CHAPTER 18
BATTLE OF SOULS...
AURELIA'S P.O.V
"S-Sino sya Nay Aurelia?" Nauutal na tanong ni Kali sa akin, nginitian ko naman ito sabay sabing, "sya ang Nay Olin mo at ginamit nya ngayon ang kanyang Hold Power na Divine Soul: Sphere of Protection." Saad ko naman kay Kali. Di parin nagbabago ang pagkamangha ko kapag ginamit na ni Olin ang kanyang Hold.
"Kay tagal na panahon simula nang ginamit mo ang iyong Hold, Olin!" Proud na sigaw ko kay Olin, parang noon lang nang magkalaban kami ni Olin dahil gusto niyang ipaghiganti ang asawa niya.
"Kailangan kong gawin ito Òtima, dahil alam kong ako lang ang may kakayanan upang labanan at talunin ang batang iyan at masakit man sa akin ay kailangan kong gawin ito para kay Xavier." Madamdaming saad ni Olin. Totoo naman ang kanyang sinasabi, dahil ang kaya lang tumapat sa Sinful Soul Hold ay ang katulad nyang Divine Soul Holder.
"Huwag mong saktan ng masyado ang bata Olin, pinagtiwala sa'tin ni Supreme Dea Justo ang batang yan." Sigaw na paalala ko kay Olin, tumango namna si Olin at nagfo-focus, siguro ay gumagawa na ito ng taktika.
"Nay Aurelia, matanong ko lang po, bakit di ko po narinig ang pag sigaw ni Nay Olin sa kanyang Hold para mag activate ito?" Tanong ni Kali sa akin, napangiti naman ako dahil doon, napakamatanong niya talaga, pero mas maganda iyon dahil alam mong gusto niya talagang matuto.
"Anak, kapag kase, bihasa at gamay mo na ang iyong Hold at nagawa mo an ang tinatawag na Ring of Hold ay nagkakaroon kayo ng ugnayan sa isa't isa ng iyong Hold Being." Paliwanag ko kay Kali pero mukhang may katanungan paring gumugulo sa kanyang isipan.
"Pero nay, ano naman magiging benifits ng hindi mo pagsigaw para mag-activate ang Hold Powers mo?" Tanong naman nito ulit, kaya naman ginulo ko ang buhok niya at ngumiti.
"Simple lang, hindi malalaman ng kalaban mo ang susunod mong atake, hindi ba kapag sumigaw ka, mahahalata agad na may gagawin kang atake? So ang mangyayari ay makakapaghanda na ang iyong kalaban." Paliwanag ko ulit kay Kali, nagtango-tango naman ang anak ko at tumahimik na.
Bigla namang napunta ang pansin ko kay Olin dahil bigla na lang itong binalot ng liwanag at nagpalit anyo bilang si Eurydice, the Sphere Of Justice and Loyalty, isang babaeng may dalawang pak-pak, may puting dress na may armor, may puting kalasag, at espadang may puting pak-pak ang hawakan. Paano ko nga ba nakilala ang mga Sphere ni Olin? Well, noong hindi pa ako sinusumpa ni Lucifero at kalaban ko pa noon si Olin, noong panahon iyon ay nagagmit niya sa akin ang siyam na Sphere of Elysium, ngunit di parin ito makapantay sa lakas ko.
"Sineseryoso mo ata ang bata Olin?" Sarkastikong tanong ko kay Olin, tumingin naman ito sa akin na may seryosong mukha. Alam ko lasing kapag ginamit na ni Olin si Eurydice, ibig sabihin ay seryoso na ito, kung kanina ay si Alessia, The Sphere of Protector lang ang ginamit nya bilang pandepensa, ngayon ay si Eurydice na nangangahulugang paggamit nya ng pang-opensa at pangdepensa sa mga atake.
"Dapat lang Otima, dahil ang buhay ng anak ko ang nakasalalay dito." Seryosong sagot naman ni Olin. Hays ang laki ng pinagbago ni Olin simula ng mailuwal niya si Xavier.
"Akala mo ba matatakot ako ng isang Divine Soul Holder? Hahaha para sabihin ko sa iyo, kahit kayong lahat ay magtulungan ay hinding-hindi niyo ako matatalo, dahil ang mababang nilalang ay manantiling mababang nilalang habang buhay!" Nakakapanindig balahibong saad ni Lucian, dahil doon ay napatingin doon si Olin at ngumisi kay Lucian.
"Hindi kita tinatakot anak, pero parang sinasabi mo nang natatakot ka na sa akin, kaya kung ako sa iyo ay ibalik mo na si Xavier sa akin." Sarkastikong saad ni Opin kay Lucian sabay ngisi, hahaha nilabas na naman niya ang other side niya, yan si Olin kapag nag seryoso, linalabas niya ang kademonyohan niya kaya tinawag siyang, "Demon of Paradiso."
Bigla namang tumawa ng pakunwari si Lucian, "ha. Ha. Ha. You make me laugh!" Tinaasan naman siya ng kilay ni Olin sabay ngisi at sinabing, "Do I? Hahaha."
Bigla namang bumuo ng itim na Energia si Lucian sa dawa nitong kamao at mabilis na sumugod kay Olin, ngunit dahil sa bilis ng reflexes ni Olin ay nasagka niya ang suntok gamit ang kanyang kalasag, sasaksakit na sana ni Olin si Lucian nginit hindi niya tinuloy bagkus ay bumuo na lang ito ng puting Energia at ibinalot ito sa kalasag sabay sinuntok ni Olin si Lucian sa mukha gamit ang kalasag at dahil doon ay tumilapon ang bata at sumalpok sa isang puno.
Ilang saglit pa ay kita ko namang nanghihinang tumatayo si Lucian, nang makatayo na ito ng maigi ay doon ko lang nakitang dumudugo rin pala ang ulo nito, kaya naman tinawag ko ang pansin ni Olin, "Olin, sabi ko dahan-dahan lang!" Galit na sigaw ko dito, per di man lanv ako nito pinansin bagkus ay sinugod nito si Lucian ngunit napatigil si Olin at nabigla naman ako ng banggitin ni Lucian ang isang pangalan ng Demonyong pumatay sa kapatid ko.
"SINFUL SOUL: CHARLATAN OF FRAUD!" Sigaw ni Lucian at nabalutan ito ng cocoon na kulay itim.
Ilang saglit pa ay bumuka ang cocoon ay lumitaw ang napakaraming ulong halimaw na may dalawang pak-pak, may matipunong Katawan, may kulay brown ang na balat.
Isa lang ang masasabi at iyon ay sobrang nag-iba si Lucian Mula sa Makisig na binata kanina ay naging nakakatakot at karima-rimarim na halimaw siya.
Ngunit nagilat na lang kami ng magsisigaw si Lician na parang nasasagkatn ito, "ah! Tulong! Ah!" Sigaw niya kaya naman napatanong ako kay Olin, "a-anong nangyayari kay Lucian, Olin?" Nag-aalalang tanong ko kay Olin, "nawawalan sya ng kontrol, Òtima, maaring hindi nya pa nabigyan ng "commitment" ang Sinful Soul na ito ngunit pinilit nyang gamitin, kaya ang resulta ay sinusubukan ngayong kontrolin ng Sinful Soul ang katawan niya." Malumanay na Paliwanag ni Olin na nagpakaba sa akin, mabibigo ko na naman ba si Supreme Dea Justo sa pagkakataong ito?
"Maghanda kana Òtima, Paalisin mo na lahat ng Fantasian na nanunuod ngayon dito! Ramdam kong nagtagumpay ang Sinful Soul na ito sa pagkontrol sa kanyang Owner!" Sigaw ni Olin sa akin mula sa himpapawid. Bigla na lang kasing tumigil sa pagsigaw si Lucian.
Kaya agad ko namang tinalima ang sinabi ni Oli at sinabihan ko gamit ang TeleCom ang aking nasasakupan, " mamamayan Floresta Encantada, inuutusan ko kayong lahat na umalis na sa lugar na ito, dahil may mangyayaring isang madugong labanan." Agad namang naglakad paalis ang aking nasasakupan at bumalik sa sentro ng Floresta Encantada.
"Nay! Kung dilikado na talaga bakit hindi niyo tulungan si Nay Olin? Akala ko ba ito ang tirahan ng mga Legendary Holder, pero bakit wala kayong magawa?!" Nabigla naman ako sa sigaw ni Guia na kasalukuyang ginagamot si Kali, kaya naman tumingin ako sa kanya ng seryoso.
"Balang araw ay masasabi ko rin sa iyo ang dahilan, anak." Saad ko sabay ngiti, kaya naman tumahimik ito. Hindi ko muna pwedeng sabihin sa kanila ang dahilan.
"Nay maiwan po kami, gusto po naming makitang makipag laban si Nay Olin upang matuto kami mula sa kanya." Pursigidong pakiusap ni Kali sa akin na ngayon ay naka upo sa damuhan at patuloy paring ginagamot ni Guia.
"Hays, ano pa bang magagawa ko, basta kapag may hindi magandang mangyari, tumakbo kayo kaagad ng mabilis ah?" Saad ko kay Kali at Guia, ngumiti naman ang dalawa ng malapad kaya napangiti din ako.
"Opo naman Nay" Sabay at naka ngiting saad nila sa akin.
"Go Nay Olin!" Pagpapalakas loon na sigaw nila Guia at Kalu kay Olin na linigunan naman ng anghel atsaka ngumiti.
"Ah! Kay tagal na panahon simula ng makita ko ang Mundo da Fantasia." Saad ng isang nakakatakot na boses na kumuha sa atensyon ko kaya naman napatingin ako dito at nakita ko ang isang nilalang na napakaraming ulo, tumingin din namna ang mga mata ng halimaw sa akin at sabay-sabay na ngimisi ang mga ulo na ito.
"Kay tagal na ng magkita tayo, Aurelia hahaha naalala mo pa ba ako?" Pangangamusta nito sa akin na nagpatiim ng aking bagang.
"Paano ko naman makakalimutan ang demonyong pumatay sa aking kapatid!" Galit na sigaw ko dito, tumingin naman ako kay Kali at Guia at nakikita ko ngayon sa kanilang mukha ang pagkabigla.
"Huwag kang mag-alala, pagkatapos ng anghel sa harapan ko ay ikaw naman ang isusunod ko para magsama na kayo ng kapatid mo kung nasaan man sya ngayon hahaha." Tawang-tawang saad niya na magpangisi sa akin.
"Kaya mo bang talunin ang anghel?" Sarkastikong tanong ko sa demonyo, ngumisi rin naman ito
"Maliit na bagay!" Galit na sigaw niya sabay nawala sa paningin namin at lumitaw sa harapan ni Olin at sinuntok ito gamit ang kamaong nababalutan ng itim na Energia, nasagka naman ito ni Olin gamit ang kalasag pero masyado atang malakas ang demonyong si Charlatan kaya naman tumilapon si Olin at bumulusok sa lupa.
"Ah!" Nasasaktang sigaw ni Olin kaya naman nag-aalalang tumingin ako sa kanya.
"Olin, ayos ka lang ba?!" Sigaw na tanong ko dito, agad naman siyang tumayo at nag-thumbs up.
"Hahaha sabi ko naman sa iyo Aurelia, maliit na bagay lang ang paglaban sa anghel!" Sigaw nito, nakita ko namang nagalit ang ekspresyon ni Olin kaya naman napangisi ako, maaring gagamitin niya na ang anghel na nagpahirap sa akin noon kung hindi nagkakamali ang kutob ko.
Bigla namang nagliwanag ang buong katawan ni Olin...
Ilang saglit pa ay nawala ang liwanag at makikita ngayon si Olin na gamit si Minerva, The Sphere of Prudence, ang anghel na mayroong takip na helmet ang kalahati ng ulo, may walang puting pak-pak, naka-suot ng battle armor, at may gwantes na may pak-pak na ginakamit niyang pang atake. Hindi nga ako nagkamali sa aking kutob dahil si Minerva lang naman ang ginamit ni Olin na Sphere na nagpahirap sa akin noong magkalaban pa kami.
Sa isang kisap-mata ay nawala si Olin na nasa anyo ni Minerva at bigla na lang lumitaw ito sa harapan ni Charlatan at sinuntok ito ni Olin nang sobrang lakas na nahpatilapon sa demonyo ng sobrang layo...
"Yes!" Sigaw naman ng kambal sa gilid ko kaya napatingin alo sa kanila at ngumiti, ngumiti rin naman sila pabalik.
Nagtanong na ako kay Olin upang makumpiram kung tanalo na niya ba si Charlatan, "Olin, natalo mo na ba siya?" Tumingin naman sa akin iyo sabay ngiti, "kukumpirmahin ko lang." Nakangiting saad ni Olin sabay hinubad ang kanyang helmet na tumatakip sa kalahati ng kanyang mukha, doon naman tumambad ang ang purong pulang mga mata sabay naglabas ng kulay pulang liwanag, ginagamit ngayon ni Olin ang Hold Power na mayroon si Minerva na kung tawagin at "Detect."
Ilang saglit lang ay biglang kumunot ang noo ni Olin sabay sigaw na, "kung sino ka mang nasa likod ng punong iyan, inuutusan kita ngayong lumabas!" Sigaw ni Olin, kaya naman tumingin ako sa punong sunasabi niya, at doon nga lumabas ang isang batang duguan at mulhang hinang-hina na, kaya naman nag-aalalang tumingin dito si Olin sabay sabing, "Xavier, anak ko."....
...
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
EURYDICE
MINERVA
CHARLATAN
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top