CHAPTER 19
FRAUDULENT...
OLIN'S P.O.V
(THE LIFE OF OLIN BEFORE XAVIER CAME INTO HER LIFE.)
"Aurelia, mabuti nang sumuko kana para tapos na ang lahat!" Galit na sigaw ko kay Aurelia habang lumilipad ako ngayon, ngumisi naman si Aurelia.
"Why should I?" Nakangising tanong ni Aurelia sa akin kaya naman sa inis ko ay nag-iba ako ng anyo at hiniram ang anyo ni Minerva para mabugbog ko na ng husto si Aurelia. Sumugod na ako at sa sobrang bilis ko ay napunta agad ako sa harapan ni Aurelia at sinuntok ko ito sa mukha kaya tumilapon ito, sinundan ko naman siya agad, at nang maabutan ko siya ay sinipa ko siya sa sikmura na nagpatilapon sa kanya pababa at tumumbok ito sa lupa ng sobrang lakas, nagkaroon nga ng bitak ang pinagbagsakan niya.
Kita ko namang nahihirapng tumayo ito kaya natawa ako dahip doon, "hahaha, ano na Aurelia? Iyon na lang ba ang kaya mo?" Tanong ko dito, ngumisi naman ito at saka hinawakan ang punong malapit sa kanya, ilang saglit pa natuyo ang puno at makikita namang may kulay pink na aura ang bumabalot ngayon kay Aurelia at unti-unting humuhilom ang sugat na natamo niya, kaya bago pa siya tuliyang maka-recover ay sinugod ko na siya ngunit biglang humilab ang tiyan ko at nanag mapatingin ako sa aking hita ay nakita ko namang may tumutulong dugo mula dito kaya naman nagmamadaling bumaba ako at tinanggal ang Hold Power ko, doon ko naman naramdaman ang matinding sakit.
"AH! TULONG!" Paghingi ko na ng tulong, agad namang lumapit si Aurelia sa akin, naalarma namna ako, bakit pa kase ako humingi ng tulong kung wala na pala ang mga kasamahan ko.
"Anong nangyayari sa iyo Olin?" Nag-aalalang tanong ni Aurelia, agad ko namang tinutukan ito ng Held ko at sinabing, "huwag kang lalapit!" Sigaw ko.
"Olin, huwag kang ganyan, narito ako upang tulungan ka." Nag-aalalang turan nito, pero tinutukan ko parin siya ng Held ko para hindi siya makalapit sa akin ngunit biglang humilab ng sobrang sakit ang tyan ko kaya na-ibaba ko ang aking Held na naging dahilan para malapitan ako ng tuluyan ni Aurelia at hinawakan niya ang tiyan ko, sinaksak ko naman siya sa kanyang hita na nagpahiyaw sa kanya.
"Ah! Huminahon ka lang Olin, dahil may isang buhay ang nasabingit ng kamatayan ang nasa tiyan mo!" Galit na sigaw sa akin ni Aurelia sa akin kaya naman na-ihugot ko ang aking Held na may anyong spada kaya naman napahiyaw ulit si Aurelia dahil dito.
"Ah! Tanga dapat dinahan-dahan mo!" Inis na saad ni Aurelia na kinatawa ko pero bigla na namang humilab ang tiyan ko, "ah! Aurelia hindi ko na kaya! Ah!" Umiiyak na sigaw ko kay Aurelia dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Kaya mo bang tumayo? Kailangan kitang mailapit sa isang puno para mabigyan ko ng suporta ang lakas ng kapit ng batang nasa sinapupunan mo." Paliwanag ni Aurelia kaya naman pinilit kong tumayo pero hindi ko kaya kaya naman naisip kong gumamit na lang ng Hold Power para makalipad ako.
Kaya nang makapagpalit ako ng anyo at naging si Eurydice ay nagmadali akong lumipad sa pinaka malapit na puno, sumunod naman si Aurelia.
"Ayos lang po ba kayo Owner?" Sabay-sabay na tanong ng siyam na Sphere sa akin gamit ang TeleCom.
"Oo, huwag kayong mag-alala." Simpleng saad ko, bigla namang tinawag ni Aurelia ang pansin ko, "Olin! Madali alisin mo na ang Hold Power mo, kasayangan sa Energia iyan at baka maubusan ka ng lakas at walan ng kapit ang sanggol!" Sigaw ni Aurelia kaya naman agad kong tinanngal ang ang Hold Power ko.
"Ano ng gagawin natin Aurelia?" Tanong ko kay Aurelia, "teka." Saad niya sabay hawak sa puno kung saan ako nakasandal. Unti-unti namang nalalanta ang mga dahon at nakikita kong pinalilibutan ako ngayon ng kulay pink na aura kasabay noon ang pagtama ng sobrang sakit na pakiramdam kaya naman sumigaw ako ng parang wala ng katapusan.
"AHHHH!" Sigaw ko, bigla na lang umiyak si Aurelia na nagpakaba sa akin, "Aurelia, a-anong nagyayari?" Kinakabahang tanong ko.
"P-Patawad hindi ko siya nailigtas." Umiiyak na saad ni Aurelia na nagpatulo ng luha ko. P-paanong, ah! Bakit ganito! Hindi ko naman alam na nagdadalang tao ako, pero dahil sa kasaan ko nadamay pa ang anak kong nasa sinapupunan ko pala, hindi pwede ito.
"Lúcifero antigo Deus das trevas, eu imploro!" Sigaw ko sa isang Enchanment, napatigil naman si Aurelia sa pag-iyak dahil doon at walang masabing salita sa kanyang mga labi.
[Translation: Lucifero ang sinaunang Deus ng kadiliman, nagsusumamo ako sa iyo!]
Bigla namang dumilim ang kalangitan at bigla na lang bumuka ang lupa sa harap namin at lumabas ang isang nilalang na purong itim ang buong katawan at may red na mata lamang.
"Jag-eun cheonsa-ege eotteohge deung-eul dollil su issseubnikka?" Tanong sa akin ni Lucifero ang sina-unang Deus ng kadiliman gamit ang opisyal na lenggwahe ng Dark Continent, buti na lang at marunong din akong magsalita at nakakaintindi din ako nito.
[Translation: Anong maipaglilikod ko munting anghel?]
"Nae adeul-eul dasi salli syeoss-eumyeonhabnida." Saad ko kay Lucifero, tumawa naman ito ng nakakkilabot at sobrang lakas na nagpanginig sa akin.
[Translation: Nais kong buhayin mo muli ang anak ko.]
"Geuligo geu daegalo jag-eun cheonsaleul hal geos-ibnida." Tanong naman nito, ngunit bigla namang nagsalita si Aurelia, "naneun modeun amheug gyegeub boyujadeul-i Floresta Encantada jumindeul-ui him-eul tahyeobhaji anh-eul geos-ilago yagsoghabnida." Saad ni Arelia na nagpabigla sa akin.
[Translation sa P.O.V ni Lucifero: At ano namang kapalit ng gagawin ko munting anghel.]
[Translation sa P.O.V ni Aurelia: Ipapangako kong hindi tatalab ang kapangyarihan ng mga nakatira sa Floresta Encantada sa lahat ng Dark Class Holders.]
"Geuleom dong-uihabnida! geuleoni nae him-eulo dangsin-ui yocheong iyo jag-eun cheonsagadeul-eul geos-igo jeojuga dangsin-egeiss-eul geos-ibnida, aulel lia ha hahaha." Turan naman ni Licifero at saka tumatawang pumasok sa butas sa lupa. Nang magsara na ang butas sa lupa ay tsaka naman humilab ang aking tiyan at nang tignan ko ito ay bigla na alng itong lumaki kaya naman napasigaw ako.
[Translation: Kung gayon ay pumapayag ako! kaya gamit ang aking kapangyarihan ay ang hiling mo, munting anghel ay aking dinidinig, at ang sumpa ay mapapasaiyo, Aurelia hahahaha.]
"AHHH!" Sigaw ko, katapos noon ang pag-iyak ng isang sanggol kaya naman tumingin ako sa baba at kita konnamang karga na ito ni Aurelia, pero kataka-takang hindi ito umiiyak kaya naman tinanong ko na si Aurelia, "kumusta siya Aurelia?" Tanong ko, "nasa maayos siyang kondisyon pero nakakapagtakang tulog itong lumabas sa iyo?" Takang tanong ni Aurelia, naalala ko naman ang ginawa kanina ni Aurelia kaya naman tumingin ako sa kanya ng daretso sa mata, napansin niya naman ito kaya tumingin din siya sa mata.
"Olin, huwag mo nang isipin ang pinagpalit ko kanina, ako ang may choice noon, wala kang ginawang mali maliban sa pagtawag mo kay Lucifero." Seryosong saad nito habang hinehele ang aking anak.
"P-Patawad, h-hindi ko lang matanggap na pati anak ko mawala, patawad, patawad patawad." Umiiyak at paulit-ulit na paghingi ko ng tawad kay Aurelia.
"Shhh, huwag mo nang isipin iyon, isipin mo na lang ang future ng cute at gwapong baby na ito." Saad nito kaya naman pinunasan ko ang luha ko.
"So lalake pala ang anak ko?" Tanong ko kay Aurelia, "oo, ano palang ipapangalan mo sa kanya?" Tanong ni Aurelia na nagpangiti sa akin, "Xavier, dahil siya magiging dahilan kung bakit ako maliligtas sa kadiliman at pumunta sa kabutihan." Nakangiting saad ko...
...
KALI'S P.O.V
"Xavier, anak ko." Nag-alalang turan ni Nay Olin at pinawalang bisa nya ang kanyang Hold power at mula sa taas ay bumababa sya upang yakapin si Xavier.
"Olin! Huwag mo syang lapitan!" Nag-aalalang babala ni Nay Aurelia kay Nay Olin na pinagtaka naman namin.
"Baki- Ah!" Putol ni Nay Olin sa kanyang sasabihin at Nasasaktang sumigaw ito kumuha ng atensyon namin.
Agad na tumakbo si Nay Aurelia para malapitang tignan ang nangyari kaya at kumustahin si Nay Olin sumunod na lang kame.
"A-Anak bakit mo g-ginawa sa akin i-ito?" Rinig namin ang nahihirapang saad niya kay Xavier.
At nang tuluyan kaming makalapit ay nakita namin ang isang kamay ni Xavier na nakabaon sa tiyan ni Nay Olin na ikinagulat namin.
"X-Xavier a-anong ginawa mo k-kay Nay Olin" na-uutal at halatang nagpipigil ng iyak si Guia.
Ilang sandali pa ay bumagsak na si Nay Olin sa lupa at wala na kaming maramdaman na Energia na dumadaloy sa kanya.
Isa lang ang dahilan nito....
Masakit mang tanggapin ay patay na ang taong tinuring naming ina at isa sa mga nag-alaga sa amin ni Guia...
Patay na si Nay Olin...
Nang tumingin sa amin si Xavier ay ngisi lang ang ginanti nito na nagpa-inis sa akin.
"WALANG HIYA KA XAVIER!" Sumugod ako sakanya na galit na galit at balak sana syang suntukin nang pigilan ako ni Nay Aurelia.
"Huwag anak hindi siya si Xavier." Malumanay na saad ni Nay Autelia pero halatang pinipilit nyang huwag bumagsak ang kanyang luha para sa namatay na kaibigan.
"A-Anong hindi sya si X-Xavier Nay?" Umiiyak na tanong ko kay Nay Aurelia.
"I-isa yan sa Hold Power ni Charlatan of Fraud ang panggagaya ng anyo at...at." Tuluyan na ngang tumulo ang pinipigilang luha ni Nay Aurelia na nagpa-iyak pa sa amin ni Guia lalo.
"At-t yan din ang ginamit nya u-upang matay ang kapatid ko noong ikalawang digmaang pangmundo." Pag-alala ni Nay Aurelia at doon nabuo ang isang dilikadong plano sa aking isip at iyon ang laban ang halimaw, pero paano? Kaya sa inis ko ay sumigaw na lang ako.
"AH! WALANG HIYA KANG HALIMAW KA PAPATAYIN KITA!" Umiiyak na sigaw ko sa halimaw, ngumisi naman ang halimaw at di kalaunan ay tumawa ito ng matindi.
"Hahaha kaya mo ba "bata?" Baka magtago ka sa palda ng nanay mo." Mapang -inis na saad nya saakin sabay ngisi. Masasabi kong nagtagumpay naman sya dahil talaga namang uma-apaw ngayon ang pagkagalit ko sa kanya.
"EXTINCTION:WISH OF VENG-" di ko natuloy ang Pagbigkas sa Hold Power ko dahil pinigilan ako ni Nay Aurelia.
"Anak, alam mo ba ang kabayaran ng Hold na iyan?" Naluluha paring saad nito, "ang buhay ko po nay." Seryosong saad ko kay Nay Aurelia.
"Alam ko din ang kapalit anak, dahil sa limang daang taon na akong nabubuhay ay minsan ko ng nakitang ginamit yan!" Sumeryosong saad din ni Nay Aurelia na nagpatahimik sa akin.
"Anak, sa tingin mo ba kung i-aalay mo ang buhay mo para sa paghihiganti, masisiyahan ba si Nay Olin mo? ah?" Saad ni Nay Aurelia dahilan para kumalma ako ngunit nagulat na lang ako ng biglang sumigaw si Guia, "SALVATION: SERAPHIM!" Sigaw nya na nakakuha sa pansin namin ni Nay Aurelia.
"Guia bakit mo ginawa iyon?!" Galit na turan ni Nay Aurelia sa kanyan, ano bang kapalit ng paggamit nya ng Hold Power na yun?.
Lumipas ang ilang sigundo ay biglang nagliwanag ang buong paligid at nang tumingin kami sa kalangitan ay tila ba may gate ito na nakabukas at napakaraming Anghel ngayon ang naglalabasa.
May tig-aanim silang pak-pak na ang dalawang pakpak sa bandang baba ay tumatakip sa kanilang katawan habang ang dalawang pak-pak sa bandang taas ay tuamatakip sa kanilang mukha, habang ang dalawang pak-pak sa bangdang gitna ay ginagamit nila sa paglipad. Kumakanta rin sila ng "Holy, Holy, Holy" ng paulit-ulit na tila ba'y di sila napapagod sa pagkanta.
"Alam mo ba kung anong kapalit ng ginawa mo ah? Guia?" Tanong ulit ni Nay Aurelia na nagpabalik ng wisyo ko.
"Opo Nay, at iyon ang kalahati ng lifespan ko." ...
...
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
LUCIFERO
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top