Chapter III: Black Bracelet and Silver Necklace

"Sya nga pala, paano ba 'ko makakakuha ng pera dito?" Tanong ko kay Jaishi. Kailangan ko na kasi bumili ng damit. Hindi ako tatagal dito kung tatlong piraso lang ang damit ko.

"Teka, teka... wag mong sabihing galing ka sa mortal world?" gulat na tanong ng kasama ko.

"Eh ano naman? Kung ako sayo, wala akong pagsasabihan nyan kun'di lagot ka kay tanda!" Nakalimutan ko na sinabihan pala ko non na walang makaka-alam ng tungkol sakin pero anong magagawa ko, alam na ng babaeng to. Siguro naman hindi nya ipagkakalat diba?

"Ok?" alanganing sabi nya.

"Oh ano nga?" tanong ko habang sumusubo ng fruit salad.

"Huh?" nakakunot noong tanong nya. batukan ko kaya to ng matauhan.

"Aisst. Yung pera kamo?" napapakamot sa ulong sabi ko. Ang hirap naman nitong kausap.

"Ahh! Hehe. wala kasi kaming perang ginagamit dito"

"Huh? eh anong pinangbibili nyo?"

Pwede pala yun. Astig! sa lugar ko kasi halos pera na ang nagpapatakbo ng mundo.

"Points, points ang pinangbibili namin dito." sabi ni Jaishi, Jai na nga lang para madali.

"Anong points?"

"Kasi tayong mga estudyante, hindi na natin kailangang magtrabaho. Meron kasi tayong parang allowance, Basta qualified ka or naka-enroll ka sa academy. Ang allowance ng isang simpleng estudyante ay 3000 points a week. Pero sa bawat activity ng school na sasalihan mo, or pagnagtaas ang rank/level mo, padagdag din ng padagdag ang allowance mo. Ang mga estudyante dito sa school ay may kanya-kanyang level base sa lakas ng kapangyarihan nito. Ang pi---"

"Teka, teka.. Hinga muna." sabi ko at iniharang ang kamay ko sa mukha nya kaya bigla na lang sya napatigil.

"Wahhh! nakakainis ka, F na F ko na yung pagkukwento, tapos bigla kang sisingit." nagmamaktol na sabi nya kaya hindi ko na napigilan na mapatawa ng malakas..

"Hahaha... O sya Game na." sabi ko sabay punas sa mata ko.

"Ganito kasi, Ang pinakamataas na level na maaaring makuha ng isang charmer ay 99, but so far wala pa namang nakakaabot dun except for the very first queen, Queen Reine. Mapapansin mo naman yun sa suot nilang Brooch na nakalagay sa may kaliwang bahagi ng dibdib nila. May apat na klase tayo ng brooch. Bronze para sa mga level 30-49. Silver naman sa mga nasa 50-69, Gold sa mga 70-89 at Black naman sa mga nasa 90-99. At para sa mga level na hindi nasama sa binanggit, which is yung level 1-29, meron silang kulay puting pin. At Silver card naman ang tawag sa pinaglalagyan ng points. Katulad yun ng ATM sa mortal world, alam ko yon kasi nakarating na 'ko sa mortal world." mahabang pagpapaliwanag ni Jai.

"San ko naman makukuha yang silver card na yan?" tanong ko sa kanya habang tinatakpan ang tupperware na ginamit ko. Ubos ko na kasi yung salad eh.

"Huh? Wala ka pa ba? Ang alam ko pagkinausap ka na ng HM ibibigay na agad yun sayo?" nagtatakang sabi nya. Napaisip naman ako sa sinabi nya.

"Ah, baka nandun sa Box na binigay sakin ni tanda kanina, mga gamit daw yun sa school eh."

"Oh, andun yon for sure. Ang alam ko May laman na agad yung silver card na 3k points"

"Ah ganun ba, Salamat!"

Akmang papasok na ko sa kwarto ko ng magtanong ulit sya.

"Ano nga palang powers mo?"

Akala ko ba nagkakaintindihan na kami nitong taong to? Galing nga ko sa mortal world diba?

"Wala" Plain na sabi ko at agad namang nanlaki ang mata nya.

"Wala? Niloloko mo ba ko?" di makapaniwalang sabi nya

"Wala nga." seryosong sabi ko bago tuluyang pumasok sa kwarto ko.

Hinanap ko kaagad yung box na ibinigay ng HM kanina, at binuksan. Merong uniforms, books, at iba pang school supplies ang naroon. At sa pinaka-ilalim ay nakuha ko ang silver card. Nilagay ko ito sa bulsa ko at muling lumabas ng kwarto.

"Jai saan dito may palengke, mall or kung ano mang pwedeng bilhan ng mga gamit?" tanong ko kay Jaishi na ngayon ay may subo-subong lollipop at mukhang malalim ang iniisip.

Hindi ako pinansin nito kaya hinigit ko ang lollipop nito at muling nagtanong. Buti naman at sumagot sya, actually mukhang tuwang-tuwa pa sya.

"Wahh! Shan sasama ako sayo. Gusto ko ring magmall. Dito ka lang at magbibihis lang ako saglit!" sabi nya at kaagad tumakbo papuntang kwarto nya. Hanep hindi man lang hinintay yung sasabihin ko. Bahala na nga sya.

Lumabas ako at nagtingin-tingin sa paligid. Siguro panaginip lang to. Kasi wala naman talagang ganitong mundo. Masyadong malayo sa katotohanan, dahil para itong isang napakagandang modern na paraiso. Bakit ba ganitong klaseng panaginip ang napuntahan ko? Pwede namang about sa past, nung buhay pa yung pamilya ko. Pwede rin namang about sa Gang war, mas gusto ko naman yun kasi action. Mahilig talaga ako sa action ever since.

As a proof, kasali sa gang ang mga kaibigan ko dati [Harold, Jerick at Aron] and they treated me as one of them although hindi naman talaga. I have an image to protect dahil isa lang naman akong scholar noon kaya hindi ako pwedeng masangkot sa mga gulo. But unlike other Gangs, yung gang nila dati ang masasabi kong nasa positive side. They built that gang with the aims of protecting anyone na walang kakayahang lumaban. And that was the reason behind my capability on fighting and handling different weapons.

Masyado akong nalibang kaya napatigil na lang ako sa paglalakad ng mapansin kong nakalayo na pala ako sa school. Siguro dapat nagpasama nalang ako kay Jai ng kahit papano ay may tour guide ako.

Nagpatuloy pa ako sa paglakad hanggang sa makarating na ako sa parang bayan. May ibat ibang stalls rin akong nakita. Medyo marami ring tao ngayon dito at ang lahat ay abala sa kanilang mga ginagawa. Pumasok ako sa isang stall na may nagtitindang mga damit at sapatos. Bumili lang ako ng ilang pirasong t-shirts, maong pants, pajamas, undergarments at sapatos. Lumabas ako sa tindahang yon matapos kong bumili at nagikot-ikot pa.

Sa pag-iikot ko dito ay may mga nadaanan akong ilang tao na gumagamit ng kanilang kapangyarihan na para bang sanay na sanay na sila at parang normal lang sa kanila ang lahat. May mga nadaanan rin akong nagtitinda ng mga kakaibang bagay na di ko mawari kung ano, hanggang sa mapadaan ako sa isang tindahan na may pangalang Magical Jewelry Store.

Pumasok ako dito at tumambad sa akin ang maraming jewelries na nakasalansan pa sa kanya-kanyang glass container.

Mukhang mga normal Jewelries lang naman ang mga ito, siguro pinaganda lang ang pangalan ng store.

Iniikot ko ang aking paningin at dumako ito sa isang itim na bagay. Nilapitan ko ito at tiningnan.

Ang ganda.

Simple lang pero hindi ko alam kung bakit gandang ganda ako sa bagay na 'to. Isa syang itim na bracelet na may simpleng disenyo. May bilog ito sa gitna na hindi ko alam kung para saan, or sadyang disenyo lang yata iyon.


"Gusto mo ba yan? Ibibigay ko na lang yan sayo ng 200" nakangiting sabi sakin ng babaeng mga nasa mid30s

"Ah sige po. Kukunin ko yan" sabi ko at kinuha ang silver card na nasa bulsa ko sabay abot sa babae. First time ko makahawak ng tatlong libo. Although points sya pero parang pera na rin naman sya.

Mukhang mauubos ko ang laman ng silver card na ito sa loob lang ng isang araw. Bahala na nga. Panaginip lang naman ito kaya susulitin ko na. Buti pa dito may pera ako.

Pagkabalik sa akin nung silver card ay bigla na lang tumalikod yung babae at mukhang paalis.

"Sandali lang po!" lumingon sa akin yung babae ng nakakunot ang noo.

"Hindi nyo pa po ibinibigay yung binili ko." sabi ko at mas lalong kumunot ang noo nya.

Nasa glass container pa kaya yung binili ko. Ayoko namang dalhin yung glass container dahil dalawang ruler ang haba nito pero isang bracelet lang naman ang laman.

"Bago ka ba dito?"

"Ah opo, ganun na nga"

"Ah ganon ba. Kunin mo na lang dyan sa glass container" nakangiti nyang sabi at saka muling tumalikod.

Tiningnan ko yung glass na lagayan pero parang wala namang bukasan. Akmang hinawakan ko ito ngunit nagulat ako ng biglang tumagos yung kamay ko sa glass container kaya nakuha ko yung bracelet na binili ko sa loob nito.

Tiningnan ko ang hawak kong bracelet pero mukhang maluwag ito. Isinuot ko ito sa kamay ko at mas nagulat ako ng bigla itong lumiit at sumakto sa kamay ko. Napansin ko rin na nagliwanag ang bilog nito sa gitna. Ang kaninang simpleng bilog ay umilaw ng kulay asul. Tinitigan ko ito ng may nanlalaking mata at bagsak ang panga. Wow, ala ben10 ang peg!

Dahil sa pagkamangha ay sinubukan kong hawakan ang katabing glass container na may lamang singsing ngunit naramdaman ko ang lamig ng babasaging lagayan senyales na hindi tumagos ang kamay ko. Paano nangyari yon?

Paalis na sana ako sa tindahang iyon ngunit bigla na namang sumulpot ang babaeng nagtitinda dito. Tiningnan nya ang kamay ko kung saan nakasuot ang bracelet at bahagya syang ngumiti.

"Buti naman at nakuha mo. Sya nga pala, dahil ito ang unang beses na pumunta ka dito sa tindahan ko, Ibibigay ko na lang to sa 'yo" sabi nya sabay taas ng isang kwintas. Silver ito Hugis bituin ang pendant nito at ang limang dulo ay pinagdudugtong ng bilog na may limang kulay ng Dyamante.

Sa totoo lang hindi ako nagsusuot ng ano mang palawit sa katawan pero ewan ko ba kung bakit hindi ko matanggihan ang bigay nya. Pero sabagay pwede ko naman tong ibenta pag nagkaubusan na.

"Maraming salamat po" sabi ko na lang bago tuluyang umalis.

Habang nasa daan pabalik sa dorm ay naisipan kong isuot na lang yung kwintas dahil baka mawala ko pa. Pinagmasdan ko ito habang nakasabit sa akin leeg.

Hindi talaga ako sanay na makita ang sarili na may suot na ganito kaya itinago ko nalang ito sa ilalim ng aking damit bago naglibot upang mamili ng iba pang gamit.

**********************************

JeshineaTheWriter

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top