CHAPTER 2

MAKE A WISH...

MANUEL KAGURA'S P.O.V

"AHHH!"

Napabangon ako ng daglian at saka ako sunod-sunod na nagbagsak ng hiningang malalalim dahil sa panaginip na iyon. Grabe. Ang saklap naman ng nangyayari doon. Natakot din ako roon sa haring gustong ipapatay ang mga ano? Fan-Fanta- hays bahala na huwag ko na lang ngang isipin.

Bumaba na ako sa aking kama at pumunta na sa banyo upang maligo. Pagkatapos ay bumaba na ako at pumunta sa lamesa para mag-almusal...

Nang makapunta na ako ay pansin ko namang wala na si mama, siguro ay maaga siyang pumasok sa trabaho niya para maaga rin siyang makapag-break. Kita ko namang may nakahain na pa lang kanin, tuyo, at gatas, kaya agad ko na itong nilantakan...

Katapos kong kumain ay nagmadali na akong tumakbo papuntang school...

...

Habang nag-rerecess kami kanina ay pinagpaalam at sinundo ako ni mama kaya naman ngayon aya naglalakad na kami ngayon sa Memorial Park ni mama papunta sa puntod ni papa dahil nga death and wedding anniversary nila ngayon ni mama, tulad ng laging nangyayari kapag dumadalaw si mama sa puntod ni papa, wala na namang kibo at anytime babagsak ang mga luhang kanyang pinipigilan hayss.

"Ma, may performance na naman pala ako sa darating na march at kapag daw nagalingan sa akin ang Dean and Judges baka ako raw po ang ipanglalaban sa Clash of Schools: Singing Competition, 'di ba ang saya ma?" Pag-iiba ko sa athmosphe namin.

"A-Ahm oo anak excited na nga ako, sana naman manalo ka," nakangiting turan ni mama pero mararamdaman mo ang bigat ng aura niya ngayon, " kung alam mo lang noong nabubuhay pa ang papa mo lagi syang sumasali sa singing contest at nanalo. Alam mo anak buti na lang at sakanya mo namana ang boses mo, kung sa akin baka naging isa ka naring palakang karag na ngumangawa sa tuwing umuulan hahaha." Mahihimigan ng lungkot na saad ni mama. Naging mali ata ang desisyon kong 'yon dahil kahit na may tonong pagbibiro ang mga salita ni mama, napansin kong tumulo na ang kanyang pinipigilang luha.

"Ma naman. Wala pa nga tayo sa puntod eh umiiyak kana." Naluhang saad ko, masakit kase na nakikita mong nasasaktan ang taong nagsilang at nag-aruga saiyo, pero kailangan kong magpakatatag upang may kapitan si mama.

Naglatag na ng picnic cloth si mama at nag-umpisa nang sindihan ang kandila sa puntod ni papa.

"Pa, nandito na kami ng anak mo, oh 'di ba ang laki na nya para na siyang balyena char hahaha, uy pero pa, napakagaling kumanta ng anak mo mana sa'yo, alam mo pa, buti nalang hindi nagmana sa akin ng boses ang anak mo dahil kung nagkataon pati ikaw magising kapag kumanta 'to." Tuluyan na ngang naiyak si mama. Kaya naman yinakap ko ito at hinagod-hagod ang kanyang likod.

"Hay, pa ang aga mo kaming iniwan," mangiyak-ngiyak na turan ni mama, " ang hirap tanggapin, a-ang ang sakit pa, sobrang sakit kaya minsan hi-hiniling ko na lang na-nasana hindi na lang muna tayo ikinasal," utal na turan ni mama kaya naman tinapal-tampal ko na lang ang kanyang balikat, "sana k-kasama ka pa namin. K-Kasalanan k-ko ito kung hindi sana kita p-pinilit magpakasal edi sana buhay kapa. Edi sana kasama ka pa namin." Iyak ni mama na nagpaiyak na din sa akin, ito na naman sya, pilit na sinisisi ang sarili sa pagkamatay ni papa, hays sana one day maka move on na sya para wala ng masasaktan, nasasaktan din kase ako kapag nakikitang umiiyak ang aking ina.

Nagkwentuhan pa kami ni mama ng matagal, napagkwentuhan pa nga namin kung paano ako noon napiyok. Nag-peperform kase ako para sa family day no'ng Grade 10 pa ako hahah kakatawa, sobra. Alam nyo bang imbis na mahiya rin si mommy eh todo tawa pa ito sa akin, syempre bilang performer ay show must go on lang haha, may explanation naman ako noh, may sipon ako that time dapat nga di ako mag peperform pinilit lang ako ni mama so si mama talaga may kasalanan joke hahaha.

Then, katapos namin sa puntod ni papa. Sinabihan ako ni mama na dadalhin niya raw ako sa paboritong lugar nila ni papa, imagine 19 years of existance ko sa mundo eh ngayon nya lang ako ipapasyal doon, tinde diba.

Kasalukuyan kami ngayon bumabyahe papuntang Minalin Pampanga dahil doon daw makikita ang simbahan na paborito nila ni papa at don din naganap ang kasal nila. Ah kaya pala ngayon lang ako ipapasyal ni mama sa lugar na ito dahil naalala nya parin yung nangyari sa kasal nila ni papa.

Nasa loob na kami ngayon ng simbahan, naglalakad kami papuntang ikatlong seat ng upuan ng simbahan ng biglang nagsalita si mama.

"Nak alam mo ba." Panimula ni mama...

"Ang saya ko noong araw na yun." Pag-tukoy ni mama sa araw ng kasal ni papa....

"Ang saya ko noon, humihingi pa nga ako ng gabay sa Diyos na sana ay gabayan kami sa pagbuo ng pamilya ng papa mo," pag-alala ni mama sa mga pangyayari na inayahan ko naman para ma-ibsan ang sama ng kanyang loob, "nang biglang ibinalita ng driver ng papa mo na nabunggo daw sya ng truck habang ginagawa ng papa mo ang kanyang sasakyan. Nawalan daw ng kontrol ang truck at sumalpok mismo sa sasakyang ginagawa ng papa mo at ng kanyang driver," saad niya pa at pinipigilan ni mama ang pagluha, "kasabay daw nakaladkad ang papa mo, swerte nga nung driver kase itinulak daw siya ng papa mo para makaiwas daw ang driver ng papa mo, pero ang papa mo naman ang namatay hays." Mapait na pag-alala nya kay papa at halatang pinipigilan na naman ang mga luha.

Nakaupo narin kami ngayon sa upuan na nasa harapan ng altar...

"Alam mo anak sa araw na yon sinisisi ko ang Diyos, dahil nga maaga nyang sa akin kinuha ang papa mo, pero nang malaman kong buntis ako at nasa sinapupunan kita ay nagsisi ako at napagtantong ang sarili ko dapat pala ang sisihin at hindi ang diyos, dahil kung hindi ko hiniling na maikasal na kami ng papa mo ay hindi sya mawawala sa atin." Hindi na nga napigilan ni mama ang mga luha nya at nag-unahan na sa pagtulo, kaya yumakap siya saakin at pinagaan ko naman ang loob nya.

At nang mahimasmasan sya ay nagpunas sya ng mga luha na bumasa sa mata at pisngi niya.

"Kaya din tayo pumunta dito para humingi ng kapatawaran sa Diyos at humingi ng gabay sakanya, tandaan mo anak, gaano man kabigat ang pinagdadaanan mo lagi ka lang kakapit kay God at isuko lahat sakanya ang problema." Saad ni mama sabaya bigay sa akin ng napakatamis na ngiti.

Lumuhod naman kami sa luhuran at nanalangin kami ng taimtim...

Ilang minuto ang lumipas ay tumayo na kami, pagkatapos naming manalangin ay lumakad papuntang likod ng simbahan si mama na pinagtaka ko, kaya naman sumunod na lang ako.

"Ma, saan tayo pupunta?" Tanong ko naman kay mama.

"Sa lugar kung saan hiniling kong pakasalan na ako ng papa mo." Saad naman ni mama kaya tumahimik na ako at sumunod na lang sakanya.

Ilang saglit pa ay napunta kami sa isang lugar kung saan makikita ang isang wishing well, na may rebulto ng isang rebulto ng isang babae na may piring ang mata, nay hawak na ispada sa kaliwang kamay at may hawak namang pangkilo sa kabila ang nasa gitna at may apat na hagdan ng fountain na bumubuga ng tubig, may mga isda din namang lumalangoy dito, I think goldfish ang mga ito pero nagtataka lang ako kung bakit gold fish tawag nila sa mga isdang ito, yung nabibiling tig sasampo tuwing may fiesta, eh kulay orange naman sila hehehe.

"Anak, alam mo ba na dito kami humihiling ng papa mo tuwing pumupunta kami dito, at himalang lahat ng hiling namin ay nag-kakatotoo, tulad nalang nang hilingin naming mag ka-anak kami at eto ka nga ngayon, at nang hilingin kong sana pakasalan na ko nang papa mo at kinabukasan ay bigla nalang nag-alok ng kasal si papa mo." Ngiting saad ni mommy saakin, ah kaya pala sabi niya kanina ay sana hindi niya nalang hiniling na pakasalan siya ni papa.

"kung pwede lang hilingin na sana mabuhay syang muli ay matagal ko na sanang ginawa ngunit isang kasalanan naman sa Diyos at sobrang selfish ko naman kung hilingin ko iyon." Lutang na sabi ni mama sabay pikit at sabay atsya ng barya.

"Anak oh, ikaw naman." Sabi ni mama sa akin sabay abot ng 5 pesos.

Pumikit naman ako at ini-atsya ko naman ang barya at humiling na sana makahanap na ng bagong mamahalin si Mommy para hindi na sya masaktan at maka-move on narin, at sinubukan ko ring hilingin na sana ma-reincarnate ako at mabigyan ako ng kahit mahinang kapangyarihan lang upang kahit papa-ano ay maging katulad ako ng mga napapanood ko sa isekai anime, wala namang masama kung hihiling ako ng imposibleng bagay diba?

Katapos nung mga pangyayaring iyon ay sumakay na kami sa jeep...

Ginabi na nakami ng uwe sa bahay dahil nga namalenggke pa kami ni Mommy katapos namin sa Minalin at ngayon nga ay kakatapos lang magluto ni mama kaya nag-hahanda na ako ng mga plato.

Habang kumakain ay biglang nagtanong si mama. "So anak ano nga palang hiniling mo kanina?" Usyosong tanong ni mama sa akin. "Wala ma secret hahaha." Saad ko na nagpa-pout kay mama, hays di talaga niya bagay mag-pout hahaha.

"Luh ma mukha kang kabayo di mo bagay mag-pout hahahaha." Pang-aasar ko sakanya, kaya ayun...

"Aray ma! Aray! Mapuputol mo na tenga ko! Aray ma!" Sigaw ko dahil sa sobrang sakit ng pagkakapingot nya sa aking tainga haha.

Nagtuloy-tuloy pa ang ang kwentuhan namin ni mama at nang matapos na kaming magkwentuhan ay ayun pumanik nako sa kwarto, then, as usual ginawa ko na ang mga night routine ko.

Nang makapanik na ako sa aking kama ay nagdasal na ako ng taimtim at humiga na katapos. Pinikit ko na ang aking mga mata, ngunit bigla kong naisip ang panaginip ko kahapon. Ano kayang nais iparating ng panaginip na iyon? Hays baka kaka-cellphone ko na 'to o kakanood ko ng anime. Hays, bahala na nga. At doon nga ay unti-unti ko ng ipinikit ang aking mga mata at natulog na...

...

"THE LIFE AND DEATH HOLDER'S LIFE WILL CLAIM..."

"Kali! Guia! Takbo!" ...

"AND CLIMATE WILL GO ROUGH..."

"Nagiging pula na ang kalangitan, kailangan na nating lumisan"...

"BLOOD CONTAMINATE THE WATER..."

"Protektahan ang Tears of Water Deus kahit anong mangyari!"...

"DESPAIR WILL BE THE SMELL OF WIND..."

"Bumaba na kayo sa lupa, pabagsak na ang Stados de brisa Onidos!"...

"HARVESTRY OF LIFE WILL BE IN DESTROYER..."

"Huwag hahayaang makatapak sa kaharian ng Soberania das Terras ang mga kawal ng Dark Continent! Protektahan ang ating lupain!"...

"UNKINDLED THE FLAME AND BREAK THE SINNERS BIN..."

"Pugutan ang Hari ng Reino do Fogo!"...

"DARKNESS WILL SUCKS THE LIGHTS..."

"Kami'y susmusuko sa iyo." Pagsuko ng isang Hari...

"H-HINDE!" Sigaw ko at dali-daling bumangon ako sa pagkakahiga. Sino ang mga iyon? Bakit may patayan? Sino si Kali at Guia? bakit ko sila napapanaginipan?

...

Picture of Minalin Church is in the multi-media above.

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top