Chapter 1

Camora's P.O.V

"200, 201, 202, 203, 204__250" Agad akong napahiga sa sahig dahil halos nanginig ang mga braso ko at kalamnan sa kakapush-up.

"Dammit! Hindi na ba talaga ako aabot ng 300 push-up!" Pagmamaktol ko sa sarili at pagkatapos lumanghap ng hangin. Napasabunot ako sa sariling buhok dahil sa inis. Agad akong dumapa at malakas pinalo ang sahig sabay tayo.

Kinuha ko ang nakasampay na tuwalya sa gilid at nagpunas ng pawis. Pagkatapos muli na naman akong umupo sa sahig. Inipit ko ang mga paa sa baba ng pintuan kung saan may butas saka humiga. Nilagay ko ang mga kamay sa ulo at huminga ng malalim. Sinimulan ko ang pagsit-up habang nagbibilang. I reached three hundred sit-up and I drank some water to avoid dehydration__bruh just in case. I roamed my eyes and I grinned when I saw my babies.

Okay then! Let's proceed to my favorite routine. Oh yeah, these are my routine in every morning. As I take my double knife I immediately went outside.

Nalanghap ko naman ang preskong hangin. Napapikit ako dahil sa bango ng paligid. Mga dahon, mga kahoy, at sapa ang nasa paligid ng munting bahay ko. Mas pinili namin ni Papa na tumira sa gitna ng gubat at nasa bukid kami ng Hudson. Mas maganda kasi kapag sa bukid titira. Walang gulo at walang sakit sa ulo. But sad to say, my father wasn't here. He is the leader of Redeemer guild, so he's now in the palace. And my mom? She died when I was born.

I opened my eyes and I immediately ran away from my house. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo at nadaanan ko naman ang matatayog na puno. I smirked at agad akong nag tambling patagilid sa ere habang nakahanda ang mga kamay kong nakahawak ng mga kutsilyo. Habang nasa ere ako, agad kong pinakawalan ang mga kutsilyo. Naglanding ako sa lupa at deretso namang naitukod ko ang isa kong tuhod. Marahas kong binalingan ang puno na nasa kanan at nakita ko ang isang dahon na nakadikit sa katawan nito dahil sa kutsilyo kong nakatarak. Napangisi ako. Binalingan ko naman ang kaliwang puno at mas lalo akong napangisi dahil nakatarak din ang isa ko pang kutsilyo.

Agad kong inapak sa lupa ang paa kong nakaluhod at agad nagback-flip. Sa aking paglanding, mabilis akong tumakbo papunta sa kanang puno at agad kong binunot ang kutsilyo. Mabilis akong tumalon at buwelo ng sipa sa kabilang katawan ng puno. Narinig ko naman ang paghulog ng mga dahon kaya mabilis kong binaling ang mukha sa gilid at deretso ang tingin ko sa mga dahon. Mabilis kong pinakawalan ang kutsilyo kasabay ng pagtanggal ng tali ko sa dark brown kong buhok. Paglapag ko sa lupa mabilis din akong nag tambling ng apat na beses papunta sa isa pang puno kung saan nakatarak ang isa ko pang kutsilyo. Mabilis ko naman itong binunot at agad nagback-flip. Naglanding ako sa lupa at mabilis kong dinulas ang paa papunta sa likod sabay wasiwas ko ng kutsilyo. Agad akong tumayo ng tuwid at dineretso ko ang aking kamay na may hawak na kutsilyo sa aking likod. Marahas kong binalingan ng tingin ang dahon na ngayon ay nagkapira-piraso.

Tiningnan ko naman ang isa ko pang kutsilyo at nakita kong nakatarak ito sa kahoy na may tatlong dahong natuhog. Napangisi ako ngunit agad ding sumeryoso nang may naramdaman akong tao sa paligid. Napapintig ang mga tenga ko nang may narinig akong pinakawalan na palaso. Mabilis akong tumagilid ng kaunti at nakita ko naman ang palasong dumaan sa aking harapan. Agad kong hinagis ang aking kutsilyo at sabay ang mga itong tumarak sa katawan ng puno. Dikit na dikit ang kutsilyo ko sa palaso.

"Bull's-eye!" Usal ko at ngumisi. Narinig ko naman ang pagpalakpak ng taong nasa aking likuran at sa kanya nanggaling ang palaso.

"You never failed to impress me Camora. Until now dala parin 'yang husay mo sa paggamit ng kutsilyo" Komento niya kaya mas lalo akong napangisi.

"Of course My dear charming friend Davis. Just like you" Sang-ayon ko at nilingon siya. I shrugged habang nakangiting nakatingin sa kanya at agad din siyang ngumiti.

"Dang girl! Look at you, you look more gorgeous as hell" Hangang sabi niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Napairap nalang ako. He's Davis Hubert, 27 years old and he is my only friend since birth. He has brown hair and eyebrows but not totally brown. Blue eyes, pointed nose, kissable pinkies lips and stubborn jawline. Matangkad siya kaya hanggang baba lang ako sa kanya. Mahusay siya sa paggamit ng pana at ako naman sa kutsilyo.

He and his parents were our former neighbor here before but they moved to the city last year. As I know, he is one of the members of my father's guild.

"Owh boy, don't fool me" Walang gana kong sabi at tinalikuran siya. Nilapitan ko ang isa kong kutsilyo sa isang puno at binunot ito. kinuha ko rin ang isa pang kutsilyo pati na ang palaso sa isa pang puno.

"Why are you here by the way? Kumusta si Papa? He didn't visit me since last month" I asked. Hinarap ko siya muli at nagsimulang naglakad papalapit sa kanya. My forehead puckered when his expression turned into gloomy.

Huminto ako sa harapan niya at sinuri ng maigi ang kanyang mga mata. Nakita ko doon ang kalungkutan at awa.

"What happened? What happened to my father Davis?" Malamig kong tanong sa kanya. Kumurap siya at tumalikod. Katahimikan naman ang namayani sa paligid ngunit sa muli niyang pagsalita ay parang isang tunog ng kampana iyun sa buong gubat.

"P-patay na siya Camora, kasama niyang namatay ang Hari. Pinatay sila ng mga Insurgenist" Mahinang sabi niya ngunit para iyung bombang sumabog sa pandinig ko. Bahagya akong napaatras. Parang nawalan ako ng hininga. Si P-papa__pa-patay na? Huminga ako ng malalim. Umiling ako ng dalawang beses dahil parang nandilim ang paningin ko. Bakit ang Papa ko pa? Humigpit ang pagkahawak ko sa mga kutsilyo dahil sa namumuong galit sa dibdib ko. How dare them. Nagkamali silang pinatay.

Naramdaman kong uminit ang mga mata ko, pati na ulo ko at dibdib. Parang gusto ng sumabog ang buong katawan ko. Hindi ako makahinga.

"Ahm look. Camora I-I'm sorry for_" Napatigil siya sa pagsalita nang humarap siya muli sa akin. Mas lalong humigpit ang pagkahawak ko sa mga kutsilyo. Nakita ko naman sa mga mata niya ang takot.

"C-camora I know you're not okay but please calm yourself" Mahinahon niyang sabi at naramdaman kong dumapo ang mga palad niya sa pisngi ko. Agad kong pinigilan ang namumuong emosyon sa aking dibdib. Huminga naman siya ng malalim.

"Okay, pwede mong ilabas ang naramdaman mo ngayon. Umiyak ka kung gusto mo" Masinsin niyang sabi. Marahas kong inalis ang mga kamay niya sa pisngi ko.

"Ever since you knew that I never cry" I said with a cold voice and I passed him.

"Pero iba ngayon Camora! Namatay ang Papa mo. Hindi ka ba nasasaktan?! Hindi ka ba magluluksa?!" Tumaas ang boses niya habang sumunod sa akin. Di ko lang siya pinansin at binilisan ang paglalakad.

"Alam kong nasasaktan ka pero ayaw mo lang itong ipakita. Why don't you try to show it off? Umiyak ka para maipalabas__"

"Bakit gusto mo akong umiyak?! Bakit gusto mo akong magluksa?! Gusto mo bang iiyak ako ng husto at magpapakamatay dahil sa sakit?! Gusto mo bang sumpain ko ang buong mundo dahil nawala ang pinakamamahal ko sa buhay?!" Pasigaw na sunod sunod kong tanong sa kanya at marahas ko siyang nilingon habang nag init ang dugo dahil sa galit. Napatanga naman siya at napalunok.

"N-no, not like that Camora. I just_I just want to comfort you" Bahagya siyang nautal habang nakatingin sa akin.

"Pwes! Wag mo akong pilitin Davis para di ka na mag-abala pang damayan ako. Ang umiyak ay isang kamangmangan iyun sa akin at utang na loob wag mong diktahan ang damdamin ko!" Singhal ko sa kanya. Agad ko siyang tinalikuran at tinahak ang daan pabalik sa bahay. Father said that I shouldn't let someone know my weakness. I shouldn't show off my weak side because if there's someone knows they will use it to drag you down. No matter how Davis is close to me, I still couldn't show him my weakness. It seems like there's something nagging me not to do so.

Nakarating ako ng bahay at agad naman akong pumasok. Sumunod naman siya. Binalik ko ang dalawa kong kutsilyo sa tamang lalagyan at lumapit ako sa aking kahon kung saan nakalagay ang mga damit ko. Agad akong nag-impake at kinuha ko ang iba ko pang mga kutsilyo. Sinilid ko rin ang mga ito sa malaking bag habang sunod naman ng sunod si Davis.

"Look Camora. I'm sorry okay? I promise, I won't do that again" He sincerely said. Di ko lang siya pinansin at nagpatuloy sa pag-impake but I was stopped when he held my hands.

"Please Camora, forgive me please" Malambing niyang sabi. Huminga ako ng malalim at tiningnan ko siya sa mga mata.

"Apologize accepted" Walang gana kong sabi at agad naman siyang ngumiti. Nanlaki ang mga mata ko nang agad niya akong niyakap.

"Thank you so much Camora" Masayang sabi niya at napangiwi ako dahil humigpit ang pag kayakap niya sa akin na parang nangigigil.

"Let me go Davis, gusto mo lang yata maramdaman ang dibdib ko" Naalibadbaran kong sabi at agad naman siyang humiwalay sa akin.

"Ang dumi ng utak mo, na-miss lang naman kita" Depensa niya. I swished my hand at bumalik sa ginagawa.

"What are you doing by the way?" Tanong niya. Tumaas naman ang isa kong kilay.

"Packing my things" I simply said.

"Yeah I know, but for what?" He asked. I sighed and I started to remove the fabrics tied to my arms. Lumuhod siya sa harapan ko at tinulungan akong tanggalin ang mga ito.

"Alam ko ang totoong pakay mo dito Davis. Pinatawag ako ng palasyo bilang kapalit kay Papa sa grupo. And ever since alam kong dadating ito" Kaswal kong sabi. Isa iyun sa patakaran ng mga Redeemer. Dahil ako lang ang nagiisang anak ni Papa, dapat ako ang pumalit sa kanya. Once naging leader ka sa grupo, isa sa mga anak mo ang pumalit kapag namatay ka. Kapag ang pumalit ay napaaga ang kamatayan nito at walang naging anak, ang papalit dito ay isa sa myembro ng grupo. Kagaya lang din ng mga Hari na kapag wala silang naging anak at namatay, ang papalit nito ay ang Punong ministro.

Nang natanggal na namin ang mga tela sa mga kamay ko I started to unbotton my longsleeve and as I expected, he helped me to do it. Walang malisya iyun sa amin dahil para narin kaming magkakapatid and besides, may sleeveless akong suot.

"Yun lang ba ang dahilan mo?" Napatigil kami pareho sa tanong niya.

"Alam mong hindi ako nagpapautang Davis" Seryosong tugon ko at alam kong alam niya ang ibig kong sabihin. Tumango siya at tinapos niyang hubarin ang longsleeve ko.

"You can count me in Camora, he's like my father to me" Seryosong sabi niya. Tiningnan ko siya sa mga mata at nakita kong desidido ito. Tumango ako. I prompted him to turn around and he immediately obeyed me.

Agad kong hinubad ang sleeveless ko at nagmamadaling nagpalit. Nagsuot din ako ng puting longsleeve.

"Help me here" Simpleng sabi ko at sinimulan kong bendahan ng tela ang kanan kong kamay. Agad naman siyang lumingon at umiling-iling itong tumutulong sa akin.

"Sa ganitong sitwasyon ka lang talaga humihingi ng tulong, kailan ka kaya hihingi ng tulong sa ibang bagay" Usal niya.

"Kung magyeyelo na ang impyerno Davis" Seryosong sabi ko at tumawa naman siya kaya tumaas ang kilay ko.

"Seryoso ako Camora" Natatawang sabi niya. Mas lalong nalukot ang mukha ko. May seryoso bang tumatawa?

"Gusto mo pati pagsuot ko ng underwear hihingi rin ako ng tulong sayo?" Sarkastikong tanong ko sa kanya. Nanliit ang mga mata ko nang umigting ang panga niya at tumigil sa kakatawa ngunit agad din siyang ngumisi ng nakaloloko.

"If that what you want, I don't mind anyway. Ako narin ang bibili ng underwear mo, yung may lock para di yan magalaw" Pilyong sabi niya at tinapunan ng tingin ang baba ko. Agad ko naman siyang binatukan.

"Ouch! It hurts, you know?" Reklamo niya at napahimas pa siya sa batok.

"Shut up pervert" Saway ko sa kanya. Natapos naming talian ang mga braso ko ng mga tela ngunit hindi naman umabot sa mga siko ko. Nagmukha din itong guwantes sa mga kamay ko. Sagabal kasi ang mahahabang manggas kaya tinalian ko nalang ng mga tela. Ayuko ko ring tupiin ang mga 'to.

Tumayo ako at tumayo naman siya. Siniksik ko ang laylayan ng aking longsleeve sa ilalim ng pants ko. Kinuha naman niya ang boots kong itim at agad niyang sinuot ang mga ito sa akin habang nagtatali ako ng buhok. Pagkatapos kinuha niya ang itim kong kapa at pinasuot sa akin.

"Here, wear this" Sabi niya at inabot sa akin ang itim na mask. Agad ko itong kinuha at di na nagtanong dahil alam kong isa iyun sa patakaran ng mga Redeemer. Bawat myembro ng Redeemer ay kaylangan itago ang tunay na identity kapag pumasok sa palasyo. Walang dapat na ordinaryong tao ang makakaalam kung sino ka dahil pagala-gala lamang ang mga Insurgenist. Makilala mo lang sila kung nakasuot ang mga ito ng puro itim na kasuutan at itim na mask. Sa mga Redeemer naman ay puro puti.

Sinuot ko ang mask at nagsuot din siya ng sa kanya. Pinalitan niya ang suot niyang kapa at binalot din niya ng tela ang kanyang pana. Isinukbit niya ito sa balikat niya at kinarga ang malaking bag ko. Kinuha ko naman ang dalawa kong kutsilyo at isiniksik ko ang mga ito sa gilid ng aking kapa. Nagkatinginan kami. Halos di na makita ang mga mata namin dahil sa mga telang nakatakip sa aming mukha. Lumabas kami ng bahay at nagsimulang naglakad.

"Kailan lang kinoronahan ang bagong Hari?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad.

"Pagkatapos ng libing ng Hari at ng Ama mo" Tugon niya. Napabuntong hininga ako. Di ko akalain na mas napaaga ang kamatayan ni Papa sa inasahan ko.

"So ikinasal na siya?" Tanong ko muli.

"Nope, ayaw niya daw munang magpapakasal dahil wala pa daw siyang napupusuan. Nagulat nga kami dahil akala namin walang anak ang Hari pero nagkamali kami. Napaka misteryo ng bagong Hari ngayon dahil nagsusuot ito ng gintong dragon na maskara kaya hindi namin nakikita ang mukha niya. Bibig at mga mata mo lang ang makikita. Parang walang niisa sa amin ang pinagkatiwalaan niya. Napaka sigurista niyang tao" Seryosong salaysay niya. Nangunot ang noo ko.

"Paano kayo nakasiguradong siya nga ang anak ng Hari?" Usisa ko.

"Bago nawalan ng hininga ang Hari. Nasabi niya sa Punong ministro na may anak siya at ang tanging palatandaan nito ay ang tattoo nitong dragon sa likod. At sa kasunod na araw, kusa itong pumunta sa mga Ministro at ang tanging pinakita lang nito ang likod. Mukhang tinago siya ng Hari para din sa kaligtasan nito" Napatango tango ako sa sinabi niya. That's make sense. Sa panahon ngayon, dapat maging sigurista pagdating sa mga mahal mo sa buhay. Kung ako ang Hari, ganun din ang gagawin ko. Itatago ko ang aking anak para mailayo sa kapahamakan habang hindi pa ito nagmamature.

"Saan siya nanirahan at lumaki?"

"Wala kaming ideya. Dahil matagal ng patay ang reyna, baka ipinagkatiwala ng Hari ito sa mga taong pinagkatiwalaan niya" Napatango ako. Matagal ng patay ang reyna dahil pinatay ito ng mga Insurgenist.

"Anong pangalan?"

"Ace Quevasian and he's 28 yrs old" Nangunot ang noo ko sa tugon niya. Bakit ang ikli naman ng pangalan niya? Napatingin ako sa unahan at nakita kong may dalawang kabayo doon.

"Ikaw ba ang may dala?" Tanong ko at ang tinukoy ko ay ang mga kabayo. Tango lang ang naging tugon niya.

Nang nakalapit na kami ay agad din kaming sumakay. Puti sa akin, sa kanya naman ay itim. Hinawakan ko ang renda, agad ko itong pinatakbo at sumunod naman siya. Nakalabas kami ng bukid at agad kaming nakarating sa lungsod. Tumambad naman sa amin ang maingay na paligid dahil sa mga taong pagala-gala. May nakikita akong may nagtitinda sa tabi tabi. May nagpapakita sa mga talento nila at naaliw naman ang mga taong nanunuod. Napaigtad ako nang may taong biglang bumuga ng apoy at pagkatapos may hinawakan siya na parang lubid na nagaapoy at pinaikut-ikot niya ito. Di ba siya nasusunog?

"Masanay kana dito Camora dahil ito na ang magiging tahanan mo simula ngayon" Napalingon ako kay Davis dahil sa sinabi niya.

"Di ba tayo titira sa palasyo?" Tanong ko.

"Maaari tayong titira doon at pwede din tayong titira rito" Napatango nalang ako sa tugon niya. Napadako ang tingin ko sa isang babaeng may magarang kasuutan at may dala itong pamaypay habang tumitingin sa mga paninda. Para itong prinsesa kung umasta. May dalawa namang Sentinel itong nakasunod. Nilibot ko ang paningin at may nakita rin akong kagayang manamit sa babae kanina. May nakasunod din itong dalawang Sentinel.

"Sila ang mga anak ng mga Nobliener. Hindi ligtas sa kanila ang gumagala ng walang kasamang Sentinel, baka mapapatay lang sila ng mga Insurgenist" Pahayag ni Davis. Nalukot naman ang mukha ko.

"Kung ayaw nilang mabiktima, wag nalang sana silang gagala ng nakasuot ng magarang dress. Parang sila lang din ang pumatay sa sarili nila" Ismid kong sabi. Narinig ko naman ang tawa ni Davis.

"Camora, karamihan sa kanila mas importante pa ang pagpapaganda. At matataas din ang pride nila kaya ayaw nilang magmukhang Plebeian, hindi kagaya sayo. Para kanang lalaki kung manamit eh" Sabi niya at mas lalong napatawa sa huli. Agad ko siyang sinipa dahil sa inis. Muntik naman siyang mahulog sa kabayo niya.

"Tss, kahit patong patong pa 'yang kolorete nila sa mukha di parin nila matatalbugan ang kagandahan ko" Naiusal ko. Sadyang ipinanganak lang akong maganda. No, scratch that__the word of beautiful is not good enough. Let's just say that I am the goddess of beauty.

"Wow! Humangin yata ang paligid. Pero may punto ka jan Camora. Wala talagang makaka talbog sa ganda mo" Taas noo niyang puri na may halong pang-aasar. Di ko lang siya pinansin. Umabot ng tatlong oras ng paglalakad namin sakay ng mga kabayo at natanaw ko naman ang hangganan ng lungsod.

Agad naming pinatakbo ang mga kabayo at nagsigilid naman ang mga tao. Narating namin ang hangganan at mas binilisan namin ang pag patakbo ng mga kabayo. Dumaan kami sa tahimik at patag na daan. Nakita ko namang may matatayog na puno sa unahan hanggang sa narating namin ito. Nakalabas kami ng gubat at tumambad sa amin ang malaking tulay. Isang malaking ilog ang nasa baba nito. Natanaw ko naman ang malaking tarangkahan sa kabilang dapit. Muli naming pinatakbo ang mga kabayo at agad kaming nakarating sa tarangkahan. May dalawang Sentinel namang nakabantay at may iilan din sa itaas ng tarangkahan. Pinagbuksan nila kami at tumambad naman sa amin ang labing-apat na eleganteng mga gusali. Maraming nakabantay na Sentinel sa paligid ngunit wala akong nakikitang mga taong hindi Sentinel. Bumaba kami ni Davis sa mga kabayo at iniwan namin ito sa dalawang Sentinel. Nagsimula kaming naglakad habang nilibot ko naman ang paningin.

"Itong mga gusali na'to ang tirahan ng mga taong nagsisilbi sa palasyo" Napatanga ako sa sinabi ni Davis. Ang swerte naman nila. May libre pa talaga silang bahay. Siguro'y isa sa mga gusaling ito ay bahay din ng mga Ministro at mga Redeemer.

Paglampas namin sa mga gusali isang malawak na front field ng palasyo ang bumungad sa amin. Napatanga nalang ako dahil sa eleganteng palasyo na nasa itaas na may dalawang palapag. Nakapatong ito sa may kataasang semento at may mahabang hagdanan para marating ang mismong palasyo. Tatlong hagdanan ito dahil may dalawang hagdanan na magkatapat. Mukhang U ang pagkatayo ng palasyong ito. Bawat apakan ng mga hagdan ay may mga nakatayong Sentinel.

Umakyat kami ni Davis at nakarating naman kami sa itaas. Mas lalo akong namangha dahil paligid. Pahaba ang palasyong ito ngunit napakataas din itong tingnan. Napakalaki nito. May nakita akong mga Sentinel na nakatayo sa bawat malalaking haligi at sa mga malaking pintuan. May tatlong malaking fountain naman na pinalibutan ng mga bulaklak. We walked along the pathway and we reached the hallway. We entered the huge door at bumungad sa amin ang eleganteng tanggapan. May malaking chandelier naman sa itaas at may mataas na hagdanan sa gilid. Marami rin akong nakikitang mga serbidora sa bawat sulok. Dumaan kami sa kanang bahagi at narating naman namin ang gintong pinto. Binuksan ito ni Davis at tumambad sa amin ang silid trono ng Hari. Deretso ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa gintong trono na may gintong kapa at maskarang dragon. Suot naman nito ang gintong korona. May mga lalaki namang nakaupo sa magkabilaang upuan at matatanda na ang iba. Ito siguro ang mga Ministro. Kung ganun, inasahan nila ang pagdating namin.

Pumasok kami ni Davis at dumaan kami sa gitna ng mga Ministro. Yumuko si Davis nang nakarating kami sa harapan ng Hari kaya yumuko din ako.

"My king, gaya ng inutos mo sa akin. Itong kasama ko ay ang anak ni Master Simon" Magalang bungad ni Davis. Si Simon ay ang Papa ko.

@Missloorh

Thank you so much for reading! I love you to the moon and back.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top