Chapter VI: Riddle
Natapos ang buong maghapon ko sa paaralan at may ilan rin akong nalaman sa lugar na ito. Gaya na lang ng schedule namin na every Monday and Wednesday, ang pag-aaralan namin ay tungkol sa history ng mundong ito at ang lahat ng mga bagay na may kinalaman dito.
Sa araw ng Tuesday at Thursday naman ay ang mga lesson sa isang pangkaraniwang paaralan gaya ng Mathematics, English, Sciences at iba pa. Samantalang ang Friday naman ay nakalaan para sa Training ng mga estudyante. Ang pinakahuling Friday naman sa loob ng isang buwan ay nakalaan para sa pagpapakitang gilas ng mga estudyante, dahil dito mo malalaman kung tumaas ba ang level ng iyong kapangyarihan o hindi. At iyon ang pinakaayaw ko sa lahat. Hindi ko alam kung pano ko haharapin ang araw na iyon na dalawang linggo nalang mula ngayon.
***
Inilapag ko ang bag ko sa gilid ng kama at saka nahiga. Tumingin ako sa nakabukas na bintana kung saan tanaw ko ang papalubog na haring araw. May kalakasan ang hangin ngayon kaya sumasabay ang mga dahon ng puno sa ihip nito.
Iniangat ko ang kamay ko sa hangin at muling pinasadahan ng tingin ang brooch na kakakuha ko lang kanina sa office ni Tanda. Dumaan ako doon at sinamahan ako ni Dianne at Kevin. Kulay puting brooch ito na Letter W at parang may nakapulupot na letter S dito. Meron itong Red Lining sa gilid at parang may napakaliit na symbols ang nakaukit dito. Halos hindi mo nga ito mapapansin sa unang tingin. Wala naman talaga akong balak kunin ito kung hindi lang ako pinilit ni Dianne na sagad ang kadaldalan.
"Sige na kunin mo na para official ka na naming Classmate. Kahit naman alam namin na may chance na hindi ka rin magtagal sa section namin tulad ng iba"
Kung alam nya lang.
Baka nga habambuhay na ko sa Section nila kung hindi ako makakaalis sa panaginip nato.
Pinipilit nya rin akong mag-uniform na bukas at mukhang mas excited pa sila sakin pero sorry sila dahil never akong mag-uuniform at hindi ko susuotin ang brooch na ito. Pakiramdam ko, sa oras na suotin ko ang dalawang bagay na iyon, parang isinuko ko na rin ang sarili ko sa paaralang ito na wala naman akong kinalaman, parang tinanggap ko na rin na kabilang ako sa kanila na isa lamang kathang isip. Hindi naman totoo ang lahat ng ito at darating ang araw na magigising rin ako sa walang kasiguraduhang panaginip.
***
"Shan, Bilisan mo male-late na tayo sa training"
"Ayoko nga sabing pumunta. Bakit ba ang kulit mo!?"
Bakit pa kasi kailangan pa niya kong pilitin. Nagkulong na nga ako sa kwarto pero binulabog nya parin ako kaya wala na kong nagawa kundi ang sumama.
"Hindi nga pwedeng hindi magtraining. Gusto mo bang mapatawag pa ng Council?" Sermon ni Jai habang hinihila ako sa training ground kuno.
"Edi ipatawag kung ipapatawag. Para naman mamamatay ako don!"
"Mamamatay ka talaga!" Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa sinabi nya.
Ako? Mamamatay sa sarili kong panaginip? Ano yon Joke?
"Hehe! Joke lang!" Sabay piece sign na parang madadala nya ko sa pacute nya.
Hindi na ako nakipagsagutan pa kay Jai dahil alam kong walang patutunguhan ang usapan namin. Nagpahila na lang ako sa kanya kung saan man nya ko dadalhin. Bahala ng mapahiya sa training mamaya, hindi ko naman ikakamatay yan. Wala naman akong pake sa sasabihin at iisipin nila.
Pagkarating namin sa mismong training ground, marami na ang mga estudyante ang naroon. Para itong isang malaking stadium, kung saan nasa pinakagitna ang training area at may nakapalibot na mga upuan na na parang pahagdan dahil pataas ito ng pataas.
Inilibot ko ang tingin sa lugar at napansin ko na may dalawang malaking lamesa ang nakahanda sa gilid. Napapatungan ito ng pulang tela at puno ng iba't ibang armas.
"Weapon Training ang gagawin natin ngayon. Dito ay tuturuan ang mga mag-aaral kung paano ang tamang paggamit ng mga armas."
Parang nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Jai. Ibig sabihin, walang kapangyarihan ang involve. Siguradong hindi ako mapapahiya sa araw na to dahil marunong akong gumamit ng iba't ibang uri ng armas. Remember, Gangster ang mga katropa ko dati.
"Pero dahil last Friday of the Month kaya magkakaroon tayo ng ikalawang bahagi, Pipili sila ng taong makakalaban mo. At dito ay pwede na ring gumamit ng kapangyarihan para mas mapalakas ang weapon na napili mo. Dito mo rin malalaman kung ano na ang level ng kapangyarihan mo."
Para akong binuhusan ng malamig at may yelong tubig dahil sa sinabi Ni Jai. Napatawa nalang ako ng pagak sa katang*hang naisip ko. Bakit ko nga ba ine-expect na isang simpleng training lang ang gagawin? Bakit ko nga ba nakalimutang last Friday of the Month ngayon.? Isa nga pala itong kakaibang school kaya sigurado ako na hindi matatapos ang training ng hindi kami nasasaktan.
Nung nakaraang friday kasi ay hindi ako umatend sa training. Nagpalipas ako ng maghapon sa bayan kung saan ko nabili ang bracelet na suot ko ngayon.
"Pero wag kang mag-alala. Pipili naman sila ng taong katapat at hindi nalalayo sa kakayahan mo."
Alam ko na pinapagaan lang ni Jai ang loob ko dahil alam nyang ito ang unang beses kong sasabak sa ganito. Pero kahit ganon, hindi nito nabawasan ang kaba ko. Sa tingin ko wala akong katapat dito dahil parang ako lang naman ang walang kapangyarihan dito.
"Malay mo, ngayon na lumabas ang Hidden Powers mo!" Nakangiting wika ni Jai.
Hindi ko na lang sya pinansin. Alam naman nyang wala akong powers tapos sasabihan nya ko ng ganon. Ano bang problema sa mga tao dito.
***
Lumipas ang ilang sandali at pinapunta na ang mga estudyante sa gitna ng stadium kung nasaan ang training area. Nagpaalam sakin si Jai dahil pupunta na kami sa kanya-kanyang Clan na kinabibilangan. Binati ako ng ilan sa mga classmates ko at lumapit naman sakin si Dianne at Kevin. Nahati ang mga estudyante base sa kulay ng kanilang brooch at ngayon ko lang nalaman kung gaano karami ang mga estudyante na kabilang sa Silver at Bronze clan. Halos kami ang pinakakaunti dahil sa bilang namin na hindi pa umabot ng 25. Sumunod naman ang Gold na doble namin ang bilang.
"Bakit ang dami ng nasa Silver at Bronze Clan?" Curious na tanong ko na si Kevin ang sumagot.
"Marami talaga sila. Tayo lang naman ang pinakakaunti dito sa Academy. Yung Silver Clan kasi nahahati pa sa Pitong Section. Yung bronze naman, sa anim. Tapos yung Gold nahahati sa Dalawa. Ang Upper Gold Clan at ang Lower Gold Clan. Usually ang mga nasa G+ or Upper Gold Clan ay ang mga taga-Council at ang hari at reyna naman ay nasa Black Clan dahil sa level nilang nasa 90."
Kung ganon, pinaka-makapangyarihan pala ang hari at reyna. I wonder kung meron na bang nakaabot sa level 99.
***
Lumipas ang mga oras at mabilis na natapos ang Part 1 ng training. Hindi naman ako nahirapang makasabay lalo na dahil gamay ko na rin ang iba't ibang mga armas subalit di pa rin maiiwasang mapanganga ako at mamangha lalo na sa mas pina-high-tech nilang mga gamit.
"CR muna ko." Paalam ko kila Dianne at Kevin
"Sure! Balik ka kaagad ha! Hintayin ka namin sa dating tambayan." Sagot ni Dianne sabay turo sa direksyon ng Garden kung saan madalas kaming kumakain tuwing breaktime.
Pagkarating ko ng CR ay may nadatnan akong mga babaeng nagme-make up at naglalabas ng kanya kanyang pampaganda. Nang mapansin nila ako ay pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa Senyales na minamaliit nila ako.
"A sweat pants and a black large shirt with maching a dark blue cap? Baduy!" Bulong ng nakapink shorts dun sa kasama nyang naka-white mini skirt at parehas na may suot na Silver Brooch.
Alam ba nila na training ang pupuntahan nila at hindi Fashion Show? Palibhasa Training namin ngayon kaya walang suot na uniform ang mga estudyante.
"Oh.My.Gosh! Let's get out of here. Baka mahawaan tayo ng baduy virus.!" Maarteng pagkakasabi ng isa at nagpanik naman sila ng kasama nya.
Di ko sila pinansin at lumapit sa sink para maghilamos.
"Yuck! Who is she by the way?"
"A baduy Girl belong to the lowest rank in the Society."
Huling narinig ko bago sila tuluyang umalis.
Mabuti nalang at lumabas sila dahil allergic ako sa mga taong maaarte at masyadong mataas ang tingin sa sarili.
Sa totoo lang wala naman talaga akong gagawin dito sa CR. Gusto ko lang talagang pakalmahin ang sarili ko dahil namamawis at nanlalamig na ang mga kamay ko na tanging nangyayari lang sa twing di ako mapakali. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang Part II ng training.
"Wag kang kabahan. Kahit anong mangyari, hindi ka nila masasaktan dahil nandito ka sa sarili mong panaginip." Madiin na sabi ko habang nakatingin sa reflection ko sa salamin.
Tumalikod ako at akmang aalis ng mapansin ko ang nabubuong letra sa salamin.
Hindi kaya prank lang toh?
Tiningnan ko ang bawat cubicle kung may tao subalit wala akong nakitang sinuman na mamaaaring kumontrol dito.
Muli kong binalingan ang malaking salamin at binasa ang nakasulat.
They keep secrets locked away,
And you pass through them each day.
For each one there is a key,
They respond to sesame.
"Ano to, Kalokohan? Konti na lang mapapaniwala na ko." Wika ko sa sarili saka tuluyang tumalikod.
Naglalakad ako papunta sa garden upang puntahan sila Kevin ng mapadaan ako sa Canteen at agad na napatigil ng makita ko na naman yung Riddle at ngayon ay nakasulat ito sa glass wall ng canteen. Nakita ko rin ang repleksyon ko rito tulad ng nangyari sa CR kanina.
Tumingin ako sa paligid kung nakikita ba nila ang nakikita ko subalit dinadaanan lang nila ito na parang walang nakikitang kakaiba.
"Kinokontrol na yata ako ng pag-iisip ko." Bulong ko sa sarili at muli na namang tinalikuran iyon.
***
"Nakakabwiset talaga yung nagturo sakin kanina sa training! Tss! Ipahiya ba naman ako sa mga babaeng nanonood sakin!" -Kevin
They keep secrets locked away. Ano yon, Baul? Treasure Chest?
"Hahaha! Wala ka pala eh. Ako nga parang type nung nagturo sakin. Kunin ba naman yung number ko pagkatapos ng training!" - Dianne
You pass through them each day. Ano kaya, Library? Ay hindi naman naman ako madalas dun. Classroom? Canteen? Baka naman Dorm room? The heck, ang dami-dami kong dinadaanan at pinupuntahan araw-araw, Iisa-isahin ko pa ba naman yun.
"Eh sayo? Kamusta naman ang training mo Shan?"
For each one, there is a key.
"Shan?"
They respond to sesame.
"SHAN!!?"
"Ay Sesame! Bakit ka ba nanggugulat?"
Istorbo naman oh. Kita namang may iniisip yung tao.
"Kanina ka pa kasi namin tinatawag eh. May problema ba?"
"Wala. Alis muna ko. May gagawin lang." Nakatalikod na wika ko sabay taas ng kanang kamay para sabihing bye.
Siguro kailangan ko munang sagutin ang mga katanungan ko.
Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa...
Teka nga.
Muli akong lumingon at nakita ko silang nakatingin parin sakin.
Dali-dali akong bumalik upang manghiram ng isang bagay na makakatulong sakin.
"Dianne, peram nga ako ng salamin!" Maawtoridad na utos ko.
Ang kaninang nakunot nilang noo ay napalitan ng ngisi.
"Uy! Dalaga na sya, Magpapaganda ka no?" Pang-aasar ni Dianne sabay taas baba ng kilay.
"Pahiramin mo na. Baka magbago ba ng isip." Segunda ni Kevin sabay ngisi rin.
Ano bang problema sa mga taong to?
Pinahiram ako ni Dianne ng pocket mirror at tama nga ang hinala ko.
Unti-unti itong nagkaroon ng sulat at lumabas ang riddle na kanina pa gumugulo sa isip ko. Sa likod ng riddle ay nakikita ko ang aking repleksyon.
"Tingnan mo nga. Anong nakikita mo?" Tanong ko kay Kevin sabay harap sa kanya ng salamin.
"Ahmm. Isang lalaking may napakagwapong mukha na nagngangalang Kevin" proud nitong sabi at nagpa-pogi sign.
"Wow! Pogi, asan? Patingin nga baka namamalikmata ka lang."
At pinag-agawan ng dalawa ang salamin.
"Akin na nga." Sabay hablot ko ng salamin sa kanilang dalawa.
"Balik ka ulit bago magsimula ang training ah!" Pahabol na sigaw ni Dianne.
Tinitigan kong mabuti ang riddle sa salamin na para bang kusa nitong sasagutin ang tanong.
*can keep a secret
*pass through them each day
*each one has a key
Sa kakaisip ko sa bagay na iyon, di ko na namalayan na nakarating na pala ako sa Dorm room namin. Kinapa ko sa bulsa ng suot kong pantalon ang susi at akmang isusuot ito sa butas ng door knob ng bigla akong natigilan at tinitigang mabuti ang bagay na nasa harapan ko. Ibinalik ko ang tingin sa salaming hawak ng aking isang kamay at di ko namalayang nabanggit ko na pala ang sagot na pumasok sa isip ko.
"Doors"
Hanggang sa bigla ko nalang naramdaman ang isang pamilyar na pakiramdam ----- ang pakiramdam noong higupin ako ng painting at dalhin ako sa lugar na ito.
★◀▶★◀▶★◀▶★◀▶★◀▶★◀▶★◀▶★
~Jeshinea
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top