CHAPTER 28
SOFT SIDE...
GUIA'S P.O.V
Naglalakad kami ngayon sa hallway na dinaan namin kanina, kita ko rin si Kuya kali na seryosong nakatingin sa mapa. Kapag naiisip ko ang mga nangyari kanina, naiiyak talaga ako.
Ang sakit naman nun hahaha ang assuming ko kase, dapat pala tinanong ko muna si Kuya Josh kung single pa ito, hays, may asawa na pala ang taong nagugustuhan ko. Ang sakit kaya noh, ganito pala pag first time mong umibig kaso taken na pala hahah.
Di ko na napigilan pa ang emosyon ko at nag-break-down na ang mga luhang pinipigilan ko, kaya yumakap ako agad kay Kuya Kali.
"K-Kuya ang sakit pala ng ganon." Umiiyak na saad ko kay Kuya Kali. "Uyyy napano ka Guia?" Nagtatakang tanong naman ni Xavier, hays pinagalala ko pa ata ang mga kasama ko sa ka-immaturan ko. "Wala lang to wag mo na akong pansinin Xavier." Umiiyak na sagot ko kay Xavier.
"Hayss Guia para saan pa at naging mag kaibigan tayo kung di rin kita madaramayan sa mga problema mo?" Nag-aalalang turan ni Xavier sa akin.
"Alam mo Guia normal lang ang masaktan noh, diba alam mo namang mas malala pa diyan ang pinag daanana ko noon?" Tanong sa akin ni Kuya Kali na pumapatungkol yung pagrereject sa kanya ng taong mahal niya noong tao pa lang siya, sabagay mas masakit nga iyon, pero sa tingin ko ay naka pag move-on na siya roon, kaya naman timungin ako sa kanya at pinunasan ang aking mga luha.
Sabay kong naramdaman ang paghaplos sa akin ni Kuya Kali sa ulo bilang pagpapaluwag sa aking loob.
"You know Guia, you need to learn from your mistake, because, mistakes made us a strong independent person. So smile." Nakangiting pag papaluwag ng aking loob, si kuya talaga kapag seryoso ang usapan, bibigyan ka talaga ng matino at kapupulutan ng aral na mga salita, kaya love na love ko si Kuya Kali. "Salamat kuya ah." Maikling pagpapasalamat ko sa kanya.
"Uyy ano bang nangyari Guia kwento mo naman." Usyoso naman ni Xavier, kaya naman sinabi ko na sa kanya tutal hindi naman kaibigan ko naman siya.
"Wag mo akong i-judge ah?" Tanong ko kay Xavier at tinanguan lang ako nito na nangangahulugang hindi ako nito huhusgahan.
"Ganito kase yan. Na love at first sight kase ako kay Kuya Josh kaso katulad nga ng nangyare may asawa na pala siya kaya ayun nasaktan ako ng konte. First time ko lang kase ma-inlove at makaramdam ng ganito sa isang Fantasian – kahit na sabihin mong mas matanda sa akin si Kuya Josh ay na fall ako agad sa kanya sa unang kita ko pa lang." Kwento ko kay Xavier. Tumango-tango naman ito.
"Alam mo Guia baka "crush" lang ang naramdaman mo kay Kuya Josh at hindi love. Tignan mo niyan, kapag lumipas ang isang linggo o buwan ay malilimutan mo rin siya." Paliwanag sa akin ni Xavier na tinanguan ko na lang dahil pagod na ako tila ba nawalan na ako ng lakas sa lahat ng nangyari ngayong araw, gusto ko na lang magpahinga.
...
Makalipas ang ilang oras ay nandito na kami sa harap ng kwartong pansamantalang tutuluyan namin.
Pinihit na ni Kuya Kali ang pinto at di kami makapaniwala sa aming nakikita ngayon.
"Kwarto lang ba talaga ito?" Biglang tanong ni Kuya kali. "Di kaba namali ng punta Kali?" Tanong naman ni Xavier kay Kuya Kali, kaya naman sinara niya ulit ang pinto at pinakatutok ang mga mata sa plate ng pinto. "Tama naman ang pinuntahan natin ah, see room 233 naman ito." Saad ni Kuya kali.
"Hay nako pumasok na nga tayo, gusto ko ng magpahinga, talaga namang napagod ako ngayong araw." Yaya ko sa kanila na sinunod naman nila.
Nang tuluyan na kaming makapasok ay namangha na lang kami sa aming nakita. Paano ba naman hindi kami mapapanganga eh nung unang pagbukas namin ng pinto ay tanging magagarang upuan at mesa lang ang nahagip ng aming mata. Pero ng makapasok kami ay may dalawang mistulan itong maliit na bahay na kumpleto sa kagamitan, naagaw ng atensyon ko ang dalawang pinto sa may gilid ng upuan kaya yinayaya ko ang mga kasamahan ko na puntahan ang mga ito.
"Guys, tignan niyo oh may dalawang pinto, tara halug-hugin natin." Pagyaya ko sa kanila at pumunta papunta sa unang pinto.
Pagbukas namin ay nalaglag na naman ang panga namin, dahil may king size bed ito, side table na may lamp shade, at may table malapit sa bintana ng kwarto, gosh lakas makamaharlika naman ng kwartong ito – ngunit napansin ko rin ang isang pinto pa sa gilid na sa hula ko ay banyo, dahil dito sa labas ay itong dalawa lang na ito ang pinto, at ang isa ay pinaghihinalahan kong banyo.
Kaya sumunod naman naming binuksan ay ang katabing pinto nito na hinala ko ay ang banyo. Ngunit nang binuksan namin ito ay parang copy-paste lang ng katabi nitong kwarto ang kwartong ito.
"Uyy teka lang saan yung banyo? dalawalang nakikita kong pinto eh." Tanong no Xavier. "Ayy shunga hahaha hindi mo ba nakita na may tig-iisa pang pinto sa loob ng dalawang kwartong iyon? hahahaha." Natatawa kong pagconfronta kay Xavier na nagpasimangot dito, ang kyut niya hahaha.
"Alam mo talagang hindi ko naman makikita yung kabuuan ng loob ng dalawang kwarto dahil ikaw po ang nauuna at tinakpan mo lahat ng view, hello mas matangkad ka kaya sa akin." Napipikon na saad nito, pandak kase haha.
"Osiya, osiya gusto ko ng magpahinga, Ikaw Xavier, kayong dalawa ni Kuya Lucian ay diyan sa unang kwarto, kami naman ni Kuya Kali ay dito sa ikalawang kwarto. Bye sweet dreams, Kuya mauna na ako ah." Pagpapaalam ko kari Xavier dahil gusto ko na talagang matulog..
....
XAVIER'S P.O.V
Pagkapasok ni Guia ay siya namang pagpapaalam din ni Kali sa amin.
"Sige na, Kuya Lucian at Xavier sundan ko na si Guia dahil pagod na pagod narin ako. Xavier pagpasensyahan mo na si Guia alam mo namang heartbroken eh, sige sweet dreams." Paalam ni Kali sabay pasok sa kwarto nila ni Guia kaya naman humarao ako kay Adrien na kanina pa nasa likod namin.
"Tara na Adrien, pasok na tayo sa kwarto natin para makapagpahinga na tayo." Nakangiting saad ko sakanya. "Talaga bang Adrien lang ang itatawag mo sa akin? Hindi mo na ba papalitan? Pwede naman kasing babe, loves, o kaya naman ay mahal. Tatanggapin ko nh buo iyon." Nagtatampu-tampuhang saad niya sa akin, ganito siya ka-sweet kapag kami na lang dalawa ang nag-uusap, ayaw niya raw kasing ipakitang mahina siya sa ibang tao lalo na sa mga kapatid niya, tinanong ko kase siya no'n at ang sabi niya ay ang itinutiring niya raw na kainahan ay ang soft side niya kaya di niya masyadong ipinapakita ito sa iba.
"Bakit ko naman iibahin ang call-sign na talaga namang nagbigay sa akin ng takot na nagpahulog sa akin?" Banat ko sa kanya na nagpagalaw sakanyang neck gaiter na nangangahulugan ng pag ngiti niya.
"Tara na nga at pumasok na tayo ng makapagpanhinga na tayo." Saad ko sa kanya, ngunit nagulat ako sa kanyang ginawa.
"Uy ano bang ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ko sakanya. "I don’t want my babe to get tired anymore." Nakangiting saad niya sabay buhat pangkasal sa akin, na alam kong kuna pula ko. Kaya naman pumasok na kami sa kwarto habang buhat buhat niya ko.
Inilapag niya ako sa kama at nagulat naman ako sa kanyang ginawa, dahil bigla lang naman niya akong hinalikan ng madiin sa labi.
Ginantihan ko naman ang kanyang halik dahil nadadala narin ako sa mainit niyang halik.
Nagtagal ang halikan namin hanggang bumaba ang kanyang halik sa aking leeg – kinagat niya ito kaya naman naitulak ko siya.
"Adrien naalala ko lang na may pinag-usapan pala tayo diba, sabi ko sayo bago mo ako sagutin ay rerespituhin kita, kaya nangako akong isusuko ko ang sarili sa iyo kapag nagbente-uno na ako? Kaya hanggang dito muna tayo sa ngayon." Sabay tumakbo sa banyo para makapaglinis ng sarili.
...
Makalipas ang ilang oras ay natapos narin ako sa aking night routine at lumabas na nakita ko naman si Adrien na nakaupo sa kama, at ng mapansin niyang nakatingin ako sakanya ay bihlang nagsalita ito.
"Babe, look I'm so sorry for what I did a while ago, I jus- I just tempted by your body, sorry." Paghingi ng tawad ni Adrien kaya agad akong tumakbo papunta sakanya at niyakap siya na nagsanhi ng pagkakahiga namin ngayon sa kama, kinagat ko siya sa kanyang braso na nagpabigla sakanya, shocks antigas.
"Aray, what's that for?" Nabibiglang tanong nito sa akin.
"Kwits na tayo, tignan mo oh nag marka kaya kinagat mo sa leeg ko, paano niyan bukas baka mahalata nila Guia at Kali ito, alam mo naman mga kapatid mo malisyoso masyado." saad ko habang nakaturo sa kagat niya kanina sa aking leeg.
"K." Sagot niya lang sabay halik sa akin, kaya naman pinigilan ko siya.
"Kakasabi ko lang 'di ba?" Mainahon na saad ko kay Adrien. "Please, let me embrace your lips until I fall to sleep." Paki-usap niya na tinanguan ko lang, sabay sunggab sa akin ng halik.
Naghalikan lang kami hanggang sa dalawin nako ng antok at makatulog na.
...
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
ILLUSTRATION OF TEMPORARY ROOM.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top