CHAPTER 31
IRISIANS...
GUIA'S P.O.V
"LIFE OR POWER!" Sigaw ni Kkuya kali na lalong nagpanginig kay Dolores, gosh! ngayon ko lang makitang magalit ng ganito si Kuya Kali, grabe...
Kung titignan mo ang paligid ngayon ay marami ng nahimatay na mga sub-fera isama pa sa mga nahimatay ang mga alipores no Dolores, at mga malalapit na lumilipad Cyclopes ay bumagsak din sa lupa, marami din ang nanginginig at nanonood na kalahok ngayon kay Kuya kali, sa katunayan nga napansin ko din ang panginginig ni Kuya Lucian, kaya naman nabilib ako kay Kuya kali, pero pansin din naman ang jatawan ko at katawan ni Xavier na talaga namang nanginginig at nakatayo ang mga balahibong nanonood sa mga susunod na gagawin ni kuya Kali.
Nagulat anman kami nang nahimatay si Dolores. Ganito ba talaga kalakas si kuya?
"Kukunin ko na lang ang iyong Hold Power." Rinig naming saad ni Kuya Kali sabay may kung anong kulay puting liwanag ang lumabas sa katawan ni Dolores at lumipad ito. Ilang sandali pa ay makikitang pababa na ito. Kaya naman pumalad si Kuya Kali para saluhin ito. Nang masalo na niya ito ay bigla na lang umilaw ito at lumabas dito ang isang maliit na nilalang at kulay bleu na may shade ng white ito.
Naalala ko naman bigla si Lilith. Kaya naman tinignan ko siya ay doon ko nakitang humihinga na ito ng napakabilis na indikasyon na nahihirapan na siya sa kanyang sitwasyon ngayon. Kaya tinawag ko na ang pansin ni kuya.
"KUYA KALI!" Kinakabahang sigaw ko kay Kuya kali. Hindi naman ako nabigong kunin ang atensyon niya. "Bakit Guia?" Tanong naman ni Kuya Kali sa akin. "K-Kuya si Lilith nag-aagaw buhay na!" Naiiyak na sabi ko kay kuya. Kaya naman tumakbo siya sa aming kinalalagyan dala ang maliit na nilalang na galing sa kulay puting liwanag kanina.
"Kaibigan, kaya mo bang mapawalang bisa ang kapangyarihan na iginawad ng babaeng impokrita kanina?" Tanong ni Kuya Kali. Tumango naman ang maliit na nilalang at lumipad paalis sa palad ni Kuya Kali at saka ito pumaibabaw sa uluhan ni Lilith.
"PIFFFFFTTT!" Impit na tili nito nang nasa uluhan na siya mi Lilith. Sabay naman ng tiling iyon ang pag-bitak ng mga yelong nakakapit sa katawan ni Lilith. Nang mawala na ito ay pansin ko namang wala ng malay si Lilith kaya naman sinalo ko siya. Tignan ko naman ang pulso niya. Kaya pinakiramdaman ko ito sa kanyang pulsuhan - ngunit napaluhod na lang ako, dahil sa wala na akong maramdamang tibok dito.
"B-Bakit Guia? Anong lagay ni Lilith?" Takang tanong ni Xavier sa akin. "W-Wala na a-akong m-maramdamang tibok sa k-kanyang p-pulsuhan." Humahagulgol na saad ko sa kanila. Kakikilala lang namin ni Lilith tapos kukunin na agad siya sa amin. Ang sakit naman ng ganun.
"A-Ano!" Gulat na sigaw ni Kuya Kali. "Kaibigan, bakit nagkaganyan siya?" Tanong niya sa maliit na nilalang. Umiling lang ito na nagpapahiwatig na hindi rin niya alam ang nangyayari kay Lilith. Ngunit nabigla na lang ako ng may humawak sa ulo ko at hinimas-himas ito ng mahina,na para bang sinasabi nitong tumahan nako. Kaya naman napatingala ako at doon ko nakita si Kuya Lucian.
"Alam ko na ang gagawin. Kaya 'wag ka ng umiyak." Walang emosyon na pagpapatahan sa akin ni Kuya Lucian - pero kahit wala siyang emosyon ay ramdam ko yung pakialam niya para sa akin.
"Ano ba ang pwede nating gawin para mailigtas si Lilith Kuya?" Punas matang tanong ko kay Kuya Lucian.
"Hindi ba't kalahating demonyo siya?" Walang emosyon na tanong sa akin ni Kuya Lucian."Opo kuya, bakit po?" Balik na tanong ko naman. Hindi niya na lang ako kinibo at lumakad lang siya papunta sa mga kalahok na nanonood.
"Sino sa inyo ang may Hold na konektado sa apoy?" Walang ganang tanong nito.
"A-Ako po. Isa po akong Holocaust Holder. Konektado po ang Hold ko sa apoy." Pagpepresinta ng isang babaeng kulay pula ang buhok.
"A-Anong balak mong gawin, Kuya Lucian?" Tanong ko kay Kuya Lucian. "Trust me." Maikling sagot niya pabalik sa akin.
"Ano po bang pwede kong gawin?" Tanong ng babaeng may pulang buhok. "Sunugin mo ang babaeng demonyo." Walang emosyon na saad ni Kuya Lucian na ikinagulat ko.
"A-Ano! Nawawala kana ba sa katinuan ah, Kuya?!" Galit na saad ko sa kanya. "Trust me." Walang emosyon na sagot niya na lalong ikinagalit ko.
"Kuya bigyan mo naman ng awa si Lilith. Alam kong ngayon lang natin soya nakilala, pero sana huwag mo namang tratuhin ng ganito ang bangkay niya!" Galit at lumuluhang sigaw ko sa kanya
"G-Guia tahan na please." Pagpapakalma naman ni Xavier sa akin.
"Lucian, ano bang nasa isip mo at pinapasunog mo si Lilith ah? Ganyan kana ba talaga ah!" Galit ding sigaw ni Xavier kay Kuya Lucian.
"Kuya, ano bang nasa isip mo?" Malumanay na tanong naman ni Kuya Kali.
"Gawin mo na ang inuutos ko." Walang emosyon utos ni Kuya Lucian sa babaeng may kulay pulang buhok at 'di man lang pinansin ang mga sinasabi namin.
"WAG MONG GAGAWIN!" Sigaw ko sa kanya.
"Tahimik! Alam ko ang ginagawa ko! Huwag niyo akong itulad sa mga katulad niyong immature!" Galit na sigaw ni Kuya Lucian na nagpatahimik sa amin. Bumaling naman siya sa babaeng may pulang buhok.
"Gawin mo na miss." Walang emosyon na utos ni Kuya Lucian sa babae. "O-Okay" Pagsang-ayon naman ng babae. Kaya naman itinutok niya ang dalawa niyang kamay sa nakahigang katawan ni Lilith.
"HOLOCAUST: SACRIFICIAL BOMB!" Sigaw ng babae at bigla na lang pinalibutan may apoy na lumitaw sa kamay ng babae at nang tumama ito kay Lilith ay sumabog ito. Kaya naman umiyak na ako ng umiyak, dahil ano mang oras ngayon ay siguradong abo na lamang si Lilith. Napaluhod na lang ako at tinakpan ang mata ko habang umiiyak, dahil sa nakikita ko ngayon. At ilang saglit pa...
"LILITH!" Dinig kong sigaw ni Kuya Kali. Kaya naman napa-angat ako ng tingin. At nakita ko ang sunog na katawan ni Lilith. Kaya wala sa sariling lumapit ako sa sunog na katawan.
Nang madaanan ko si Kuya Lucian ay wala sa sariling nasampal ko siya. "ANO AH! MASAYA KANA?!" Galit na sigaw ko sa kanya at saka ako napaluhod at umiyak ng umiyak.
Ilang oras akong umiyak ng umiyak ng may yumakap sa akin, ngunit 'di ko na lang ito pinansin. "Tahan na." Saad ng isang pamilyar na boses kaya napa-angat ako ng tingin. Pag-angat ko ng tingin ay 'di ako makapaniwala sa aking nakikita...
"LILITH!" Umiiyak na saad ko sabay yakap sa babaeng nakayakap din sa akin. Buhay si Lilith, buhay siya!
"Pero, paano? hindi ba't natusta kana?" Punas luhang tanong ko kay Lilith na kinatawa niya naman. "Diba nga half demon ako. Kaya mas nakakabawi ako ng lakas kapag mas mainit ang temperatura ng nasa paligid ko." Paliwanag nya kaya naman napanganga ako, at ilang sahlit pa ay may realisasyong pumasok sa isip ko at 'yon ang pagsampal ko kay Kuya Lucian. Kaya naman nahihiyang tumingin ako sa kanya ng dahan-dahan, at nag-peace sign.
"T-Triste po kuya." Nahihiyang paghingi ko ng tawad sa kanya. Lumapit naman ito sa akin at kinutisan ako ng mahina. "Alamin mo muna ang magiging resulta bago ka humusga." Walang emosyon na sabi nito sa akin. Napangiti naman ako ng pilit dahil doon.
"A-Adrien, t-triste rin. Hindi ako nagtiwala sa iyo na sa totoo lang ay ako dapat ang unang magtiwala sa iyo." Malungkot na paghingi ng tawad ni Xavier. Lumapit naman si Kuya Lucian kay Xavier at niyakap at pagkatapos ay hinalikan ito sa labi! Wah!
"Uhmmm, s-so sila pala?" Tanong ni Lilith na kinatango ko lang. "Magnanakaw!" Sigaw naman ni Xavier kay kuya Lucian na nagpangiti naman kay Kuya Lucian. What the heck! Ngumiti ba talaga si Kuya Lucian?!
"Kuya Kali, nakita mo 'yon?" Namamanghang tanong ko kay Kuya kali na nasa tabi ko ngayon. "Oo, Guia, grabe ngayon ko lang nakitang ngumiti ang kuya natin." Namamanghang saad ni Kuya Kali.
"Mga bata bakit nagsihimatay ang mga Cyclopes dito? Wala tuloy kaming komunikasyon sa lugar na ito!" Saad ni Señor Migs na nagpalingon sa amin.
"Ah, wala po ito señor." Paligoy na saad ni Kuya Kali. "Oh sige na, 20 slot na lang ang kailangan dahil may nauna na sa inyong maka-one thousand points. Kaya kayong mga kalahok na nanonood lang diyan ay magsikilos na kayo at baka mawalan pa kayo ng slot." saad ni Señor Migs.
"Teka, sinong may gawa nito?" Tanong naman ng señor.
"A-Ako po Señor." Kinakabahang pag-amin ni Kuya Kali. "I-Ikaw lang?" Hindi makapaniwalang tanong ni Señor Migs na tinanguan naman ni Kiya Kali.
"E-Ehem, o-okay, Cyclopes, paki-scan ang area at bilangin ang nakuhang puntos ni Mr. Picosa." Nauutal na utos ni Señor Migs sa isa sa mga Cyclopes. Lumipad naman pataas ito...
At ilang saglit ay bumaba na ito at nagsalita.
"ONE HUNDRED THOUSAND AND FIVE HUNDRED TWENTY THREE POINTS." Saad ng Cyclopes na literal na nagpalaglag ng panga naming lahat. Pwera siyempre kay Kuya Lucian.
"H-How?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sir Migs. "A-Ano po kase napalaban po ako kanina at ginamit ko po ang aura ko ang kaso 'di ko po ata nacontrol." Paliwamag ni Kiya kali kay Señor Migs...
"Aura lang ang ginamit mo?! Yung totoo? Aura lang lahat ang ginamit mo?!" Hysterical na tanong ni Señor Migs kay Kuya Kali. "O-Opo." Nauutal na sagot naman ni kuya.
"G-Ganon ba, sige, sundan niyo akong lima." Utos ni Señor Migs. "Bakit po?" Tanong ko naman. "Dahil nakapasa kayo sa entrance exam ng Academy, sundan niyo ako para makabalik na kayo sa dati nating pinanggalingan." Paliwanag ni Señor Migs na agad naman naming sinunod.
"Señor, a-ano po ang gagawin niyo sa limang nakahandusay na iyon?" Nag-aalangan turo ni Xavier sa grupo ni Dolores. "Ayahan niyo lang sila riyan, dahil maya-maya lang ay kukunin na sila ng mga emergency sniflers diyan." Saad ni Señor Migs na parang wala lang sakanya ang nangyari sa grupo ni Dolores.
"Tara na at kayo namang mga nanonood pa, bilisan niyo na at iilan na lang ang natitirang slot. Baka mawala pa sa inyo." Pagpuna ni Señor Migs sa mga nakiki-usyosong kalahok.
Agad namang nag sitakbo ang mga ito at nagmadaling maghanap ng makakalabang Sub-fera...
Maglalakad na sana kami ng biglang magsalita si Kuya Kali...
"Señor, pwede po bang humingi ng pabor?" Tanong bigla ni Kuya Kali. "Ano ba iyon, iho?" Balik ma tanong naman ni Señor Migs.
"Ah, pwede po ba naming isama ang babaeng may kulay pulang buhok na iyon." Turo ni Kuya Kali doon sa babaeng tumatakbo palayao na may pulang buhok, teka siya yung tumulong saamin kani ah.
"Bakit?" Takang tanong ni Señor Migs. "Dahil isang libo sa score na nakuha ko po ay tingin ko po ay galing sa kanya." Pagsisinungaling ni Kuya Kali. "Eh di- aray!" Mahinang pag-aray ko ng tapakan ako sa paa ni Kuya Kali...
"Makisama ka na lang." Pabulong na saad naman nito sa akin kaya tumahimik na lang ako.
"Ah ganon ba sige ipapatawag ko narin siya sa mga Cyclopes para isama narin siya pabalik. FWEWEET!" Saad naman ni Señor Migs sabay sipol para makuha ang atensyon ng isa sa mga cyclopes na lumilipad. Nang makalapit na ang cyclopes ay binulungan niya ito at lumipad ulit palayo. Kaya nagpatuloy na kami sa aming pag lalakad...
...
Makalipas ang ilang minuto ay narating na namin ang aming destinasyon. Dito na kami ngayon sa bukana ng Foreste Albenio...
"Hays, kapagod." Halatang pagod na saad ko.
"Wow kala mo laki ng naitulong." Bulong naman ni Kuya Kali na saktong narinig ko, pero 'di ko na lang siya pinansin dahil totoo namang siya lang ang gumalaw sa amin.
"So, congratulations sa inyo, maghintay pa tayo ng kaunting oras dahil dalawang kalahok pa ang ating hinihintay." Saad ni Señor Migs, kaya naman nag angel sit kami sa damuhan at talaga namang mamamanha ka dahil may parang TV ngayon ang lumulutang saaming harapan at napapnood lahat ng mga kalahok.
"Paano niyo po ito nagagawa?" Tanong ko kay Señor Migs.
"Ah 'yan ba?" Turo ni Señor Migs sa parang TV. Tumango naman ako bilang sagot. "Isa kase akong Projection Holder, Bearer Classs. Kaya, kaya kong mag project ng ganyan at kung nagtataka kayo kung paano niyo nakikita ang mga galaw ng ibang kalahok ay dahil sa mga cyclopes na nakakunekta sa akin. Bosom Fera ko kase ang lahat ng Cyclopes na nakikita niyo ngayon." Paliwanag naman ni Señor Migs na ikinanganga namin.
"So sa inyo pong lahat ang mga Cyclopes na iyon?" Tanong bigla ni Xavier. Ako na sana mag tatanong eh, naunahan lang.
"Sa totoo lang, isa lang talaga ang Cyclopes na 'yan. Special Energia lang ng aking Bosom Fera na si kempachi ay ang cloning. Kaya, kaya niyang magpadami ng kanyang sarili." Paliwanag ni Señor Migs na nagpabilib pa lalo sa amin, dahil ngayon lang namin nalaman na may Special Energia rin pala ang mga bosom fera.
...
Ilang oras pa ang nagdaan at kumpleto na ang isang daang estudyante na nakakuha ng one thousand points. Kaya naman pinatawag na ni Señor Migs ang lahat ng mga kalahok, talo man o panalo. Nang magtipon na ang lahat ng nga kalahok kanina sa bukana ng Foreste Albenio ay nagsalita na si Señor Migs.
"Sa lahat ng mga nakilahok sa ating taunang exam para sa Campo de Iris Academy, panalo man kayo o talo ay binabati namin kayo. Para sa lahat ng natalo o hindi makapapasok sa Campo de Iris Academy, huwag sana kayong mawalan ng pag-asa, dahil pwede pa naman kayong sumubok sa susunod na taon. Ipapaalala ko rin sa inyo na kailangan nating tanggapin at matuto sa ating sariling pagkatalo. Para naman sa lahat ng nanalo o nakapasa sa pagsubok ay binabati ko kayo, dahil ganap na kayong Irisians at tara sumunod na kayo sa akin upang makalabas na tayo. Habang ang mga hindi naman mga pinalad ay hintayin niuo rito si Señorita Marisa upang ihatid kayo sa sari-sarili niyong tahanan." Mahabang paliwanag ni Señor Migs sa amin. Agad naman kaming sumunod sa mga sinabi niya at naglakad na lahat ng isang daang nakapasa sa exam na ito kasama na kami roon. Sumunod kami kay Señor Migs na ngayon nga at nakatalikod at naglalakad.
"Hey, thank you pala sa pagbubuhat sa akin papunta rito guys." Saad bigla ng babae sa tabi ko na may kulay pulang buhok. Teka, ito yung tumulong sa amin kanina ah.
"No problem." Nakangiting saad naman ni Kuya Kali sa kanya.
"Ang pangalan ko nga pala ay Soliel Briget Cyra. Isa akong Holocaust Holder. Nice to meet you all!" Maligalig na saad nito.
"Ako si Sephtis Kali Picosa, ito naman ang kapatid kong bunso na si Vita Guia Picosa, ang Kuya naming si Lucian Picosa, Bestfriend/lover ni Kuya Lucian na si Xavier Inugami Luzslo at ang bago naming kaibigan na si? Ano nga kaseng buo mong pangalan Lilith?" Tanong bigla ni Kuya Kali kaya nasamid naman ako. Pabida kase hahaha, pero nag-ayos din ako ng tumingin siya saakin ng masama. "Uhmmm, Ako si Akuji Lilith Narezza." Sagot ni Lilith.
"Wow ang gaganda naman ng pangalan niyo, pwede ba akong makipagkaibigan?" Tanong ni Soliel.
"Sure! Soliel, 'yan na lang itatawag ko sa 'yo?" Maligalig na saad ko at niyakap ko siya. Katapos nun ay nagsitahimik na kami, dahil umaandar na ngayon ang platform na tinutungtungan namin.
Sinubukan ko namang hanapin ang grupo ni Dolores pero 'di ko mahagilap ang mga ito, sa tingin ko ay wala parin itong malaya at nasa clinic na siguro ito.
Ngayon nga ay palabas na kami sa Irisian battle hall upang pumunta sa Diretora's Office...
...
THIRD PERSON P.O.V
Ngayon nga ay nakalabas na ang mga bagong Irisian sa Irisian battle hall at kasalukuyan nang tinatahak ang daan patungo sa Diretora's Office.
Nang nasa harap na sila ng pinto ay kumatok na si Señor Migs. "Diretora Anisha, paki-inahan po ang sleeping aura niyo dahil nandito na po ang isang daang bagong Irisian na nakapasa sa exam." Paliwanag naman ni Señor Migs sa Diretora. Kaya ang diretorang nasa loob ng pinyo ay kinalama ang sarili at binabaan ang sleeping aura niya.
Nang buksan nitong pinto ay nakangiting bumaling ito sa mga bata at ngumiti...
"WELCOME TO CAMPO DE IRIS ACADEMY, I am Anisha Amirio Cyra, the diretora of this Academy, so first of all, I just want to tell you the Academy's rules and regulations." Saad ng Diretora at saka bumaling kay Señor Migs at tumango bilang signal na inuutos nitong bigyan ng visual ang mga istudyante sa mga rules and regulations ng Academy, na agad naman nakuha ni Señor Migs.
Kaya naman may lumitaw na projecton sa harap ng lahat at unti-unting may nasusulat dito na sinabayan naman ng pagsasalita ng Diretora...
~Violence between students is only permitted In a duel.
~Always respect curfew that start 11:30 pm to 4:00 am.
~Do not enter to The Garden of Lepidoptera without permission from your Apresintadors.
~The students' belongings must be searched for contraband
~Do not read the book that entitled "The Dead Spells."
~Proper attire is require to follow. We will provide you an uniform that you can redeem for tommorow.
~Wine is not allowed in school grounds.
.
~It is forbidden to approach The Optic's room.
~No secret organizations without Diretora's approval.
~It is forbidden to cheat by the use of your Holds.
~Uses and mixing of dangerous Elixir/potion is forbidden.
~Abadon's Room is off-Limits
~All Apresintador Must Be Respected
~No to bullying
"Whoever break this rules, even the princes and princesses must need to face an one month dormitory's detention." mahabang pagpapaliwanag ng Diretora sa mga rules and regulations ng Academy kasabay naman ng pagsasalita niya ang visuals ni Señor Migs.
Makikita naman ang ilan sa mga bagong estudyante ng Campo de Iris Academy ang halo-halong emosyon at reaksyon. Merong ilang nagbulong-bulungan, may ilan na kumakamot sa kanilang ulo at batok, sakaling ang grupo naman ni Kali ay wala lang pakialam.
"So new Irisians, ito ang inyong Dorm Room Card na magsisilbing susi sa inyong mga Rooms. Ang iba pang kailangan niyo ay naroon na lahat ." Saad ng Diretora sabay labas ng mga gintong card. Pagkatapos nun ay nagsalita siya ulit. "Sige na, pumunta na kayo sa inyong kanya-kanyang Dorm Room at magpahinga na at bukas na lang namin ipapaliwanag ang iba pang kailangan niyong malaman. Sige paalam sa inyo. Señor Migs, magpa-iwan ka, may pag-uusapan natin." Nakangiting paalam ng diretora sabay pasok nilang dalawa ni Señor Migs sa Office niya...
Nagsilakad naman na paalis ang mga bagong Irisians para pumunta sa kanilang kanya-kanyang Dorm Room.
Habang sa loob naman ni Diretora's Office ay masusing nag uusap ang dalawang Fantasian....
...
DIRETORA ANISHA'S P.O.V
"Kumusta naman ang naging entrance exam? Sinong nakakuha ng pinaka mataas na points ngayong taon?" Tanong ko kay Migs.
"Baka po hindi kayo maniwala kung ilan ang nakuhang points ng kalahok na may pinakamataas na points" Nag-aalangang saad sa akin ni Migs. "Spit it out." Simpleng utos ko sa kanya.
"S-Si Sephtis Kali Picosa po at nakakuha siya ng one hundred thousand and five hundred twenty three p-points po." Nauutal na saad sa akin ni Migs na nginisian ko lang. "As expected " Maikling saad ko...
...
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
PRONUNCIATION OF THEIR NAMES:
[Vita-Giya-Picosa]- Vita Guia Picosa
[Seftis-Kali-Picosa]- Sephtis Kali Picosa
[Lusyan-Eydriyan-Picosa]- Lucian Adrien Picosa
[Savyer-Inugami-Luz/lo]- Xavier Inugami Luzslo
[Akuji-Lilit-Nareza]- Akuji Lilith Narezza
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top