CHAPTER 3
Confession...
KAGURA'S P.O.V
Patapos na akong mag-almusal, dahil ayaw na naman akong payagan ni mama na pumasok hangga't walang laman ang tiyan ko.
"Ma, alis na po ako at baka malate pa ako, 7:30 first class ko eh bye bye, muah." Hinalikan ko sya sa pisnge at tumakbo na paalis ng bahay. Pagkalabas ay pumara agad ako ng jeep at pagkapara ko ay tumakbo agad ako papasok ng school.
Lumipas ang ilang oras ng discussion ng mga teacher at ngayon nga ay recess na at nasa Canteen ako ngayon kasama ang kambal.
"Uy Kagu mah pren at bro, may sasabihin ako," excited na pagtawag ng pansin sa amin ni Mae, "may bago akong crush hihihi naka-ukit yung first letter ng name nya dito oh." Pakita ni Mae sa amin nang kwintas na may pendant na heart tapos may naka-ukit na letter M. Potek totoo ba ito, hahaha baka Manuel ang meaning non, hays binigyan mo ako ng pag-asa babe Mae.
"Luh sis talagang gumastos kapa para lang sa ka-artehan mo ah." May inis na saad ni Zhey, medyo may pagka kuripot kase si Zhey kaya tuwing gumagastos ang kapatid niya ay nagagalit ito. "The hell I care." Walang ganang sagot naman ni Mae.
"Mae bigay ka naman ng clue, tulad ng matangkad ba ito, fit ba siya o pogi ba ito?" Usyoso ko, kasi baka assuming lang ako at na ngangarap na baka ako ang nagugustuhan nya heheh...
"Uhmm medyo maliit sya." Saad ni Mae na nagpangiti saakin, 1 point uyy medyo maliit ako kay akin yung 1 point hahaha.
"Chubby sya." Saad pa ni Mae, another 1 point luh chubby kaya ako hahaha...
"Di naman sya gaanong pangit pero para saakin gwapo sya." Saad ni Mae na nagpangiti pa lalo saakin, 3 points kase gwapo naman ako pagwala daw akong pimples hahah so, ako nga, shit!
"Why ba Kagu?" tanong ni Mae. "Ah wala sige na ma-una na ako." Saad ko sabay alis. Oh my siomai, paano ako aamin sakanya sigurado akong ako si M hahaha sa mga sinabi nya siguradong sigurado akong ako iyon.
Sa buong afternoon class ay iniisip ko na kung paano ako aamin at paano ako manliligaw kay Mae, hayss medyo nakakahiya kase kung sya pa yung mag-aaproach sa akin 'di ba? Ako ang lalake, ako dapat ang unang mag-approach sa kanya. Kaya nang matapos ang klase ay tinext ko na si Mae, sinabi ko sakanya na mag kita kame sa 7/11 at wag nang isama pa si Zhey dahil may sasabihin akong mahalaga sakanya at kaming dalawa lang dapat ang makakaalam, hays Mae mah loves sa wakas mapapasaakin kana rin.
...
Nandito na ako ngayon sa 7/11 at hinihintay na si Mae, ilang saglit pa ay natanaw ko na nga ang babaeng aking iniibig, lumapit na ito sa akin kaya naman napangiti ako at sinalubong ito.
"Oh Kagu, ano ba ang sasabihin mo?" Tanong naman ni Mae sa akin, ngumiti naman ako. "Ah Mae ano kase uhm..." Pero bakit ganon parang napalipit ang dila ko kaya walang lumalabas na salita sa aking bibig.
"Ano nga Kagu hahaha bilisan mo kaya, tignan mo malapit nang bumagsak ang ulan" Saad naman ni Mae, tumingin naman ako sa itaas at doon ko nakitang napakadilim na nga ng kalangitan at nagbabadya na ang ulan. "May gusto ako sa 'yo Mae matagal na, a-ako ba yung M sa pendant mo hehehe ako na nag-approach baka kase nahihiya ka lang!" Sigaw ko sa kanya, sa sobrang excited ko ay naisigaw ko ng hindi sinasadya at nagtinginan ang mga taong naglalakad sa amin, ngunit kita ko ngayon ang kanyang mukha na tulala at mukhang di makapaniwala sa sinabi ko, nashock ata haha baka nag poprocess sa utak nya yung crush nya may crush din sa kanya haha.
"U-Uhm paano ko ba to sasabihin ito, ano kase Kagu, k-kaibigan lang tingin ko sayo a-at, yung ano si, si M, ay si Miguel Noah ng BS Engineering kase iyon, p-pasensya na." Saad nya na nagpa-shock sa akin, sumabay naman ang pagbuhos ng ulan at pagkulog ng malakas, bigla namang umungay ang paligid at sunod no'n ay narinig ko ang mga bulong-bulungan at kaliwa't kanang tawanan na nagparamdam sa akin ng sobrang kahihiyan.
"Ah ganon ba, a-ah sige mauna nako m-may dadaan pa kasi ako sge pa-hooo pasenya na sa abala sge bye." Nagpipigil luhang paalam ko kay Mae, tumalikod na ako at nag-umpisa ng tumakbo.
"Kagu-" Rinig kong habol nya ngunit sa binilisan ko pa ang takbo ko, nahihiya na kase ako, sobrang lakas ng tawanan nila, I HATE THIS WORLD, this world is so unfair!
Potek parang gusto ko nang mamatay, hayss nakakahiya, gago ka Manuel Kagura Anastacio, napaka assuming mo, bakit ka nangarap ng hindi mo naman maabot, shit na buhay to shit!
(Kring....Kring)
Patawid na ako sa pedestrian lane nang marinig kong tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ngayon, nang tignan ko ang cellphone ko si mama pala ang tumatawag kaya naman sinagot ko agad. "H-Hello ma, bakit po?" Nauutal na saad ko kay mama dahil nga pinipigilan ko ang luha ko na namumuo ngayon sa aking mata. "Hello nak naiwan mo pala payong mo. Baka basang-basa ka na ng ulan, teka nak. Umiiyak ka ba? Ah? Anong nangyari?" Tanong ni mama, kaya hindi ko na napigilan ang luha ko at tuluyan nang pumatak sa mila sa aking mga mata.
"H-Hindi p- AH!..."
(BEEP~)
(BEEP~)
(BOOM~ BOGSH~)
Sumalpok at kinaladkad ako ng truck- pero bakit ganon, parang manhid na ang katawan ko at wala na akong maramdamang sakit.
"Hello nak, ano yon, Anak!" Dinig ko pang nag-papanic na tanong ni mama, ito na siguro ang katapusan ko kaya dapat masabi ko na sakanyang mahal ko siya kahit sa huling pagkakataon lang. "M-Ma, I-I love you." Nanghihinang saad ko at doon na ako napapikit. "Anak ano yon anak!" Huling rinig kong sigaw sa akin ni mama bago nagdilim ang aking paningin at mawalan ng pakiramdan...
...
THIRD PERSON P.O.V
(Sa bahay nila Kagu)
"Hello Nak!" Kinakabahang usal ng mama ni Kagu. "Hala!, may na-aksidente tuwag kayo sa 911 bilis!" Dinig na sigaw naman ng mama ni Kagu sa isang babae sa telepono ng kanyang anak na humihingi ng tulong. Bigla naman sumagi sa isip niya ang trahedyang dinanas niya nung araw ng kasal nila ng kanyang mapapangasawa.
Kaya walang ano-ano ay nagmadaling nagbihis si Yolanda, mama ni Kagu. Sinugod nito ang napakalakas na ulan na wala man lang payong, nagmamadaling tumakbo iyo sa hintayan ng taxi, swerte namang mayroon agad na taxi ang huminto sa kanyang harapan, sumakay naman iyo agad.
"Manong alam nyo ba kung saan lugar yung may aksidente raw?" Balisang tanong ni Yolanda sa driver. "Opo ma'am bakit po." Sagot naman ng taxi driver. "Pakidala po ako doon, Please Kuya pakibilisan po, dodoblehin ko po ang bayad." alisang pakiusap nito sa driver. Nang makarating sila sa pinangyarihan ng aksidente ay agad nang nagbayad sa taxi si Yolanda, di na kinuha pa ang sukli nito, sabay takbo sa pinangyarihan ng aksidente, pinagsiksikan ang sarili para makalapit pa lalo sa pinangyarihan ng aksidente, nagtagumpay naman itong makalapit at pinilit pang makapasok sa may harang ng mga pulis upang mas lalong makita ang itsura ng na-aksidente.
"Ma'am bawal po kayo dito" pigil sakanya ng pulis ngunit nang makita nya ang suot na relo ng taong na-aksidente ay doon nya napagtantong ang anak nya nga ito, walang duda, dahil ang relong iyon ay iniregalo nya sa anak nya no'ng nag-eighteenth birthday ito. "Anak!" Sigaw ni Yolanda sabay tinulak ang pulis ng sobrang lakas upang maka-daan ito, nanag makalapit ito ay agad niyang inihiga ang anak niya sa kanyang bisig. "Diyos ko po pati po ba ang anak ko kukunin nyo." Iyak na sigaw ng babae habang nakatingin sa kaawa-awa nyang anak...
Nang dumating ang ambulansya ay agad na sinakay ang katawan ni Kagu...
Pagdating sa hospital ay idineklara si Kagu na dead on arrival, kaya tila piang sakluban ng langit at lupa ang kaawa awang ginang...
Nasa isip nito na, bakit di pa sya kunin ng Diyos tutal kinuha na naman nito ang dalawang taong minamahal nya...
...
Sa kasamaang palad ay nasawi nga si Kagu at ngayon nga ay nakaburol na ngayon sa bahay ng mga Anastacio ang kanyang labi.
Nag dadalamhati ang lahat sa pagkawala ni Kagu, inaalala ng lahat ang masasaya at malulunkot na nagawa nila kasama si Kagu. Pilit sinisisi ni Mae ang sarili at sinasabi niyang, "kung sanang binigyan ko ng pagkakataon si kagu ay di sya ma-aaksidente." Paulit-ulit na saad ni Mae at todo hingi sya ng tawad sa harap ng kabaong ni Kagu.
Habang ang nanay naman ni Kagu na si Yolanda ay nakatulala lang, tila ba napakalalim ng iniisip nito at walang masabi ni isang salita. Kung bibigyan naman si Yolanda ng pagkain ay itatapon lang niya ito at bigla nalang itong iiyak ng malakas, dahil nga ina-alala nya ang masasayang araw nilang dalawa ng anak, tulad ng asaran nila, pagpapagaanan ng loob ng isa't isa at kung paano kantahan sya ng kanyang anak na kahit kailan ay di na mangyayari pang muli dahil wala na ang kanyang nag-iisa at pinakamamahal na anak, patay na si Manuel Kagura Anastaciao...
Ganon din naman ang narardaman ng kambal, masakit man ngunit kailangan magpakatatag ni Zhey para may magpagaan ng loob sa kapatid nya at sa ina ng kanyang bersfriend na namatay, dahil nga wala nang ibang kamag anak sila kagu, kaya ang pamilya narin ng kambal ang nag-aasikaso sa burol ni Kagu, dahil alam naman nilang wala naring lakas ang mama ni Kagu sa pag-aasikaso ng burol, todo din kasi iyong pagluksa.
Nagsimula na namang umiyak at humiyaw ng biglaan si Yolanda, paaulit-ulit niyang sinasabi ang pangalang "Manuel" pinuntahan naman siya ng kambal at niyakap siya ng mga ito pero patuloy parin ito sa pag-iyak.
Ramdam ang sakit at pagdadalamhati ng isang inang nawalan ng anak sa bawat hiyaw na may kasamang luhang nilalabas ni Yolanda...
....
But...
While the family and friends of Kagu are all in pain and grief. Little did they know, Kagu was in deepest sleep in one peaceful place...
....
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top