CHAPTER 38

ROYALTIES…

PRINCE RHYS' P.O.V

Nang makalabas na ako sa kwarto ni Sephtis ay nakita ko naman silang masayang nag-uusap ng mga kaibigan niya. "Parang kami lang ng grupo." Nasaad ko naman.

Pero napansin ko lang na wala ang gungong na prinsepeng si Tantan kaya naman naisipan kong magtanong sa mga binibining kasamahan ni Sephtis…

"Uhmm mga binibini nasaan ang kasama ko kanina?" Tanong ko sa kanila, dahilan naman para makuha ko ang kanilang atensyon…

"Uhmmm, umalis siya noong tinulungan at pinuntahan mo si Kali." Saad naman nung babaeng may sungay. I think outcast ang tawag sa race niya, pero bakit lagi siyang nakatingin sa baba? So weird.

"Sige wait niyo lang ako ah. Puntahan ko lang siya at papabalikin siya rito upang humingi ng tawad, humanda talaga ang pilyong prinsepeng 'yon sa akin!" Piss-off na saad ko sabay lakad pabalik sa daanang patungo sa kwarto ng gunggong na prinsepeng iyon.

Gunggong na iyon nalingap lang ako ng konti pumuslit na agad. Saan nga ba nagmana 'yon ng kasamaan ng ugali, napakaganda kaya ng ugali ng mga magulang niya…

Binilisan ko pa ang aking paglalakad hanggang sa makapunta na ako sa tapat na pinto ng kwarto ng gunggong na prinsepe at binuksan ito…

Pagkabukas ko naman ay nakita kong nagtatawanan ang grupo at ang gungong na prinsepe. Ngunit nang makita nila ako sa harap ng pinto ay nagsitahimk ang mga ito.

"PRINCE ELIOR DRITAN FARO OF CAZA DE LUZ! BAKIT KA UMALIS KANINA AH?!" Galit na sigaw ko dito. Nakita ko namang napangiwi silang lahat

"K-Kase po k-kuya na-bored po ako kanina-"

"Fuck that reason! Hindi mo ba alam na kapakanan mo rin ang inaalala ko rito?! Paano kung hindi ka nila patawarin at i-report ka ng diretora sa mga magulang mo?! Oh edi 'di kana nakapag-aral, pinagkatiwala kayo ng mga magulang niyo sa akin, paano na lang kung malaman nilang gumagawa lang pala ako ng mga palusot para lang magawa niyo ang mga layaw niyo kahit mali ah?!" Galit paring sigaw ko ko kay tantan…

"T-Triste ku-"

"Huwag ka sa aking mag-triste. Hali kayo sumama kayo, tayong lahat ang mag-titriste tayo sa grupo ni Sephtis!" Saad ko sa kanila.

"Hoy Rhys bakit pati ako damay diyan ah?" Naiinis na tanong ni Prince Breeze Sail Summer, kapatid ni Guenevere, prinsepe siya ng Republica de Agua, may pagkamayabang, babaero, at direct to the point si Prince Breeze Sail Summer, oh mas kilala sa palayaw niyang Breeze…

"Bakit Breeze may angal ka? Gusto mo bang isumbong kita sa mga magulang mo at mapa-uwi ng 'di oras diyan?" Galit na tanong ko kay Breeze. Nakakapikon din minsan pagka-direct to the point niya…

"Tss, crying baby pa nga ang laki na sumusumbong pa. Kahit kailan hindi ka magiging katulad ni Kuya Light yan ang tandaan mo. Kase kaya tayong manduhan ni Kuya Light ng walang halong pananakot." Diretsuhang saad nito na nagpabigla s aakin…

"Breeze! Bakit pati patay dinadamay mo! Minsan kailangan mo ring itikom 'yang bibig mo. Alam mo dapat ang limitasyon mo sa mga sinasabi mo! Masyado kang insensitive!" Sigaw sakanya ni Princess Earth Shainery Rock-hard, Prinsesa ng  Soberania das Terras, small but terrible ang tawag sa kanya dahil sa liit niyang nasa 5'4 ay sobrang tapang naman nito. Sa totoo nga ang tawag sa kanya ay siling labuyo, maliit ngunit ma-anghang, isipin mo ba namang ang kaninang matapang at direct to the point na si Breeze ay napatahimik ni shaine.

"Oo nga, Breeze, grow-up. You are one of the prince." Puna rin naman ni Guen na kapatid niya.

"Ayan mo na siya Shaine at Guen, totoo naman ang sinasabi niya. Hindi naman ako magiging katulad ni Kuya Light, but I can be your Kuya Rhys. No need to defend me." Seryosong saad ko. Ngunit sa loob-loob ko ay napakasakit nung sinabi ni Breeze na iyon, but I need to be mature, I need to hide my own feelings, so that, the people around me will be okay at para hindi rin sila mag-alala.

"Kuya let me hug you, I know you felt the pain inside - but by this hug, all your pains will disappear!" Masayang saad sa akin ni Princess Amaya Kazane Gale, prinsesa ng Estados de brisa unidos, pinakabata sa amin at pinakamalambing sa amin, siya ang nagiging comforter ng grupo kapag merong problema ang isa…

"Thank you Zen." Pagpapasalamat ko sa prinsesa.

"Sumunod na lang tayo kay kuya, "Pack one, Pack all nga." Don't be selfish." Seryosong saad ni Prince Glenn Daichi Rock-Hard, prinsipe ng Soberania das Terras, kambal ni shaine at itinuturing na matanda sa kanilang dalawa dahil naunang nailabas si Glenn bago si Shaine. Ikatlong bunso sa amin, ngunit may mature na pag iisip. Mature pa ata mag-isip sa akin 'to eh, kahit kase sa murang edad ay may kakayahan na itong maging pinuno, dahil sa galing nitong maghanap ng solusyon sa problema at sa galing nitong mag manage sa mga sitwasyon na talaga namang napakasama tulad nitong nagkakainitan kami.

"So it settle guys. Tara na sumunod tayo kay Kuya Rhys." Maligalig na saad Zen kaya naman nag si tayo narin ang iba…

Lumabas narin ako sa pinto at ako na ang nagpati-unang maglakad sa hallway… Dinig naman ang tilian dito sa loob ng hispital…

"OMG beshiwappiwapli ang mga Royalties nandito sa hospital at nag lalakad!"

"Mga seswang ina tinatawag ko kayong lahat! Upang matignan niyo ang kagwapuhan ni Prince Dritan!" 

"Bhie akin lang si baby slash mahal slash asawa kong si Prince Rhyss, I love you Prince Rhys!"

"PRINCESS SHAINE WE LOVE YOU!" 

"Princess Guen you're so beautiful today!"

"Uyyy papy Prince Glenn ngitian mo lang kami pwede na kaming mamatay bukas!"

"WAHHHH ANAKAN MO KO BABY PRINCE BREEZE!!"

"GAGA 'WAG KANG MANGARAP AKO UNANG AANAKAN NIYAN!"

"Wala akong aanakan sa inyong dalawa, pero pwede ko naman kayong tikman." Singit naman ni Breeze habang suot ang kanyang killer smile, tsk babaero…

"WAHHHH PWEDENG PWEDE PRINSEPE GUSTO MO MAGHUBAD NA KO NGAYON?!"

"GAGA AKO MUNANG MAG HUHUBAD!" Saad naman ng isa sa babae hanggang nagsabunutan na sila dahil doon hahaha, kita naman ang tawang-tawang itsura naming magkaka-grupo pwera siyempre si Glenn na parang ninakawan ng emosyon…

Ilang oras pa ay nakarating na kami sa harapang pinto ni Sephtis. Nakita ko namang medyo bukas ang pinto kaya kumatok muna ako bago ako sumilip, wala naman akong nakitang tao. Kaya ng makita ko ang healer na umasikaso kay sephtis kanina ay nag tanong na ako sa kanya…

"Healer, maaari ko bang matanong kung saan niyo nilipat si Sephtis?" Tanong ko sa healer…

"Hindi namin siya inilipat mahal na prinsepe, maaaring nandiyan lang siya sa kabilang kwarto kung saan naka-confine ang dalawa sa kanyamg kaibigan." Sagot naman nito.

"Maraming salamat kung ganon." Pagpapasalamat ko sa kanya. "Walang anuman po." Saad naman nito sabay lakad paalis

"So guys kakatok lang ako dito sa kabilang kwarto ah, kase baka nandito daw ang hinahanap natin." Saad ko sa kanila. Kaya naman lumapit ako sa pintong itinuro ng healer sa akin at kumatok ng ilang beses…

Nang nagbukas naman ito at sumilip ang babaeng demonyo at doon ko nakumpirmang nandito nga sa loob ng kwartong ito sila Sephtis. Kaya naman sinabihan ko ang kapwa ko prinsepe at prinsesa na humanda at gagawin namin ang paghingi ng tawad.

"Guys, mag-ayos na kayo at siguraduhing nasa tamang linya kayo para maayos naman ang paghingi natin ng tawad." Saad ko sa kanila na tinalima naman nila.

"Guys nandito ang mga prinsepe at prinsesa." Saad naman ng bababeng outcast at binuksan ng malawak ang pinto. Kaya naman sumenyas na ako para masimulan na ang aming balak gawin.

"Kami ang mga prinsesa at prinsepe ng iba't ibang kaharian dito sa Mundo da Fantasia, narito kami upang hingin ang inyong tawad sa kaguluhang ibinigay sa inyo ng isa sa aming kaibigang prinsepe." Sabay-sabay naming saad. Katapos nun ay pumasok kami isa-isa, huling pumasok si Breeze. Ngunit nagulat kami sa naging reaksyon ng babaeng may pula ang buhok…

"IKAW! WALANG HIYA KA!" Sigaw nito kay Breeze sabay lapit dito at ilang sandali pa ay…

(PAK!)

Dinig ang malutong na sampal nito kay Breeze….

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story 
( ╹▽╹ )

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top