CHAPTER 37
IN LOVE AGAIN...
GUIA'S P.O.V
"Uy, matagal pa bang gumising si kuya?" Tanong ko dito sa prinsepe na nakahalik padin ngayon kay Kuya Kali, pero aaminin ko na ang gwapo ni koya mo.
"Oo matagal pa wag mo nga akong kausapin muna." Sagot naman ng prinsepe gamit ang TeleCom.
Kung nagtataka kayo kung bakit hindi ako naaapektuhan ng Death Aura ni kuya kali ay dahil ito sa aking Life Force. Itinuro sa akin ni Life ito noon minsang nagsanay kami baka daw kase magamit ko, at ito nga nagamit ko din sa wakas.
[Life force – ang kakayahan ng mga light category hold na ipalabas ang kanilang Light Aura; ito ay kabaliktaran ng death aura lalo na sa epekto nito sa kanyang kalaban, ang layunin ng death aura ay manakot o pumatay, ang layunin naman ng life force ay magpagaan ng nararamdaman at manghilom.]
Nagpatuloy lang ako ng pagpapadaloy ng Energia sa prinsipe at ipinapasa naman niya ang Energia niya at Energiang nakukuha niya sa akin kay Kuya Kali.
Ilang saglit pa ay bigla na lang nawawala ang kulay puting liwanag na lumalabas kay Kuya Kali, parang kinakain ng death aura ang liwanag at unti-unti na lang itong nawala na parang bula. Dahan-dahan namang bumuka ang mata ni Kuya kali.
May naisip naman ang utak ko na isang kalokohan hahaha.
"Ayos kana na ba?" Tanong ng prinsepe ngunit sinapak lang siya ni Kuya Kali at tumilapon sa pader hahahaha, alam niyo na naisip kong kalokohan haha...
"Fuck!" Nasasaktang saad naman ng prinsepe. Shit na sobrahan ata kalokohan ko, ginamit ko lang kase ang Salvation illusion sa ka ilang dalawa.
"Ano bang ginawa ko sa iyo? Bakit mo ako sinapak?" Tanong ng prinsepe habang tumatayong pinupunasan ang bibig na dumudugo, hala napasobra nga ata.
"Sino kaba ah! Bakit ka nang hahalik!" Mataray na tanong ni Kuya kali. "Ah, isa lang naman akong prinsepe na tumulong para maka-survive ka kanina at kaya naman kita hinalikan, dahil ipinapasa ko sa iyo ang Energia ko na nagpanumbalik ng lakas mo ngayon!" Galit na saad naman ng prinsepe kay Kuya Kali haha ang cute nilang tignan. Sign na ba na magkakaroon na ng ka-kompetensya ang tambalang LUVIER.
"T-Triste, hinalikan mo kase ako a-at tinanong m-mo kase ako kung n-nasarapan ba ako." Nahihiyang paghingi ng tawad ni Kuya Kali, haha ngayon ko lang nakitang mahiya ng ganito si kuya ah.
"Excuse me! Wala akong sinabing ganyan, ang sinabi ko kanina ay "Ayos ka na ba?" wala akong sinabing nagustuhan mo ba. Grabe ang lakas pa naman ng sapak mo sa akin, dapat ata gumanti ako at sapakin ka rin!" Nagagalit na saad ng prinsipe na nagpatawa sa akin ng malakas
"HAHAHAHA. IT'S A PRANK! Triste po mga kuya hahaha sorry prinsepe, kase ako ang may gawa noong pagkamaling dinig ni kuya sa sinabi mo hahaha." Tawang-tawang saad ko ngunit ng mahimasmasan ako. Itong dalawang magkaparehong ekspresyon ng mukha ang tumambad sa akin, ngunit hindi ko sila pinansin at tumawa lang ako ng tumawa hanggang sa.
"VITA GUIA PICOSA!" Galit na sigaw ni kuya sa buong pangalan ko. Lagot na! Ibig sabihin nito ay napikon na talaga siya sa akin, kaya naman nag-ayos ako at tinigilan ang pagtawa ko at umayos ng tayo.
"Yes kuya?" Nanginginig na saad ko.
"Bakit mo ginawa iyon?! Sa tingin mo ba magandang asal yung ginawa mo?! Dahil sa ginawa mo ay naka sakit pa ako ng Fantasian na tumulong sa akin!" Galit na sermon sa akin ni Kuya Kali.
"Life, baka naman pa help." Pagkausap ko kay Life gamit ang isip ko.
"Hay nako Guia kasalanan mo 'yan, ginamit mo pa Hold natin sa walang kwentang bagay kaya face your consequence!" Galit din na saad ni Life sa akin. Naku! Ano ba kaseng naisip ko.
"T-Triste po k-kuya, patawarin niyo po ako." Saad ko. Sabay nag-beautiful eyes ako. Huminga naman ng malalim si kuya.
"Hays Guia, gusto mo bang i-report ko itong pagka-childishness mo kay Nay Aurelia at mapa-uwi?!" Pagbabanta ni Kuya na ikinatakot ko naman
"Uy, sobrang triste na kuya, triste na talaga kuya. Huwag mong gagawin 'yan." Nanginginig paring saad ko. Baka totohanin niya ang mga banta niya at mapa-uwi ako ng 'di oras diyusmiyo marimar! Naghahanap pa ako ng forever dito sa akademyang ito!
"Sige kung talagang tunay ang paghingi mo ng tawad ay sabay tayong yumuko at humingi ng tawad sa mahal na prinsepe." Seryosong saad nito na ikinangiti ko naman, dahil sa alam kong hindi na niya gagawin ang banta niya.
"Yey, yun lang ang gagawin kuya?!" Nakangiting tanong ko kay Kuya Kali.
"Gusto mo bang tutuhanin ko yung mga banta ko?" Seryosong saad naman nito kaya napangiwi ako at umiling agad. Tumayo naman si kiya kali at kinuha ang aking kamay sabay kaming nagbow sa harap ng prinsepe.
"Mahal na prinsepe, patawarin niyo po kami sa aming kalapastanganan." Nakayukong paghingi ng tawad ni Kuya kali sa prinsepe.
"HAHAHA, ano ba kayo. Itaas niyo na nga mga ulo niyo, nagbibiro lang ako kanina 'wag niyo namang seryosohin, by the way, kumusta naman pakiramdama mo?" Tanong naman ng prinsepe kay Kuya Kali.
"Okay naman na po, salamat po pala sa pagtulong sa akin kanina." Nahihiyang saad ni Kuya Kali sa prinsepe. Hala anong nangyayari rito, parang I smell something fishy kay kuya ah! hahaha.
"Wala 'yon, pero nasarapan kaba? hahaha" Pabirong tanong naman ng prinsepe kay Kuya Kali, ngunit ang kuya nyo ayon. Parang naging mansanas sa hiya ba o sa kilig? Hahaha.
"Uyy biro lang baka sapakin mo na naman ako haha." Tumatawang saad naman ng prinsipe.
"Uyy Guia nasaan pala ang mga kasama natin?" Pag-iiba ng tanong sa akin ni Kuya Kali.
"Nasa labas sila Lilith, Ate Adhira, at Soliel, sila Xavier naman at Kuya Lucian ay nasa kabilang kwarto nagpapahinga, napuruhan din kase si Kuya Lucian at Xavier katapos mong mahimatay nang tamaan ka ng Hold ng gung-gong na iyon." Paliwanag ko maman kay Kuya Kali.
"Walang hiya talaga ang lalaking iyon nandamay pa siya ng malapit sa akin. Hay humanda talaga siya kapag nakita ko siya, kukuhanin ko talaga ang isang daang porsiyento ng buhay niya!" Nanggigigil at puno ng poot na saad ni kuya Kali. Kita ko naman ang pagngiwi ng prinsepe.
"Grabe ang brutal mo naman, by the way. Kaya rin ako nandito ay para rin sana hingin ang kapatawaran niyo sa ginawa ni Prince Elior Dritan Faro sa inyo, kung 'di mo siya kilala, siya yung umatake sa inyo kanina. Nandon ngayon siya labas at hinihintay kang gumising upang pormal na makahingi sa inyo ng tawad." Paliwanag naman ng prinsepe kay kuya kali.
"Ah ganon ba sige." Saad lang ni Kuya Kali at namumula na naman ito. Siyet! anong nagyayari kay kuya.
"Kuya nilalagnat kaba?" Tanong ko rito, uhmm biglain ko nga siya haha.
"Hindi naman bakit?" Tanong naman nito.
"Kase napakapula ng mukha mo o baka naman kinikilig ka niyan? hahaha." Sarkastikong biro ko kay kuya na nagpagalaw sa kanyang mata ng sobrang gaslaw. Naku, pahiwatig na ba ito na nainlove na ulit ang kuya ko?
"S-Saan naman ako kikiligin aber? T-Tara na nga! Dami mong alam!" Saad ni kuya saakin sabay hila saaking kamay palabas. Nangkalabas naman namin ay naabutan namin ang tatlo na nakapikit at nakuyukong nag dadasal.
"LILITH, SOLIEL, ATE ADHIRA!" Sigaw naman ni Kuya Kali dahilan upang mapatingin ang iba pag mga Fantasian dito sa hospital, potek medyo nakakahiya.
Sabay naman tumakbo si Kuya Kali at yinakap ang tatlo.
"Uyy Etits nag-alala kami sa iyo." Saad ni ate Adhira habang hinahagod ang likod ni kuya.
"Hay, Kali, nag-alala talaga ako para sa iyo lalo pa ng malaman kong critacal daw ang kalagayan mo." Saad namana ni Soliel nang humiwalay siya sa yakap nilang apat.
"Uhmmm, Kali nag-alala rin ako sa iyo." Saad din naman ni Lilith ng humiwalay din siya sa yakap nilang apat.
"Uhm mga binibini nasaan ang kasama ko kanina?" Singit na tanong naman ng prinsepe.
"Uhmmm, umalis siya noong tinulungan at pinuntahan mo si Kali." Saad naman ni Lilith.
"Ay ganon ba? Gagong lalaking 'yon talaga napakatigas ng ulo!" Naiinis na saad ng prinsepe.
"Sige wait niyo lang ako ah, puntahan ko lang siya at papabalikin siya rito upang humingi ng tawad. Humanda talaga ang pilyong prinsepeng yan sa akin!" Piss-off na saad nito sabay lakad paalis.
"Oww nasan pala sila Kuya Lucian at Xavier?" Tanong ni Kuya Kali ng masigurado naming nakalayo na ang prinsepe.
"Tara puntahan natin sila nasa kabilang room sila." Sagot naman ni Ate Adhira sabay tayo at lakad sa kabilang pinto na katabi ng kwarto ni Kuya Kali.
Nang pagkabukas namin ng pinto ay kita namin ang dalawang magkasintahan na nagsusubuan ng pagkain. Kaya gumana naman ang mannerism ni Ate Adhira na pagiging mausyoso.
"Sana ol nagsusubuan ehem-ehem, sana ol! Sana ol!" Saad ni Ate Adhira na kinatawa naming lahat.
"Can you please shut the fuck up, bitch." Pambabara naman ni Kuya Lucian kay Ate adhira. Hahaha burn talaga si ate kapag si Kuya ang bumanat sa kanya.
Kita ko maman ang pamumula ng pisngi ni Xavier dahil sa hiya ang cute lang niya hahaha.
"Hey Xavier, ayos na ba pakiramdam mo?" Tanong naman ni Kuya kali kay Xavier. "Oo naman Kali, strong kaya ako haha." Tawang saad naman ni Xavier kay Kuya kali.
"Uhmmm, buti naman at ayos lang kayong lahat." Singit naman ni Lilith. "Siyempre strong ata mga kaibigan mo!" Masayang saad naman ni Kuya Kali sa kanya.
"Oh Kali kumain ka rin muna para bumalik ang lakas mo." Alok naman ni Soliel ng pagkain kay Kuya Kali." Salamat Soliel, grabe napaka-bless ko na mayroon akong kaibigan na gaya niyo." Maligalig na saad ni Kuya Kali sabay lamon sa isang tinapay na hawak niya.
Nag-usap pa kami ng nag usap at kumain lang maman ng kumain si Kuya Kali...
Makalipas ang ilang oras ay napatigil kami sa isang katok na nanggagaling sa labas ng pinto.
Lumapit naman si Lilith para buksan ang pinto.
"Guys nandito ang mga prinsepe at princessa." Simpleng saad lang ni Lilith at malawak ma binuksan ang pinto at tumambad saamin ang nasa pitong na Fantasian.
"Kami ang mga prinsesa at prinsepe ng iba't ibang kaharian dito sa Mundo da Fantasia. Narito kami upang hingin ang inyong tawad sa kaguluhang ibinigay sai nyo ng isa sa aming kaibigang prinsepe." Saad nila na nagpagulat namin.
...
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
Para naman maka-usap niyo ako ng matino para sa mga updates sa mga story ko, you can add me on facebook, search niyo lang po ang "Dandiv" naka-one name po ako ngayon thanks.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top