CHAPTER 27

DIRETORA...

KALI'S P.O.V

"Welcome sa Campo de Iris Academy." Pagbati sa amin ni Kuya Josh, ngunit halata parin kari Guia at Xavier ang pagkamangha pati narin sa akin syempre dahil sa haba ng panahon na nasa Floresta Encantada lang kame ay wala kaming makitang ganitong kagandang klase ng istruktura.

Parang isang palasyo ito na makikita sa mga libro sa mundo ng mga mortal.

"Oh, Mahal nandito na sila!" Sigaw bigla ni Kiya Josh na nakakuha ng atensyon naming lahat, at nang tumungin kami sa direkayong kinakawayan ni Kuya Josh ay kita namin ang isang magandang babaeng naka formal attire na ani mo'y nasa opisina sa mundo ng mga mortal.

Nangmarinig ng babae ang pagtawag ni Kuya Josh ay ginantihan nya rin ito ng ngiti at pagkaway at lumapit ito sa amin.

At pagkalapit nito sa amin ay sabay hinalikan sa labi si Kuya Josh ng babae na ginantihan naman ni Kuya Josh. Kita ko naman ang nagmamaktol na facial expression ni Guia. Kawawa naman ang kapatid ko pina-asa lang. Kaya naman lumapit ako sa kanya at hinimas ang ulo nya. Nang tumingin ito sa akin ay halatang nagpipigil ito ng luha kaya naman lumayo na ako sa kanya baka tuluyang tumulo ang luha nya at mapahiya pa siya.

"Mahal, sila na ba ang mga makikilahok sa entrance exam para bukas?" Tanong ng babae kay kuya Josh.

"Oo sila nga mahal. Siya nga pala si Marisa Qerno, asawa ko." Pakilala ni Kiya Josh saamin na nakapagbigla saamin, nakaka-awa naman ang kapatid ko, gosh naalala ko tuloy yung Rejection day ko.

"Hello mga examinees, you can call me, Señorita Marisa, isa akong Apresintadora ng Akademya na ito, kaya kung makapasa kayo sa gaganaping exam bukas baka maging Apresintadora niyo ko sa Feralohiya." Sabi niya sabay yuko bilang pagbibigay galang.

[Apresintador/ Aprisantadora- Teacher]

[Señorita- Miss/Mrs]

[Feralohiya/Feralogy- Study of Familiars or animal.]

"Ako naman po si Sephtis Kali Picosa, ito naman po ang nakakabatang kapatid ko si Vita Guia Picosa at ang pinakamatandang kapatid naming si Lucian Picosa, syempre po ang bestfriend naming dalawa ni Guia at kasintahan ng aming kiya Lucian, si Xavier Inugami Luzslo." Masayang pagpapakilala ko sa kanila, nangmapadako ang tingin ko kay Guia ay talaga namang naawa ako sa kanyang hindi pagkibo, halata kase sa mukha nya na napakalungkot nito, hays, pero di ko muna siya linapitan dahil baka tuluyang umiyak ito.

"So tara na mga examinees at pumunta na tayo sa Diretora's Office." Yaya sa amin ni Señorita Marisa na agad naman naming sinunod. "Sige mga bata paalam na dahil hanggang dito na lang ako, asawa ko nalang bahala sa inyo dahil duty ko na para alagaan ang bunso naming anak, sige paalam." Paalam saamin ni Kuya Josh. What the – may anak na sila, matanong nga mamaya kau Señorita Marisa?

Nagpatuloy na nga kami sa pagpasok sa Akademya, shocks mas maganda pala ang loob nito dahil may anim itong building na may tagsasampong palapag. Andami naman, para saan kaya itong mga building sa loob, ang laki naman masyado kung classroom lang ito.

"Señorita Marisa ano po ang Diretora?" Tanong bigla ni Xavier na nakakuha ng atensyon namin. Go Xavier, pati rin nga ako di alam ang kahulugan ng diretora nahihiya lang akong magtanong.

"Ahh oo nga pala dahil bago palang kayo dito ang Diretora ay ang Fantasian na may katungkulan sa pangangalaga sa Akademyang ito at kami bilang Apresintador at Apresintadora na sumusunod lamang sa utos niya." Paliwanag sa amin ni Señorita Marisa habang naglalakad.

Sa ilang oras naming naglalakad ay tumigil kani sa isang pinto na may naka sulat na "Diretora Office" sa harapan ng pinto.

"Hangang dito na lang ako hindi kase namin kaya ang Aura ni Diretora Anisha ehh, alam niyo may sasabihin ako bago kayo makapasok ah..." Saad na tanong saamin ni Señorita Marisa.

"Ano po?" Balik na tanong ko naman sakanya.

"This is the first time that our Diretora giving a permission to the examinees to enter her office exept the prince and princess who have the privilege to do so. Because whoever enter in the Diretora's Office, will pass out because of Diretora's Hold Aura. Alam niyo ba na noong bumisita ang mga Prinsepe at Prinsepe sa Duretora ay nahimatay ang tatlo sa pito sa kanila. Kaya mag-iingat kayo." Paliwanag at pagbibigay babala naman ni Señorita Marisa na nagpakaba sa amin, pwera siyempre sa foker face na si Kuya Lucian.

[Diretora- Head Mistress]

"Ayy nakakaba naman po ang sinabi ninyo, sige na po mauna napo kaming pumasok." Paalam ko naman at pinihit na ang pinto.p Paalam din ni Señorita Marisa, woah naman for the first time kong narinig ang enchant na Boa Noite na nangangahulugang magandang gabi.

Nang maglakad na palayo si Señorita Marisa ay pinihit ko na ang pinto at nauna ng pumasok.

Nang makapasok ako ay kita ko naman ang isang lamesa namay upuan na nakatalikod sa gitna ng napakaraming librong nakapalibot sa kwartong ito.

At nang umikot ang nakatalikod na upuan ay makikita ang isang babaeng mga nasa 30's pa lang ang edad, may suot na scarf, at kahit madilim ay ma-aaninag ang napakagandang mukha nito.

"Maligayang pagdating sa Campo de Iris Academy at sa aking opisina mga soon Irisian, ako nga pala si Diretora Anisha Amirio." Biglang pagbati niya saamin at tumayo ito sa kanyang inuupuan at lumapit sa amin doon ko lang mas napatunayan na napaka ganda niya grabe.

"Kami rin po ay nagagalak na makilala kayo, ako naman po si Sephtis Kali Picosa, ito naman po ang nakakabatang kapatid ko si Vita Guia Picosa, at ang pinakamatandang kapatid naming si Lucian Picosa, syempre po ang bestfriend naming dalawa ni Guia at kasintahan ng aming Kuya Lucian, si Xavier Inugami Luzslo." Nakangiting pagpapakilala ko sa aking sarili at aking mga kasamahan.

"Wala ba kayong nararamdamang kakaiba sa katawan niyo?" Tila naguguluhang tanong nito.

"Wala naman po." Sagot ko na sinang-ayunan din nila Guia, Xavier at tinanguan lang ni Kuya Lucian.

"Ah okay, siya nga pala habang hindi pa kayo nakakapasa sa exam at hindi pa kayo ganap na makakapasok sa Campo de Iris Academy ay bibigyan muna namin kayo ng pansamantalang matutulugan ngayong gabi, ito ang room number ng pansamantalang kwartong tutulugan niyo para sa gabing ito at ito ang mapa para hindi kayo maligaw," saad ng Diretora sabay abot ng isang sing-sing na pinagtaka ko, "hindi pa namin kayo mabigyan ng sariling dorm dahil di pa kayo nakapasa sa exam so bare with me,  nais ko din sabihin sainyo ma sana, bukas 9:00 am palang ay nasa Irisian battle hall na kayo, alam ko namang mahahanap niyo ang battle hall ng paaralang itodahil may mapa naman kayo." Nakangiting saad ng Diretora sa amin, sabay bigay ng isang Card na may nakalagay na number 233.

"Teka po Diretora Anisha Amirio, para saan po ang sing-sing na ito at nasaan po ang mapa?" Nagtatakang tanong ko sa Diretora.

"Una sa lahat wag mo na akong tawagin sa buong pangalan ko kahit Diretora Anisha na lang at ang sing-sing namang iyan ay ang mapa ng eskwelahang ito, subukan mong pindutin ang diyamanteng kulay pula sa gitna ng sing-sing." Utos nito saakin na agad ko namang sinunod.

Nang mapindot ko na ito ay biglang umilaw ito at may lumutang na mga larawan, para syang floor plan.

"Subukan mong sabihin ang room number ng pansamantalang tutulugan ninyo." Utos saakin ni Diretora Anisha na agad ko namang sinunod.

"Room 233." Saad ko, at bigla namang naglaho ang mga larawan na nakalutang kanina.

Sampung segundo ang makalipas ay bigla na lang nagbubuo-buo ulit ang mga larawan at ipinakita ang isang projectile ng isang building, tila ba may mga paa ang mapa na naglalakad at ipinapakita ang mga direksyon na kailangan naming daanan papunta sa room namin.

"Wow." Sabay-sabay naming saad ni Guia, habang si Kuya Lucian naman ay tahimik lang ata walang reaksiyon, grabe naman ang mga gamit dito, dinaig pa ang google map sa mundo ng mga tao.

"Maraming salamat po sa mga ito Diretora Anisha, Magandang gabi po at mauna napo kami," Nakangiting saad ko, "Boa Noite din sa inyo." Saad ng Diretora Anisha, sabay kong pinihit ang pinto at lumabas na kami.

[Boa Noite- Magandang Gabi.]

...

ANISHA'S P.OV

Nang makalabas sa akingopisina ang mga bata ay siya namang pagsulpot ni Santos Esmeralda.

"Kumusta naman ang first impression mo sa kanila?" Casual na tanong saakin ng Santos.

"Napabilib nila ako dahil di man lang sila tumalab sa pagpapakawala ko ng Sleeping Aura, Tunay ngang malalakas ang mga Fantasian na nag mula sa Floresta Encantada." Nakangiting sagot ko sa Santos Esmeralda.

"Kung ganon, sa iyo ko na sila inihabilin at maraminpa akong gagawin sa opisina namin." Pagpapaalam nito saakin at bigla nalang naglaho.

Tunay nga na napakalakas ng mga Fantasian na mula sa Maalamat na Floresta Encantada, grabe naman di manlang sila nanghina o nakaramdam ng antok sa sleeping aura ko.

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )


ILLUSTRATION OF DIRETORA'S OFFICE

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top