CHAPTER 36

PUNCH...

PRINCE RHYS' P.O.V

"Miss Picosa! Malala na po ang lagay ng kapatid niyo, kailangan na niya po ng isang mataas na uri ng Healing Hold na magsusuplay sa kanya ng energia, dahil paubos na po ang Energia niya." Nangangambang saad ng isang healer sa bababeng may puti ang buhok na sumampal kay Tantan.

"Ako miss. I have a higher level Healing Hold, pwede ba akong tumulong?" Pagpepresinta ko, dahil meron ata akong higher level Healing Hold.

"Sumunod po kayo sa akin mahal na prinsepe at kung meron pa sanang isa sa inyo na may higher Healing Hold ay kung pwede ay sumama na rin, dahil mas makabubuti kung maraming magsusuplay sa kanya ng Energia." Dagdag pang saad ng Healer.

Ngayon nga ay pumasok na kami sa kwarto kung nasaan si Sephtis Kali Picosa, ngunit nang kapasok naming tatlo ay talaga namang literal na nanginig ako sa nakakatakot, dahil sa Death Aura na sumalubong sa akin at nang tignan ko naman ang kasamahan kong Healer ay pati siya ngayon ay nanginginig na parang takot na takot ito. Pero 'yong babaeng may puting buhok ay 'di man lang natinag at parang wala lang sa kanya ang Death Aura na halos magpawalan ng malay sa amin ng Healer.

"S-Siya ba ang may gawa nito?" Nauutal at pinagpapawisan na turo ko sa babae ba ito o lalaking nakahiga at naglalabas ng itim at puting Energia sa katawan nito.

"O-Opo mahal na prinsipe. Kaya pina-alis ko muna lahat ng mga p-pasyenteng naka-confine malapit sa kwarto niya." Nauutal at nanginginig ding saad ng Healer na tumawag sa amin kanina.

"Ano ba ang findings sa kanya?" Tanong ko ulit sa healer. "I-Invasion po ang findings sa kanya. Naapektuhan p-po ni P-Prince Elior a-ang dimensyon ng Hold Being ng lalaking 'yan, dahil isa po atang Dark-related Holder ang lalaking i-iyan." Saad naman nito na tila ba ay 'di na kaya pang matagalan ang takot na nararamdaman niya at ano mang oras ay babagsak na.

"Sige na k-kami ng bahala rito maaari ka ng lumabas. Mukhang hindi mo na kase makayanan ang sensasyon." Utos ko sa kanya na agad naman niyang tinalima at patakbong lumabas ito.

"Hey miss, simulan n-na ba natin ang pagsasalin ng Energia sa Ate or Kuya mo? ano bang kasarian niya?" Saad ko na may haling pagtatanong , dahil akala ko noong una ay babae siya dahil sa physical appearance niya ngunit ng sinabi ng nurse na "ang lalaking 'to" ay doon na ako naguluhan.

"Ah sige po simulan na natin ang pagsasalin, para naman po sa sagot sa tanong niyo tungkol sa kasarian ng kapatid ko "Kuya ko po siya" at "lalake po siya." Wait po ano po pala ang unang gagawin bago maisalin ang Energia sa isang nilalang?" Tanong nito na nagpasamid sa akin, potek akala ko naman alam na niya ang gagawin.

"Ang kailangan mo lang ay halikan siya. Ikaw na kayang humalik tutal babae ka, pangit naman atang tignan kung kaming dalawang lalake ang maghahalikan 'di ba." Saad ko naman dahil talaga namang pangit tignan kung ako ang hahalik sa kanya – pero kung titignan mo ang labi ng nakahigang nilalang na ito ay tila ba ay kaysarap nitong halikan, wait! What the fuck! Ano itong iniisip ko.

"Uyyy kuya 'di mo ba narinig sinasabi ko? kanina pa ako daldal ng daldal 'di ka naman pala nakikinig." Inis  na saad ng babaeng may puting buhok. Wala man lang siyang kapormal-pormal sa katawan, 'di man lang niya ako matawag na mahal na prinsepe.

"Ah ano bang sinasabi mo?" Tanong ko rito. Pero alam niyo sa sitwasyon ngayon ramdam ko parin ang panginginig ng kalamnan ko kahit binalutan ko na ng invisible fire healer ang buong katawan ko, sobrang lakas naman kase ng Death Aura na pinapakawala ni Sephtis.

"Ang sabi ko, kung ako ang hahalik lalong mali! Hindi ba nga magkapatid kami? Yuck! Kadiri naman kapag ako humalik, ikaw na kase 'wag ka ng maarte. Ayaw mo non ikaw pa makaka-una sa labi ni Kuya Kali hahaha." Tawang-tawang saad nito na kinatiim ng bagang ko. Potek 'di man lang ba siya naaapektuhan ng Death Aura at nakakatawa pa siya ng ganyan.

"S-Sige na nga at gagawin ko na baka mawalan na ng Energia ang kuya mo at mamatay." Pagsuko ko. Saka ako lumapit papunta kay Sephtis.

Ngunit habang palapit ako ng palapit ay nakikita ko namang nasisira ang ginawa kong invisible fire healer. Shit ganito ba talaga kalakas ang Fantasian na ito.

"Oyy kuya bakit todo nginig ka riyan? Halikana nga at bilisan na natin!" Tanong naman bigla ng babaeng may puting buhok sabay hila sa akin. Kaya ang ending, nakalapit nga ako sa katawan ni Sephtis, pero parang mas nauna pang ma-drain ang Energia ko sa kanya.

Halos lumabas naman ang mata ko at nagmukhang ako ng makalapit ako ng tuluyan kay Sephtis. Potek ramdam ko ngayon ang pagkahilo, pero ang pinagtataka ko lang ay para bang 'di man lang naaapektihan ng Death Aura ang babaeng may puting buhok at dara-daretsong pumunta sa tulog na katawan ni Sephtis.

"Gawin mo na kuya ano pa bang hinihintay mo?" Utos nito, wow, parang 'di ako prinsepe sa kanya hahaha.

"S-Sige gagawin ko na pero i-support mo rin ako ah. Ang gagawin mo lang ay siyempre banggitin ang ngalan ng hold mo at ipasa gamitin mo sa akin ang Healing Hold, okay?" Saad ko sa kanya. Nilinaw ko na lahat para 'di na siya magtanong.

"Okay po." Chill na saad nito kaya napanganga na lang ako sa kanya. Potek talaga bang 'di siya naaapektuhan ng ganito kalakas na Death Aura.

Katapos naman ay inilapit ko na ang aking mukha sa mukha ni Sephtis. Shit! Ang ganda niya, mas maganda pa siya sa ibang babae na nagkakandarapa sa akin dito sa Campo de Iris Academy, fuck! Ano ba itong iniisip ko.

"Ano kuya titigan mo na lang ang kuya ko hanggang maubusan siya ng Energia?" Sarkastikong saad nito. Kaya naman sinunggaban ko na ng halik si sephtis at fuck ano iyo bigla na lang tumibok ng mabilis ang puso ko at lalong nanginig ang kalamnan ko, n-nanigas pa si Rhys Junior fuck!

Ngunit sandali kong binitawan ang labi ni Sephtis at bumaling sa babaeng may puti ang buhok, dahil napansin kong hinahawakan lang ako nito, ngunit di man lang tinatawag ang ngalan ng kanyang Hold Being. Potek paano mapapagana ang isang Hold kung 'di mo man lang sinasambit ang ngalan ng Hold Being mo?! Tanging mga ilan sa mga Apresintador at Sampung Anciàos santos lang ang nakakagawa non.

"Uyy ano na? Gamitin mo na ang Hold mo para matulungan mo ako sa pagsasalin ng Energia sa kuya mo!" Inis na saad ko rito na kinakunot naman ng noo niya.

"Ano pa bang ginagawa ko? Kasalukuyan ko ng ginagamit sa iyo ang Healing Touch ko." Saad nito na nagpanganga naman talaga sa akin. Like what the fuck! Paanong mangyayaring 'di man lang niya binanggit ang ngalan ng Hold Being niya!

"H-Hey b-binanggit mo ba ang ngalan ng hold being mo?" Nauutal at nabibilib kong tanong dito.

"Huwag ng maraming tanong halikan mo na lang si kuya hanggang magising!" Mataray na sagot naman nito at saka niya ako dinukdok sa mukha ng kanyang kuya. Kaya naman dikit kung dikit ang labi ni Sephtis sa aking labi. Fuck this girl.

"Aray! Ako na, ako na lang! Kaya ko na man na ang sarili ko ang hahalik." Iritang saad ko rito at pinabayaan niya naman ako.

...

KALI'S P.O.V

"Umpisahan na natin owner!" Saad sa akin ni Death kaya naman tumango ako bilang sagot.

Inumpisahan ko ng itaas ang kamay ko at sumunod din naman si Death sa ginagawa ko.

Nag-focus kami ni Death at inilabas ang one over eight ng aming Death Aura.

"AHHHHHHHHH!"

"AHHHHHHHHH!"

Sigaw naming dalawa ni Death, pero pansin kong hindi parin naaayos ang mga lamat sa dimensyon niya kaya naman nilakasan ko pa at dinamihan ang Death Aurang linalabas ko nasa one over two o kalahati na ng one percent ng Death Aura ko.

"Owner 'wag mong masyadong damihan ang pagpapalabas ng Death Arura mo at baka mawalan ka ng Control at sipsipin lahat ng Energia mo nito." Paalala naman ni Death. "Pwede bang mangyaring masipsip lahat ng Energia ko kahit wala pa sa isang porsiyento ang nilalabas kong Death Aura?" Curious na tanong ko kay Death.

"Owner, hindi ko pa natuturo sa iyo ang pagkontrol ng isang daang porsiyento ng Death Aura na kayang makapatay ng isa sa mga Great Dragon. Kaya naman hangga't hindi ko natuturo ng buo ang paggamit sa Death Aura, kahit isang porsiyento lang ang ilabas mo ay maaari mo ng ikamatay ito." Paliwanag naman ni Death na ikinamangha ko.

"Pagkatapos nating maayos ito, ituro mo na ng masinsinan ang isang daang porsiyento ng Death Aura ah?" Utos ko kay Death.

"Yes owner hahaha". Saad naman nito sabay tawa.

"Kung ganon edi lakasan ko pa para bumilis." Saad ko kaya naman itinaas ko na sa isang porsiyento ang pagpapalabas ng Death Aura ko. Naramdaman ko naman ang kakaibang lamig na sensasyon sa katawan ko at unti-unting panlalabo ng mata ko.

"WHAT THE HECK! SABI KO NG 'WAG MONG IPAPASOBRA O ISASAKTO SA ISANG PORSIYENTO EH!" Naririnig ko pang sigaw na sermon ni Death saakin.

Potek nanlalabo na ang paningin ko, nanlalambot na rin ang mga tuhod ko at humuhina na rin ang pandinig ko.

"OWNER, KAPIT KA LANG MALAPIT NA 'TO! SABI KONA KASENG HUWAG NG IPAPASOBRA O ISASAKTO SA ISANG PORSIYENTO! 'YAN TULOY NANLALATA KANA!" Sigaw pa ni Death.

Ilang sandalipa ay napalihod na ako. "OWNER!! KAPIT LANG!" Sigaw ni Death. Ngunit ilang sandali pa ay napahiga na ako ng tuluyan at papikit na rin ang aking mata.
Ngunit, bigla na lang parang may isang napakagaan na sensasyon ang dumaloy sa aking katawan at bigla na lang nanumbalik ang aking lakas. Kaya naman tumayo ako agad at itinaas muli ang aking mga kamay upang masuportahan si Death at naglabas ako ng kalahating porsiyento ng aking Death Aura.

"Owner mayroong Fantasian nagsalin sa iyo ng Energia." Biglaan saad ni Death. "Oh, ganon ba? Kaya pala biglang gumaan ang pakiramdam ko." Saad ko naman kay Death, pero ang ate niyo tumawa lang.

"Anong nakakatawa Death?" Tanong ko. "Malalaman mo rin kapag nagising kana sa tunay niyong mundo." Saad nito habang nakangisi. Wow, pasusuense. Tinodo ko na naman ulit sa isang porsiyento ang Death Aura ko, ngunit iba na ngayon para bang 'di ako nawawalan ng Energia. Kaya naman inabot ko na ang dalawang porsiyento at bigla na lang parang sinipsip ng kadiliman ang liwanag na gustong pumasok sa mga bitak sa dimensiyong ito.

"Hays, sa wakas Death natapos din, maaari na ba akong bumalik sa aking mundo?" Nakangiting saad ko sakanya. "Oo naman owner, maraming salamat sa tulong." Nakangiting saad nito. Kaya naman pinikit ko na ang aking mata upang bumalik na sa Mundo da Fantasia...

...

Nang naramdaman kong nasa malambot na higahan na ako ay ibubuka ko na sana ang aking mga mata ngunit may naramdaman akong isang malambot at lasang matamis na bagay na nakalapat sa aking labi. Kaya naman sinipsip ko ito at dinilaan.

"Nasarapan ka ba?" Tanong ng isang tinig. Kaya naman napamulat ako ng mabilis at nakita ko ang isang lalaking malapit lang ang mukha sa aking mukha at dahil sa gulat ay nasuntok ko siya at tumilapon siya may pader.

"Fuck!" Nasasaktang saad ng lalaki...

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )

Para naman maka-usap niyo ako ng matino para sa mga updates sa mga story ko, you can add me on facebook, search niyo lang po ang "Dandiv" naka-one name po ako ngayon thanks.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top