CHAPTER 45
RAGING...
ADHIRA'S P.O.V
Gosh mga sis! Ang saya saya ko ngayon dahil nakilala ko ang mga ito! At ang pinakamasaya pa ay yung tatawagin nila akong Ate. Hays sa wakas may gagalang na rin sa akin, gagong Lucy kasi, tunay ko siyang kapatid tapos mas matanda pa ako sa kanya, ni minsan 'di 'ko man lang siya narinig na tawagin akong ate amp!
By the way, hahaha nandito pala kami nila Gi, Sol, at ni Etits sa gitna ng gymnasium at nakapila na, ngayon na daw kasi ilalahad ang section kung saan kami nabibilang, ang posisyon namin ay ganito, Ang una sa amin ay si Etits, Ikalawa si Gi, Ikatlo ay si Sol, at ako naman ang nasa hulihan nila.
"Ate! huhuhu dyusme baka hindi talaga ako holder baka maging bravous ako dyusme huhuhu ayoko doon ang hirap daw ng training nila doon." Biglaang saad sa akin ni Sol, kaya naman naputol ko ang pagmomonologue ko, potek ang OA ah.
"Hays alam mo Sol, kahit saan ka pa mapunta, magpasalamat ka na lang, kesa naman wala kang section 'di ba?" Magulong saad ko sa kanya. Sensya na, mahina ako sa mga seryosong pagpapayo hahaha. Bigla namang kumunot ang noo ni Sol sa sinabi ko na nagpasamid saakin.
"Hays ate, wala namang sense yung sinabi mo, lalo lang akong kinabahan, baka yung maging resulta ay wala akong angkop na section, tapos makikick-out ako sa school, tapos uuwi ako, tapos malalaman nila mama na nakick out ako sa school, tapos itatakwil nila ako dahil doon, tapos magpapagala-gala nalang ako sa lanaangan, tapos pagdidiskitahan ako ng mga manyak, tapos i-rerape ako, tapos, tapos, WAHHHHHH! MAMATAY AKO!" Over Acting na sigaw niya, kaya napatingin sa amin ang ibang mga Irisian, potek kakahiya 'tong babaeng to kapag nagpapanic hahaha.
"Gagi 'wag ka ngang Over Acting diyan hahaha, ipanatag mo na lang ang iyong isip mo tungaks, atsaka tignan mo yung mga taong nasapaligid sayo nalang nakatingin dahil sa sigaw mo kanina." Pagpapakalma ko sa OA na babaeng 'to.
Tumingin naman siya sa paligid at kita niya ngang maraming tao ang nakatingin sa kanya kaya ang gaga, mabilis na humarap saakin at yumuko hahaha pero kita parin ang pamumula ng pisngi niya. 'Yan sigaw pa hahaha. Ilang oras pa ang lumipas at palapit na kami kay Cloppy.
"Ate gusto mo ma-una kana?" Saad sa akin ni Kali habang nakatingin ito sa akin at halatang kinakabahan. Potang mga 'to, sobrang mga OA hahaha. "Etits ang O-OA niyo, sige na nga palit na tayo." Saad ko sa kanya, hays bakit ba sila kinakabahan, parang mga tanga.
"Ate." Pabulong na tawag ng pansin saakin ni Guia. "Oh, ano na naman 'yan Gi?" Tanong ko. "Diba may pak-pak ka na kulay blue?" Tanong naman ni Gi sa akin. "Oo, bakit?" Tanong ko din sakanya.
"Pansin ko lang nitong nagdaang araw, bakit wala na ang mga ito?" Tanong nito saakin, ay oo nga pala 'di 'ko nasabing kaya kong hubarin at itago sa mga ulap ang mga yon hahaha. "Ay oo nga pala, kaya 'ko kasing hubarin at itago sa mga ulap ang mga iyon, pansin mo ba nung isang gabing biglang kumidlat at kumulog ng sobrang lakas?" Tanong ko dito.
"Opo, sa katunayan nga natutulog ako non at nagising ako dahil sa lakas ng kalabog ng kulog at kidlat na 'yon" Saad ni Guia. "Ako ang may kakagawan non. Binato ko kase ng biglaan yung pak-pak ko haha, tapos ayun natamaan ata non ang lugar ng Ustados De Brisa Unidos hahaha." Saad ko dito, bigla namang gumuhit ang pagtataka sa mukha niya.
"Eh, paanong tatamaan ang Ustados De Brisa Unidos doon 'di ba nasa airplane naka-locate iyon?" Takang tanong nito saakin na kinasamid ko.
"Tungaks. 'Di ba nasabi ni Nay Aurelia na ang Ustados De Brisa Unidos ay walang tiyak na lokasyon hahaha naglalakbay lang ito ng malaya sa hangin at himpapawid." Saad ko naman na nagpanganga kay Guia.Napatawa ako sa reaksyon ni Guia.
"WEHHHH!" Sigaw naman nito dahilan para makakuha na naman kami ng pansin, ano ba ang mga Fantasian na ito, ang O-OA hahaha.
"Uy Guia naman 'wag kang masyadong sumigaw tignan mo pinagtitinginan na naman ako ng mga 'to haha chos lang ikaw ang pinagtitinginan haha 'di ka ba nahihiya?" Natatawang tanong ko sa kanya. Tila wala namang paki-alam si Guia.
"Ah bakit naman ako mahihiya ate. This is me! WALA SILANG PAKE KAHIT MAG-INGAY AKO!" Sigaw nito kaya napa face palm na lang ako. Potek na Gi talaga hahaha pero atleast proud siya kung sino siya.
"Vita Guia Picosa! kanina kapa sumisigaw diyan ano bang problema mo?!" Taas kilay na saad sa kanya ni Kali hahahs at ang gaging Gi ayun nanahimik. Tsk, tsk, tsk, medyo malakas parin ang commanding skill ni Kali hahaha.
Ilang saglit pa ay nandito na ako sa harap ni Cloppy. Siyet na malagkit ang kyut niya. "Ms. Picosa, you can touch Cloppy now." Utos ni Señor Migs sa akin na agad ko namang ginawa. Hinawakan ko si Cloppy.
"CLOP! CLOP! CLOP!" Saad ni Cloppy at biglang nag iba-iba ito ng Kulay. Red, White, Black, Green, Yellow, Brown. 'Yan ang mga kulay na makikita kay Cloppy ngayon.
Pagkatapos ng ilang segundo ay biglang tumigil sa color red ang kulay ni Cloppy na nangangahulugang. "Congrats Ms. Picosa, Ikaw ay isang Mighties please pumunta kana sa iyong respective flag, NEXT!" Saad sa akin ni Señor Migs na ikinanganga ko!
Potek Mighties pala ako hindi bearer huhuhu, pakilala ko pa naman sa mga kasamahan ko bearer ako hahaha.
"Hala ka ate Mighties ka pala hahaha." Tawang saad naman ni Gi. "Dyusme ate akala ko ba bearer ka." Saad naman ni Kali. "De tungaks di ko alam kung anong class ako nabibilang non hahaha." Saad ko sakanila...
"Oh sige na punta kana doon sa flag mo ate." Saad naman ni Sol hahah buti pa si Sol 'di matanong, Kaya nag lakad na ako sa Flag na kulay red at may kamao na simbulo ng Mighties.
(SOLIEL P.O.V: Potek na Ate Adhira 'yan 'di pala alam yung class pero sinabi na sa amin agad hays.)
Nang makalapit ako dito kitang-kita ko naman na may nagkukumpulang mga tao dito sa hanay na kinabibilangan ko.
At nang lumapit pa ako ay nakita ko ang prinsesang palanguti na nakikipag-usap sa mga Fantasian na nakapaligid sa kaniya, so dahil nandito siya sa hanay ng mighties, ang ibig sabihin ay Mighties din siya, ang galing naman ng pamamalakad ng paaralang ito, sobrang fair dahil walang Rolayties-Royalties sa kanila, ihahalo at ihahalo sila. Lumapit din ako sa Prinsesa para makipag usap.
"Hello there Princess Zen, Do you mind if I talk to you?" Paghingi ng pahintulot ko sa prinsesa dahil alam niyo na baka isa rin siya sa mga maarteng royalties hehehe.
"Oh no. Sure let's talk, ate." pagpayag naman niya, kaya naman lumapit ako sakanya, at nakidaan sa mga taong nakapalibot sa,kanya.
"Excuse me po..."
"Excuse me po..."
"Excuse me po..."
"Excuse me po..."
"Excuse me po..."
"Hay! nakadaan din. May konti lang akong katanungan sa iyo Princess Zen." Nakangiting saad ko sa prinsesa, gusto ko lang namang itanong kung ayus lang ang kaharian nila balita ko kase gumuho ang isang tore ng kanilang kaharian dahil sa kagagawan ko hehehe 'di 'ko naman po kasi sadya iyong pag-itsa ko ng pakpak ko sa kaharian nila, aba malay ko bang nasa taas pala namin at lumutang ang kaharian nila hehe, pero siyempre dahil nga may nasirang istruktura ay kailangan kong humingi ng tawad sa kahit sa prinsesa man lang, baka kase may nadamay pang mga tao dahil doon hehehe. "Sige naman Ate, kahit ano." Nakangiting saad ng prinsesa saakin, siyet ang cute niya!
"Uhm gusto ko lang sanang tanungin kung ayos lang ba ang kaharian niyo, balita ko kasi may napakalakas na kidlat ang tumama sa kaharian niyo princess" Malungkot na saad ko. "Ay oo ng Ate, nabuwag nga ang isa sa mga tore ng aming kaharian dahil doon." Malungkot na saad nito.
"Nakakaawa ka naman princess"
"Oo nga sana okay lang ang mahal na hari, mahal na reyna, at si Baby Mahal Prince habagat!"
"Hays, princess hayop yung nagpakawala ng kidlat na yon."
Ilan lang yan sa mga plastic na komentong narinig ko, tss, pa-good Fantasian mga gago!
"Wala naman bang nasaktan Princess?" Tanong ko sa Prinsesa.
"Ah, Deus Bless naman at walang nasaktan, by the way bakit niyo po ba pala natanong ate." Tanong ni Princess Zen saakin, shit sasabihin ko ba o hindi ah! Kinakabahan ako baka ipabugbog ako nito sa mga Fantasian na nakapalibot saamin ngayon.
"Wala gusto ko lang sanang humingi ng tawad dahi-"
"CLOOOOOOOOOOOOOOOOOOP!" Sigaw ni Cloppy....
Naputol ang aking sasabihin ng biglang sumigaw si Cloppy ng napakalakas at nakakarindi kaya napatakip ako sa aking tenga at ganon din naman ang lahat ng nandito at napa-upo din dahil sa lakas ng kanyang sigaw at-at may halong Death Aura ito kaya naman ng matapos ang sigaw ni Cloppy ay tumingin ako sa kinalalagyan niya, at kita ko naman si Kali na nakatayo sa harapan ni Cloppy habang hawak-hawak ito.
...
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
Para naman maka-usap niyo ako ng matino para sa mga updates sa mga story ko, you can add me on facebook, search niyo lang po ang "Dandiv" naka-one name po ako ngayon thanks.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top