CHAPTER 1
REFLECTION...
KAGURA'S P.O.V
"Mahal." Tawag sa akin ng isang napakagandang nilalang, nakasuot ito nang flower crown, green dress, at napaka ganda at nakakabighaning ngiti.
"A-Ako ba ang yong tinutukoy binibini?" Tanong ko sa kanya.
"Oo aking prinsipe ikaw na nga." Saad nya na ikinabigla ko.
"Mahal kay tagal kitang hinihintay." Saad nya sabay patakbong lumapit sa akin at niyakap ako, di ako maka-galaw sa mga oras na iyon dahil sa pagkabigla.
"H-Hindi kaba nagkakamali Miss?" Tanong ko na medyo kinakabahan.
"Bakit naman ako magkakamali, aking mahal?" Saad niya atsaka nya nilapit ang labi nya sa aking labi...
Palapit na siya...
Nang papalapit...
Nang papalapit...
Konting konti na lang ng biglang...
"Manuel Kagura Anastaciao! Bumangon ka na at ilang oras na lang ay late ka na sa pagpasok mo sa school! May performance ka pa ngayon 'di ba?!" Sigaw ng aking Alarm clock na si mama.
Potek sayang yun mahahalikan ko na ang prinsessa eh. Kahit kailan KJ itong mama ko. Nang tignan ko naman ang orasan 4:39 palang ng umaga, hays talaga naman ang mama ko. 6:30 am palang ang schedule ko para sa last rehearsal dahil gaya ng narinig niyo ay may performance pa ako ngayon, singerist kaya ang kuya niyo hahaha.
At dahil nga sa sigaw na iyon ay ka-agad akong pumasok sa banyo upang gawin ang aking morning routine.
Hello nga pala, I'm Manuel Kagura Anastacio. Kagu o Manuel for short, 19 yerrs old, 2nd year collage, Nursing student. Nagtataka siguro kayo kung bakit parang tunog pambabae ang second name ko ano? Well, kagagawan lang naman yan ng aking pinakamamahal na ina, dahil ayon sa kanya ang salitang Kagura ay nangangahulugan daw sa salitang japan na ang obig sabihin ay ENTERTAINING THE GODS. Napakabanal daw ng pangalan ko sabi ni mama, pero kahit na tunog pambabae ay gustong-gusto ko naman siya noh. Kase lakas maka-Japanese, mahilig akong manood at magbasa ng mga isekai anime o yung mga bida sa isang anume o manga na nareincarnate sa ibang mundo at naging sobrang lakas, actually inaabangan ko nga ang mga susunod na chapter ng that time I reincarnated as a slime. Rimuru-sensei!
By the way ang gumising pala kanina sa akin ay ang aking pinakamamahal ng mama na nagngangalang Yolanda Marquez Anastacio, isa syang Certifed public accountant ng SM Pampanga, single mom din siya at siya ay magisang nagpalaki saakin, pero di naman ako lumaki hahaha siyemore joke lang.
Siya nga pala, curious na siguro kayong malaman ang physical appearance ko noh? So ito nga, simple lang naman ang physical appearance ko dahil isa lang akong lalakeng Mataba, biniyayaan ng maraming pimple sa mukha man, cleavage part o sa likod ko man yan ay mayroong tigyawat haha, malabo ang aking mga mata kaya naka salamin ako, 5'6 ang hight ko kaya tinatawag akong gasul, tinatawag akong pangit dahil sa mga katangian kong yan idadag mo pa na lalamya-lamya ako kaya ang ending ay nabubully ako lagi sa school, ngunit masasabi kong fair parin ang Diyos dahil hindi man ako biniyayaan ng napakagandang itsura ay biniyayaan niya naman ako ng magandang boses at talino. Isa akong singer sa school at matalino syempre hahah sino paba ang magtataas ng ating sarling bangko kung hindi ang mismong sarli natin diba, sabi daw nila pangit ako, isa pa lalamya-lamya kase ako kaya medyo nabubuly ako sa school, buti nandon yung dalawa kong kaibigan na makikilala nyo maya-maya lang.
Alam niyo naiisip ko nga na bakit kaya ako nahing pangit? Eh maganda naman si mama at gwapo naman si papa, pero bakit ako ganito? Laging tanong ko sa aking sarili. Nang tanungin ko naman si mama kung ampon ako ang sagot nya lang ay, "Anak hindi ka ampon, tignan mo oh ayan nakikita mo yung baby na sumususo saakin? Ikaw yan anak." Saad ni mama sa akin lagi sabay labas ng picture habang pinapadede niya ako. Kaya nangangarap din ako na sana mareincanate rin ako tulad ng mga japanese isekai anime na pinaapnood at binabasa ko para naman medyo maiba itsura ko hahaha joke lang siyempre ayaw ko namang iwan di mama noh.
Pababa na ako sa hagdan para maka-upo na sa upuan sa hapag. Ayaw akong paalisin ng aking mama at gusto muna niyang kainin ko ang aking almusal dahil masama daw ang pumasok sa school na walang laman ang tyan...
"Ma naman bakit mo ako ginising eh mahahalikan na ako ng princessa sa panaginip ko eh. Napaka-KJ mo talaga kahit kailan." May halong pagbibirong saad ko sa kanya pero kita ko sa kanyang ekspresyon na hindi naman naging biro ang labas nonn yon sa kanya kaya naman kunot-noong tumingin siya sa akin at...
"Aray! Aray! Ma! Bitawan mo tenga ko!" Sigaw ko nang pingutin nya ang tenga ko...
"Hay nakong bata ka. Dapat nga na magpasalamat ka at ginising kita ng maaga, dahil kung hindi kita ginising ng maaga ay baka hindi kapa makapag perform sa school nyo tapos sabihin mo na naman Ako na "Ma bakit di mo ako ginising ng maaga." Pang gagaya nya sa aken na kinatawa ko naman.
"Ako pa masisisi 'di ba dahil sa pagpupuyat mo sa kakanood ng mga cartoons-cartoons na 'yan ano ka, bata?" Inis na turan ni mama sa akin na kinatawa ko ulit.
"Luh ma "anime" kaya 'yon hindi cartoons hahaha grabe ma pinapasakit mo ang tyan ko hahaha." Tawa ko habang hawak-hawak ang tiyan ko, grabe, ito ang pagkakaiba nila ah.
Difference between cartoon and anime...
Japanese animation, or anime, was first introduced in 1960. However, there is debate as to whether or not Anime should be considered a cartoon. Most westerners consider Anime to be another form of a cartoon.
Never the less, Japan does not want anime to be considered as a form of a cartoon. Japan is covered with Anime images, and they use Anime in everyday life. It is part of their culture. Anime is used in Japanese education, marketing strategies, magazines, movies, and books.
Anime are Japanese animated productions, and come in all formats, such as television series (such as Dragon Ball and Inuyasha, animated short films, and full-length feature films.)
A cartoon is a form of two-dimensional illustrated visual art. While the specific definition has changed over time, modern usage refers to a typically non-realistic or semi-realistic drawing or painting intended for satire, caricature, or humor. Ayan para di na kayo malito hahaha.
"Ay sya nga pala ma. Bukas na pala ang anniversary ng pagkamatay ni papa?" Tanong ko na nagpalungkot ng atmosphere naming dalawa, hays napaka-wrong timing nung tanong kong iyon ah.
"U-Uhm oo nga, kamuntikan ko nang makalimutan." Utal na sabi ni Mommy, alam ko namang pinipigilan nya ang kayang mga luha dahil hanggang ngayon hindi nya parin makalimutan ang pagkamatay ni papa sa araw ng kanilang kasal...
"Hays, ang sakit paring isipin na nawala sa atin ang papa mo sa araw pa ng aming kasal, grabe lang anak, akala namin ay nag-back out na siya kase ang tagal niyang dumating, nagmumura na nga ang lolo at lola mo sa loob ng simbahan dahil yun nga akala nila nag-back out siya pero nagulat na lang kami ng biglang ibinalita ng driver niya na nabunggo siya ng truck, hays wag nga muna nating alalahanin iyon." Pag-alala naman ni mama sa nakaraan, kita ko namang tumulo ang luha niya kaya tumayo ako at niyakap at hinagod-hagod ang likod niya.
"Nak alam ko na! Maaga kang lumabas ng school bukas ah, ipagpapaalam kita sa iyong guro ah," saad ni mama na pinagtaka ko, "bakit po ma?" Tanong ko naman. "Kase, alam mo na. Pupunta tayo sa puntod ng papa mo, katapos natin pumunta sa puntod ng papa mo at dasalan ito ay punta tayo sa paboritong lugar namin ni papa mo, kase sa 19 years kanang nabubuhay sa mundo eh hindi ko pa napapakita saiyo ang paboritong lugar namin ng papa mo." Saad ni Mama habang suot ang mapanlinlang na ngiti.
"Ah sge ma! Super excited na ako!" Maligalig na saad ko naman sakanya at sinuklian naman niya ng matamis na ngiti...
"Ma, alis na po ako at baka ma-late pa ako sa school. Alam mo naman may performance pa ako sa Flag Ceremony, sayang 'yon plus one direct to the card pa naman yon. Kaya sige na ma, una na po ako, muah." saad ko sabay halik sa pisngi nya at tumakbo na palabas.
...
Ilang oras pa ay nandito nako sa school at sakto lang ang oras ng pagdating ko dahil may oras pa ako para sa last rehearsal ng kakantahin ko, kaya naman pumunta ako sa likod ng stage kung saan makikita ang music room. Pumasok naman ako sa music room at doon ko nakita na ako na lang pala ang kulang sa banda, well di ko na ipapakilala ang mga ito dahil di ko naman sila kilala, first time ko nga lang kase silang makakasama ih dahil sinabihan lang ako ng mga teacher na makipag-colab sa kanila, kaya medyo nahihiya pa ako.
Maraming nagsasabe na kaboses ko daw si Antony Rosales, yung isang contestant ng the clash ng channel seven heheheh pero para sa akin ay unique ang boses ko, namana ko kaya kay papa ang napakagandang boses ko hehehe.
"One, two, one two." Bilang ng leader ng banda na indikasyon na dapat nang simulan ang pagtutug ng mga instrumento, ilang saglit pa ay sinimulan na ng drummer na mag-drum at sisimulan ko na din sanag kumanta nang biglang...
"Kagu mah~ pren!" Sabay na sigaw ng dalawa kong kaibigan sa school at childhood bestfriend ko rin na sina Zhey Wong at Mae Wong, kambal sila at anak ng boss ni mama, anak ng may-ari ng SM pampanga, nabuo ang pagkakaibigan namen dahil lagi akong sinasama ni mama sa kanyang trabaho, sa kadahilanang wala ng iba pang mag babantay saaken ng mamatay si Lola Feli, kapit-bahay namin na pinagiiwanan saakin ni mama sa tuwing aalis siya oara magtrabahao. Pumayag naman ang Boss nya at sinabing iwan muna ko sa opisina nya pag-oras ng trabaho ni mama, upang hindi sya maabala at may makalaro din ang kanyang mga anak na sinasama niya rin dahil ayaw daw nawawala sa paningin nito sila Zhey at Mae at doon nga kami nag kilala nila Zhey Wong ang pqnganay sa magkapatid, isa syang lalakeng may matipunong pangangatawan, moreno, matangkad at mayaman syempre, heartthrob sya sa school, varsity player din siya ng basketball, volleyball, at tenis pero may pagkatanga, kaya dito napatunayan na NO BODY'S PERFECT hehe pero uyy mabait yan lalo na si mae, my long time hidden babe hahaha.
Habang si Mae Wong naman ay tinuturing na bunso dahil sya ang last na lumabas sa kanilang dalawa, isa syang babaeng pinapantasya ng lahat, may balingkinitang pangangatawan, malaking pwet at boobs at higit sa lahat matalino pero may pagkatanga sa pagibig haha na may 20 exes at lahat ng yon ay nangaliwa, nag-cheat hehe para saakin lang talaga babe ko hehehe.
"Oh Zhey, Mae naparito kayo?" Gulat na tanong ko sa kambal.
"Wala-wala gusto ka lang sana naming sabihan ng goodluck at para rin mapakinggan ang boses mo habang nag-rerehears ka." Sagot naman ni Mae. Shit kinikilig naman ako.
"Oh bro simulan mo ng magrehears habang may thirty minutes ka pa haha." Paalala naman ni Zhey...
Sinimulan ko na ngang magrehears, siya nga pala ang kakantahin ko ay Reflection mula sa disney film na Mulan, ito ang pinakanta ng mga teacher sa akin dahil gusto naman daw nilang mapakinggan ito na lalaki naman daw ang kumakanta...
30 MINUTES PASS...
"At para naman po bigyan tayo ng inspiration nandito po si Manuel Kagura Anastacio ng 2B Nursing at ang bagong school band para maghandog ng isang napakagandang awitin na pinamagatang "Reflection" mula sa disney film na "Mulan" palakpakan po natin sila." pagpapakilala ng emcee saamin..
Nag simula na ang banda kaya hinanda ko na ang aking sarili...
Ilang oras ang lumipas ng matapos ko ng kantahin ang Reflection mula sa disney movie na Mulan ay nagpalakpakan ang mga tao ng matapos akong kumanta...
marami pang mga nag-perform bukod saakin merong sumayaw, bumigkas ng tula o spoken poetry, at meron ding kumanta tulad ko...
~FAST FORWARD...
Paglabas ng school maraming bumati saakin at nag compliment na "napakaganda ng boses mo, sana ganyan din ang mukha mo." Saad ng mga bully ko pero sanay nako kaya nginingitian ko na lang sila haha...
"Hoy Kagu brad sabay kana sa service namen at Ihahatid ka na namin sa bahay nyo." Alok ni Zhey na ikinabigla ko, hinihikayat niya akong sumakay na sa service van nila.
"Huwag na, maglalakad nalang ako tutal malapit lang ang bahay ko dito at para ma-exercise din ako kahit konti. Tignan mo tumataba na ko hahaha." Tangging saad ko sakanya sabay lakad...
"Kagu-" Pipilitin pa sana ko ni zhey ng mag salita si Mae...
"Oh sge next time na lang ah at wag ka nang tatangi ah, kapag tumanggi ka friendship over na tayo." pagbabanta ni mae, kaya naman napatingin ako sa gawi niya.
"Yes boss." Saad ko sabay saludong pansundalo at nagtuloy na sa paglalakad.
...
Kauwi sa bahay ay sakto namang hinahanda na ni mama ang hapunan kaya tumakbo ako sakanya upang mag mano at tumulong.
"Ma mano po. Ako na po dyan upo napo kayo." saad ko at kumain lang kami ng tahimik, ganito talaga si mama kapag nalalapit na ang Anniversary ng pagkamatay ni papa, sobrang tahimik niya.
Katapos naming kumain ay naghugas na ako ng mga pinagkainan, si mama naman ay pumunta sa sala para gawin ang paper works niya na inuuwi niya sa bahay, katapos kong maglinis ay hinalikan ko si mama sa pinsngi at nagpaalam na pupunta na sa kwarto upang magpahinga na...
Kapasok sa kwarto ay dumaretso ako sa banyo upang gawin ang aking night routines katapos ay sumampa sa kama upang magdasal sa diyos, humingi ng tawad sa mga kasalanang nagawa, nagpasalamat sa mga grasyang natanggap sa araw-araw, pinalangin na patawarin at iligtas ang mga kaluluwang nasa purgatoryo at humingi ng gabay upang matapos sa pag aaral...
Humiga na ko at unti-unting kinain ng kadiliman ang ang paningin dahil sa sobrang pagod...
...
"AS THE SOLIS KISS LUA, ITS
FORETELL TO BATTLE AIMS..."
"Patayin lahat ng makikitang Fantasian na nanalig sa mga Deus at Dea! Walang ititirang buhay, mapasanggol, bata, at matatanda!"....
"OATH OF FALLEN WILL RISE AND BECAME THOUGH..."
"Mahal na Haring Equinox, napalaya na po namin ang lahat ng bilanggo sa
Prisao de dor ser fim."...
"AHHH!"
...
....
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
Nasa taas ng multi-media ang cover ng Reflection ni Antony Rosales.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top