CHAPTER 21
DHRITI...
XAVIER'S P.O.V
(Before the battle)
"Anak, tandaan mong mahal na mahal kita ah, tatandaan mong lagi kang magpatawad kahit na napakalaki ng kasalanan ng isang nilalang sa iyo ah?" Bilin ni Nay Olin sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil doon.
"Nay naman parang nagpapaalam na kayo sa akin hahaha." pagbibiro ko pa kay Nay Olin.
"Hay nakong bata ka bawal bang magpaalala ng magagandang asal ah?" saad naman nya sabay kutos sa aking ulo.
"Nay naman ang sakit kaya." Natatawang saad ko kay Nay Olin habang nakahawak sa aking ulo. Pero promise medyo masayit nga.
"Hahaha gusto mo bang ulitin ko pa?" pananakot ni nanay sa akin kaya anman napa-peace sign na lang ako.
"Oh sya punta muna ko kay Manang Rosy para kumuha ng mga halamang gamot." Paalam sa akin ni Nay Olin, tumango naman ako sabay ngiti.
"Sige po Nay Olin ingat po kayo." Paalam ko kay Nay Olin, ngumiti naman ito at tumango pagkatapos ay tumalikod na ito para lumakad na papunta kay Manang Rosy...
....
Minulat ko ng unti-unti ang aking mga mata at nagising ako sa isang maaliwalas na kama, kumapa-kapa ako nang may nahawakan akong matigas, mahaba, at nakatayong bagay kaya naman napalingon ako upang tignan ko kung saan ako nakahawak, pero nagsisi akong tinignan ko pa ito, dahil nakahawak lang naman ako sa pagkalalaki ni Lucian na ngayon ay tulog na tulog, pero buhay na buhay ang kanayang alaga. Kaya agad kong inalis ang aking kamay dito at sa kakamadali kong alisin ito ay napabiling ako sa higaan at nahulog.
"Awww, shit ang sakit ng likod ko." Nasabi ko na lang habang tumatayo sa sahig na pinagbagsakan ko. Teka, bakit kaya ako nandito? Bakit katabi ko tong manyakis slash masamang ugaling to? Pero infairness ah gwapo pala sya pag tulog, maganda din katawan at malaki din ang...
"Wait! Lalaki ka self! LALAKE KA! Dyusmiyo marimar!" Pagka-usap ko sa sarili ko habang sinasampal-sampal ito.
"Wait nga, ano nga bang nangyari kanina?" Tanong ko sa sarili ko. Potek nababaliw na ata ako bakit ganito.
"Aha! Naglaban pala kami ni Guia kanina, shit ang lakas talaga ng Hold Power ni Guia, kaya di na ako magtataka kung mas malakas ang Hold Power ni Kali. Hays, baliw ka na self." Pagka-usap ko sa sarili ko. Ngunut natinag ako ng maalala kong baka nag-aalala si Nay Olin sa naging lagay ko, kaya naman lumabas ako sa pinto at habang pababa ng hagdan ay nakita ko si Nay Aurelia, Guia, at Kali na nag-uusap. Ah matanong nga kung nasaan si Nay Olin for sure alam nila kase kung nasaan ang aking ina.
"Nay Aurelia, nasaan po si Nay Olin?" Tanong ko habang papungay pungay pa ang matang bumababa sa hagdanan.
"Xavier. Patay na si Nay Olin sa field kung saan tayo nag-ensayo." Diretsuhang saad ni Guia na nagpabigla sa akin. Sinubukan kong i-diggest sa utak ko ang mga sinabi ni Guia pero parang nablanko ata ang utak ko kaya napatulala na lang ako
"Vita Guia Picosa! Bakit mo binigla!" Suway na sigaw ni Kali kay Guia, na nagpabalik sa wisyo ko. Ah baka nagbibiro lang sila hahaha tama, paanong mamatay ang nanay ko eh wala naman siya sa field ah.
"Mas lalo lang syang mabibigla at masasaktan kung magpapaligoy-ligoy tayo kuya." Seryosong saad ni Guia kaya naman lalo akong naguluhan. Naghalo-halo na ang emosyon ko, nerong gusto ko ng umiya dahip baka totoo lahat meron namang na-fefeel ko ang saya baka prank lang ito at i-suprise nila ako.
"Pero dapat hinintay mong ako ang nagsalita." Seryosong saad ni Nay Aurelia na nagpakaba sa akin, dahil alam kong never nagbibiro ng ganito si Nay Aurelia.
Kaya naman pinigilan ko na lang munang umiyak at tinanong kay Guia ang sitwasyon, "a-anong s-sinasabi mo Guia. S-Sabihin mong nagbibiro ka lang! Di ba tayo lang ang nagte-training doon, b-bakit namatay si Nay Olin doon. Eh w-wala naman sya doon!" Ngunit ang sunod na sagot ni Guia ang bumasag sa puso ko, "totoo ang sinabi ko Xavier, I'm sorry at h-hindi namin naprotektahan si Nay Olin." Saad ni Guia at halatang nagpipigil lang ito sa pagbagsak ng kanyang mga luha.
Bigla namang tumakbo sa akin si Guia at niyakap ito at doon na lang biglang bumuhos ang luhang pinipigilan ko kanina pa. Nagulat nmyan ako nang biglang umiyak din si Guia kaya naman gumanti na rin ako ng yakap sa kanya
"P-Paano sya n-namatay? S-Sino? S-Sino ang pumatay sa kanya?" Umiiyak na turan ko. Natahimik naman silang lahat na pinagtaka ko, ngunit nagulantang naman ako ng biglang may nagsalita sa aking likuran.
"Sa tingin ko. Ako ang dahilan." Nabigla kaming lahat ng walang ano-ano ay nagsalita ang lalaking nakatanaw at nakasandal ngayon sa pader na nasa second floor.
"L-Lucian?" Takang tanong ko sa lalaki. Parang may espada namang sumaksak sa aking puso kaya naman hinarap ko ito at kina-usap...
"A-ano pi-pinatay mo ang Nay Olin ko? Paano? A-At anong d-dahilan Lucian, sabihin mo na mangnagbibiro kalang, s-sabihin mong n-nagbibiro ka lang!" Tanong na sigaw ko kay Lucian, wala lang naman itong kibo.
"T-Totoo iyon anak, si Lucian nga ang pumatay dahil hindi na niya nagawang kontrolin ang Hold Power niya." Na-uutal na sagot naman ni Nay Aurelia kaya naman parang may kung anong sasabog sa loob ko. Sobrang blanko na ng isip ko, parang wala ng kahit anong pumasok dito...
"AHHHHH!" Sigaw ko na lang at unti-unting nanlabo ang aking mga mata, bigla nalang sinakop ng kadiliman ang aking paningin at hindi ko na nalaman ang mga sumunod na nangyari...
...
Makalipas ang ilang saglit ay bigla na lang may isang tinig ang gumugising sa akin.
"Bata gumising ka." Saad ng isang tinig, sa tingin ko ay babae ang nagmamay-ari ng boses na ito. Kaya naman unti-unti kong minulat ang aking mga mata at na-aninag ko ang babaeng may dalang lyre, may palamuting bulaklak ang suot na dress na tinernuhan ng flower crown,
may dalawang pares din ito ng pak-pak at napakaganda nito, perpektong-perpekto ang mukha at maputing balat. Ang masasabi ko lang ay isa itong anghel. Wait parang nakita ko na siya somewhere, ah! Siya yung isa sa mga anghel ni Nay Olin.
"Oo nakita mo na ako dati dahil isa ako sa mga Sphere of Elysium, ako si Dhriti The Sphere of Patience and Temperance, isa ako sa Hold Power ng Nay Olin mo!" Maligalig na saad nito na ikinabigla ko, wait! Nababasa nya utak ko, owww my Nanay!
Sunod ko naman tinignan ang piligid at nakita kong parang nasa isang garden lang ako na puno ng rosas ang paligid, napaka aliwalas at napakilinis tignan, para bang pinapakalma ako nito.
"Yes, nababasa ko po isip nyo." Nakangiting sagot naman ni Dhriti na nagpalaki ng mata ko.
"Pa-paano kita nakakusap eh diba tanging ang owner mo lang ang kaya mong maka-usap?" Tanong ko sa kanya na nagpaseryoso sa mukha nya.
"Patawad kung hindi namin naprotektahan ng maiigi ang Owner namin." Saad niya sabay luhod na nagpagulat naman sa akin.
"Uy Dhriti, huwag kang lumuhod, tumayo ka diyan. Wala na tayong magagawa, nangyari na ang nagyari." Nakangiti ngunit umiiyak na saad ko kay Dhrity kaya naman tumayo ito agad at ngumiting humarap sa akin.
"Napakabuti ng iyong puso, sana manatili iyan kahit sa mga susunod na mga sitwasyon na ipapakita ko sa iyo." Saad ni Dhriti na bumuo ng pagtataka sa akin.
Kaya naman nagtanong na ako sa kanya, "what do you mean?" Ngumiti naman si Dhriti at sinabing, "bago mamatay ang Owner ko ay pinaki-usapan niya kaming sa iyo na lang ilipat ang Ownership niya kaya na kaka-usap mo ako ngayon at-" huminga muna ito, "at?" Tanong ko naman.
"At para makuha mo ang tiwala ko at ng mga susunod na Sphere ay kailangan mong lagpasan ang ibibigay kong pagsubok at ito iyon." Saad ni Dhriti sabay pitik ng kanyang kamay, kasunod nun ay lumiwanag ng kulay pink na sinag na nagpasilaw sa akin...
...
Ilang oras ang lumipas ay nawala ang liwanag at doon ko iminulat unti-unti ang aking mga mata...
Tinignan ko ang paligid at doon ko napagtanto na nasa field ako ngayon kung saan kami pumunta ni Kali at Guia upang mag-ensayo.
Nakita ko na nga ngayon ang pagpunta ng tatlong tao dito, masayang nag kukwentuhan ang dalawa habang ang kamukha ko naman ay tahimik at tulala, ah...ito nga pala yung panahong iniisip ko ang halikan namin ni Lucian noong madaling araw kaya ako tulala.
Ngunit sa aking pagmamasasid ay nakita ko ang isang pamilyar na pigurang nakatago sa isang puno at nag mamasid, si Lucian to ah! tama nga si Lucian nga ang pumatay sa aking ina.
Lalapitan ko na sana sya ng may isang kamay na pumigil sa akin...
"Huwag. Nakaraan na lamang ito. Nihindi ka nila makita o marinig kaya wala ka ring magagwa kung hindi ang manood." Malumanay na pagpigil sa akin ni Dhriti na tinanguan ko lang.
Nakita ko ngayon na naglalaban na kami ni Guia...
Nagmimintis man ang Arrow na ibinabato ko kay Guia ay hindi parin ako sumusuko at patuloy parin sa pag atake, ngunit ng si Guia na ang umatake ay bigla na lang akong napaluhod ngunit nabigla ako sa biglaang pagtakbo ng lalaking nakatago lang kanina sa puno at niyakap ako ng mahigpit sabay ng pagkawala ng malay ko. Parang may kung ano naman ang nagpahupa ng galit sa puso ko sa nakikita ko ngayon.
Napansin ko namang nakababa papa ang neck gaiter ni Lucian na kinabahala ko. Naku patay sila Kali. Hindi nga ako nagkamali at bigla na lanv nagpalit ng anyo si Lucian na parang isang Fallen Angel dahil sa kalahating itim at kalahating puti ang pak-pak na mayroon nito. Napabilib naman ako sa Hold Power na mayroon si Lucian.
Nanood lang ako ng tahimik...
Nang makita ko lahat ng nangyari ay naghalo ang galit at pagpapatawad sa aking puso't isip ngayon. Paulit-ulit ko kasing naririnig ngayon ang habilin ni Nay Olin na lahit gaano kabigat ang kasalanan ng isang nipalang sa akin ay kaolangan kong magpatawad kaya naman iyon ang susundin ko ngayon. Huminga ako ng malalim at hinarap si Dhriti.
"Kaya mo bang patawarin ang nilalang na pumatay sa iyong Ina?" Tanong ni Dhriti sa akin, kaya naman napangiti ako at sinabing, "alam mo Dhriti, di naman ako Supreme Being o Deus para hindi magpatawad, at saka isa pa, bago mawala si Nay Olin eh nagbilin sya sa akin na kailangan magpatawad ako ng isang nilalang kahit gaano pa kalaki ang pag kakasala nito sa akin." Napangiti naman ng malawak si Dhriti dahil doon at huminga ng malalim.
"Yes! Nakapasa ka! Kung gayon, Xavier Inugami Luzslo, Tanggapin mo akong buo, ito ang aking Hold at ako'y sumusko sa iyo." Saad ni Dhriti sabay halik sa akin at bigla nalang itong naging pink na liwanag at pumasok ito sa aking katawan na nagpadama sa akin ng kaginhawaan. Nakita ko naman ang lumulutang na kulay pink na mga letra at nang nabuo ito sa aking harapan ay nakasulat dito ang mga katagang...
Divine Soul Hold
Power of Hold:
Dhriti The Sphere Of Patience and Temperance: Embrace
Side Effect on user: None
Description: Incresing companion's Energia.
(Divine Held Needed)
"Ngayon Pumikit kana upang maibalik na kita sa inyong mun-" putol ni Dhriti sa sasabihin niya dahip sa isang sigaw...
"Teka lang! Nais ko ring ibigay sa iyo ang sarili ko dahil nakita kong deserving kang maging owner namin!" Pagputol ng isang boses ng batang babae kaya naman napatingin kami ni Dhriti dito at doon ko nakita ang isang batang babaeng na may matulis na tenga, may dalawang puting pak-pak, nakasuot ng kulay green na dress at mayroon itong dala-dalang staff.
"Ansuya!" Masayang sigaw naman ni Dhriti sa bata...
....
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
DHRITI
ANSUYA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top