CHAPTER 20
HOLY...
GUIA'S P.O.V
"Anak, alam mo ba ang kabayaran ng Hold na iyan?" Naluluha paring saad ni Nay Aurelia kay Kuya Kali, nabigla naman ako ng biglang magsalita si Kuya Kali, "ang buhay ko po nay."
Halos himatayin naman ako sa sinabi ni Kuya Kali. Hindi pwedeng masayang ni Kuya Kali ang ikalawang buhay na ipinagka-loob sa kanya. Alam kong mqy magagawa pa ako, kailangan kong kunsultahin si Life...
"Alam ko din ang kapalit anak, dahil sa limang daang taon na akong nabubuhay ay minsan ko ng nakitang ginamit yan!" Sumeryosong saad din ni Nay Aurelia na nagpatahimik kay Kuya kali.
"Life, nandiyan ka ba? I need you right now, sagot ka naman." Pagka-usap ko kay Life gamit ang TeleCom.
"Bakit Owner? Anong kailangan mo?" Tanong naman niti kaya napangiti ako ng kaunti.
"Life, ano bang pinakamalakas na Hold Power na makakatapat sa isang demonyong iyan?" Tanong ko kay Life na gamit parin ang TeleCom. Dinig ko naman ang paghinga nito ng malalim.
"Kung hindi ako nagkakamali ay si Charlatan ang demonyong iyan, hindi tatalab ang mga Hold Power mo pwera na lang sa Seraphim at Wish of Amnesty." Sagot naman ni Life sa akin kaya naman napatango-tango ako.
"Kung gagamitin ko ba ang Salvation: Seraphim ay may sapat ba akong Energia para gawin ito?" Tanong ko kay Life agad naman itong sumagot, "oo, meron naman. Ngunit baka hindi kayanin ng katawan mo."
Napalunok naman ako, pero na isip ko naman na kailangan akong mag-take the risk para sa mga taong mahal ko, "kakayanin ko Life huwag kang mag-alala," huminga naman ng malalim si Life, "sige, ikaw Owner ko, kaya ikaw ang masusunod."
"Anak, sa tingin mo ba kung i-aalay mo ang buhay mo para sa paghihiganti, masisiyahan ba si Nay Olin mo? ah?" Saad ni Nay Aurelia, katapos nun ay isinigaw ko an ang Hold Power ko, "SALVATION: SERAPHIM!" Sigaw ko. Nabibiglang napatingin naman sa akin sila Kuya Kali at Nay Aurelia.
"Guia bakit mo ginawa iyon?!" Galit na turan ni Nay Aurelia sa sa akin na parang alam ang kapalit nito. Kaya di muna ako sumagot...
Lumipas ang ilang saglit ay biglang nagliwanag ang buong paligid at nang tumingin kami sa kalangitan ay tila ba may gate ito na nakabukas at napakaraming Anghel ngayon ang naglalabasan.
May tig-aanim silang pak-pak na ang dalawang pakpak sa bandang baba ay tumatakip sa kanilang katawan habang ang dalawang pak-pak sa bandang taas ay tuamatakip sa kanilang mukha, habang ang dalawang pak-pak sa bangdang gitna ay ginagamit nila sa paglipad. Kumakanta rin sila ng "Holy, Holy, Holy" ng paulit-ulit na tila ba'y di sila napapagod sa pagkanta.
"Alam mo ba kung anong kapalit ng ginawa mo ah? Guia?" Tanong ulit ni Nay Aurelia na nagpabalik ng wisyo ko.
"Opo Nay, at iyon ang kalahati ng lifespan ko." Nakangiting sagot ko kay Nay Aurelia, pero parang ramdam kong nanlalata na ang katawan ko.
Nakita ko namang nagpalit na ng anyo ang batang duguan na inakala naming si Xavier at naging sya si Charlatan, ngayon nga ay nagsisigaw, mukhang natatkot ata ngayon si Charlatan sa mga anghel.
"Vita Guia Picosa! Anong ginagwa mo! B-Bakit mo ginawa iyon! Sana ako na lang ang gumawa, shit! Dahil sa akin pati ikaw napasubo ko pa!" Sumisigaw at nag-aalalang turan ni Kuya Kali napansin ko ding pinipigilan nitong umiyak.
Bigla namang nagsisigaw si Charlatan na parang takot na takot ito, parang may ginagawa sa kanya ang mga anghel dahil n lilipad na san saya ngunit hindi na ata kaya ng katawan nyang gumalaw, mukhang may ginagawa sakanya ang ng anghel.
"Kuya, gusto ko lang naman na ma-enjoy mo ang buhay mo dito sa mundong ito ng mahabang panahon. Ikalawang pagakaktaon mo na kaya ito." Nakangiting saad ko sa kanya sabay kong naramdaman ang pagdilim ng paningin ko.
Nararamdaman ko na pabagsak na ko kaya pumikit na lang ako at ng tumagal akong nakapikit ay dumilat na ako dahil naramdaman kong hindi naman ako napasalampak sa lupa. Doon ko nakita si Kuya Kali na sapo-sapo na ako at nginitian ko lang sya bilang pasasalamat, naramdaman ko namang unti-unting nagdidilim ang paningin ko at katapos noon ay naging itim na lahat ng nakikita ko...
....
THIRD PERSON P.O.V
Nang mawalan ng malay si Guia ay nanatili lang sa pagkanta ang mga Anghel. At bigla na lang puma-ikot ang mga anghel sa uluhan ni Charlatan habang patuloy parin sa pagkanta...
Holy, holy, holy, holy, holy~
Holy, holy, holy, holy, holy~
Holy, holy, holy, holy, holy~
Paulit-ulit at napakalakas na pagkanta ng mga anghel na lumilipad at pumapaikot ngayon sa halimaw. Ngunit parang alam ata ng halimaw ang gagawin ng mga anghel kaya naman nagtangka itong umalis sa lugar ngunit para bang napakabigat ngayon ng kanyang pakiramdam at hindi nya ma-igalaw ang kanyang katawan, kaya pinutol nya ang isa sa kanyang mga ulo at pagkaputol nito ay sabay nyang hinagis ng napakalakas sa mga anghel. Habang palapit ito ay nagkakaroon ito ng kamay, katawan at paa at pabulusok ngayon sa mga anghel.
"AHHH!" Natatakot na sigaw ni Charlatan...
Nang tuluyan ng mabuo ito ay naging kamukha at kasingkatawan ito ni Charlatan, na kanyang pinagmulan ngunit isang ulong ito hindi tulad ni Charlatan na maraming ulo...
Sumugod ito sa grupo ng mga anghel ngunit sadyang napakalakas ata talga ng mga aghel dahil bigla nablang itong nasunog na di man lang nakalapit ng limang metro sa mga anghel kaya naman sumigaw lang ng sumigaw si Charlatan na para bang takot na takot ito. Ilang salit pa ay sabay-sabay na nagsalita ang mga anghel, "PURIFICATION!" Sabay-sabay na saad ng mga anghel at bigla na lang may direktang tumamang napakaliwanag na sinag ang tumama sa Halimaw at lalong sumigaw ito ng napakalakas...
Kita naman ang pagbibitak ng balat at katawan ng halimaw na para bang natutuyot ito.
At nang mabitak na ng tuluyan ang katawan nito ay saka naman lumitaw ang katawan ni Lucian na ngayon ay nakapikit at pabagsak sa lupa na sinalo naman ng isa sa nga anghel at inabot kay Òtima Màe Aurelia ang walang malay na katawan ni Lucian.
Pagkatapos non ay makikita ang mga anghel na bumabalik sa gate na nasa ulap at nang tuluyan ng makapasok ang lahat ay nagsara na ang gate...
Tinawag at Inutusan naman ni Òtima Màe Aurelia ang lahat ng kanyang mamayan gamit ang TeleCom upang atusin ang lugar at hanapin si Xavier.
Lumipas ang ilang sandali ay pasan-pasan na si Xavier ng isa sa mga matandang naghanap. Tulog na tulog parin ito at mukahang pagod na pagod kaya hindi muna sya ginising ni Nay Aurelia dahil baka lalo lang itong mapagod at masaktan kung malalman nito na patay na ang kanyang ina...
...
AURELIA'S P.O.V
Makalipas ang ilang oras ay nandito nakami saaming tahanan. Nasa sala ngayon sila Kali at Guia upang gamutin ang sugat ng kanyang Kuya Kali, hinihiga ko naman ang walang malay na katawan ni Lucian sa kanyang kwarto kasama si Xavier.
Lumabas na ako sa kwarto at umupo sa tabi ng kambal. Hindi ko na ginising sila Xavier at Lucian upang makapagpahinga pa at isa pa iniisip ko kung anong i-dadahilan ko sa pagkamatay ni Olin, hindi maaring malaman nyang si Lucian ang gumawa dahil baka magkagulo lang ulit.
"Nay, paano po natin ngayon sasabihin kay Xavier ang nangyari kay Nay Olin?" Kinakabahang tanong ni Kali sa akin na nagpabalik sa aking wisyo.
"Yun din nga ang iniisip ko anak. Hindi naman natin pwedeng sabihin si Lucian ang may gawa dahil baka magkagulo na naman." Buntong-hiningang saad ko kay Kali kaya huminga din ito ng malalim.
"Pero hindi po ba masama yon? magsisinungaling tayo kay Xavier at ano pong mangyayari kapag nalaman nya ang buong katotohanan? Mas magagalit pa sya at lalaki pa lalo ang gulo, and worse, magagalit din sya sa atin." Seryosong saad ni Guia sa akin. May point siya doon pero paano ko masasabi kay Xavier ng matiwasay ang mga pangyayari?
"Nay Aurelia, nasaan po si Nay Olin?" Tanong ng isang batang papungay-pungay pa ang matang bumababa sa hagdanan.
"Xavier. Patay na si Nay Olin sa field kung saan tayo nag-ensayo." Diretsuhang saad ni Guia na nagpagulat sa amin ni Kali.
"Vita Guia Picosa! Bakit mo binigla!" Suway na sigaw ni Kali kay Guia, tumingin din naman ako kay Guia na para bang nagtatanong.
"Mas lalo lang syang mabibigla at masasaktan kung magpapaligoy-ligoy tayo kuya." Seryosong saad ni Guia.
"Pero dapat hinintay mong ako ang nagsalita." Seryosong saad ko din, yumuko lang naman si Guia na parang nahihiya.
"A-Anong s-sinasabi mo Guia. S-Sabihin mong nagbibiro ka lang! Di ba tayo lang ang nagte-training doon, b-bakit namatay si Nay Olin doon. Eh w-wala naman sya doon!" Tanong ni Xavier at halatang pinipigilan ang mga luha sa pagbagsak
"Totoo ang sinabi ko Xavier, I'm sorry at h-hindi namin naprotektahan si Nay Olin." Saad ni Guia at halatang nagpipigil lang ito sa pagbagsak ng kanyang mga luha. Bigla namang tumakbo si Guia kay Xavier at niyakap ito at doon na nila binuhos ang mga luhang pinipigilan nila.
"P-Paano sya n-namatay? S-Sino? S-Sino ang pumatay sa kanya?" Umiiyak na turan ni Xavier dahilan upang mapatahimik kami...
"Sa tingin ko. Ako ang dahilan." Nabigla kaming lahat ng walang ano-ano ay nagsalita ang lalaking nakatanaw at nakasandal ngayon sa pader na nasa second floor.
"L-Lucian?" Takang tanong ni Xavier sa lalaki...
...
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top