CHAPTER 22

ADRIEN...

KALI'S P.O.V

Nasa kwarto kami ngayon nila Xavier at Nay Olin. Dito namin dinala si Xavier kaninang nahimatay ito at buti na lang nasalo sya ni Kuya Lucian kanina. Alam nyo, I smell something fishy dito sa dalawang 'to, lalo na sa demonyitong Kuya Lucian namin. Sobrang concern nya kase kay Xavier noong nahimatay ito sa field at kanina, yung tipong mapapa-nawa'y lahat ka na lang na sana ay may sumalo rin sa iyo. Pero na-isip ko rinn na, baka ganiyan lang si kuya sa mga nagagawan niya ng kasalanan.

Nasa tabi kami ni Xavier, kaming tatlo ni Nay Aurelia, Guia, at ako habang si Lucian naman ay nasa may pinto at as usual nakasandal lang ito at tahimik parin. Pero labis ang pag-aalala namin lahat ngayon sa kalagayan ni Xavier dahil isang araw na syang hindi nagigising.

Nabigla na lang kami nang biglang sumigaw si Xavier na parang nasasaktan ito. Ngunit mas nabigla kami ng bigla na lang lumapit si Kuya Lucian kay Xavier at niyakap ito, tulala lang kami habang niyayakap ni Kuya Lucian si Xavier, nakita naman namin na kumalma ang tulog na ni si Xavier at binitawan narin siya ni Kuya Lucian. Tumayo naman si kuya at walng lingon-lingon na lumabas sa kwarto.

"Kuya, napansin mo bang parang ang sweet ni Kuya Lucian kay Xavier?" Malisyosang tanong ni Guia habang tinataas-baba pa nito ang kanyang kilay.

"Oo, pero baka ganyan lang talaga sya kapag may nagawang kasalanan sa isang nilalang hehehe wag nalang natin syang pansinin at saka mas mabuti na yan kesa magalit tas magwala naman ulit diba?" Paliwanag ko kay Guia na tinanguan nya lang bilang sagot.

"Mga anak lalabas muna ko para ma-asikaso ang pag  sa Nay Olin nyo." Mahihimigan ng lungkot na saad ni Nay Aurelia.

"Nay sama po ako gusto ko pong magpaalam at magpasalamat kay Nay Olin kahit na sa huling pagkakataon man lang po," madamdaming saad ni Guia, tumango naman ako at sabay sabing, "nay, ako rin po," pagsama ko din.

"Oh, eh sino maiiwan at mag babantay kay Xavier aber?" Tanong naman ni Nay Aurelia. Ngumisi naman ako ng pilyo kay Guia.

"Ikaw na lang Guia tutal ako ang pinaka matanda sa ating dalawa, kaya ako na lang ang magiging representative sa ating dalawa, diba Nay?" Saad ko sabay tingin kay Guia habang tinataas-baba ang aking kilay. Bumusangot naman ito at huminga ng malalim.

"Hays! Sige na nga, ako na lang maiwan dito para mabantayan ko si Xavier." saad ni Guia at padabog na umupo sa kama ni Xavier.

"Tara na po nay!" Maligalig na pagyaya ko kay Nay Aurelia at lumabas sa kwarto ni Xavier.

Sya nga pala, ang pagsundo ay ginaganap tuwing may namamatay na Fantasian, sabi ni Nay Aurelia sa akin ay bababa raw ang mga Ophanim, yung mga anghel na may anyong Tatlong gulong na paikot-ikot at sa surfaces ng mga gulong na iyon ay napakaraming mata, may anim na mga pak-pak din ito, at sa loob naman ng gulong ay may isang bilog na tila isang mata, doon naman daw nila linululan ang katawan ng namatay na Fantasian upang ihatid sa purgatoryo at litisin ng Supreme Dea Justo, wala silang pinipiling sunduin, kahit masama kaman o mabuti ay sila din ang susundo sa iyo at magiging tagapaghatid mo sa porgatoryo.

Nakalabas na kami ngayon, kita naman ngayon ang naka-ayos na katawan ni Nay Olin. Nakahiga sya ngayon sa isang kamang purong puti ang kulay, naka dress ito na kulay puti at may korana na gawa sa bulaklak na galing saaming mga pamilya niya.

Bigla na lang lumiwanag ng nakakasilaw at biglang parang bumukas ang langit at may tatlong gulong na may anim na pak-pak at napakaraming mata ang pababa sa amin ngayon. Ito na siguro ang tinatawag nilang Ophanim.

Nang makalapit na sila ay bigla na lang naging isang bilog na Energia ang katawan ni Nay Olin at bigla na lang itong pumasok sa isang Ophanim na nasa gitna, katapos ay lumipad ng napakabilis ang mga ito at nang tuluyan na silang makapasok sa gate na gawa sa ulap ay bigla na alng itong nagsara.

"NAY! KUYA!" Sigaw ni Guia mula sa bahay. Nagtitigan naman kami ni Nay Aurelia at kumaripas kame ng takbong napakabilis pauwi ng bahay.

Nang makarating kami sa may pinto ng bahay ay nakita namin si Guia na balisa at tila ba ay kinakabahan kaya yinakap ko sya para kumalma at saka siya tinanong,  "anong nangyayare Guia?" Humingnam ito ng malalim para kumalma ng kaonti at sumgaot na, "K-Kuya Kali, hindi ko alam anong nangyayare kay Xavier ngayon. K-Kase bigla na lang may lumalabas na kulay Pink, Green, at Blue na liwanag sa katawan nya ngayon, kuaya baka epekto yon ng atake ko sakanya" Umiiyak na turan ni Guia, ngunit rinignnamin ngayon ang pagsigaw ni Lucian, kaya naman dali-dali kaming pumunta sa kwarto kung saan nakahiga si Xavier.

Nang makapunta kami doon ay nakita na lang namin ang nakahigang katawan ni Kuya Lucian na puno ng dugo ang mukha at mga kamay niya, may malay pa naman sya kaya nilapitan namin siya agad.

"Guia, gamutin mo si Kuya Lucian!" Kinakabahang utos ko kay Guia. Agad naman akong sinundan ni Guia at dali-daling lumapit kay Kuya Lucian.

"Salvation: Healing touch," saad ni Guia sabay lumiwanag ang kamay nito, "bakit ka nagkaganyan kuya?" Tanong ni Guia.

"Oo nga Lucian, bakit nagkaroon ka ng napakaraming sugat?" Patong na tanong pa ni Nay Aurelia.

"G-Gusto ko sana siyang yakapin dahil nga may lumalabas na liwanag sa kanya, ngunit hindi pa man ako nakakalapit sa kanya ay may parang Energia ang nakapaligid sa kanya na nagpatilapon sa akin, magulat din bga akong may natamo pala akong sugat." Nakatungo at halatang nahihiyang saad ni Kuya Lucian, huminga naman ng malalim si nanay dahil doon.

"Nay, ano pong nangyayari kay Xavier bakit may tatlong liwanag ang lumalabas sa katawan nya?" Tanong ko kay Nay Aurelia na nagpaseryoso sa mukha niya.

"Maaari kayang, pinasa ni Olin ang Hold nya  kay Xavier?" Saad ni Nay Aurelia sa hangit, "paano niyo po nasabi nay?" Tanong ko naman, "dahil ganyan na ganyan ang nangyari noong natanggap ni Olin ang mga Hold nya, ngunit bakit tatlo lang, dapat siyam ang mga liwanag na iyan." Sogot ni Nay Aurelia na medyo naguguluhan parin.

Bigla nalang lumakas ang liwanag na naging dahilan upang mapapikit kami ng mga mata.0

...

XAVIER'S P.O.V

Divine Soul Hold

Power of Hold:

Dhriti The Sphere Of Patience and Temperance: Embrace
Side Effect on user: None
Description: Incresing companion's Energia.
(Divine Held Needed)

"Ngayon Pumikit kana upang maibalik na kita sa inyong mun-" putol ni Dhriti sa sasabihin niya dahip sa isang sigaw...

"Teka lang! Nais ko ring ibigay sa iyo ang sarili ko dahil nakita kong deserving kang maging owner namin!" Pagputol ng isang boses ng batang babae kaya naman napatingin kami ni Dhriti dito at doon ko nakita ang isang batang babaeng na may matulis na tenga, may dalawang puting pak-pak, nakasuot ng kulay green na dress at mayroon itong dala-dalang staff.

"Ansuya!" Masayang sigaw naman ni Dhriti sa bata...

"Hello Dhriti! Uhm, opo, anghel po ako owner. Ako po pala si Ansuya, The Sphere of Charity at nais ko din pong maging owner kayo!" Maligalig na pagpapakilala ni Ansuya sa akin. Nabigla naman kami nang biglang may magsalita sa likuran ni Ansuya at doon ko nakita ang isang batang may talong pak-pak, may hawak din ito na dalawang ispada at may dalawang kulay green at red na malaking diamond sa kanyang magkabilang gilid.

"Ako rin po!" Sigaw ng anghel na nasa likod ni Ansuya. "Eleen!" Maligalig na sigaw ulit ni Dhriti. "Yup! Eleen The Sphere of Fortitude at your service. Kakambal din po ako ni Ansuya." Maligalig na pagpapakilala rin ni Eleen. Ngitian ko naman ito at tinanguan bilang sagot.

"Maraming salamat sa pagbibigay ng inyong tiwala sa akin." Nakangiting pagpapasalamat ko.

"Kung gayon, Xavier Inugami Luzslo, Tanggapin mo akong buo, ito ang aking Hold at ako'y sumusko sa iyo." Sabay na saad nila Ansuya at Eleen sabay halik sa akin at bigla nalang silang naging Green at Blue na liwanag at pumasok ito sa aking katawan na nagpadama sa akin ng kaginhawaan at kagaya ng nangyari kanina ay lumutang ang kulay Green at Blue na mga letra at nang nabuo ito ay nakusulat dito ang mga katagang.

Divine Soul Hold

Power of Hold:

Ansuya The Sphere of Charity: Benignity

Side Effect on the user: Losses 50% of Amount of user's Energia.

Description: Donating own life span.

Eleen The Sphere Of Fortitude: Courage
Side Effect on user: Losses 70% of Amount of Energia.

Description: Speeding up.

Held Evolution: Thuribles of Fire and Wind

(Divine Held Needed)

"Ngayon pumikit kana upang maibalik ka na namin sa tunay mong mundo." Sabay-sabay na utos nilang tatlo sa akin na agad ko namang sinunod.

Naramdaman ko nalang na parang may napakagaan na sensasyon na bumabalot saaking katawan at bigla nalang akong nilamon ng antok...

...

GUIA'S P.O.V

Nagulantang kaming lahat dahil sa lalong paglakas ng liwanag na lumalabas ngayon kay Xavier.

Napapikit kaming lahat at nang pagmulat namin ng aming mga mata ay nakita naming nakahiga parin si Xavier kaya sabay-sabay kaming lumapit sa kanya at nakita naman namin na nakapikit parin sya, si Kuya Lucian naman ay nanatiling nakaupong nakasandal sa bader ng kwarto.

Ngunit unti-unting gumalaw ang kanyang mga mata at unti-unti din bumukas ang nga ito.

Nang bumukas ito ng tuluyan ay pinagmasdan muna nya ang paligid...

"Nasaan ako Nay Aurelia" Nanghihinang tanong ni Xavier kay Nay Aurelia.

Ngunit hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya naman niyakap ko na sya at sumunod din naman sila Nay Aurelia at Kuya Kali. Si Kuya Lucian naman ay nanatiling naka-upo at nakatungo parin ito.

"Nasan po pala si Lucian?" Seryosong tanong ni Xavier na nagpataka sa amin.

"Ayun sya sa pader na-injured kase si kuya kaninang may lumalabas sayo na liwa- " hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla itong tumakbo kay Lucian habang nakayukom ang mga palad. Hays ito na nga ba ang na-iisip ko.

Sumunod naman kami agad dahil sa pag-aakalang susuntukin nya si Kuya Lucian, nagtaka kami dahil isang yakap na sobrang higpit lang ang binigay niya kay kuya na sobrang higpit at lumapit ang bibig ni Xavier sa Tenga ni Kuya Lucian. Alam naming may binulong ito na hindi naming narinig.

Kita naman ngayon ang pagganti ng yakap ni Kuya Lucian, sabay ding may binulong na hindi namin narinig...

"Ehem!" Tikham ni Kuya Kali, pero walang epekto sa dalawa kaya ako na ang umistorbo sa kanila hahaha.

"Aray parang, kinakagat na ako ng mga langgam! Napakatamis kase rito!" Pambubwisit ko sa dalawang magkayakap ngayon na naging dahilan upang humiwalay silang dalawa sa pagkakayakap at saka sabay na tumayo.

"Oh, iho anong nangyari sa iyo?" Tanong ni Nay Aurelia kay Xavier.

"Uhm, ano po, nagpakita po sa akin ang tatlong anghel ni Nay Olin - sabi po nila pinasa daw po ni Nay Olin sa akin yung Hold nya, sa una po hindi ako makapaniwala pero kailangan ko pong tanggapin dahil ang Hold lang po ni Nay Olin ang magiging huling pamana at alala nya sa akin." Umiiyak ngunit nakangiting saad ni Xvier. Nagulat naman kami nang biglang pinunasan ni Kuya Lucian ang mga luhang tumutulo kay Xavier. Nawa'y lahat.

"Hindi ka ba galit kay Kuya Lucian?" Malisyosong tanong ko.

"Hindi na- kase bilin sa akin ni Nay Olin bago sya mamatay ay kailangan magpatawad kahit gaano pa kalaki ang naging kasalanan ng nilalang sa iyo." Nakangiting paliwanag sa akin ni Xavier. Grabe dinaig pa ang anghel sa sobrang bait niya. Ang bilis niynag magpatawad at mag-move on, uy buhay kaya yung kinuha sa kanya. Mo

"Nakuha mo ba lahat ng nine sphere of Elysium?" Tanong ni Nay Aurelia kay Xavier, "nay ano po ang nine sphere of Elysium?" Tanong ko naman, "mamaya ko na sasagutin yan." Sagot naman ni Nay Aurelia sa akin.

"Hindi ko po nakuha ang siyam, ngunit nakuha ko po ang tatlong Sphere na sina Dhriti, The Sphere Of Patience and Temperance. Ansuya, The Sphere Of Charity at si Eleen, The Sphere Of Fortitude." Masayang saad ni Xavier na nag paseryoso ng mukha ni Nay Aurelia.

"Malalakas ang mga nakuha mong Sphere of Elysium anak, ngunit alam kong hindi mo pa sila kayang tawagin dahil kinakailangan na makumpleto muna ang siyam bago mo sila magamit." Seryosong saad ni Nay Aurelia kay Xavier.

"Kaya bukas, ako ang magiging guro nyo sa pakikipaglaban at pagpapatalas ng inyong mga isipan, ngunit ngayon magpahinga na kayo at ihanda ang inyong katawan para bukas." Saad ni Nay Aurelia at saka na lumabas. Pagkalabas ni Nay Aurelia ay lumabs na rin kami ni Guia sa kwarto ni Xavier pero si Kiya Lucian ay nanatili roon.

....

XAVIER'S P.O.V

Lumabas na ang lahat pero nag-stay parin si Lucian sa aking kwarto kaya tinitigan ko ito ng nagtatakang tingin.

"Ah, m-maraming salamat." Walang emosyon niyang pagpapasalamat na nagpangiti sa akin. Katapos niyang sabihin iyon ay lumabas na rin siya sa aking kwarto.

"Hays." Paghinga ko ng malalim dahil ang sarap pala na wala ka nang dinadalang sama ng loob sa puso mo. Pero, kinikilig ako sa binulong ko kanina kay Lucian. Ang bulong ko kase sakanya ay...

"You're forgiven, Adrien."

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )


OPHANIM

ELEEN

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top