CHAPTER 16

EMBRACE...

KALI'S P.O.V

"Xavier, bakit ba antagal mong maglakad ngayon, bilisan mo nga!" Sigaw ko kay Xavier na naging dahilan para bilisan nitong maglakad.

Nagkayayaan kami ngayon nila Xavier, ako, si Guia na mag-ensayo malapit sa hangganan ng Floresta Encantada. Doon kame mag-eensayo dahil wala namang masyadong pumupunta doon dahil nga pinagbabawala ang lugar na yon tanging ang mga may misyon o mangangalakal lang sa bayan lang ang makakapunta dito, at isa pa, pwede naming ipakita ang tunay naming Hold dito, dahil balak na rin nga naming sabihin kay Xavier ang tunay naming Hold. Naniniwala kasi ako sa kasabihang, "walang lihaman ang magkaka-ibigan."

Ngunit pansin ko, kanina pa wala sa sarili si Xavier, dahil nang papunta kami dito ay limang beses na itong nakabunggo ng Fantsian, at lutang parin ngayong nakarating nakami sa aming destinasyon, kita niyo nga kanina, nakuha ko nang sigawan siya dahil ang bagal niyang maglakad, di naman ganyan si Xavier eh, baka may problema ito.

"Xavier, Ayos ka lang ba?" Di mapigilang tanong ni Guia ngunit parang wala itong narinig at tulala lang, ano kayang problema ni Xavier.

"Hoy, Xavier ayos ka lang?" Tanong ulit ni Guia ngunit parang wala talaga itong naririnig kaya sa inis ni Guia ay sinigawan niya si Xavier.

"Hoy Xavier! Bingi ka ba? Kanina pa kita tinatawag di ka sumasagot!" Sigaw ni Guia kay Xavier habang niyugyog-yugyog niya ito, natauhan naman si Xavier dahil doon.

"A-Ah? Bakit?" Wala sa sariling tanong ni Xavier kay Guia, napangiwi naman kaming dalawa ni Guia, hays, ang laki naman ata ng problema nito.

"Kanina pa kase kita tinatanong kung ayos kalang, shunga ka, maka-ilan na yung tawag ko sa iyo pero parang wala kang naririnig, hays, ayos ka lang ba talaga?" Malumanay na pagpapaliwanag ni Guia, napakamot naman sa batok si Xavier.

"Oo nga Xavier, ayos ka lang ba mukhang ang laki ata ng problema mo?" Tanong ko rin kat Xavier, bigla namang lumikot ang mga mata nito, na nangangahulugang, nag-iisip ito ng kasinungalingan.

"A-Ah, oo, a-ayos lang ako, ano kase, iniisip ko si Nay Olin kung nasaan na ito, oo yun nga." Nauutal na sabi nito sabay kamot ulit sa kanyang batok, hays, halatang nagsisinungaling, pero ayahan mo na nga, sasabihin niya naman ang problema niya kung handa na siya.

"Hays, mukha kang may sakit, ipagpaliban muna kaya natin ang ating pag-eensayo ngayong araw gusto mo Xavier? Para naman makapagpahinga ka" Tanong at paliwanag ni Guia kay Xavier. I agree sa desisyon ni Guia dahil nanlalata at ang laki ng eye bags ni Xavier.

"I agree with you Guia, Xavier pahinga ka kaya muna, masyado ka kasing lutang, sabog, nanlalata, at ang laki pa ng eye bags mo." Nag-aalang saad ko naman kay Xavier, tumango-tango naman si Guia bilang pagsang-ayon.

"Hi-hinde ayos lang talaga ako, tara na mag-umpisa na tayo, ang lakas-lakas ko kaya sinong ma-uunang makalaban ko ah?" Maligalig na tanong ni Xavuer saamin ni Guia, natawa naman kami ni Guia dahil doon.

"Kuya, I think, we need to tell him what our true Holds bago tayo magsimula sa sparing." Panimula ni Guia, ngumiti naman ako at tumingin kay Xavier, gumuhit naman ang pagtataka sa mukha ni Xavier dahil doin.

"A-Anong tunay Holds ang sinasabi mo Guia?" Takang tanong naman ni Xavier, lumapit naman ako sa kanya at tinapik siya sa balikat

"Kailangan na naming sabihin sa iyo ito, dahil pamilya na ang turing namin sainyo ni Nay Olin, pero bago ang lahat, mangako ka na hindi mo ipagsasabi ang lahat ng isisiswalat namin, dahil maaari mapahamak ang mga nilalang na nasa paligid namin." Seryosong turan ko kay Xavier, tumango-tango naman ito.

"Oo naman never kong pagsasabi ang sikreto niyo, pangako, at saka kayo lang ang kaibigan ko sa buong Floresta Encantada sino namang pagsasabihan ko, ano ba iyon?" Nakangiting pangako ni Xavier kaya naman napangiti kaming dalawa ni Guia dahil doon.

"Hindi talaga ako tunay na Snatcher Type Holder at hindi rin naman Illusion Type Holder si Guia, dahil ang totoo ay sakop lahat ng Dark Classification ang aking Hold at sakop naman lahat ng Light Classification Hold ang Hold ni Guia , Dahil ang Tunay naming kapangyarihan ay sakop ang lahat ng Hold Classification." Pagpapaliwanag ko kay Xavier, kita ko namang namuo ang expresyon ng pagtataka sa mukha nito.

"Ah? Anong sinasabi mo, di kita ma-gets, sakop ang buong Hold Classification? Anong klaseng Hold yan? Pang-Deus?" Hindi makapaniwalang mga tanong ni Xavier sa akin, kaya naman nginisian ko siya.

"Dahil ang Hold namin ay tinatawag na Life and Death Hold, At hindi lang ito Deus-Like, dahil halos ma-abot na nito ang Supreme-Like hold." Paliwanag ko na nagpanga-nga kay Xavier, natawa naman ako ng bahagya dahil sa naging reaksyon ni Xavier.

"Weh?!" Over acting na sigaw ni Xavier at sinuklian lang namin ito ng tango.

"Yes totoo lahat ng linahad ni Kuya Kali, Xavier." Sagot naman ni Guia na tumango-tango din.

"S-So, hindi nyo ba ko mapapatay kung mag-eensayo tayo?" Kinakabang turan ni Xavier saamin na ikanatawa namin ni Guia.

"Hahaha ang eensayuhin lang namin kapag ikaw ang ka-sparing namin ni Guia ay yung Illusion hold lang ni Guia at Snatcher Hold ko lang hahahah, pero pag kaming dalawa ni Guia o kapag si Nay Aurelia ang ka-sparing namin ay doon lang namin gagamitin ang tunay naming Hold" Natatawang paliwanag ko sakanya, napangiwi naman si Xavier dahil doon.

"Oo nga Xavier, kahit na matanda ka saamin ng ilang month, tinuturing ka naming bunsong kapatid ni Kuya Kali kaya di ka namin sasaktan noh, "bunso" hahaha." Sarkastikong saad ni Guia, nakiya ko namang biglang kumunot ang noo ni Xavjer kaya natawa naman ako, sensitive talaga bunso namin hahaha.

"Uhmp, mukha ka na kasing "manang" eh Guia." Sarkastikong saad din naman ni Xavier kaya naman napatawa aki ng matindu dahil doon.

"Hahahaha, nice one Xavier!" Tawang-tawang saad ko kay Xavier, nakita ko namang nagtaas ng kilay si Guia.

"Ako kapatid at kakambal mo siya kinampihan mo." Inis na turan ni Guia, potek nagtatampo pa amp, kaya naman nag-peace sign na lang ako sa kanya.

"Kuya din nga dapat ang tawag nyo sa akin eh, dapat galangin niyo ako dahil mas matanda ako sa inyo." Saad ni Xavier habang naka-pout, hays buti pa si Xavier cute kapag nagpa-pout di tulad ng kapatid kong mukhang Sniffler hahaha.

"Ang cute mo mag-pout Xavier, nawa'y lahat." Saad ko kay Xavier sabay tingin kay Guia, tinaasan naman nito ako ng kilay.

"Of course, di naman ako tulad ni Guia na mukhang Sniffler kapag nag-pout hahaha." Sarkastikong banat ulit ni Xavier, tatawa na sana ako nang biglang tignan ako ni Guia ng masama jaya masamid-samid ako sa pagpipigil ng tawa ko.

"Anong sabi mo?!" Inis na sigaw ni Guia kaya bago pa sila magkapikunan ay mag-uumpisa na kami sa pag-eensayo, baka kase saan pa mapunta ito.

"Tama na nga yan, tara na nga at mag-ensayo na tayo, ikaw na ma-una Guia, lady's first." Pagpapatigil ko kay Xavier at Guia, Sabay nagyaya ng mag-ensayo.

"Okay, galingan natin Xavier!" Nakangiting pagpapalakas ng loob nito kay Xavier, tignan mo nga naman kanina galit na galit pa lang sa isa't isa.

"Go, Guia, galingan natin." Saad din nan ni Xavier, napangiti naman ako sa sa inasal nila, hays may mga gauntong magka-ibigan talaga na parang aso't pusa pero nagtutulungan kung kinakailangan.

Pumwesto na silang dalawa kaya nagbolang na ako...

"3." Kita na ngayon ang linabas na ni Xavier ang Held niya na na-tatoo sa kanyang pulsuhan, ganon daw kase tinatago ang nga Held, nagiging tatoo daw sila sa katawan...

"2." Kita ko namang huminga ng malalim si Guia...

"1." Nag-streaching na silang dalawa...

"FIGHT!" Sigaw ko at na-una ng umatake si Xavier.

"CHARM: LOVE BARRAGE!" Sigaw ni Xavier sabay nag-paulan ng Arrow na gawa sa kulay pink na Energia, nai-iwasan naman ito ni Guia, natakot naman ako dahil makikita na nagiging bato ang lahat ng matamaan ng Arrow ni Xavier, kaya naman tinanong ko na siya, baka kase mapahamak si Guia.

"Xavier hindi ba dilikado yan?" Nag-aalalang tanong ko kay Xavier, tumingin naman sa akin ito at ngitian ako.

"Hindi naman Kali, dahil binawasan ko ang petrification effect ng mga Arrow, kaya pag tinamaan si Guia nito ay magiging bato nga sya ngunit kaya namang Mawala basta sabuyan mo lang sya ng tubig." Paliwanag naman ni Xavier, kaya tumango naman ako, buti naman, pero grabe nakakabilib at napakaganda ng Hold Power ni Xavier, the living cupid hahaha.

"SALVATION: ILLUSION!" Sigaw naman ni Guia, sabay may maliit na bilog na kulay puti na may mga di maintindihan na salita din ang nakapalibot sa bilog ang lumabas sa kanyang noo, naging kulay puti din ang kanyang mata.

Para bang nag-fofocus ngayon si Guia dahil di siya gumagawalaw at nakatingin lang kay Xavier habang tinitira siya nito ng mga arrows. Umiiwas-iwas naman si Guia pero wala siyang ibang ginawa kung hindi titigan lang si Xavier at umiwas sa atake nito.

Nagtagal pa ng ilang oras ang kanilang laban hanggang sa tumalon sa ere si Xavier at tinanagkang pa-ulanan ulit ng arrows si Guia, nang biglang bumagsak na lang sa lupa si Xavier.

"XAVIER!" Sigaw ko sabay lapit sa pinagbagsaka nya, pero kita ko namang nakatayo parin si Guia at gamit-gamit pa ang kanyabg Hold Piwer, sgit baka hindi niya makontrol ito, hays, kailangan ko ding tulungan ang kapatid ko, lalapit na sana ako kay Guia nang magsalita si Xavier...

"H-Hindi ko s-sinasadyang Halikan ka, please huwang mo k-kong sasaktan." Umiiyak na turan ni Xavier na pinagtaka ko, like what the fuck, may hinalikan siya?!

Lalapitan ko na sana muli si Xavier ng biglang may mabilis na suntok ang nagpalipad sa akin, tumigil naman ang paglipad ko dahil sa suntok nang tumama ako sa puno, mabilis naman akong bumangon at tumakbo muli sa kinalalagyan ni Xavier, pero nagulat ako sa aking nakita.

Nakayakap lang naman si Kuya Lucian sa nakatulalang si Xavier, pigla namang tinaas ni Kuya Lucian ang kamay niya at ilang saglit pa ay naging nakakatakot na kulay black at may matitilos na kuko ito, sabay itinutok kay Guia at may lumabas na kulay itim na energia na patama sa aking kakambal, shut!, kaya naman tumakbo ako ng mabilis kay Guia, sa awa ng mga Deus ay mas mabilis ang takbo ko sa speed of light kaya naman na-itulak ko si Guia bago matamaan ng itim na Energia at maswerteng tumama uto sa isang puno, pero nabahala ako dahil ang punong tinamaan ng itim na Energia na iyon ay unti-unting nagiging abo.

"A-Aray, anong nangyari kuya?" Tanong ni Guia, tinuro ko naman ang kilalagyan ni Xavier.

"K-Kuya Lucian?" Tanong naman bigla ni Guia na tinanguan ko naman.

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )

Para naman maka-usap niyo ako ng matino para sa mga updates sa mga story ko, you can add me on facebook, search niyo lang po ang "Dandiv" naka-one name po ako ngayon thanks.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top