CHAPTER 32

SEVENTH...

XAVIER'S P.O.V

Naglalakad na kami ngayon dito sa koridor at nakatingin sa Ring Map upang mahanap ang aming bagong Dorm Room, yes po, tama ang narinig niyo "AMIN" nakalagay kase sa golden card na tag-pipito ang mga Irisian na magsasama-sama sa isang Dorm Room. Hindi rin hinihiwalay ang bababe sa lalake, pero atleast magkakasama kame ng mga kaibigan ko.

Lumakad at pumanhik sa mga hagdanan, hanggang sa makapanhik kami sa Ika-apat na palapag kung saan tinuturo ng Ring Map ang Dorm Room namin.

"Dito na ang ating destinasyon guys." Saad sa amin ni Kali. Tumigil naman kami sa pintong may nakalagay na ROOM 333 sa may plaketa nito.

"Sigurado ka ba?" Tanong ko kaya kali. "Oo nga. Tignan mo anong number 'yan? Hindi ba Room 333 ang nakalagay?" Nakukulitan sagot niya sa akin.

"Ayy sorry naman po ano, kung sanang sinabi mo sa amin ang room number kanina 'di sana ako nag tanong ano?" Mataray na saad ko kay Kali. Aba noong makuha niya ang card para sa room namin ay sinabihan lang niya kami na sundan siya at sinabi niya lang na magkakasama kami sa isang kwarto, pero di niya naman binanggit kung anong Room number.

"Ayy ganon ba sorry hahah, alam mo naman kase medyo napagod ako eh." Paumanhin niyang saad sa akin na tinanguan ko na lang.

"Kuya, buksan mo na 'yan, gusto ko nang matulog." Tinatamad na saad ni Guia. Kaya naman tinapat na ni Kali ang golden Card sa may sensor namay nakalagay na "Place the Golden Card here."  at biglang bumukas ang pinto. Nang magbukas na ng tuluyan ang pinto, literal na napanganga kami...

Napa-wow naman ang mga reaksyon namin, pwera syempre sa "masayahin" kong boyfriend. Kase naman kitang-kita dito ang 2 palapag na loob nitong kwarto, pero parang bahay na ito at hindi kwarto lang, kase naman kumpleto ito mula sa nga furniture hanggang sa mga accessories na parang sa bahay. Siyet lang! Malaki pa nga ito sa bahay nila Nay Aurelia eh.

"A-Atin ba talaga ito, kuya?" Dinig kong di makapaniwalang tanong ni Guia sa kay Kali. "Oo naman tungaks, binuksan nga natin 'di ba?" Sarkastikong sagot naman ni Kali, na nagpa-pout kay Guia...

"Guia! Huwag kang mag pout mukha kang Sniffler! hahaha." Pambubwisit pa lalo ni Kali sa kapatid. Kita namang tumahimik si Guia at tila ba'y nagpipigil ng galit. Kase kita ngayon ang pagpupula ng kanyang mukha.

"So guys pasok na tayo?" Anyaya ni Kali na sinunod naman namin. Papasok na sana kami ng biglang may sumigaw na mula sa taas. "HI MGA SES!" Sigaw ng isang nilalang kaya naman napatingin kaming lahat sa taas. Nang mapatingin kaming lahat sa taas ay nakita namin ang isang babaeng nakasuot ng black dress, black boots, maganda rin naman ito, dahil may bilugang mga mata, may white and black hair at may pak-pak na color blue ito! What the heck! Ang galing! May pakpak siya, hays sana makumoleto ko na ang nine sphere of Elysium ko para magamit ko na mga ito. Pero pansin ko naman ang pagsalo ni Lucian sa kanyang noo. Uhmm bakit kaya?

"Mga Ses! Kayo na ba ang magiging ka-room ko? Hay sakto ang dating niyo kakatapos ko lang maglinis!" Maligalig na sabi nito saa min. Oh, so kasama pala namin siya sa room. Kaya pala sinabi sa card na pito-katao ang isang room.

"Ahh, so ikaw pala ang pang pito naming kasama sa room?" Tanong naman ni Soliel...

"Ayy hinde chos lang ako, maid ako rito, alila niyo lang ako haha chos lang!" May pamimilosopong sagot nito kay Soliel. Pero agad niya naman binawi.

"Uhmm miss. Ano nga pa lang pangalan mo?" Tanong ko...

"Ay, oo nga pala. Potek kamuntikan ko ng makalimutan. Ako nga pala si Adhira Kaminari Picosa! Nineteen years old! Nice to meet you all! At hindi po ako babae! Hindi rin naman po ako lalake, dahil ako ay genderless like you!" Maligalig na saad nito na na nagpabigla sa akin, kay Kali, at kay Guia, dahil sa apelido nitong "PICOSA" at paguro nito kay Kali nang sabihin nito na isa rin siyang genderless eh kaming pamilya lang ni Kali ang may alam non. Kahit nga sila Lilith o Soliel ay 'di alam 'yon. Bakit ang babaeng ito ay alam niya?

"Picosa? Kamag-anak ka ba namin? at-at bakit mo alam na genderless ako?" Mapang-usisang tanong ni Kali sa babae...

"Ah, eh, pinapunta kase ako ni Mama dito sa Mundo da Fantasia upang mabantayan si Adrien, dahil nakarating sa kanya ang ginawa niyang panggugulo at nakarating din kay mama na may napatay siya dahil doon. Kaya pinapunta niya ako at pinagkatiwala kay Nay Aurelia. Hi Lucy!" Paliwanag niyo sabay pag-hi kay Lucia. Pero tinawag niya itong Lucy! WTF! Pero wait ibig sabihin nito ay half deus din siya!

"Ang ingay mo." Walang emosyon na pagpapatahik sa kanya ni Adrien kaya naman nasamid ako ng konti dahil kita kong bigla itong nagtakip ng bibig at nag-peace sign.

"Yaan mo kaming pormal na magpakilala sa iyo, Ako nga pala si Sephtis Kali Picosa, pwede ka ba naming tawaging Ate Adhira kase mas mukha po kayong babae kesa lalake." Pakilala ni Kali kay Ate adhira yun narin itatawag ko sakanya tutal mas matanda nga naman siya sa edad kumpara sa amin.

"Oh yes naman! Sa wakas naman may gagalang narin sa akin at tatawagin akong ate, yung isa kase diyan~ at saka thank you for your compliments. Mukha ka rin naman babae kesa lalake! Hahaha pero, pwede ba kitang tawaging Etits!" Sagot naman ni Ate Adhira.

"Ayy, grabe naman po iyan hahaha. Pero kayo pong bahala." Tawang-tawang sagot ni Kali, ano bang masama sa palayaw na Etits?

"Ako naman po si Vita Guia Picosa, Ako po ang pinakabata sa atin magkakapatid, pasensiya napo sa pag-cclaim kase po lahat ng may Picosang apelido ay itinutiring ko ng aking pamilya." Pagpapakilala naman ni Guia. "Ano ka ba ses, talagang kapatid niyo na ako ano! Hahaha inadopt na ko ni Nay Aurelia, kaya no problema ses hahah, pwede ba kitang tawaging." Nakangiting saad ni Ate Adhira. "Ayy sorry naman po. Gi? oww what a wonderful nickname! Sure naman po!" Nakangiting sagot din naman ni Guia.

"Ako naman po si Xavier Inugami Luzslo, nice to meet you po ate Adhira!" Nakangiting pagpapakilala ko. "GOSH! Ikaw pala ang nobyo ng kapatid ko! Hindi ko alam na mahilig pala sa mga cute si Lucy." Saad nito sabay pisil sa pisngi ko.

"Hands off bitch." Walang emosyon na saad ni Adrien sa kapatid niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Ayy ang arte, kala mo naman aagawin, che!" Saad nito kay Adrien saka umikot ang mata nito.

"Nice to meet you ren ses, pwede ba kitang tawaging Xavi?" Tanong ni ate Adhira sa akin. "Sure po!" Maligalig na sagot ko.

"Uhmmm, Ako naman po si Akuji Lilith Narezza, kani-kanina lang po ako nakilala nila Kali, pero tinuring na po nila akomg kaibigan." Pakilala naman ni Lilith kay Ate Adhira.

"Owww, your an outcast right?! Gosh I really want to learn your language, sana maturuan mo ako, uy ses 'wag ka namang tumungo. Dapat itaas mo ang iyong mukha para makita nila ang kagandahan mo! Tatawagin nalang kitang jiji!" Saad naman ni Ate Adhira kay Lilith. Ang cute ng mga binibigay niyang pangalan sa amin, medyo weird lang talaga yung kay Kali na Etits, ngayon ko lang kase narinig yon.

"Ako naman po si Soliel Briget Cyra Ate Adhira." Nalangiting pagpapakilala naman ni Soliel. "Hi tatawagin naman kitang Sol! hahaha Oww ang ganda naman ng kulay ng buhok mo ses, gusto ko rin niyan ang kaso lang 'di ako fire holder." Saad niya na pinagtaka namin.

"Ano naman pong konek ng buhok ko sa pagiging holder?" Tanong naman ni Soliel kay Ate adhira.  "Ayy di nyo knows? haha ganito kase 'yan. Lahat ng hold ay may katumbas sa kulay ng buhok, tulad ng green na para sa mga  Wind holder, blue para naman sa mga water holder, red para sa mga fire holder, brown para sa Earth holder, black para sa mga dark holder, and white para sa mga light holder, tapos kung ano man ang hold nakatadhana sa iyo ay yun ang magiging kulay ng buhok mo." Paliwanag nito na nagpabilib saakin dahil ngayon ko lang nalamqn iyon, pero ng tignan ko ang iba...

"Ayy Ate Adhira, nagtataka lang ako, paano po kayo nakapasok? Eh 'di ba itong card lang po na hawak ni Kali ang pwedeng magpabukas dito?" Tanong ko kay Ate adhira, nakakapagtaka naman kasing nakapasok siya ng walang card ng room. "Gamit ang hold ko hahaha." Simpleng sagot nito.

"Ano po bang Hold niyo?" Tanong naman ni Soliel. "Ah Command hold, Bearer class. Nale lahat mg mahawakan kong bagay man yan o isang nilalang, buhay man o patay, ay kaya kong pasunurin sa aking inuutos, ang kaso lang may limit, tulad ng 'di ko kayang pasunurin ang mas malakas ang abilidad o ang klase ng Hold kaysa sa akin at limang nilalang o bagay lang ang kaya kong mapasunod at mapasailalim sa aking hold o kaya naman pag 'di ko nahawakan di ko mapapsunod, 'yun ang rules ng aking Hold." Paliwanag nito saamin na nakapag W-O-W sa mga mukha namin.

"Ang lakas naman po ng Hold niyo!" Saad naman ni Guia. "Dear, alam kong alam mong mas malakas ang iyo." Makabuluhang saad ni Ate Adhira kay Guia.

"Siya nga pala, kaninang naglilinis ako ay nakita kong may anim lang na kwarto ang Dorm Room na ito. Kaya merong dalawang magsasama sa isang kwarto." Saad ni Ate Adhira, kaya naman tinignan akong lahat sabay tingin din kay Lucian...

"Kami na lang dalawa ni Guia, Ate." Saad ni Kali kay Ate adhira sabay tingin na nambubwisit sa amin ni Adrien. Ah... Sinusubukan niya si Adrien hahaha.

"NO! Kami ng dalawa ni Bab- este Xavier ang magsasama sa isang kwarto." Saad ni Adrien na nagpasamid sa akin, dahil nagsalita na naman ito ng napakahaba nang tignan ko naman sila Kali.

"Babe pala ah." Saad naman ni Ate Adhira kay Adrien hahaha, kita ko naman biglang naging malikot ang mata ni Adrien, hahaha ibig sabihin nahihiya siya hahah, potek nakakramdam din pala ito ng hiya sa katawan.

"Tara na nga sa taas bab- este Xavier, sa amin ang kwarto doon sa bungad ng hagdan." Hatak niya saakin sabay lakad patakbong umakyat kami...

Nang makapasok kami sa loob ng kwartong sinabi niya kanina ay, agad niyang sinara ang pinto, sabay halik sa akin.

Naging maalab at mapusok ang aming halikan, dahil gumanti narin ako ng halik. Hinagkan niya ang mga labi ko at kinakagat kagat ito kaya napapa-ungol ako ng mahina.

Hinuhubad na niya ang damit ko at nagiging malikot narin ang mga kamay niya, linalakbay ang bawat sulok ng aking katawan.

Pero nang mabalik ako sa ulirat ay tinulak ko siya, sabay kuha ng damit ko at sinuot ulit ito.

"T-Triste, Adrien 'di pa talaga ako handa at isa pa gusto kong matupad ang promise ko sayo. Please bear with me." Nakikiusap na saad ko sa kanya.

"O-Okay lang, nadala lang ako, triste rin." Paghingi niya ng tawad sa akin.

"Okay lang tara tulog na tayo, pagod narin kase ako." Nahihiyang saad ko sakanya...

Kaya naman ginawa na namin ang aming night routines at napagdesisyunang bukas na mag-ayos ng gamit at nahiga na...

Nabigla naman ako nh biglang inangat ni Adrien ang aking ulo at ipinatong sa makisig niyang braso. Ang sarap humiga rito sa matigas niyang braso.

Katapos nun ay pumikit na siya pero ako heto, tinitigan ang lalaking mahal ko, ang gwapo niya talaga, kahit medyo malalaki ang mga ngipin niya. Pero a-ang sarap niyang humalik.

"Matulog kana 'wag mo na akong titigan at baka ituloy ko dapat ang 'di natin natuloy." Malamig na saad niya habang nakapikit na nagpagulat sa akin. Kaya naman mabilisan akong pumikit.

At ilang oras pa ay nakatulog na ako...

...

THIRD PERSON P.O.V

Sa gawi naman ng Dark Continent, sa Pais das Trevas Palace – kung saan naninirahan ang mga Pesoas Mas o ang mga Fantasian na tumalikod sa kanilang mga Deus at Deas na piniling sambahin ang Caido Deus Lucifero na itinakwil sa paradiso ay kasalukuyan namang nangangamba ang kanilang hari sa balitang iniulat sakanya ng tagapagmanman niya sa Campo de Iris Academy.

"ANO! Nasa Akademya na ang Prinsipeng aking pinaghihinalahan na may hawak ng Life and Death hold?! Hindi maaari, kailangan natin siyang mapatay agad sa kahit anong klaseng paraan!" Nangangambang saad ng hari sa kanyang tagapagmanman.

"Aking hari, kalamayin mo ang iyong sarili, huwag kang mag-alala, 'di tayo papabayaan ni Deus Lucifero hahaha." Saad ng kanyang asawa sabay tawa...

"Tama aking reyna, pero sa ngayon, ipapadala ko muna ang ating prinsesa sa Akademya upang magmanman o kung makahanap man siya ng pagkakataon na tapusin ang prinsipe ay magagawa niya ito HAHAHA." Tawang demonyong saad ng hari.

"Uhmm, pinapatawag niyo daw po ako ama?" Saad naman ng isang bababe na nagpaguhit ng ngiti sa labi ng Hari.

"Oo anak, may ibibigay akong misyon sa iyo HAHAHA." Saad ng hari sakanyang Anak...

"Uhmmm, ano po iyon?" Tanong naman ng princessa.

"Nais kong pumasok ka sa Campo de Iris Academy para mabantayan ang prinsepeng pinaghihinalahan nating nakatanggap ng Life and Death Hold, ngunit kung makahannap ka ng pagkakataon ay maaari mo naman siyang paslangin HAHAHA." Tawang demonyong instraction ng hari sakanyang anak...

"Uhmmm, masusunod po. Ako po'y aalis na sa lalong madaling panahon." Saad ng prinsesa sa hari.

"Sige humayo kana at siguraduhing nagtatagumpay ka, Akuji." Utos ng hari sa prinsesa...
...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top