Chapter V: Section
"What the Heck! Hindi ko susuotin yan noh. Ano tingin mo sakin Cheerleader!" Inis na sabi ko.
Never nga ko nagsuot ng short na di umabot sa tuhod tapos papasuotin nila ko ng ganyang palda na kulang na lang makita na singit mo once na yumuko ka. Pampokpok na damit yan eh.
"Oh I think that I found myself a Cheerleader~" kanta ni Jai
"Sige na! Suotin mo na sigurado ako, Bagay yan sayo dali na!" sabi nito habang itinatapat sa mukha ko yung uniform na napaka-iksi.
"Ayoko nga sabi! Bakit ba ang tigas ng ulo mo! Nakakainis ka na ah!" Sigaw ko bago padabog na tumayo. Letcheng uniform yan. Yung dati ko ngang school di ako nahsusuot ng palda eh, Tapos ngayon pipilitin nila ko. Bahala na sila wala naman akong pake sa sasabihin at iisipin nila basta ako gagawin ko ang lahat makaalis lang sa lugar na 'to, sukdulang suwayin ko ang lahat ng rules dito. Bwiset na panaginip yan, Di pa ko magising ng matapos na ang lahat ng ito.
Sya nga pala, ngayon ang unang araw na magiging estudyante ako sa kakaibang paaralan na ito. Hindi rin ako nakauniform dahil ayoko. Wala naman silang magagawa dahil ako ang batas para sa sarili ko. Kung sa dati kong school nagpapakabait pa ko dahil isa lang akong hamak na iskolar, pwes ibahin nyo ngayon dahil una palang ayoko na sa paaralang ito. Ayokong tumagal dito dahil baka bumaba ang tingin ko sa sarili ko.
Kabilang nga pala ko sa section W, stands for Walang kwenta. Yun yung mga estudyanteng may Puting brooch at may level na 29 pababa. At dahil bago pa lang ako Kaya Hindi pa ako nabibigyan non. Si Jai naman ay nasa S Section/Silver. Yun rin ang kulay ng Brooch nya dahil level 54 na ang kapangyarihan nya. Speaking of Jai, na-offend ko yata sya kanina. Hindi ko naman sinasadyang sigawan sya, masyado lang talaga akong nadala ---- Teka nga, bakit ba ko nagpapaliwanag eh hindi ko pa naman sya kaibigan. Kakikilala pa nga lang namin eh. Hay bahala na nga!
"Aww!" sabi ko ng mabangga ko ang isang tao.
"Sorry. Di ko sinasadya. May humahabol kasi sakin kanina. Di na kita nakita sa kakamadali ko" sabi ng lalaking nakabangga ko.
Pag-angat ko ng tingin, sumalubong sakin ang mga mata nitong kulay lila.
"Ok lang!" plain kong sabi sabay pagpag sa damit ko
"Wait! Hindi ka taga-rito. Sabihin mo, isa ka bang espiya. Isa pa, hindi ka naman naka-uniform para sabihing dito ka nag-aaral." naniningkit ang matang tanong niya.
"Wala kong pake sa nararamdaman mo." sagot ko sa tanong nya sabay talikod. Hindi ko naman trabahong magpaliwanag sa kaniya dahil una sa lahat hindi ko naman sya kilala. Saan na ba kasi yung Section na yon? Putek naman oh.
"Hoy, sandali! Sino ka ba?" naghihinalang tanong nya sabay harang sa dadaanan ko.
"Tabi dyan! Hahanapin ko pa section ko!" naiinis na ko sa isang to. Di ba nya alam na istorbo sya sa buhay ko.
Napansin ko ang pagtingin nya sa dibdib ko.
"Wala kang brooch. Kung dito ka nag-aaral, ibig-sabihin bago ka at kabilang ka sa White Section" Konklusyon nya.
Isa lang ang masasabi ko, na Isa syang dakilang pakialamero.
"Oo! Kaya pwede ba tumabi ka sa daan ko dahil napakalaki mong harang." napaawang ang bibig nya sa sinabi ko at ginamit ko yung pagkakataon para lagpasan sya.
Nang mahanap ko na ang Section ko ay may nakita akong guro sa unahan. Pagkakita nya sa akin ay biglang kumunot ang noo nya.
"Ikaw ba yung tinutukoy ni Master Gregor na bagong studyante?" maayos na tanong nito
Master Gregor? Si tanda ba yung tinutukoy nya?
"Yes I am"
"Bakit hindi ka naka-uniform?"
"Wala pa kong uniform"
"Huh? Pano mangyayari yon eh--- Nevermind. You may introduce yourself" sabi nito at lumakad papunta sa table nya.
Lumakad naman ako papunta sa gitna. Nagulat pa ako sa mga mukhang nakatingin sakin.Parang bigla akong nakaramdam ng ilang sa mga tingin nila. Hindi ko ineexpect ang ganito. Totoo ba yan o pakitang tao lang dahil may guro sa unahan? Lahat sila ay nakangiti at makikita mo sa mga mata nila ang sinseridad.
"G-Good Morning. Shan Aleatorio nga pala pangalan ko." sabi ko at umiwas ng tingin dahil napansin ko ang unti-unting pagbabago ni reaksyon nila. Sabi ko na nga ba, pakitang tao lang ang mga mukhang yan eh.
"Oh! Shan as in S-H-A-N?" tanong ng teacher.
"Yes"
"Wow. May kapangalan ka kasi. By the way, Welcome to the White Class. Ano nga pala ang Magic type mo?"
Eto ang tanong na pinakaiiwasan ko sa lahat. Sabagay, wala naman silang magagawa kung sabihin kong wala akong kapangyarihan. Baka ito na rin ang daan para makaalis na ko sa lugar na to.
"I don't have powes or special abilities." diretsahang sabi ko habang nakikipag-titigan sa teacher.
"Hahaha. That's impossible. Everyone in this world possess a magic or powers. Maybe hindi mo pa nagagamit or hindi mo pa kayang kontrolin. Malalaman din naman natin yan! Sige na, you may now take your seat"
Kahit gaano pa katagal ang hintayin hindi nyo pa rin iyon malalaman dahil wala naman talaga kayong aalamin. Malay ko ba kasi sa matandang yon kung bakit ayaw pa kong paalisin.
Ibinalik ko ulit ang aking tingin sa mga estudyante at ngayon ay nakangiti na ulit sila. Ano bang meron sa section na to? Iginala ko ang aking mga mata para humanap ng mauupuan. Subalit napansin ko na nasa 25 lang ang mga estudyante sa loob ng room na ito. Pinili ko ang bakanteng upuan na nakapwesto sa may bandang dulo, malapit sa Bintana.
"By the way I am Mentor Sheena Chadwick, And I am a summoner"
***********************************************
"The Kingdom Beveridge commenced when Reina Cantrell discovered about the ball of powers. Reina is a famous and a great scientist. During that time, she was facing a huge problem due to the sudden disappearance of her husband. One night, she was walking out of nowhere when she saw a colorful Meteor coming on her way. She runs toward the opposite side and hide on a huge tree. She heard a loud sound and the ground started to shake. When the shaking of the ground stopped, she walks toward the meteor and she was mesmerised by what she saw. It is not a meteor but a glowing big sphere full of little spheres inside with different colors. She also noticed the different symbols written on each little sphere. Afterward, she decided to get the big sphere. She brought it to her laboratory for examination. A month had passed but she discovered nothing. Until one day, the big sphere accidentally shattered into pieces and the little spheres flew to different directions until it lost her sight. She was flabbergasted then she noticed one of the little sphere left and it was floating in front of her. Its color is divided into two. The left part has a color of gray while the other side is a transparent one. Confusion is written on her face. She lift her arms to touch the sphere until she felt the electricity flowing through her veins. The little sphere disappeared then she lost her consciousness." at Isinara ni Ma'am Sheena ang librong binabasa nya.
Hindi ko alam kung bakit, pero nakaramdam ako ng excitement dahil sa pagkukwento nya. Naeexcite akong malaman ang mga sumunod na pangyayari kahit alam ko naman na hindi talaga ako kabilang sa mundong ginagalawan ko ngayon.
"Ma'am Bakit kapangalan nya yung pinaka-unang queen tho' iba lang ang surname.?" tanong ng isang babaeng classmate ko.
"Actually sya nga ang pinaka-unang reyna sa ating kasaysayan. Masasagot ang mga tanong nyo next meeting dahil it's already time... Class dismiss"
Natapos ang klase ng wala akong kinakausap sa mga ka-section ko. Palabas na sana ako ng room namin nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
"S-shan--ay este Ms. Aleatorio!"
Lumingon ako at nakita ko yung babaeng nasa bandang unahan.
"Ako nga pala si Dianne Vermosa, tumatayong representative ng section natin! I am a Dream Leaper. Welcome to the family." Sabi nito at lumapit sa akin at nakipagkamay.
Napansin ko rin ang ngiti ng iba kong kaklase, ibig sabihin totoo yung pinapakita nila kanina. Pero bakit naman nila ako tatanggapin eh hindi pa naman nila ako lubusang kilala? Paano na lang kung isa pala akong spy? Ganun ba talaga sila kabilis magtiwala?
"Actually, nahihiwagaan kami sayo! Pero di naman ibig-sabihin na ipagtatabuyan ka namin." Sagot ng lalaking nasa bandang gilid ko lang.
"Sya nga pala, ako naman si Kevin Claine! Isang plant Manipulator! Di bagay sakin power ko noh? Feeling ko kasi pambabae! Haha" dugtong pa nya at nakitawa naman si Dianne sa kanya.
"Haha. Ayaw mo kasi maniwala, mas bagay talaga sayo maging babae" pang-aasar ni Dianne
"Lol. Wag na"
++++++++++++++++++++++
JeshineaTheWriter
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top