CHAPTER 13

SON OF DEA...

AURELIA'S P.O.V

Ginagamot na ngayon ni Guia si Kali at talaga namang namamangha ako sa Life Salvation Hold sa kung anong kaya nitong gawin, sa isang hawak lang ay gumagaling na ang mga sugat, bug-bog, at pasa ni Kali, nagugulat parin ako na hanggang pala ngayon ay mahkahiwalay parin ang Life and Death Holder, hays, kaitagal na ng kaganapang nahpahiwalay sa dalawang Supreme-like Hold.

"Ano pong Supreme-like Hold?" Tanong sa akin ni Kali na na-itanong narin ni Guia, huminga naman ako ng malalim.

"Parehas tayo ng naitanong nung nagising din kase ako ay yan din kase ang sinabi at na-itanong ko kay Nay Aurelia." Saad ni Guia at nakita ko namang papikit-pikit na ang mga mata nito na nangangahulugang sobrang pagod na ito.

"Anak, ang Supreme-like Holds kase ay ang dalawang Hold ay mas malakas pa sa Hold ng mga Deus at Dea ng Mundo da Fantasia, pero hindi lalakas sa Holds ng mga Supreme Beings, at isa ang Hold mo sa mga iyon, at ang isa naman ay ang Hold na hawak ngayon ni Guia, sinaad sa propesiya na noon na dapat magkasama na ang Life and Death Hold, pero katulad na lang nga ng nangyari ay magkahiwalay parin ito hanggang ngayon." Pag-uulit sa kwento ko kay Guia kanina, nakita ko namang napatango-tango si Kali, hays medyo mahirap parin para sa akin na alalahanin ang mga ganitong bagay lalo na't may masama akong karanasan noong mga panahong buo pa ang Life and Death Hold.

"Gano'n po pala, grabe naman po, hays kung ako po ang tatanungin ay ayaw ko ng ganitong kalakas na kapangyarihan, sigurado po kasing malaki din ang responsibilidad na kapalit niyo." Malungkot na saad ni Kali, kaya naman niyakap ko siya at pinaharap lo siya sa akin.

"Tama ang sinabi mo Kali, kaya hihilingin ko sa iyo na itago at huwag ipagsabi sa iba, dahil siguradong malalagay sa panganib ang lahat ng nakapaligid sa iyo, kaya tatanungin kita, ano ang pinakasimpleng Hold Power mo? Iyon ang gagamitin natin upang ma-itago ang buong Death Hold." Paliwanag ko kay Kali habang yakap-yakap siya, hays, tunay na masyadong mabigat ang tingkulin ng aking kambal, pero tutulungan ko sila para lumakas at magawa nila ang kanilang tungkulin mg maayos.

"Eh ano po bang pinili ni Guia?" Tanong ni Kali sa akin.

"Gagamitin nya ang Salvation: Illusion, dahil masyado daw common ang Illusion Hold kaya iyon ang napili ni Guia , ikaw anong sa iyo?" Tanong ko kay Kali, napa-isip naman ito.

"Sa akin po, uhmm ano kaya ang maganda?" Tanong ni kali sa kanyang sarili at pumorma ng nag iisip.

"Aha! Gagamitin ko nalang po ang Extinction: Power or Life, yan na lang po tutal medyo common naman po ang mga Snatcher Holder." Saad ni Kali saakin habang nakangiti ng malapad.

"Sige anak kung iyan ang gusto mo." Nakangiting saad ko din naman sabay tayo, ngunit na palingon ako mg biglang tangungin ako ni Kali.

"Nay anong oras na po pala, kase po kanina pa po nakalitaw ang Solis, diba po birthday namin ngayon di pa po ba tayo mag-cecelebrate?" Tanong ni Kali sa akin na nagpa-alala sa akin sa okasyo ngayon.

"Ay! Oo nga pala, sige na maligo at magbihis na kayo, lalabas lang ako upang imbitahin lahat ng mga mamayan ng Floresta Encantada upang makisalo sa ating Pagdiriwang." Saad ko sabay lakad-takbong lumabas sa kanilang kwarto dahil ngayon darating ang isang importanteng bisita , Pumunta na ako sa Entamblado de Òtima, Ito ay entabladong tinutung-tungan ko tuwing may sasabihin akong importante sa aking mamayan at once na tumapak ako dito ay mararamdaman nilang lahat ang aking presensya at dali-daling pupunta dito, ginamit ko ito upang kunin ang pansin ng lahat ng mamayan ng Floresta Encantada.

"Mga mamayan ng Floresta Encantada, nais ko sana kayong imbitahin sa ika-sampong pagdiriwang ng kaarawan ng aking kambal, sana'y masiyahan kayo sa aking inihandang pagdiriwang, kaya hali na kayong lahat." Pag-iimbita ko sa lahat ng mamayan ng Floresta Encantada na agad din naman nilang tinalima.

Kung nagtatanong kayo kung anong susuotin nilang damit ay walang problema sa kanila yan, dahil gamit ang Enchanment ay kaya naming taga Floresta Encantada na magpalit ng damit na walang ginagastos na pera at oras.

May nabibili at nagbebenta naman ng mga iba't ibang produkto dito dahil merong nakatalagang mangangalakal na nakikipag negosasyon sa iba't ibang parte ng Mundo da Fantasia, ngunit sekreto lang na galing sila dito sa Floresta Encantada, dahil sa isang lihim na hindi ko pwedeng ibunyag.

Nandito na kame ngayon sa aming tahanan kaya tinawag ko ang aking kambal gamit ang TeleCom at sinabihang bumaba na dito, nang makita ko ng handa na sila at ipinakilala ko na sila sa aking nasasakupan.

"Mamayan ng Floresta Encantada Ipinapakilala ko sa inyong lahat ang aking kambal na nagdiriwang ng kanilang ika-10 na kaarawan, ating batiin sila Sephtis Kali Picosa at Vita Guia Picosa" Pagpapakilala ko sa kambal na pinalakpakan naman ng mga mamayan ng Floresta Encantada.

"Maligayang kaarawan."

"Happy Birthday!"

"Uyyy wish you all the best kambal."

"Super happy birthday!"

Ilan lang yan sa maririning na pagbati sa aking anak na sinusuklian naman nila ng pasasalamat at matamis na ngiti, hays ang hirap isipin na ilang taon na lang ay mahihiwalay na sila sa akin dahil kailangan nilang mag-aral upang makakuha ng magandang trabaho at mahubog ang kanilang hold.

"Maraming salamat po Nay Aurelia." Nakangiting pasasalamat sa akin ni Kali, naluha naman ako dahil doon, success napasaya ko na naman ang aking kambal, sana di na sila tumanda at paslit na lang sila habang buhay.

"Oo nga po nay, every year po ng birthday namin ay nagiging masaya at maganda dahil sa iyo, thank you po!" Maligalig na saad ni Guia at biglang yumakap ito sa akin, hays, ang sarap sa pakiramdam ang ganito

"Aba-aba sali din ako." Saad naman ni Kali at yumakap din, at sabay nila akong hinalikan sa pisngi, hayss sana hindi na matapos ito. Bilang magulang napakasarap sa pakiramdam na makita mong napakasaya ng iyong anak kahit na maliit na bagay lang ang ginawa mo para sa kanila. Ay may ipapakilala pa pala ko sa kanila.

"Mga anak may ipapakilala pala ako sa inyo at sa mga mamamyan ng Floresta Encantada, sandali lang ah i-aanounce ko lang." Paalam ko sa kanila at pumunta naman ako sa harapan at ginamitan sila ng Light force upang makuha ang pansin nila.

[Life Force- Ang aura na nilalabas ng mga Holder na nasa Light Classification ang Hold.]

"Mga mamamayan ng Floresta Encantada nais ko pa lang ipakilala sa inyo ang aking bagong itinutiring na anak, pumasok ka na Lucian Adrien Picosa, aking pangatlong anak." Nakangiting pagpapakilala ko kay Lucian at nagpalak-pakan naman ang mga mamamayan ng Floresta Encantada.

Isang binatang lalaking nasa-six feet ang taas, may kulay red at highlights ng black itong buhok, masculado ito na alam na alam mong naghirap para makamit ito dahil mayroon lang naman itong walang abs, at adonis belt. Nakasuot naman siya pang bad-ass attire, nakita ko na noon ang suot niya sa isang magazine na galing sa mundo ng mga tao, nakasuot siya ngayon ng black leather jacket, isang neck gaiter, black leather pants, at black leather boots.

Bunsong anak si Lucian ng Supreme Dea Justo sa isang mortal kaya Demi-Deus lang si Lucian, ayon sa impormasyong binigay sa akin ng Dea ay isa siyang Sinful Soul Holder, Mighties Class, na kayang hiramin ang Hold Power at kaluluwa ng mga heneral ng mga taga pagparusang demonyo sa Impyerno, hindi naman talaga ito ang kanyang tunay na Hold, binigyan lang sya ng kanyang tiyahin ng ganitong Hold upang kung mag aral sya dito ay di pagkakamalan na isa siyang Demi-Deus, at kung ano ang tunay nyang Hold ay hindi ko alam.

Nang matapos ko syang ipakilala ay bumaba ako agad para yakapin at i-welcome sya...

"Maligayang pagdating!"

"Sana masiyahan ka saaming lugar."

"Sana makipaglaro ka sa amin kuya!"

Ilan lang sa mga naririnig kong pagbati kay Lucian ng mga mamayan ng Floresta Encantada habang bumababa ako ngunit tahimik lang ito at di man lang nagpapasalamat sa mga bumabati sakanya.

"Maligayang pagdating Adrien." Dinig kong pagbati ni Xavier na kaibigan ng kambal at bigla na lang naglabas ng Death na Aura si Lucian na nagpatayo ng aking balahibo at buti nalang ay may malalakas na Hold at malaking Amount ng Energia ang mga tag- Floresta Encantada dahil kung hindi marami ang mahihimatay dahil dito...

[Death Aura- ang aura na linalabas ng mga Holder na nasa Dark Classification ang Hold.]

"Walang hiya ka! Anong karapatan mong tawagin mo ako sa aking pangalawang pangalan?!" Cold at nakakatakot na sigaw ni Lucian kay Xavier, ng tignan ko naman ang expression ni Xavier ay halatang natatakot ito, nanginhing narin ngayon ang bata kaya ng hindi na niya mapigilan ay tumakbo ito palabas habang umiiyak.

"Lucian, bakit mo ginawa iyon?" Mainahong tanong ko kay Lucian, upang hindi na humaba ang usapan, kita ko din kase ang kambal na masama ang tingin kay Lucian dahil protective din ito sa kanilang kaibigan.

"Ang isang mababang uring tulad niyo ay walang karapatang tawagin ako sa aking ikalawang pangalan, matuto kayong gumalang sa nakakataas sa inyo mga hampas lupa." Walang ganang pang-iinsulto niya, naramdaman ko namang gumalaw si Kali ngunit pinigilan ata ni Guia kaya di na tinuloy ang balak gawin. Nagtimpi naman ako sa mga pinagsasabi niya, pasalamat siya at anak siya ng isang Dea kung hindi kinuha ko na ang pagkabata niya!

"Nasaan ang aking kwarto? Gusto ko ng magpahinga." Tanong nito kaya naman huminga ako ng malalim.

"Nasa second floor, yung kwartong may kulay red na pinto na katapat ng kwarto na kulay green na pinto." Mainahon na sabi ko kay Lucian at dali-dali naman itong umakyat...

Nang maka-akyat na ito ay kita ko ang pagkatulala ng mga mamamayan ko, kaya bilang kanilang Òtima Mae at bilang ina ay kailangan kong gawan ng paraan ito upang hindi masira ang birthday celebration ng aking kambal at ang tuwa ng mga mamayan ko, kaya naman huminga ako ng malalim at hinarap sila...

"Mga mamayan ng Floresta Encantada, pasensya na kayo sa ka-onting gulo, ipagpatuloy na natin ang kasiyahan!" Maligalig na saad ko sa aking mamayan kaya naman nagsigawan at nagtawanan na sila. Ang maganda lang sa mga mamamayan ng Floresta Encantada ay hindi na nila ugaling ungkatin ang mga nakaraan at pagchismisan ang isang tao, dahil nasa prinsipyo nila na intindihin ang bawat nilalang at ka-agad na magpatawad, ganyan ang aking mamamayan kaya bumalik sila sa kanya kanyang silya at kumain na.

Pagkatapos kong sabihin sa mga bisita iyon, ay humarap ako sa mga kambal pero hindi ko na nakita si Kali sa kinalalagyan nila kanina ni Guia, kaya lumapit ako at tinanong ko si Guia.

"Guia nasaan ang Kuya Kali mo?" tanong ko kay Guia.

"Nay, kanina pong pa-akyat si Kuya Lucian ay sabay naman pong lumabas si Kuya Kali para sundan si Xavier" Saad ni Guia...

....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top