CHAPTER 34

THE PURE LIGHT...

GUIA'S P.O.V

Isang araw na kaming nagbabantay ngayon sa hospital kasama sila Lilith, Ate Adhira, at Soliel. Binabantayan namin ngayon ang natutulog na katawan nila Xavier, Kuya Lucian, at Kuya Kali na hanggang ngayon ay mahimbing parin ang tulog. Langyang lalaking tuko 'yon, ginamitan ba naman ng Hold Power si Kuya Kali. 'Di niya ata alam ang patakaran sa Akademyan ito, kakainis. Nandon siya ngayon sa ibang floor ng hospital na ito, inihiwalay siya ni Diretora Anisha, dahil baka kapag nagising daw siya o si Kuya Lucian ay baka magsimula na naman daw sila ng gulo.

"Guia, bili lang kami ng makakain sa Canteen. Baka gutom kana kase, isang buong araw ka ng 'di kumakain, nag-aalala na kami sa iyo." Nag-aalalang turan sa akin ni Lilith. Kaya naman tumango na lang ako bilang sagot, hays 'di talaga ako makakain ng maige kung alam kong 'di pa nagigising ang mga kuya ko.

"Guia sabay narin ako kay Lilith para may katulong siyang magbuhat ng mga kakainin natin." Paalam din ni Soliel. "Sige, sige" Sagot ko naman

"Guia sama narin ako sakanila, kaka-usapin ko rin kase ang Diretora. Pwede bang ikaw na munang mag-isa ang magbantay?" Paalam din naman ni Ate Adhira sa akin. "Sige ate ako ng bahala sa kanila." Sagot ko naman at narinig ko naman ang paglakad nila at pagsara ng pinto.

Hays buti na nga lang medyo nakahinga na ako ng maluwag, dahil ayon sa naging examination ng mga healers kay Kuya kali, Xavier, at Kuya Lucian ay okay naman daw lahat ng Vital Signs at Physical examination sa kanila – ngunit natamaan siya ng direkta ng hold may halong light power na kahinahan ng tulad ni Kuya Kali na isang Dark-related holder at kung tatanungin niyo ako kung bakit 'di ko ginagamit ang hold ako ay baka naman magtaka kase ang mga healer kung gagagmitin ko ang isang supreme-like healer hold. Kaya pinabahala ko na sa kanila ang pagpapagaling sa aking mga kuya tutal mas eksperto pa sila sa akin.

Ilang oras pa akong nagbabantay ay naramdaman ko narin ang gutom. Kaya lalabas na sana ako ng biglang nagliwanag si kuya na sinabayan ng pagpapalabas nya ng malaking amount ng Death Aura. Siyet kapag nnagtagalang ganito baka mawalan siya ng Energia at magsanhi ng pagkamatay niya.

Kaya naman dali-dali akong tumakbo at tinatawag ang mga sniffler assister para mapagbigay alam nila agad ang nangyayari sa kuya ko sa mga healers.

"HEALER! SNUFFLER! MAY NANGYAYARI SA KUYA KO! PLEASE MAGMADALI KAYO SA KWARTO NG KUYA PLEASE!" Sigaw ko ng makasalubong ko ang isa sa mga sniffler kasama ang isang healer. Dali-dali naman itong tumakbo.

Kita ko namang tumakbo ang healer papunta sa kwarto na kianalalgyan ni Kuya Kali kaya naman sumunod narin ako.

Nang kapasok namin ay maslalo pang lumakas ang liwanag na bumabalot sa katawan ni kuya, ganon din naman ang death aura na pinapalabas nito, tila ba nag lalaban ang liwanag at Death aura ngayon sa kinalalagyan ni Kuya...

"SNIFFLERS! ILABAS LAHAT NG PASYENTE SA LUGAR NA ITO MADALI!" Utos ng Healer na rumespunde sa emergency ngayon na nangyayari kay Kuya Kali na ipinagtaka ko naman.

"Bakit po anong nangyayari?" Kinakabahang tanong ko dahil may kutob akong masama ang nangyayaring ito. "Sumasailalim ngayon ang kuya mo sa tinatawag na "invasion" maaaring naapektuhan ang dimensyon ng kanyang Hold Being sa naging atake ng nakalaban niya kanina, hindi ba iha isang light holder ang naka-inkwentro niyo kanina?" Salaysay naman ng healer sa akin sabay bato ng tanong. "Opo" Simpleng sagot ko. "Maaring hindi lang siya light holder, baka Pure Light Holder ang nakalaban niyo kaya naman naapektuhan ng atake niya ang dimensiyon ng Hold being ng kuya mo at isa lang ang alam kong may hawak sa Pure Light Hold." Salaysay naman ng Healer.

"Sino po?" Tanong ko. "Ang Prinsepe ng Casa de Luz na Prince Elior Dritan Faro." Seryosong saad ng healer. Bale prinsipe pala ang gumawa nito kay kuya. Grabe kaya naman pala napakayabang kung maka-asta, ganito ba talaga ugali ng mga Noble mga bulok! DAMN NOBLE! I'LL NEVER FALL IN LOVE TO A NOBLE! Taga niyo 'yan sa bato! Kakaines!

"Magiging safe po ba si Kuya?" Nag-aalalng tanong ko. "Hindi ko masasabing magiging safe siya iha, dahil kung magtuloy-tuloy ito ay maaaring maubos ang Energia ng kuya mo at maging sanhi ng pagkamatay niya, iha. Ang tangi lang nating magagwa sa ngayon ay ang magdasal at manalig." Saad ng healer na lalong nagpakaba sa akin. Ano ba naman to oh! Puro na lang si kuya ang nahihirapan.

"Guia, anong nagyayari dito?" Biglang tanong ng kararating lang na si Ate Adhira kasama sila Lilith at Soliel na may dalamg pagkain.

"Ate kase si Kuya Kali medyo malala ata ang lagay niya. Ate nag-aalala ako." Naga-alala at mangiyak-ngiyak na saad ko.

"Guia, uminahon ka lang alam kong kayang-kaya at malalagpasan din ni Kali ang pinagdadaanan niya ngayon at pwede ba 'wag ka ngang masyadong mag-alala riyan. Alam mo mas makakatulong pa kung mananalangin ka kesa mag-alala ka. Kaya tara muna kayo dito, upo tayo at manalangin." Nakangiting anyaya saa kin ni Ate Adhira kaya naman medyo kumalma ako.

Pagka-upo namin ay nagumpisa nakong pumikit at taimtim na nanalangin...

...

KALI'S P.O.V

"Hayaan mong magpakilala ako gamit ang dahas," saad niya sabay ngisi, "Light: Purity Bomb!" Saad nito sabay may lumabas na Color white na bilog sakanyang kamay sabay pabulusok itong papunta sa akin. Dahil sa bilis nito ay 'di na ako nakailag at tumama ito sa akin...

"Ako nga pala si Prince Elior Dritan Faro. Prinsepe ng Casa de Luz." Pakilala naman nito. Sasobrang lakas nito ay bigla na lang akong napaluhod sa sakit.

"KUYA!!"

"ETITS!"

"KALI!"

"KALI!"

"KALI!"

Dinig ko namang sigaw nila bago ako napapikit at nawalan ng malay...

At nang pagmulat ng aking mga mata ay dito na ako nagising, sa lugar ni Death, sa ilalim ng black water...

"Ayos na ba ang pakiramdam mo owner?" Nag aalalang tanong saakin ni Death. "Medyo, pero masakit parin bandang mukha ko, dahil sa gagong lalaking 'yon. Potek nasapul ako bullseye amp hahaha." Pagbibirong saad ko.

"Siya nga pala Death, maitanong ko lang. May una na bang humawak sa Death Extinction Hold?" Tanong ko kay Death. "Oo naman noh. Sa katunayan pangatlo kana sa nagmay-ari sa akin ang kaso lang ikaw pa lang sa lahat ng nagmay-ari ang may busilak na puso, yung isa kaseng nauna sa iyo ginamit niya ang Hold ko sa masamang bagay, yung ikalawa naman sa iyo ginamit niya sa paghihiganti ang Hold  ko." Saad nito na nagpaliwanag sa isipan ko.

"Reincarnated din ba ang dalawang nagmay-ari sa iyo, anong mga pangalan nila, anong kasarian sila?" Sunod sunod na tanong ko kay Death.

"Okay-okay sasagutin ko ang mga tanong mo isa-isa. Para sa unang tanong mo na kung reincarnated ba ang dalawang nagmay-ari sa akin noon. Ang sagot ay hinde, purong Fantasian sila, para naman sa ikalawa at ikatlong tanong mo, ang pangalan ng pinakaunang nagmay-ari saakin ay Dark Knight Equinox, isa siyang lalake pinaka unang namuno sa Pais Das Trevas Palace. Yung isa naman nakalimutan ko yung name kase iyon yung Wish of Vengeance niya." Kwento ni Death at huminto saglit. Ngunit nagulat amman kami ng biglang nahkakabitak ang buong fimensyon ni Death.

"Death! Anong nangyayari bakit nagkakaroon ng mga lamat ang iyong dimensyon?" Putol kong saad na may halong pangamba dahil sa biglaang paguga at pagbitak ng dimensiyon ni Death.

"Sabi ko na nga ba at mangyayari ito. Ito marahil ang side effect ng ginawang atake sa iyo ng lalaking nakaharap mo kanina." Seryosong saad ni Death na nagpakunot sa noo ko.

"Teka Death, grabe naman ata ang lakas ng kapangyarihan niya? Akala ko ba humihina lang ang kapangyarihan mo kapag malapit sa iyo ang isang Supreme Being – pero bakit naapektuhan ka sa isang Fantasian?" Tanong ko sa kanya. Huminga naman siya ng malalim at sumeryoso ang kanyang mukha.

"Oo ang kahinahan ko nga ay isang Supreme Being – pero Kali nasabi ko rin ba sai yong may isa pang bagay ang nagpapahina sa akin?" Seryosong saad nito. "Ano iyon?" tanong ko.

"Ang hold na napagkakamalang Life Salvation Hold ang Pure Light Hold na may katulad na presensya ng kay Supreme Dea Justo at sa Life Salvation Hold, ngunit 'di lalakas sa Life Salvation Hold." Seryosong saad nito na nagpaliwanag sa isipan ko.

"So ano ng gagawin natin Death? Unti-unti nang sinasakop ng liwanag ang dimensyon mo Death!" Nangangambang saad ko kay Death.

"Kailangan nating dalawa na maglabas ng malaking amount ng Death Aura upang mapalakas ang barrier ng aking dimensyon, ngunit kung gagawin natin iyo, maari kang mamamtay, dahil baka ma-drain lahat ng Energia mo sa gagawin nating ito." Nag-aalalang saad ni Death. Nag-alala din naman ako dahil nasa bingit pala ng kamatayan ang buhay ko sa gagawin kong ito – pero kailangan kong pangalagaan ang dimensyon ni Death, dahil prayoridad at responsibilidad ko siya bilang kanyang Owner.

"Gawin na natin ito ng walang pag-aalinlangan Death!" Saad ko sa kanya. "Umpisahan na natin, Owner!" Saad din naman nito sa akin.

"AHHHHHHHHH!!!!!!"

"AHHHHHHHHH!!!!!!"

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top