CHAPTER 30

WRATH...

KALI'S P.O.

"Welcome sa Floreste Albenio, mga Future Irisian." Saad ni Señor Migs. Tatalikod na sana kami ng magsalita ito ulit.

"Siya nga pala, hindi kayo share ng point ng mga kagrupo niuo. Bale magsasama lang kayong magkakagrupo para magtulungan sa pagpapatumba ng isang Sub Fera, ngunit kailangan gumalaw parin kayong lahat, dahil individual parin ang mga points. Example, nakapagpabagsak kayo ng isang Golem na may 1,000 points. Kailangan niyong paghatihin ang points na iyon. 'yon lang sige bibigyan ko pa kayo ng another two minutes para makahanap pa ng mga kagrupo." Paalala ni Señor Migs. Kaya naman angsimula na kaming bumuo muna ng grupo.

"So, I guess dahil apat lang tayo ay kailangan pa nating maghi-"

"Uhmmm, kuya pwede po bang sumali sa grupo niyo?" Tanong ng isang babaeng may sungay at buntot na kulay black na pumutol sa aking pagsalita. Hala wait kung may sungay at buntot sya, gosh! It means demonyo siya?!

"Kuya L-lucian isa ba ito sa mga Sinful Soul mo?" Nag-qaalangan na tanong ko kay kuya Lucian...

"Nope. Lahat ng Sinful Soul ay lalake."
Walang emosyon na saad ni kuya Lucian.

"Uhhhm, kung nagtataka po kayo sa akin kung bakit ako may sungay at buntot. Ito po ay dahil isa akong outcast o yung kalahating demonyong at kalahating Fantasian, pasensya na po sa abala maiintindihan ko po kung 'di niyo ako tatanggapin sa grupo niyo." Paliwanag nito habang nakangiti ng pagkatamis tamis, naguilty naman ako feel ko kase na-offend ko siya.

"No, don't leave. Sama kana sa amin, tutal kulang naman kami ng isa at isa pa ang ganda mo kaya bagay na bagay ka dito kasama kaming mga magaganda at gwapong nilalang hahaha. Ano nga pa lang pangalan mo?" Biglang singit ni Guia at nilapitan niya ang babaeng may sungay sabay kuha ng kamay nito...

"Uhmm, ang pangalan ko ay Akuji Lilith Narezza, 16 na ako pero ang totoong edad ko po ay 116. Mabagal po kase ang pagtanda naming mga outcast." Saad nito na literal na nagpalaglag ng panga naming tatlo, maliban siyempre kay kuyang walang pakialam sa mundo.

"WEH! hala naman wag ka ng magpapo mas matanda ka naman pala sa amin. Pwede bang Lilith na lang ang itawag namin sa iyo?" Maligalig na saad ni Guia na tinanguan naman ni lilith...

"Okay, kaya 'wag ka ng aalis ah. Mula ngayon kaibigan ka na namin!" Saad ni Gia sabay yakap kay Lilith. Nakita ko namang medyo nagulat si Lilith pero gumanti na lang din ito ng yakap.

"Oh, mga bata tapos na ang dalawang minuto. Tandaan niyong kapasok niyo sa gubat ay meron mga Cyclopes - ito ang itsura nila FEWEET!" Saad naman ni Señor Migs na nakakuha ng atensyon naming lahat sabay sipol. May lumapit naman sa kanyang nakakatakot na nilalang na tanging mata lang ang nagsisilbi nilang katawan, may paa rin ito na parang sa ibon at may pak-pak at buntot naman na parang sa dragon.

"Isa siya sa mga Cyclopes na magsisilbing komunikasyon namin sa inyo at upang mabantayan namin kayo nang sa ganon kung may mainjured man ay agad namin itong marerespondihan at may sampung minuto lang kayo para makamit ang score requirements para makapasok sa Academy. Siya nga pala maidagdag ko rin sa mga bubuo ng grupo na kapag pumili kayo ng leader ay otomatikong ang pangalan ng leader ang magiging pangalan ng grupo niyo, NGAYON OFFICIAL NG SINISIMULAN ANG GREAT ENTRANCE EXAM NG CAMPO DE IRIS ACADEMY!" Paliwanag pa ni Señor Migs, sabay pakawala ng cyclopes at sabay din official na pinasimulan ang entrance exam...

Bigla naman umilaw ang mga tuxedo at gown ng mga naka-formal attire kanina. Umilae rin ang gown ni Lilith at nang mawala na ang ilaw ay sa kanilang mga suot ay napalitan na lahat ng iba't ibang armor ang kailang mga suot. Napanganga naman kami nang makita namin ang armor ni Lilith. Naka-bra at panty lang kase siya na gawa sa bakal, pero infairness ang sexy niya. Pansin din ang paglaki ng sungay niya na naging kulay red, at ang buhok niya na naging pink. Napansin naman ata ni Lilith ang aming tingin na ipinukol namin sakanya...

"T-Triste, ito kase ang armor na kumportable kong suotin sa mga laban." Nahihiyang saad naman ni Lilith. "Hay nako, Okay lang ano ang sexy at mas bagay mo yan Lilith." Puri naman ni Guia. "T-thank you." Pasasalamat na saad ni Lilith.

"So sino ang leader?" Tanong ko sa kanila. "Ikaw na lang kuya." Masayang saad naman ni Guia.

"Oo ikaw na lang." Pagsang-ayon din ni Xavier at Kuya Lucian ng sabay.

"Uhmmm, ikaw na lang." Pagsang-ayon din ni Lilith,. Pansin ko lang bakit laging nasa baba ang tingin niya? Hays bakitt pati yon pinapansin ko. Naku, naku anong gagawin ko, pwede naman kasing si Kuya Lucian na lang eh.

"Potek bakit ako?" Tanong ko sa kanila. "Huwag ng pakipot." Malamig na Sabi ni Kuya Lucian. Kaya naman nagtino na ako. Pansin ko lang ang laki ng takot ko sa taong toh ah hahaha.

"S-Sige na nga." Pagsang-ayon ko na lang sabay kamot sa batok ko.

Naramdaman ko naman ang iba't ibang presensya mula sa mga kalahok. "Tara na!" Yaya ko sa kanila. Kaya naman tumakbo na ako at sumunod naman sila.

Habang tumatakbo kami pansin ko naman ang isang grupo na binubuo ng tatlong babae na nakangising nakatingin sa amin. Hmm may naaamoy akong masamang sa hangin tatlong babaeng 'yon ah. Kaya nang makalayo kami ay agad ko silang pinatigil upang makapagplano. Nang sa ganon ay handa kami sa pwedeng nangyare.

"Wait guys." Pagpapatigil ko sa kanila. "Ano ba yon kuya?" Tanong naman ni Guia.

"Guys, napansin niyo ba kanina yung ngisi ng limang babbar na magkakagrupong kasabayan natin kanina?" Tanong ko sa kanila. "Pansin ko nga" Maikling saad naman ni kuya Lucian kaya medyo nagulat ako sa pagresponds niya.

"Ako rin, kaso 'di ko na lang pinansin." Saad naman ni Xavier.

"Hay, nawa'y lahat napansin." Saad naman ni Guia. Ang hina naman ng pandama nito.

"Kailangan nating bumuo ng plano, dahil nararamdaman kong may gagawin silang masama saatin mamaya." Seryosong saad ko. "Uhmmm, t-triste n-nadala ko ata k-kayo sa gulo." Biglang saad naman ni Lilith na may kasamang bugtong hining na pinagtaka namin.

"Bakit Lilith kilala mo ba ang grupong iyon?" Takang tanong ko kay Lilith. "Oo, ang limang iyon ang bumubully sa akin sa simula ng entrance exam." Nahihiyang saad ni Lilith...

"Ah, ganon ba uh! Paano guys. Sinong may gustong turuan sila ng leksyon magtaas ng kamay?!" Saad ko at sabay-sabay naman silang nag taas ng kamay. Pati rin si Kuya Lucian na pinagtaka ko naman kaya tinignan ko siya ng nagtatanong.

"Bakit bawal ba?" Walang emosyaon naman nitong sabi.

"So tara na! bibigyan natin sila ng laro na hinding-hindi nila makakalimutan hahaha." Saad ko kaya naman pinagpatuloy ko na ang pagtakbo at tuluyan papasok sa gitna ng gubat.

Nang makarating kami sa gitna ng Foreste Albenio ay agad naming nakaharap ang kalahating lalake at kalahating ahas na nilalang.

"K-Kuya k-kalaban ba iyan?" Di makapaniwalang tanong ni Guia. "Oo, Guia." Sagot ko naman. "Wews ang gwapo niya." Saad ni Guia. Kaya binatukan ko siya. Nag-peace sign naman ito.

"Sa lahat panaman ng mapapansin, hays Guia." Saad ko habang sapo-sapo ang aking noo.

"Thank you sa compliment. Oo kailang niyo nga akong kalabanin. Isa akong Poison Vine Viper, so simulan na natin ang laban?" Nakangiting tanong nito. "Sge simulan na natin." Sagot ko naman.

"Uhmmm pwede po ba ako ang lumaban sakanya?" Pagsingit na paki-usap naman ni Lilith. "Uh, oo naman sige. Kaya mo ba siya?" Tanong ko naman kay Lilith.

"Uhmmm, opo naman." Saad naman ni Lilith. Kaya pinabayaan ko na lang siya para rin makita namin kung anong hold niya.

"Simulan na ba natin?" Tanong ng lalaking ahas. "Uhmmm, sige po" Saad ni Lilith, sabay mataman na tinignan ang lalaking ahas at...

"Ahh, ano-ano ito b-bakit di-di ko m-magalaw ang katawan ko?" Nauutal at puno ng pagtatakang saad ng lalakeng ahas na ipinagtaka namin. Kaya napatingin naman kami kay lilith na daretsyuhang nakatingin sa lalake.

"Uhmmm, sumuko kana dahil hindi ka talaga makakagalaw habang hindi kita pinapakawalan." Simpleng alok naman ni Lilith. "Hindi ako susuko!" Saad naman ng lalaking ahas.

"Uhmm, ganon ba. Edi sige." Saad ni Lilith sabay lapit sa lalaking ahas at pinagsusuntok niya ito at pinagsisipa.

Grabe kung titignan ang mga galaw niya ay parang sobrang professional na ito sa pakikipaglaban.

"S-Suko na ako." Nahihirapang pagsuko ng lalaking ahas.

"20 points para sa team ni Sephtis Kali Picosa!" Rinig namin biglang sigaw sa isa sa mga cyclopes na nakapaligid saamin ngayon...

Katapos noong announcement na iyon ay kumaripas ng gapang ang lalaking ahas palayo saamin at nag lalakad naman na pabalik si Lilith habang nakayuko....

"Wow Lilith paano mo nagawa iyon. Hold mo ba iyon?" Maligalig na tanong ni Guia kay Lilith..

"Uhmmm, oo isa kasi akong Stunned Holder, Bearer Type." Nakayukong sagot ni Lilith.

"Oww wow may bearer narin kaming kaibigan haha sa wakas." Masayang saad ni Guia.

"Huwag ka ngang yumuko dapat ipagmalaki mo ang maganda mong mukha." Nakangiting saad ni Guia. "Uhmmm, hindi ko pwedeng gawin 'yon, dahil once na napatitig ka sa aking mata ay maiistunned ka kahit di ko naman sinasadya." Paliwanag naman ni Lilith, so yun pala ang sagot kung bakit siya nakayuko parate.

"Aww okay, tanggap naman namin yon heheh bestfriend na kaya namin ikaw!" Saad ni Guia sabay yakap kay Lilith.

"Owww how sweet HAHAHA." Saad at malakas na tawa na pjmutol saaming masayang paguusap-usap, kaya naman sabay-sabay kaming tumingin nila Guia, ako, Xavier, Lilith, at Kuya Lucian....

Nang pagtingin namin ay nakumpirma namin kung sina ito o should I say ang mga ito. Sila lang naman yung tatlong babaeng magkakagrupo nakangisi na tumitingin sa amin kanina.

"Owww demon girl may new friends kana pala hahaha demonyo rin ba ang mga 'yan?" Tanong ng babaeng may kulay puti ang buhok, maganda, sexy, makinis ngunit feel ko basura ugali nito at tingin ko leader nila ito.

"Girl, mas mukha kang demonyo sa amin." Mataray na sagot naman ni Guia. "Aba, ang tapang mo naman bansot." Mataray na sagot naman nung leaser kay Guia.

"Aba-"

"Uhmmm, D-Dolores please kahit ngayong entrance exam lang pagbigyan niyo naman akong matahimik." Putol na pakiusap naman ni Lilith sa babaeng pumuto saaming kasiyahan kanina na tinaaag niyang Dolores, so Dolores pala ang pangalan nitong babaeng may Attitude na ito ah...

"No baby noh!" Saad niya kay Lilith na nang-iinis sabay buga ng hangin sa ere. "Huwag!" Biglang saad naman ni Lilith at sabay tulak sa akin. Katulak sa akin ni Lilith ay bigla na lang unti-unting binabalot ng yelo ang katawan ni Lilith kaya nagpanic kaming lahat. Kaya naman sinusubukan naming tuklapin ang yelong kumakalat at bumabalot sa katawan ni Lilith. Tumulong narin si Kuya Lucian na halatang nag-aalala narin.

"Ah, wag niyong t-tuklapin. Sumasama ang aking balat." Nasasaktang pakiusap ni Lilith kaya naman tumigil kaming lahat.

"ANONG GINAWA MO SA KANYA!" Pasigaw at galit na tanong ko sa babaeng nag ngangalang Dolores...

"Uh I just use my Hold Power to her and anytime she will die because of coldness. How weak!" Walang ganang saad ng babaeng nagngangalang Dolores na nagpatiim ng bagang ko ngunit kinalma ko parin ang aking sarili...

...

THIRD PERSON P.O.V

"Nakiki-usap ako. Ipawalang bisa niyo kung ano mang ginawa niyo kay Lilith." Nakayukong bulong at pisil kamaong paki-usap ni kali kay Dolores.

"Who are you yo tell me what to do uh? Bitch! HAHAHA" Matapang na paghahamon nito kay Kali. "HAHAHA" Tawa naman ng mga kasamahan ni Dolores.

"Please, I beg you to release Lilith in your power." Halos pabulong paring nagtitimping paki-usap parin ni kali.

"Oww this bitch has guts HAHAHA." Saad ni Dolores sabay tawa.

Kaya di na napigilan ni Kali ang kanyang emosyon at nagpakawala na ito ng Death Aura na nagpadilim sa kalangitan at nagpanginig sa lahat ng nasa paligid niya. Kahit si Lucian ay nanginig, habang ang ibang Sub-Fera at ang apat na kasamahan ni Dolores ay nahimatay nang maramdaman ang Death Aura ni Kali.

Kita rin naman ngayon ang panginginig ni Dolores na tila ba'y takot na takot ito.

"A-Anong g-ginagawa mo,. You d-damn bitch!" Nangingig na saad ni Dolores ngunit pinairal parin ang tapang niya.

"I beg but you don't grant my request!" Galit na saad ni kali na kita ang purong itim na mata nito .

"I-I don't f-fucking care bitch!" Nauutal at nanginginig na pang-iinsulto pa ni Dolores na lalong nag pagalit kay Kali.

"Uh? Ganon ba?" Nakangising tanong ni Kali. "LIFE OR POWER!" Sigaw ni kali dahilan para manginig palalo si Dolores at sobrang takot ni Dolores ay nahimatay si siya. Huminga naman ng malalim si Kail bago ito magsalita.

"Kukunin ko na lang ang iyong Hold Power." Saad ni Kali...

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )

POISON VINE VIPER

CYCLOPES

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top