CHAPTER 17
DIVINE...
KALI'S P.O.V
"A-Aray, anong nangyari kuya?" Tanong ni Guia, tinuro ko naman ang kilalagyan ni Xavier.
"K-Kuya Lucian?" Tanong naman bigla ni Guia na tinanguan ko naman.
"Anong katangahan at kagaguhan ang ginawa niyo sa kanya mga hampas lupa?!" Humarap ito saamin at galit na nagmumura ito, ngunit hindi kami natinag sa bad words na binigay nya saamin dahil nagfocous ang aming attention sa kanyang bibig ngayong wala ang neck gaiter nya. Grabe parang bibig ng isang halimaw ang kanyang bibig.
[Neck gaiter- A neck gaiter, or neck warmer, also known as a buff, is an article of clothing worn about the neck for warmth. It is a closed tube of fabric, often thick fleece, merino wool, synthetic wicking, or knit material, which is slipped on and off over the head.]
Ilang saglit pa nang mapansin ni Kuya Lucian na nakatingin kami sa kanyang mukha ay kinapa niya ang kanyang leeg, nanag makapa niyang nakababa ang kanyang neck gaiter ay bugla naman itong nagpalabas ng isang nakakatakot na Death Aura na nagpanginig sa amin ni Guia.
"I have a law, that whoever saw my mouth will die and suffer in my own bare hands." Cold at walang emosyong saad niya, sabay linakasan ang kanyang Death Aura, mas lalo namang nanaig ang takot sa amin ni Guia, natakot pa lalo ako dahil katabing-katabi niya lang ang walang malay na katawan ngayon ni Xavier, natatakot ako na baka maapektuhan siya ng Death Aura, lalo pa ngayon na wala ito sa kanyang wisyo.
"Wala naman kaming pake sa bibig mo tigilan mo na nga ang paglalabas mo ng Death Aura, madadamay si Xavier, nasa tabi mo lang sya oh!" Kinakabahang sigaw ko, sa totoo lang halos mawalan na ako ng malay sa sobrang kaba, pero kailangan kong labanan, mas lalo akong kinakabahan dahil sa di ko maitatangging anak siyq ng isang Supreme Being, so it mrabs sobrang lakas talaga ng Hold na taglay niya, isa pa nasisigurado kong kabisado na niya ito, lalo pa at matanda siya sa amin ng maraming taon, lagot na hindi pa man din namin napapractice ng maigi ang mga hold namin ni Guia...
Bigla namang sumigaw si Kuya Lucian, "I don't fucking care! So, lowly creatures, do you have any last word?" Tanong niya sa amin sabay ngisi na nagpagimbal sa amin, nag salita naman ako, "kuya please, h-hindi po namin ipagsasabi promise, huwag naman sanang umabot sa ganito." Umiiyak na paki-usap ko kay Kuya Lucian, ngunit ngumisi lang ito at humalakhak ng malakas.
"Hahahaha, pinapatawa mo ako mababang-uring nilalang, at pwede ba huwag mo akong tawaging kuya, hindi kailan man tayo magiging magkapatid!" Matigas at pasigaw na sigaw ni Kuya Lucian sa akin, nabigla naman ako doon.
Nagulat naman ako ng biglang sumigaw si Guia, "sinabi na nga ni kuya na promise eh! Di mo ba maintindihan iyon? Hindi kami sumisira ng pangako!" Sumagot naman si Kuya Lucian, "pangako? Ah! Punyetang pangakong iyan! Never na akong magtitiwala pa, dahil diyan ako bagsak!" Makabuluhang saad niya, kaya maraming nabuong katanungan sa aking isipan.
Sasagutin ko sana sya ng biglangmagsalita si Kuya Lucian, "It's judgement time." Walang emosyong saad niya na nagpakaba pa sa akin lalo.
"Hey, K-Kuya L-Lucian, calm down, we're family, huwag mong gagawin ang binabalak mo." Pagpapakalma ko sa kanya, ngumisi anman ito at humalakhak na naman siya.
"Tsk, tsk, tsk, hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina! Wala akong pamilyang mababang-uri, anak ako ng Supreme Being!" Sigaw nito na nagpakaba sa akin, bigla na lang siyang tumayo.
Nang makatayo na siya ay bigla naman siyang sumigaw, "SINFUL SOUL: LIMBO!" Sigaw nito, bigla naman nabalutan ng kulay itim na Energia si Kuya Lucian, kasunod naman nito ang pag-itim ng kalangitan at paglindol ng mahina...
Ilang saglit lang ay nagiging abo na ang nakabalot na itim na Energia kay Kuya Lucian at doon ko naman nakita ang isang lalaking, medyo slim ang pangangatawan, nasa 5'8 ang height at may kulay abong buhok, may seryosong mga mata, matangos na ilong, kissable lips, magandang jaw line, medyo matulis na baba, at may tenga itong matulis na parang sa mga elf, nakasuot naman ito ng armor na pang-digmaan, may apat itong pak-pak, puti ang sa kanan at itim naman ang sa kaliwa, sino ito?
"S-Sino ka?" Na-uutal na tanong ko sa lalaki, tumingin lang ito sa akin ng malamig na nagpakumpirma sa akin na siya si Kuya Lucian, grabe ito na ba ang Hold Power niya? Napakaganda, pero nakakatakot din dahil sa nangyaring mga penomena kaninang palabas palang ito.
Bigla niya namang binuhat ang walang malay na katawan ni Xavier kaya napatanong ako kay Kuya Lucian, "saan mo dadalhin si Xavier?" Nagpapanic na tanong ko, tinignan niya lang ako at walaan lang akong narinig na sagot nagkus ay lumipad ito na dala-dala ang walang malay na katawan ni Xavier.
"Ku-kuya baka sya ang unang patayin ni Lucian" Natatakot na Saad ni Guia nang ilipad ni Kuya Lucian si Xavier.
Ngunit ilang saglit pa ay lumipad ako dahil sa napakalakas na suntok na tumama sa aking mukha, tumigil lang ako ng mabangga ako sa isang puno.
"Anak! Anong nangyayari dito? Nasaan ang kapatid mo at si Xavier? At bakit kayo nandito at dumudugo yang mukha mo." Sunod-sunod na tanong ni Nay Aurelia na ikinabihla ko, hala hindi pala kami nagpaalam sa kanya, lagot.
"Anak! Nasaan si Xavier?" Tanong ni Nay Olin, hala nandito din si nay Olin, patay na nito ako talaga.
"Nay, bakit po kayo nandito? Paano niyo pong nalaman na nanditk kami?" Tanong ko at umaasang mailigaw ko ang usapan, sana.
"Hindi lang kami ang nandito, dahil ang buong mamayan ng Floresta Encantada ay narito dahil sa pagdilim ng kalangitan at paglindol, dito ko kase nahanap ang lokasyon kung saan nanggagaling ang Energia na gumawa ng penomenang iyon." Paliwanag naman ni Nay Aurelia, yes success ang pagliligaw ko, sana, nang magsalita ulit ito.
"Teka nga sagutin mo muna ang tanong ko anak, alam kong nililigaw mo ang usapan." Napipikon na sabi sa akin ni Nay Aurelia, kaya naman nag-peace sign na lang ako at sumagot.
"Uhmmm, inatake po ako ni Kuya Lucian kaya lumipad at dumudugo ang mukha ko, gusto nya po kaming patayin dahil nakita daw po namin ang kanyang bibig, at kaya naman po kami nandito, dahil nag-eensayo po kaming tatlo ni Xavier at Guia, ngunit hindi namin alam na nakasunod pala saamin si Lucian, nay, kaya ayun nang nahimatay si Xavier dahil sa ginawang atake ni Guia saka naman tumakbo si Kuya Lucian sa kanya at yinakap si Xavier ngunit na pala ang neck gaiter nya na hindi nya nalalaman at nakita namin ang sikreto nya, tapos po sinabi nyang lahat daw ng makakakita ng kanyang bibig ay mamatay at maghihirap sa mga kamay nya." Kwento ko sa mga pangyayari, pagpasensyahan niyo na ako, magulo talaga akong magkwento, nakita ko namang nag-alala ang mukha ni Nay Aurelia at Nay Olin, doon ko na-isip na kasalanan ko lahat ito, kung di ko sinabing dito kami mag-ensayo, napakatanga ko!
"N-Nasan ngayon si Xavi- " naputol ni Nay Olin ang sasabihin nya nang Tumilapon papunta sa lugar ko si Guia, buti na lang at nasalo ko sya, may tendency kasing mamatay si Guia kung sumalpok siya sa puno, dahil mahina ang katawan ni Guia. Ayaw ko man murahin si Kuya Lucian pero masasabi kong napaka-hayop niya! Pati babae pinapatulan niya! Kaya aa galit ko ay na-isigaw ko ang nasa utak ko...
"Wala ka talagang sasantuhin ano! Kahit babae papatulan mo! Wala kang kwentang nilalang!" Galit na sigaw ko kay Lucian, na lumilipad ngayon sa himpapawid...
"Wala kang karapatan na sabihin sa akin iyan, mababang nilalang! Isa pa, kahit anong kasarian man ang meron kayo, di mababago nun ang pagiging mababang nilalang ninyo!" Galit na sigaw at panghahamak niya, lalo naman kaming kinalibutan dahil doon, lumaki at naging nakakatakot ang boses niya.
"Saan mo dinala si Xavier!" Galit na sigaw ko rin kay Kuya Lucian.
"Secret hahaha." Saad ni Kuya Lucian sabay tawa na nakakapangilabot, na-inis naman ako dahil doon.
"S-Saan mo dinala si Xavier, Lucian?" Naiiyak na tanong ni Nay Olin kay Kuya Lucian, ngumisa lamang ito bilqng sagot.
"Lucian, kailangan mong uminahon anak." Malumanay na pagpapakalma naman ni Nay Aurelia kay Kuya Lucian.
"Bakit naman kita susundin ah Aurelia, mababang uring nilalang ka lang, isa pa, una ko nang tinapos ang balak ko kay Xavier, kaya huwag mo na siyang hanapin, Olin. " Walang galang na panghahamak niya sa dalawang ina na umaruga sa akin, ang sakit lang sa puso ang ganito.
"Hayop ka! Anak ka ba talaga ng Supreme Dea Justo? Sa mga inaasal mo kase kasing sama ng kapangyarihan mo ang ugali mo!" Emosyonal na sigaw ko kay Kuya Lucian, ngunit mali ata ang ginawa ko, dahil mas lalong nagalit ang itsura nito at pinatindi pa lalo ang pagpapalabas nito ng Death Aura.
"Wala kang karapatan na sabihin sa akin iyan Kali!" Nakakakilabot na Sigaw nya at saka sumugod sa aming Kinakatayuan at kasalukuyan namang namumuo ang isang itim na Energia sa kanyang kamao, pabulusok itong papunta sa amin na para bang bulalakaw, kaya pumikit na lang ako dahil sobrang nanghina na ako dahil sa suntok na tumama sa akin kanina, hinintay ko na lang na may tumamang suntok na maaring pumatay sa akin nang masalita si Guia.
"Kuya, dumilat ka na dali!" Utos ni Guia sa akin, kaya agad ko anmang binuksan ang mga mata ko at doon ko nakita ang dilaw na pumigil sa atake ni Kuya Lucian, sinundan naman ng mga mata ko ang pinagmumulan nito at doon ko nakita ang isang napakagandang babaeng may purong Puting Dress at may anim na mga pak-pak. sa taas naman ng kanyang uluhan ay mayroong malaking golden halo at sagilid naman ng kanyang mga pak-pak ay mayroong mga blue diamond na lalong nagpaganda sa kanya, kaya napatanong na lang ako.
"S-Sino sya Nay Aurelia?" Nauutal na tanong ko kay Nay Aurelia, ngumiti naman si Nay Aurelia sabay sabing, "sya ang Nay Olin mo at ginamit nya ngayon ang kanyang Hold Power na Divine Soul: Sphere of Protection.
....
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
Para naman maka-usap niyo ako ng matino para sa mga updates sa mga story ko, you can add me on facebook, search niyo lang po ang "Dandiv" naka-one name po ako ngayon thanks.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top