CHAPTER 29
BEING EXAMINEE...
KALI'S P.O.V
Kababangon ko lang ngayon at nang tignan ko ang Relógio de todos ay 5:00 AM pa lang na saktong sakto para maipaghanda ko ng almusal ang mga kasamahan ko. Gusto ko kaseng ipagluto ng almusal ang mga kasama ko sa bahay, gusto ko namang ipagmalaki ang cooking skill ko. Wag kayong ano diyan ah, dahil hidden talent ko kaya ang pag luluto noong nabubuhay pa ako bilang isang mortal na tao ay ako ang nag luluto ng sarili kong pagkain kapag nag-oovertime noon si mama
Dahil bawal kumain ng kahit anong karne ng Fera o hayop sa mundong ito ay gulay at prutas lang ang pwede. May kanin naman pero mas gusto ng mga nilalang sa mundong ito ang tinalay, kaya naman napagdesisyunan kong iluto ang specialty kong Sandiwch slash Salad – ang fried spinache with cheese salad bread.
Kapareha lang ang mga gulay at prutas ng mundong ito sa mundo ng mga tao, kaya huwag kayong magtaka kung merong spenach at ibang klase pa ng gulay o prutas dito. Sadyang may ilang puno at halaman lang talaga ang mahiwaga na rito lang makikita.
Inuumpisahan ko na ngayon ang paggisa sa sibuyas. Nang magcaramelized na ang sibuyas ay inihalo ko naman ang piniritong bawang ko kanina at isinabay ko narin ang spinach. Nang masigurado ko nang naluto na ng maigi ang kangkong ay inihalo ko na ang cheese at nang magmelt na ang cheese at dumikit ito sa spinach ay pinalamig ko muna ng ilang oras. Nang lumamig na ay saka ko naman ito ipinalaman sa tinapay.
Inilagay ko na ngayon ang sandwich sa mesa at tumimpla ng black coffee para kay Kuya Lucian at sa akin. Hot chocolate naman kay Guia at hot milk naman kay Xavier.
Hays medyo natagalan ang pagpeprepare ko ng almusal namen, inabot kase ako ng 6:30 pero worth it naman dahil ng tikman ko ang spinache cheese sandwich na ginawa ko ay masasabi kong masarap ang ang lasa neto, 'di ko naman siguro ibaba sarili kong bangko 'di ba?
Lumakad na ako palapit sa pinto. Di naman ako nahirapan na katukin ang mga kwarto dahil magkadikit lang halos ang pinto ng dalawa.
"Mga Señor at Señorita! Handa na po ang inyong almusal, kaya magsigising na kayo riyan. Papalitaw na ang Solis oh!" Katok at sigaw ko rin sa labas ng mga kwarto para magising sila. Katapos nun ay dali-dali na akong pumunta sa mesa, dahil 'di naman mahirap gisingin ang mga kasamahan kong 'yan.
Nang maka-upo nako ay sabay naman ang pagbukas ng mga pinto, kaya napalingon ako...
"Good morning sa inyo." Nakangiting pagbati ko. Kita ko naman ngayon sila Guia at Xavier na nagpupunas ng mata at gulo-gulo ang buhok, habang si kuya Lucian naman ay parang freah na fresh ni gusot na buhok ay wala.
"Morning, aba kuya, saan ka bumuli ng pagkain?" Umihikab na tanong ni Guia sa akin kaya napaliit ang aking mata.
"Hoy, ako kaya naghanda ng lahat ng niyan! napaka ano mo ah! di mo ba alam na hidden talent ko ang pagluluto? Wag kaya kitang pakainin?" Naka-pout na saad ko kay Guia.
"Sorry na haha." Saad naman ni Guia sabay mabilisang umupo sa hapag-kainan.
"Oh ano pangginagawa niyo diyan Kuya Lucian, Xavier? Umupo narin kayo at baka malate pa tayo sa exam." Pag-anyaya ko sa magkasintahan na agad naman nilang tinalima.
Katabi ko ngayon si Xavier dito sa upuan habang katabi naman ni Guia si Kuya Lucian sa kabilang side ng table. Bale kaharap ko si Guia, kaharap naman ni Xavier si Kiya Lucian.
"Wow Kali ang sarap naman nito, ngayon ko lang natikman ang ganitong klase ng pagkain. Ito na ata ang tatapos sa simpleng tinapay at mantikilya sa almusal na sawang-sawa na ako. Ano pa lang tawag dito?" Tanong ni Xavier. Napangiti namna ako ng malapad, dahil sa mga papuri.
"Ang tawag diyan ay spinach cheese sandwich, bakit wala bang sandwich sa mundong ito?" Tanong ko kay Xavier.
"Ngayon ko lang nga nakita at natikman ang ganitong klase ng pagkain eh." Sagot naman ni Xavier sabay kagat ng sandwich.
Kakagat narin sana ako ng sandwich ng tapakan ni Guia ang paa ko, kaya nilakihan ko siya ng mata. Nakipag eye-to-eye naman siya sa akin sabay turo sa leeg niya at sabay turo kay Xavier gamit ang kanyang nga mata. Kaya napatingin ako sa gawi ni Xavier at doon nga ay nabagabag ako sa aking nakita.
"Xavier! Hala napano 'yang leeg mo?!" Nag-aalalang tanong ko kay Xavier dahil sa bakas ng kagat na nasa leeg niya. Para namang nabigla si Xavier at Kuya Lucian.
"Ayy tanga." Pabulong namang usal ni Guia sabay sapo sa kanyang noo.
"Napano 'yan?!" Pag-uulit ko sa tanong ko kanina.
"Ahh, ehhh, ahh." Paligoy na sagot nito.
"Ano mag ah a, e, i, o, u na lang ba tayo rito?" Inis na tanong ko kay Xavier.
"Ano kase-"
"Kinagat ko siya kagabe." Diretsuhan at walang emosyon na putol ni Kuya Lucian sa sasabihin sana ni Xavier na nagpanganga sa akin. Gish ngayon ko lang napagtanto na chikinini pala ang nasa leeg ni Xavier.
"Dyusme kuya paganahin mo naman ang common sense mo!" Saad ni Guia habang sapo-sapo ang kanyang noo. "Sorry na nga haha." Nahihiyang bumaling ako kay Xavier at Kuya Lucian, shet parang napaka inosente ko naman sa part nayon...
"Okay lang. Pero wag kayong mag isip ng masama ah, 'di kami nag-sex ah." Nahihiyang saad ni Xavier...
"Di lang kami natuloy." May diin namang sabi ni Kuya Lucian, kaya napasamid kami ni Guia. Lumiliit naman ang mga mata ni Xavier kay kuya at galit na sumubo ng sandwich.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kaming lahat sa sarili-sarili naming kwarto at nagsiligo.
....
Naglalakad na kami ngayon at tinitignan sa Ring Map ang lugar na sinabi ng Diretora sa amin. Sinundan lang namin ang daanan na tinituro sa amin ng Ring Map...
Nang tumugil na ang red na arrow na nag sisilbing guid namin ay napanganaga kami sa aming nakita...
Isang malawak lang na field lamang ito na may isang puno sa gitna na taliwas sa sinabi ng Diretora na isang hall ang matatagpuan namain. Ano ba naman yan mali ata ang itinuro ng ring map.
Tatalikod na sana kami ng biglang nagpakita sa harap namin si Señorita Marisa. "Oh saan pa kayo pupunta? Tara na sa hall." Saad no Señorita Marisa. Ah baka malapit na lang dito ang hall.
"Malapit na lang po ba dito ang hall?" Tanong naman ni Xavier.
"Oo, nandito na nga kayo sa harapan ng hall eh." Sagot naman ni Señorita Marisa na nagpagulat sa amin.
"Weh! Saan po ang hall dito eh field lang po ito?" Nabibiglang tanong ko.
"Mga anak, ang daanan kase papasok ng hall ay yung punong iyon. Tinatago kase ang Irisian battle hall ng Academy upang walang Pessoas Mas ang manggulo sa entrance exam ng akademya." Paliwanag sa amin ng Señorita na nagpalinaw sa amin mga isip.
"Sino po ang mga Pessoas Mas?" Tanong naman ni Xavier, kahit ako ngayon ko lang narinig ang salitang iyan.
"Ah, hindi niyo alam?" Batong tanong naman ni Señorita Marisa saamin na tinanguan lang namin. "Ang mga Pessoas Mas ay ang mga Fantasian na nakipag kasundo sa taksil na Deus na si Deus Lucifero. Sila rin ang mga nanakop sa iba't ibang kaharian. Oh siya tara na at baka mahuli pa kayo sa exam." Kwento ni Señorita Marisa sa amin, wala naman kami, sabay yaya na pumasok na sa hall. Kaya naman lumakad na kami papunta sa puno...
Nang makarating na kami sa harap ng puno ay biglang pumikit si Señorita marisa at itinaas nito ang dalawang kamay...
"Ó árvore que esconde o conteúdo, imploro que abra e me deixe entrar." Pag-chant nito sa isang spell.
[Translation: Oh, puno na nagkukubli sa kalooban, ako sana'y iyong pahintulutang pumasok]
Pagkatapos ng chant nya ay bigla na lang nahati sa dalawa ang puno at biglang nahati ang lupang tinitirikan nito dahilan para makita namin ang isang hagdan na patungong ilalim...
"Wow." Nasambit na lang naming tatlo ni Guia, Ako, at ni Xavier, samantalang wala na naman pakialam si Kuya Xavier. "Tara pumasok na kayo." Pagyaya saamin ni Señorita Marisa. Kaya naman dali-dali kaming naglakad pababa ng hagdanan...
Pagkababa namin ay nakita namin ang isang pinto na nakasara at may nakasulat dito na, "IRISIAN BATTLE HALL" na binuksan naman ni Señorita Marisa...
"Tara, pumasok na tayo." Paanyaya ni Señorita Marisa saamin na agad naman naming tinalima. "Wow!" Nasabi naming tatlo ni Guia, Ako, at ni Xavier at wala parin pong naging emosyon si kuya Lucian kahit sobrang nakakamangha na ang aming nasisilayan ngayon. Nakikita lang naman namin ang isang napakagarang venue na para bang nasa royal venue kami. Talaga namang may magagarang mesa at upuan pa. Shit napansin ko lang na kami lang pala ang hindi naka formal attire, nakakahiya naman. Naaka-Cloak na kulay puti lang kase kami ng mga kasama ko.
"Welcome to Itisian battle hall Señor and Señorita please be seated at Table no# 32." Saad ng isang maliit at may kulay pink nabuhok at may tenga ng kuneho na nilalang na nagpagulat sa akin...
"Wow! ngayon lang ako nakakita ng Slylope sa malapitan!" Na-eexcite na saad naman ni Xavier sa nilalang na kumakausap sa akin. "Ano naman ang Slylope?" Takang tanong ko naman.
"Ang kwento sa akin ni Nanay Olin noong nabubuhay pa siya ay ang mga Slylope raw ay isa sagradong nilalang na sinasabing ginawa ni Deus Solis bilang regalo kay Dea Lua – pero dahil sa sobrang bait ni Dea Lua ay pinababa niya ang mga Slylope dito sa Mundo da Fantasia upang maging taga-hatid ng mga mensahe sa mga Fantasian. Sila rin ang tinaguriang pinakaligtas na pagtaguan ng sikrero sa lahat ng nilalang." Mahabang kwento naman ni Xavier tungkol sa mga Slylope.
"Dami mong alam ah." Saad ko naman sa kanya. "Siyemore, sila kaya ang pinapangarap kong maging Bosom Fera. Sino kayang nagmamay-ari sa kanya?" Tanong nuto sa akin. "Aba hindi ko alam." Sagit ko naman.
"Siya si Amadea. Kaya siya namamahala dito sa hall ay dahil inatasan siya ng kanyang Owner na mamahala sa sa hall. Ang Owner niya kase ay si Diretora Anisha." Paliwanag naman ni Señorita Marisa na napabilib na naman sa amin. Nang matapos ang pag-uusap na iyo ay naglakad na kami sa sinabing Table number sa amin ng slylope...
At ilang sandali pa ng pagsaktong 9:30 na ay bigla na lang nagpakita sa amin ang isang lalaking mga nasa mid-thirty ang edad at lumulutang ngayon sa ere.
"Maligalig na araw sa inyong lahat, mga Future Irisian. Ako nga pala si Señor Miguel. Isang Apresintadora sa larangan ng Elixirlogy at narito ako para maging tagapamahala ng inyong exam ngayong araw. Wala ng Paligoy-ligoy pa ah. Ang challange na ibibigay sa inyo para sa exam ngayong taon ay tatawaging "GET A POINT." kung saan pupunta kayo sa loob ng gubat upang harapin ang mga Sub-Fera na scholar namin dito. Huwag kayong mag-atubiling saktan sila, dahil hindi niyo naman sila mapapatay kahit anong gawin niyo dahil regen type sila ng mga Sub-Fera at may permission kami mula sa kanila. Kaya don't hesitate, basta bawal lang silang patayin at siyemore, bawal din naman nila kayong patayin. So ito na ang mga types at kalakip na points sa mga makakalaban niyo...
Poisonous Vine Viper with 20 points Attached...
Tree beard with 60 points attached...
Orge with 100 points attached...
Petrification Lizard with 500 points attached...
And the Golem with 1000 points attached...
The 100 in 500 students who get 1000 points first, will pass the Grand Entrance Exam and enter Campo de Iris Academy as New Irisians. In addition, you can also fight each other and get each other's points and you can also creat a 5 man group to secure your points. That's all the rules so I invite everyone to stand up to start the Grand Entrance Exam." Mahabang salaysayan ni Señor Migs na agad naman tinalima ng lahat. Nang makatayo na ang lahat ay tsaka naman unti-unting bumababa ang mga upuan at mesa sa lupa, nag iiba din ang hall at nawawala ang magarang desing nito.
Nawawala lahat ng dekorasyon at palamuti ngayon sa hall. Tila ba nagiging lupa lahat ng mga ito at biglang na lang gumalaw ang tinatapakan namin at ramdam kong lumipad ito papataas na nagresulta ng pagkatakot ng mga Fantasian na kasama ko.
"Huwag kayong mag-alala. Dadalhin lamang kayo ng ating platform sa lugar Forestre Albenio kung saan gaganapin ang Exam. Dumadaan tayo ngayon sa underground elevator ng Academy kaya huwag kayong matakot." Pagpapakalma naman ni Señor Migs saamin habang bumababa papunta sa amin.
At ilang oras na biyahe pa ang nakaalipas ay biglang bumukas ang lupa at lumabas kami mula roon at nasisilayan namin ngayon ang isang lugar na talaga namang nakakamangha dahil ang kabilang parte nito ay Nagninyebe samantalang ang kabila naman nito umaaraw. Ang gabda rito, ito na kaya ang Forestre Albenio?
"Welcome sa Floreste Albenio, mga Future Irisian." ...
....
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top