sakanya dahilan para tumingin siya sa paligid, ilang saglit pa ay humupa ang kanyang galit at bigla ding nawala ang Death Aura, si Cloppy naman ay biglang bumagsak kaya nag-alala ako, kaya naman lumapit ako agad kay Cloppy para gamutin ito.
"Hala! Cloppy magiging ayos ka rin." Saad ko habang karga-karga ko siya at ginagamit at healing palm at Life force sa kanya
"Sorry, ako ba may kagagawan nito?" Tanong ni Kuya Kali, binigyan ko naman siya ng "Obvious ba?" look.
"Triste." Saad niya sa akin, na ikinataas naman ng kilay ko.
"Aba kuya wag ka sa aking magpasorry ano! magpasorry ka sa mga Fantasian sa paligid mo!" Inis na saad ko sakanya.
Agad namang nag bow sa iba't ibang direksyon si Kuya Kali at isinisigaw ang salitang "TRISTE"...
"Cloppy!" Sigaw naman ng lalakeng galing lang sa ilalim ng mesang tinutungtungan ni Cloppy kanina.
"Señor, triste po, kasalanan ko po ito." Sincere at naka bow na paghingi ng tawad ni Kuya Kali kay Señor Migs.
Kinuha naman ni Señor Migs si Cloppy sa akin. "Ayahan niyo na, ibabalik ko lang siya sa hold being dimension ko at magiging okay na siya." Nakangiting saad ni Señor Migs. "Clop!" Saad naman ni Cloppy at biglang tumayo, dahilan para magulat kami.
"Wahhh, bakit ang bilis mong maka-recover ngayon Cloppy? na reach mo na ba ang Deus-tier Fera?" Tanong naman ni Señor Migs kay Cloppy na pinag taka ko, Deus-tier? WTH?!
"Señor, wag kayong maingay ah, pinagaling ko kase si Cloppy gamit ang Hold Power ko na Healing Touch at kaunting Life Force, at saka, ano po yung Deus-tier?" Pabulong na paliwanag ki kay Señor Migs, napanganag naman si Señor Migs sa sinabi ko.
"A-Alam mo bang wala ni isang Healer o ni gamot ang makakapagpagaling sa mga Fera dito sa Mundo da Fantasia? tanging sa Hold Being or Held dimensions lang sila gumagaling dahil nakakakuha sila ng sapat na Energia sa dimensiyong iyon? About naman sa Deus-tier, pag-aaralan niyo rin 'yan sa History at Feralogy." Paliwanag ni Señor Migs na nakapag laglag ng aking panga. Like what the F! a-ang lakas ng Hold ko!
"Talaga noh!" Sabat naman ni Life sa utak. "Ay wow, buti nagparamdam ka Life?" Tanong ko naman kay life gamit ang isip ko. "Wala lang, pinuri mo kase ako hahaha." Biro nita naman.
"Hays, napakaliit na bagay ah Life, babaw mo hahaha." Biro ko rin. "Ay bahala ka na diyan iwan na kita, natutulog lang ako." Saad ni Life at pinutol na ang connection sa utak ko.
"Sige na po Señor Migs, pupunta na po kami sa aming respective flags, salamat po sa infos," paalam ko kay Señor Migs, "wait! Señor ano po pa lang Class ako nabibilang?" Tanong naman ni Kuya Kali, ay potek muntik ko nang makalimutan na di pa pala niya alam ang kanyang class hahaha. "Dahil sa naging kulay ni Cloppy kanina ay sa tingin ko ay nararapat kang mapunta sa Bravous Class." Nakangiting saad naman ni Señor Migs.
"Salamat po Señor." Pagpapasalamat naman ni Kuya Kali habang naka bow, sabay humabol saamin.
"Walang anuman, NEXT!" Sigaw naman ni Señor Migs, na nagpasimula sa mga reklamo.
"Hala Señor tuloy pa ba?"
"'Di ba dapat ipagpaliban muna ito! dahil sa nangyare!"
"Hala dapat maparusahan yung babaeng yon? or lalakeng yon?"
"Tungaks babae yon!"
"Lalake siya!"
"BABABE!"
"LALAKE!"
"HOY MAGSITAHIMIK KAYO! BASTA TULOY ANG CLASS IDENTIFICATION!" Sigaw naman ni Señor Migs na ume-echo pa, hala paano niyang nagagawang parang isang speaker ang bunganga niya hahaha.
"Hoy Kali, bakit mo naman ginawa kanina 'yon?" Mapang-usisang tanong naman ni Soliel habang naglalakad kami, si Kuya naman ay nakatingin lang sa lupa, dahil siguro sa hiya, pinatitinginan at pinagbubulu gan kase siya ng mga nadadaanan namin.
"Ano kase, uhm, ano, uhm, paano ko ba sasabihin 'to?" Naguguluhang saad ni Kuya
"ETITS! ayos ka lang ba? May masakit ba sa iyo? Hala baka linalagnat ka? Dalhin kita sa clinic?" Mga sunod-sunod at malalakas na tanong ni Ate Adhira kay Kuya Kali. "Wala-Wala ito ate." Nakangiting saad naman ni Kuya, aba-aba alam ko tong ngiting ganito ni kuya, isa lang ibig sabihin niyan! "Nasaktan na naman puso niya!"
"Hoy Kuya! ano bang nanagyari kanina ah?" Nakataas na kilay na tanong ko...
"Ah ano kase, Ahh, ehhh-"
"Ano? A, E, I, O, U nalang tayo dito Etits?" Pag interupt nu Ate Adhira kay Kuya Kali.
"Ay atat mga friend? Ito na, ito na sasabihin ko n-"
"Bilisan mo kasi Kuya!" Pag interupt ko kay Kuya Kali kaya naman nagtaas ito ng kilay sabay tingin saakin.
"Ikaw na kayang mag kwento? atat ka pa sa akin!" Inis na saad nito, kaya naman napa-peace sign na lang ako.
"N-Nakita ko kaseng may k-kahalikan si Prince R-Rhys." Pabulong ngunit mababahiran ng inis at hiya na saad nito sa amin, kaya nashookt kami sa sinabi niya, what the fucking heck!
"A-ARE YOU IN LOVE AGAIN?!" Sigaw ko sabay tumalin ng tumalon, waaaah my Kuya is in love again! Kyaaah
"GUIA!" Suway naman ni Kuya Kali, Ate Adhira, at Soliel, dahilan para matakpan ko ang bibig ko at mag stand straight...
"I-I think, I'm in l-love again" Nahihiyang turan ni Kuya Kali sa amin habang nakatingin sa ibaba.
...
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
Para naman maka-usap niyo ako ng matino para sa mga updates sa mga story ko, you can add me on facebook, search niyo lang po ang "Dandiv" naka-one name po ako ngayon thanks.
CURRENT AGE OF THE CHARACTERS...
ADHIRA KAMINARI PICOSA
- 18
LUCIAN ADRIEN PICOSA
- 17
SOLIEL BRIGET CYRA
- 17
[PRONUNCIATION: So-li-yel Bri-jet Say-ray]
AKUJI LILITH NAREZZA
- 16
XAVIER INUGAMI LUZSLO
- 15
SEPHTIS KALI PICOSA
- 14
VITA GUIA PICOSA
- 14
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top