CHAPTER 11
DEFEAT...
GUIA'S P.O.V
"Ang isa sa mga Supreme-like Holds." Saad ni Nay Aurelia na nagpataka sa akin.
"Nay, What is Supreme-like Hold?" Tanong ko sa kanya.
"Anak, ang Supreme-like Hold ay mas malakas pa sa Hold ng mga Deus at Dea ng Mundo da Fantasia, pero hindi lalakas sa Holds ng mga Supreme Beings, at isa ang Hold mo sa mga iyon, at ang isa pa ay ang Death Hold, Life Hold lang ba talaga ang nakuha mo? Kasi sinaad sa propesiya na dapat magkasama na ang Lige and Death Hold, papaanong iisa lang ang nakuha mo?" Paliwanag at batong tanong nito sa akin...
"Wala na po talaga eh, pero maalala ko nga po pala Nay, meron bang nangyari sa iyo habang natutulog ako?" Tanong ko sa kanya dahil naalala ko ang ginawa sa kanya ni Life Salvation...
"Wala naman anak, pwera siguro sa nakakapagtakang panaginip ki kanina, pero ayahan mo na yon, bakit mo ba na-itanong?" Paliwanag nya at muling nag bato ng tanong sa akin.
"Ginamitan ko siya ng Salvation: Illusion, gumawa ako ng panaginip upang masubukan ang katatagan ng iyong loob." Biglang paliwanag ni Life gamit ang TeleCom.
"Ah, wala po, Nay bakit pala hindi pa gising si Kuya Kali? Kumusta na kaya siya? Ano kayang makukuha nyamg Hold?" Sunod-sunod na tanong ko kay Nay Aurelia, bumuntong hininga naman ito sabay tingin kay Kuya Kali.
"Alam mo anak baka nahihirapan ang Kuya Kali mo sa pakikipaglaban sa kanyang hold ngayon, pero alam ko namang kayang-kaya niyang lagpasan ang lahat ng laban nya dahil alam kong matalino, matatag at higit sa lahat ay malakas ang kuya mo kaya huwag ka ng mag-alala, oh sya nga pala hindi ka ba napagod sa labanan niyo ng hold being mo? Isa pa naman sa Supreme-Like hold ang hawak mo?" Sagot at Pangangamustang tanong saakin ni Nay Aurelia ..
"Ang totoo po niyan, hindi kami naglaban ng pisikalan, pero nilabanan niya po ako gamit ang mga bugtong at pagsubok, ayaw ko na lang pong ala-lahanin ang mga pinagdaanan ko sa pagkuha ng Hold ko, masyadongasakit po, sorry po kung hindi ko ma-ikwento." Kwento ko sabay peace sign, ayokong i-kwento kay Nay Aurelia ang nakaraan ko dahil baka mag-alala lang ito sa akin, gusto kong makagawa ng bagong memories kasama silang dalawa ni Kuya Kali, kaya ililihim ko muna ang mga nalaman ko.
"Okay lang anak, desisyon mo yan eh, wala akong karapatang makialam diyan, pero maalala ko lang anak, mangako kang huwag mong pagsasabi kahit kanino na ikaw ang may hawak ng Life Hold, dahil sa oras na ipagkalat mo iyon ay mag-uumpisa na ang digmaan at kaaabay ding malalagay sa panganib ang buhay mo at buhay ng mga taong nasa paligid mo, kaya kailangan nating itago iyan, ano ba ang pinakasimpleng Hold Power mo?" Paliwanag sa akin ni Nay Aurelia, nagulat naman ako sa mga sinabi niya, grabe talaga ngang, "With great power there must also come great responsibility." Hays, kailangan ko ngang ma-itago ito, ayaw ko na ako ang maging dahilan ng kapahamakan ng mga taong naaa paligid ko, hays ano kayang pinakasimpleng Hold Power ang gagamitin ko, ay wait! Alam ko na!
"Pwede ko pong gamitin ang Illusion Hod Power ko po, di po iyon mahahalatang isa sa mga Hold Power ng Life Hold, dahil masyadong common ang Illusion Holder 'di po ba?" Suhesyon ko, tumango-tango naman si Nay Aurelia, alam niyo ba kung bakit ko napili ang Hold na iyon? Naisip ko lang kase yung sinabi kanina ni Life na ang Illusion Hold Power pala ang ginamit niya sa pagsubok ko, at nakita ko namang malakas ang nagiging epekto nito sa nagagamitan nito kaya naman iyon ang napili ko.
"Okay, okay" Nakangiting pagsang-ayon ni Nay Aurelia.
"Maghintay na lang tayo sa paggising ng Kuya mo, at hintayin kung anong Hold ang nakuha niya." Saad naman ni Nay Aurelia sa akin, hays, sana magising na si Kuya, excited na rin akong malaman kung anong Hold anv nakuha niya.
"Kuya, fighting!" Saad ko kay Kuya Kali habang natutulog parin siya, sana magising kana kuya.
...
KALI'S P.O.V
"Dea de fogo, empresta-me o teu fogo que pode queimar a alma má!" Pagsambit ko sa isang Enchanment ng Apoy, dumarekta naman ito kay Death at natamaan ito, ngunit pagkawala ng usok ay walaan lang siyang natamong sugot o galos.
[Translation: Dea ng apoy, ipahiram mo sa akin amg iyong apoy na makakasunog sa kaluluwang masama!]
"So weak! hahaha!" Tawa niya sabay nawala sa paningin ko at bigla na naman itong lumitaw sa harapan ko sabay sunyok sa aking mukha na nagpatilapon sa akin.
Kanina pa pagod ang katawan ko dahil sa mga suntok at sipa na natatanggap ko, pilit ko mang sanggain ang kanyang mga atake ay wala ring magagawa ito, dahil ang mga suntok at sipa niya ay tumatagos hanggang sa buto, kaya talaga namang mararamdaman mo ang sakit. Ang lakas naman masyado ng babaeng ito, parang di na pambabae ang lakas na taglay niya, ang sakit lang sa loob na wala man lang akong magawa, di ko man lang siya magalusan.
"Ang hina mo naman pala eh, alam mo, kung ikaw na lang magiging Owner ko, mas gusto ko pang maglaho na lang, sobrang hina, di ka pasado sa standard ko, wala ka pa sa level ng mga na-unang Owner ko." Walang ganang panghahamak niya sa akin, nanliit naman ako sa sinabi niya, grabe ganon na ba ako kahina, shit, sakit sa loob.
"Ah, shit sakit ng likuran ko, 'di man ako kasing lakas ng mga naunang Owner mo, pero papatunayan kong deserving parin ako na ako ang pumalit sa kanila! Dea de fogo, empresta-me o teu fogo que pode queimar a alma má!" Sigaw ko sabay sambit ng Enchantment, dumeretso at direktang natumbok naman ng bolang apoy si Death at sumabo ito sa kanyang mukha na nagsanhi ng usok sa paligid niya, ng mawala ito ay ganon parin ang mukha niya, walang kagalos-galos, wait paanong nagkaroon ng usok sa ilalim ng tubig? Nakita ko kasing may usok na nabuo noong tamaan si Death ng aking Enchanment, hays, fantasy world nga naman, ginagawang posible ang imposible.
"Oh, dear, nakakaawa ka naman haha." Parang na-aawang saad niya sa akin sabay nawala naman sa paningin ko at sa isang pikit-mata ay bigla na lang itong lumitaw si Death sa aking harapan, sinipa niya naman ako sa aking mukha na nagpatilapon sa akin.
Tumugil ako ng kusa dahil sa nga nasa ilalim ako ngayon ng tubig, haus ang sakit naman sa loob na wala akong magawa, grabe ang sakit na ng katawan ko, ramdam kong anytime maari na akong bumagsak.
"Ahh! A-Ang sakit!" Daing ko, buti nasa tubig kami kung nagkataon na may mga matitigas o kongretong bagay dito siguradong lasog-lasog na ang mga buto ko, pero kahit nasa ilalim na kami ng tibig ay ramdam ko parin ang sakit ng bawat atake niya, para bang tumatagos ito mula laman hanggang buto.
"Aba, syempre, dapat lang na maramdaman mo ang sakit! Gustong-gusto ko kayang nakikitang naghihirap ang mga mahihinang nilalang, tulad mo! hahaha." Panghahamak niya sa akin na kina-inis ko, grabe na ito, masyado ng natatapakan ang pride ko.
"Como um voto de luz, ouça-me agora: Beam of light!" Pagbitaw ko ng Enchantment, at saka ko hinulmang parang baril ang kamay ko at saka tinutok ko ito sa kanya, ilang sandali pa ay may lumabas na laser beam sa aking hintuturo, at saka ko siya pinag babaril gamit ang enchanment na iyon, ngunit parang wala lang talab dahil di man lang siya umiiwas sa mga ito, bagkus ay sinasalubong lang niya ito.
[Translation: Deus of Light, lend me the light that purify our souls.]
"Hays, ni kiliti di ko man lang maramdaman sa mga atake mo, yun na yon? Sasabihin ko lang sa iyo, wala ka pa sa level ng mga nakaraang Owner ko." Mapang insultong saad nya, lalo namang sumakit ang loob ko dahil doon, grabe ang hirap palang maging mahina, kinakawawa ka lang ng mga malalakas.
"Shut up bitch! I don't need your words! Kaya kong patunayan na deserving din akong maging Owner mo!" Sigaw ko sakanya at saka ko siya pina-ulanan ng laser beam, di ko siya tinigilan ngunit may bigla ako na-alala.
Na-alala ko palang malaki ang nagagamit na Energia sa Enchantment na ito at ilang oras na lang ang nalalabi ar kailangan ko na namang mag-ipon ng Energia, sana naman, matamaan ko ang kahinahan niya, shit I'm so desperate right now, kaya patuloy ko lang siyang pina-ulanan ng mga laser beam hanggang sa mawalan na ako ng energia.
"It's my turn, darling hahahaha." Tawang demonyong saad niya, bigla naman itong nawala sa pangingin ko at doon niya na naman ako binugbog ng todo...
Suntok dito, suntok doon...
Sipa diyo, sipa doon...
Sampal dito, sampal doon...
Headbutt dito, headbutt doon...
Mga paulit-ulit na pambubugbog na ginagawa sa akin ni Death.
"Hahahaha,ang sarap sa pakiramdam hahaha." Masayang saad nito at tinuloy-tuloy lang ang pambubugbog sa akin, masakit na ang katawan ko, nanlalata na rin ako, napakarami ko naring pasa sa iba't ibang parte ng katawan ko, at nanlalabo narin ang aking paningin, ramdam kong sa ilang sandali ay bibigay na ako.
"Hahaha, kapag napatay na kita ay ma-popossess konna ang iyong katawan at doon ko naman uubusin ang mga mababang nilalang na tulad mo! Hahaha kaya olease mamatay kana!" Sigaw niya at tumawa na akala mo isa itong mapanganib at walang pusong demonyo. Nang dahil sa sinabi niya, narealize ko ang sinabi sa akin ni Nay Aurelia bago kami natulog kanina...
"I claim your victory my beloved Twins"...
"I claim your victory my beloved Twins"...
"I claim your victory my beloved Twins"...
"I claim your victory my beloved Twins"...
"I claim your victory my beloved Twins"...
Iyan ang mga katagang nagpa-ulit-ulit sa aking isipan...
Wala na akong maramdaman sakit sa pambubug-bog sa akin ni Death ngayon dahil namanhid na ang buo kong katawan dahil sa mga bruises, sprain, strain, fracture, dislocation, and swelling na nakuha ko kay Death.
Sigurado naman akong may kahinaan siya, kaya naman habang patuloy lang ang pagbubug-bog niya ay nag-isip naman ako bg mga posibleng kahinahan niya...
Isip...
Isip...
Isip...
(TING!)
Wait!...Sabi niya nga pala kanina
"Oh, really, sorry hindi ko alam iyon, alam mo kase, kapag mayroong Supreme Being na malapit sa akin ay humihina ang lahat ng senses ko hahah baka na-block ng presensya ng Supreme Dea ang pandinig ko noon." Saad niya kanina, Paano kaya kung gamitin ko ang tinuron Enchantment ni Nay Aurelia na pangtawag sa Dea? Paano kaya kung gamitin ko dito sa Dimension na ito? gagana kaya? Well, wala naman sigurong masama kung susubukan ko.
"D-Death, diba sabi mo pwede akong gumamin ng Enchantment?" Nahihirapang tanong ko kay Death dahil sa panghihina dulot ng kanyang pambubug-bog sa akin, sana gumana ang balak ko, gabayan niyo po sana ako mga Deus, Dea, at Supreme Beings.
"Oo naman, ngayon ka pa talaga nagtanong eh kanina mo pa ginagamit sa akin ang mga bulok mong Enchanments, hays, napakahina mong nilalang." Walang ganang sagot nito sa akin, sige kapag talaga gumana ang plano ko, tignan natin kung saan ka dadalhin ng pangmamaliit mo sa akin.
"Okay! "O, Suprema Dea Justo, com lumilite por dia nos , mexendo no meu amor e descobrindo os meus filhos!" Sigaw ko sa isang patay nang Enchantment na itinuro saakin ni Nay Aurelia...
[Translation: Oh, Supreme Dea Justo, luma- ako ngayon sa'yo at nakiki-usap na bigyan ako ng isang pribileheyong maka-usap kayo.]
"Anong g-ginagawa mo, itigil mo iyan! Isang p-pandadaya ang pagtawag sa Supreme being!" Natatakot na saad ni Death habang sabu-sabunot ang kanyang buhok, para bang nababaliw ito dahil sa ginagawa ko.
"Ano ka ngayon, di man ako kasing lakas ng mga nakaraang Owner mo, pero may utak naman ako ng isang mortal na tao! Isa pa, di ba binigyan mo ako ng pahintulot na gumamit ng "kahit anong Enchanments?" Iyan ang sabi mo kanina." Seryosong sigaw ko sa kanya, buti na lang at taglay ko parin ang katangian ng mga tao na minsan ay kina-iinisan at iyon ang pagiging "tuso." Tumingin naman sa akin ng masama si Death.
"Ah! Magbabayad ka! Extinction: Disaster!" Sigaw nya at bigla na lang uminit ang tubig pa-init ito ng painit, para bang nasa kawa ako ngayon at unti-unting pinakukuluan.
"T-tama na h-hindi ko na kaya a-ang init pa-paki-usap! Ah!" Pakiusap ko sakanya dahil nakikita ko na nagiging pula na ang aking balat, at kumikirot narin ito, ramdam na ramdam ko na parang pinapaso na ako, pero parang wala lang siyang naririnig, bagkus ay nakita ko pa itong nakangiting demonyo sa akin.
Nang tumagal pa ng ilang saglit ang ginagawa nuya ay bigla nalang akong namanhid at wala ng naramdaman pang sakit ang aking katawan, at doon na unti-unting sumara ang aking nga mata, ngunit nasabi ko pa ang katagang...
"Talo ka na."...
...
GUIA'S P.O.V
"Nay! Tignan niyo po ang nangyayare kay Kuya Kali, Nay!" Umiiyak na gising ko kay Nay Aurelia, Dahil Dumudugo ang ilong at napakaraming naglilitawang pasa ngayon sa buong katawan ni Kuya Kali na sobrang kinabahala ko, ano na kayang nangyayari kay Kuya Kali, Oh Deus at Dea ng Mundo da Fantasia, huwag niyo po sanang pabayaan ang Kuya Kali ko.
"Bakit ba Guia?" Tanong ni Nay Aurelia habang papungay-pungay ang mata, nakatulog kasi siya kanina, hindi na niya siguro na kayanan ang antok.
"Nay, tignan niyo po oh! Napakaraming naglilitawang sugat at pasa sa katawan ni Kuya Kali Nay! Ano po bang nangyayari sa kanya?!" Nag-aalala at umiiyak na tanong ko kay Nay Aurelia, hueag naman sanang masamang pangitain ang mga naglilitawang mga sugat at pasa sa katawan ni Kuya.
"Naku! delikado ito, maaaring nahihirapan ngayon ang kuya mo sa pakikipaglaban!" Nag-aalalang sigaw ni Nay Aurelia na nagpakaba sa akin, bigla na lang kasing tumibik ng sobranh bilis ang puso ko, hays, bigla naman akong kinabahan sa di malamabg dagilan, grabe kase ang biglang pagpintig ng malakas ng puso ko, naging triple na rin ang bilis ng puso ko.
"T-tama na h-hindi ko na kaya a-ang init pa-paki-usap! Ah!" Sigaw na lang bigla ni Kuya Kali na ikinabigla namin ni Nay Aurelia na nagpakaba saamin, kaya dali-dali naminng yinakap si Kuya Kali
Bigla naman itong tumigil sa pagsigaw kaya napanatag kami, pero ilang saglit lang ay bigla na lang ibinagsak ni Kuya Kali ang mga kamay at ulo niya, kaya naman pinakiramdaman ko ang tibok ng puso niya...
"N-Nay, pwede po bang pakinggan niyo ang tibok ng puso ni Kuya Kali?" Kinakabahang tanong ko kay Nay Aurelia, sana huwag pahintulutan ng mga Deus at Dea ng Mundo da Fantasia ang resulta ng aking pag-sususri.
Inilapit naman ni Nay Aurelia ang tenga niya sa dib-dib ni Kiya Kali at ilang saglit oa ay tinanggal na nito ang tenga niya sa dib-dib ni Kuya Kali, sabay naglabas ng bugrong hininga...
"Nak, wala na ang kuya mo"....
...
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top