CHAPTER 23

BOND...

KALI'S P.O.V

Nandito kami naka-upo kami nila Guia, Xavier, at Kuya Lucian sa field kung saan namatay si Nay Olin at hinihintay si , sa una ay mapapansin si Xavier na parang natutulala dahil baka naalala nya ang pagkamatay ni Nay Olin dito sa lugar na ito, ngunit pagdaan ng ilang minuto ay naka-recover naman ito at nakipag-usap kay Kuya Lucian kahit di naman sya kinikibo ni kuya hahaha. Ang kyut nilang tignan para na talaga silang magkasintahan.

Ilang oras pa ang lumipas ay natigil kami sa aming kanya-kanyang ginagawa dahil naramdaman namin ang prisensya ni Nay Aurelia. Napaharap naman kami sa aming likuran at nakita namin ang lumilipad na si Nay Aurelia. "Pumunta na kayo dito at umpisahan na ang pagsasanay." Saad ni Nay Aurelia. Kaya naman tinalima namin agad ang kanyang utos at lumapit na sa kinaroroonan nya.

"Deusa do fogo estou aqui para te louvar, aqui está minha busca e pronto: FIRE FLIES!" Saad ni Nay Aureila na nagpabigla sa amin dahil biglaan na lang may mga maliliit na bolang apoy ang bumubulusok at direktang patama sa amin. Buti na lang at mabilisan kaming naka-iwas kung hindi lapnos na mga balat namin, kaso lang nga napakarimi na maming dumi sa katawan dahil sa paggulong at pagdapa namin sa damuhan.

[Translation: Oh Deus ng apoy, bigyan mo ako ng bas-bas upang gamitin ang iyong kapangyarihan: FIRE FLIES!]

"Nay naman! Bakit naman po biglaan?" Maarteng tanong ni Guia kay Nay Aurelia. Nagpapag-pag sya ngayon ng damit nya dahil napagulong lang naman sya malapit sa isang maputing na bahagi ng field hahaha.

"Aba, nag-uumpisa na tayo sa ating pag-eensayo kaya naman sinubukan ko lang kung gaano kabilis ang reflexes nyo. Walang posibilidad na makapasok kayo sa Campo de Iris Academy kung babagal-bagal kayo, dahil sa unang exam pa lang para makapasok sa akademya ay talagang mararanasan nyo na ang impyerno! Kaya hala sige magsitayo na kayo riyan!" Seryosong paliwanag ni Nay Aurelia sa amin. Napatango naman kaming lahat dahil doon at agarang tumayo at nagpag-pag.

Nang tanawin ko ang lahat ay puno pala kami ng dumi sa damir, peri napabilib ako kay Kuya Lucian, dahil wala man lang syang dumi sa kanyang damit, grabe minani lang nya ang mga bolang maliliit na apoy.

"Hala! teka lang po Nay Aurelia. May paso po sa kanang braso si Lucian! hala di ko pa naman po magagamit ang Hold ni Nay Olin dahil hindi pa kumpleto ang mga Sphere of Elysium." Nag-aalalang saad ni Xavier kay Nay Aurelia. Hahaha namali ata ako ng akala, baka hindi nya lang pinansin yung paso niya.

"Wag ka nang mag-alala Xavier. Ako na ang gagamot sa boyfriend mo." Mapanguyam na saad ni Guia na nag papula ng mukha ni Xavier. Uhm, confirmation na ba ito na may gusto si Xavier kay Kuya Lucian? Huwag kayong ano ah. Sa past life ko hindi lang kase ako anime lover kung hindi Yaoi at Thai BL Fan din ako!

"A-Ano bang s-sinasabi mo dyan Guia?" Nakapout at na-uutal na saad ni Xavier. "Ano bang mali sa sinabi ko aber? Di ba lalake siya at kaibigan mo rin sya hindi ba? kaya "Boy" "Friend" mo sya di ba? ano ba iniisip ah?" Sarkastikong saad ni Guia. "W-Wala." Na-uutal na saad ni Xavier sabay tingin sa malayo. Nang tignan ko si Kuya Lucian ay as usual na wala na naman itong pakialam sa kanyan paligid.

"Hoy ano na! Mag-eensayo na ba tayo o mag kukwentuhan na lang?" Sarkastikong tanong ni Nay Aurelia na nagpakamot sa aming batok. "Teka lang po Nay. Kuya Lucian, akin na yung braso mo." Utos ni Guia, tinalima naman agad ni Kuya Lucian ang ang sinabi sakanya ni Guia.

Pagkatapos ng panggagamot ay agad kaming lumapit kay Nay Aurelia. "Pila! Arms forward! Harap sa likod... Harap! Harap sa kanan... Harap! Harap sa Kaliwa... Harap! Harap sa likod... Harap! Npakatagal nyo! Ayokong ma-uulit ito sa mga susunod na pag eensayo natin!" Potek ngayon lang namin nakitang ganito kaseryoso si Nay Aurelia, nakakatakot sya.

"Para sa araw na ito ang magiging focus natin para sa unang pag-eensayo natin ay ang paraan kung paano makontrol at magtipid sa paggamit ng ating Energia, dahil alam nyo namang maari tayong mamatay kapag nawalan tayo ng Energia sa katawan, sapagkat kakainin ng ating sariling Hold beings ang ating lifespan na magreresulta ng kanilang pagkontrol dito at maging sanhi ng kamatayan," nakakapanindig balahibong saad ni Nay Aurelia, kaya nagtinginan kaming tatlo ngunit nang tignan naming tatlo si Kuya Lucian ay focker face lang ito at seryosong nakikinig, "ang unang dapat nyong gawin ay ganito." Saad ni Nay Aurelia at sabay pumikit at nagpalabas ng bilog sakanyang likuran si Nay Aurelia, hala magic circke ang tawag dito ah, ang itsura nito ay kulay pink, na may hindi maintindihang nakasulat na letra na nakapalibot dito at may symbulo ito sa gitna hindi ko mawari kung ano. Tinitigan lang namin sya ng napakatagal at ng dumilat na si Nay Aurelia ay nawala na ang magic circle sa kanyang likuran...

"Ang tawag sa nakita nyo kanina ay Ring of Hold, ito ang simbulo ng hold nyo na kapag napalabas nyo ay nangangahulugang buo na ang koneksyon nyo sa isa't isa at hindi na kailangan pang banggitin ang ngalan ng inyong Hold beings. Mapapalabas lamang ito kung mag-coconcentrate kayo ng maiigi, dahil kung masira ang konsentrasyon nyo ay mawawalan kayo ng maraming energia, hindi naman ito mag reresulta sa pagkamatay nyo huwag kayong mag alala," nakangiting turan ni Nay Arelia kaya medyo gumaan ang aming kalooban, "tanging manghihina lamang kayo ng ilang oras at mababawi nan ang inyong Energia sa tulong ng pagkain ng kung ano-ano, kaya nagdala ako ng maraming pagkain." Mahabang saad ni Nay Aurelia sabay turo sa limang taong may bit-bit ng lamesa na puno ng prutas at gulay.

"N-Nay bigla akong nagutom, pahingi naman." Nahihiyang saad ko kay Nay Aurelia. "Hindi kayo makakatikim nyan hanggat hindi nyo napapalabas ang Ring of Hold nyo" Saad ni Nay Aurelia sabay ngisi.

"Nay akala ba naming kapag nanghina kami ay pakakainin nyo kame?" Tanong ni Guia habang naka pout pa haha mikha talga syang Sniffler hahaha. "Nagbago na ang isip ko kaya, simulan na umipo na kayong lahat! at mag umpisa na sa pag memeditate!" Seryosong sigaw ni Nay Aurelia sa amin...

"Nak, Guia, sya nga pala huwag mo ng uuliting magpout ah? mukha kang unicorn." Saad ni Nay Aurelia na nagpatawa saaming lahat pwerw syempre kay busangot ay este kuya Lucian.

pero kita naman ngayon ang namumulang mukha ni Guia dahil sa inis at hiya hahaha, grabe talaga si Nay Aurela kanina seryoso ngayon naman biglang magpapatawa hahaha.

"SIMULAN NA! Ikaw ang ma-uuna, Lucian." Saad ni Nay Aurelia na nagpaaayos saamin. Umupo na si Kuya Lucian sa damuhan at pumikit na at ilang oras pa ay lumabas ang bilog na kulay purple sa kanyamg likuran na may hindi na naman maintindihan na mga letra ngunit may simbulo ito ng ahas sa gitna. Napanganga kaming lahat dahil sa ganda ng kanyang Ring of Hold, grave ano kayang itsura ng saakin.

"Maaari ka ng dumilat Lucian," saad ni Nay Aurelia na agad namang pinakinggan ni kuya Lucian, "Lucian papaanong napalabas mo ng ganoong kadali ang Ring of hold mo eh hindi ba, hindi mo pa makontrol ng maigi ang mga sinful souls mo?" Tanong ni Nay Aurelia na nakakuha ng pansin namin. "I just fought with Nympholepsy of Lust, Oleaginous of Gluttony, Ire choler of Anger, Charlatan of Fraud, perfidy of Trecheary, tapos ying iba nasa akin na simula't sapul na napunta ako rito." Simpleng Saaad ni Kuya Lucian sabay punta sa mesa ng mga pagkain at nilangakan ang mga ito.

"Huwag kayong titingin sa akin kapag kumakain ako." Malamig na saad nya kaya sa takot ay inalis naminh lahat ang paningin nami sa kanya.

"Ikaw naman ang sumubok, Kali." Utos saakin ni Nay Aurelia.

"Kaya mo yan kuya. FIGHTING!" Pagpapalakas na loob saakin ni Guia sabay gumawa ng "don't give up posture" na sinuklian ko din naman.

"Go Kali!" Pagpapalakas ng loob din saakin ni Xavier, na tinanguan ko naman. Kaya naman umupo na ko at at nag-meditate.

Ilang oras ang makalipas ay napunta ako muli kung saan kami unang nagkita ni Death, dito sa ilalim ng Itim na tubig, nakita ko si Death na papalapit saakin kaya sinalubong ko sya. "Death papaano bang mapalabas ang Ring of Hold ko?" Tanong ko kay Death. "Kailangan lang na bigyan mo ako ng isang patak na dugo saaking noo at gumuhit ka ng bilog, ang aking ng kapangyarihan ang magbigay ng mga Ancient Enchanments sa bilog na iyon at magiging Ring of Hold mo na iyon" Saad ni Death. Kaya naman kinagat ko ang aking hintuturo upang mapadugo ito.

Nang dumugo na ang aking hintuturo ay pinahid ko ito sa noo ni Death at gumuhit ng bilog ng bigla nalang itong naging kulay blavk na usok at nakita kong lumutang ito mula sa noo ni Death at naging malaking magic circle, kakaiba ito sa magic circle nila Nay Aurelia at Kuya Lucian Dahil maraming simbulo ang makikita dito.

"Tama na iyan Kali." Rinig kong utos ni Nay Aurelia kaya naman nag paalam na ko kay Death upang maibalik na nya na ako sa aking tunay na dimensyon ngunit. "Ah, malakas na ang bond nating dalawa dahil sa pagpapalabas mo ng iyong Ring of Hold kaya anytime pwede kang pumunta at umalis sa demensyo g ito kaya paalam." Nakangiting saad ni Death kaya pumikit nako upang bumalik na sa diminsyon namin. Nang pagdilat ko ng aking mata ay nagulat ako saaking nakita...

"Bakit ang dilim." Nasabi ko na lang...
...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )


AURELIA'S RING OF HOLD

LUCIAN'S RING OF HOLD

KALI'S RING OF HOLD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top