Chapter IV: DOD


Pagkapasok na pagkapasok ko sa dorm namin, sinalubong agad ako ng nakasimangot na mukha ni Jai. Teary-Eyed itong nakatingin sakin na sinamahan pa ng pagtulis ng kanyang nguso.

"Sabi ko hintayin mo ko, Pero iniwan mo pa rin ako. Ganyan naman kayo lagi, sanay na sanay kayong sinasaktan ako!" Nagdra-drama nitong sabi at pagkuwa'y nagpunas ng luha.

"Ano na namang drama yan?" Bored kong sabi sa kanya. Kailan pa sya naging artista?

"Ikaw pa nga lang ang pinakaunang dormmate ko, tapos iiwan mo ko. Sabi ko hintayin mo ko, pero di mo parin ako hinintay, ayan tuloy, wala kang kasamang namili"

"Bigti ka na!" sabi ko sa kanya sabay diretso sa upuan upang ilapag ang mga gamit kong pinamili.

"Waahhh! Ang harsh mo lagi sakin!" umaatungal na sabi nya.

"Ano bang ine-expect mo, Lalapitan kita at patatahanin tapos sasabihin kong magiging ayos lang ang lahat? Ano tingin mo satin, Artista sa isang Teleserye? Hoy kahit wala kaming TV dati, alam ko ang mga dramang ganyan!" Plain kong sabi.

Hahakbang palang sana ako papunta sa kwarto ko ng bigla nyang hawakan ang kamay ko.

"Wahhh, joke lang yun ito naman, Ineexpect ko kasi na babatukan mo ko at sasabihang tumigil sa kadramahan! Hehe!" Nagpapalusot nyang sabi sabay kamot sa batok nya.

Magsasalita pa lang sana ko ng marinig ko ang ugong ng speaker na nakakabit sa bandang itaas o sa may kisame, kasunod nito ang anunsyo ni Tanda.

"Headmaster speaking. All students are required to proceed at the school's lyceum at exactly 5 oclock this afternoon for some announcements. I repeat, All students are ------"

Hindi na natapos ang pag-uulit ni Tanda sa kanyang anunsyo nang tumingin si Jai sa orasang nakakabit sa kanyang braso, nanlaki ang mga mata nya sabay hila sakin.

"Teka, Bakit ka ba nagmamadali!? Saan ba tayo pupunta?"

"Hindi mo ba narinig? Pinapatawag tayo sa lyceum"

"Hindi ako bingi kaya automatic na narinig ko yon. Eh bakit ka ba nagmamadali, May kalahating oras pa naman ah?"

"Ano ka ba, once na nagbigay ng oras ang Headmaster, automatic na rin na 15 minutes bago yung binigay nyang time, dapat nandun na tayo. Ayokong parusahan noh. Geez" sabi nito at umakto pang nanginginig sa takot.

Hanga na talaga ko dito sa babaeng to. Kanina lang akala mo namatayan kung magdrama, ngayon naman daig pa ang headmaster kung mangaral.

********

Pagkarating nga namin sa sinasabing lyceum ay halos mapuno na ito ng mga estudyante. Sa sobrang laki ng lyceum na ito ay hindi ko talaga ineexpect na ganito ang mga nag-aaral dito, yung tipong hindi nila alam ang ibig-sabihin ng Filipino time. Hindi rin nagtagal at nagsimula nang magsalita si Tanda.

"You are all gathered here to witness the punishment that we are going to impose as a payment for his unhonest act that may lead the kingdom to our downfall. He is a spy from the opposite kingdom and serves our rival. He is a totally traitor, a backslider, a double-crosser and such thing. He is going to imprison on the Dungeon of Death wherein no one could possibly escape. This was legally approved by the higher positions. Now, let this incident serve as a lesson to all of you."

Pagkatapos magsalita ni Tanda ay bumulong ito sa hangin ng kung ano mang bagay na hindi ko naintindihan. Makalipas ang ilang minuto ay may bumukas na bilog sa itaas at nagliliwanag ito ng kulay asul. May kung ano ring simbolo ang nakaukit sa gitna ng bilog na iyon. At maya-maya pa ay narinig ko ang napakalakas na sigaw ng lalaking kanina lang ay bitbit ng mga kawal at may kadenang nakakabit sa mga braso at paa nito. Puno ito ng sugat na para bang nilatigo ito ng nagbabagang apoy. Hanggang sa di ko namalayan na bigla nalang nawala sa paningin ko ang lalaking iyon kasabay ang unti-unting pagkawala ng nagliliwanag na bilog sa itaas. Naglaho ito ng parang bula.

Nais ko sanang tanungin si Jai kung ano ang nangyari kaya lang pakiramdam ko, sa oras na magsalita ko ay maririnig ng lahat ang sasabihin ko dahil sa sobrang katahimikan.

Matapos ang ilang sandali ay muli na namang nagsalita si Tanda.

"I hope he is the last person that is going to sent in the Dungeon of Death. You may now proceed to your designated room"

Pagkatapos magpaalam ni Tanda ay nagkanya-kanya ng alisan at bulungan ang mga estudyante.

"My Gosh! May bago na namang traitor. Sana mamatay na silang lahat!"

"Tama ka dyan sis. Salot sila sa Lipunan"

"OO nga. Kaya lang, I felt sorry for that traitor. Sayang lang ang handsome face nya"

"Pwede mo naman syang samahan sa Dungeon of Death if you want."

"Nevermind! Kunwari wala akong narinig."

Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang ano mang pinagsasasabi nila bagkus ay nagpatianod na lang ako sa paghila ni Jai



++++++++++++++++++

JeshineaTheWriter


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top