•Chapter 6

Behind the story Part 1.


TIME CHECK it's nine o'clock in the evening, yes mahigit tatlong oras na ang nakalipas matapos ang incident sa dining area.

Nandito ako ngayon nag stay sa guest room sa bahay ng Pamilyang Chan, hinatid ako ni Juny kanina ng matapos namin asikasuhin ang dining.

Malalim na ang gabi ngunit heto pa ako mulat na mulat at di pa tinatamaan ng antok, iniisip ko kasi kung aalis nalang ba ako or hindi.
Kung aalis ako saan naman ako pupunta? Di ko pa naman alam when uuwi si Lola, at Kung hindi naman ako aalis baka maraming misfortunes na naman ang madagdag ko dito sa mansion nato.

Napabalik ako sa reyalidad nang tumunog yung cellphone ko na nasa loob pa ng backpack, minadali kong kinuha ito at agad na sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Apo! Kamusta ka na? Nabasa mo ba messages ni Lola?" masaya ako at si Lola Tirz ang tumawag sya pa naman ang the exact and right person na tumatatak sa isip ko.

"Hi la, I'm okay and yes po nabasa ko po" medjo lie kasi diko talaga binasa hirap ngang intindihin yun.

"Hm lier di mo kaya intindi yung jeje typings" gulat akong napa tingin sa cellphone ko. Mind reader ba si Lola?

Narinig kong humalakhak si Lola sa kabilang linya, di masyadong malakas at di masyadong mahina.

"Oh apo bat gising ka pa? Sa pag kakaalam ko gabi na dyan sa pinas? Isa ka na ba rin sa night owl?" Night owl? What? Naku diko talaga gets mga pinagsasabi ni Lola, makaka stress.

"Yes la. Gabi na po dito pero di parin po ako tinatamaan ng antok kaya heto I'm widely awake, ikaw la saan ka ngayon?" I asked.

"Nandito ako sa hotel na chine-check in ko, nasa Norway ako." Wow. Sosyal mo Lola^_________^

"Norway? Ang layo naman nyan la. Ano naman pong business na sinadya mo dyan?" I curiously asked baka kasi may business ring inaasikaso si Lola.

"Nope walang business, gusto ko lang talagang mag travel around the world. Alam mo na life is short kaya enjoy it to the fullest!" may pa strong tone pa syang nalalaman habang binabanggit yung qoute, napapangiti nalang ako kasi ganitong ganito talaga si Lola eh full of strong vibes.

"Wow. Heheheheh" yan lang talaga na react ko (≧▽≦)

"Uy apo nabalitaan ko ang nangyari sayo— ni Wendell— okay ka lang ba?"

Well news do really spreads faster than I thought, I just let out a heavy sigh as an answer. I don't want to talk about it.

"So it's really true.... Well okay lang yan apo, teka balita ko nasa Leyte ka ngayon? Ano ang sadya mo dyan apo?" wow. just wow, ambilis naman atang sumagap ng balita ni Lola Tirzah. Parang kahit nasa ibang bansa siya ay updated parin sa kaganapan sa pinas.

"A-Ah About that... It's a long long story Lola, tsaka Lola when ka pala uuwi?" I asked. Changing the topic para iwas sa maraming tanong.

"I texted you na next month ako uuwi or baka ma delay rin, I'm still not sure when ako uuwi" sabi nya.

"I thought you don't have business in there, so why stay there ng matagal?" okay I know napapa-conyo nako.

"Apo di ako maka-batsi kasi you know my Amiga here wanted to enjoy the stay in Norway, tsaka baka ma meet ko rin yung ikalawa kong the one hihihihihi" napa face palm nalang ako. Si Lola talaga... tsk.tsk.

"Lola remember your 68 na baka nakalimutan mo po na may asawa ka po sa pinas na Lolo ko na iniwan mo po dito, tsaka Lola I think Lolo's your the one naman eh." Hirit ko kasi nakakagigil tong si Lola hmph.

Tumawa lang naman si Lola sa kabilang linya.

"Naku apo, bat mo naman pinaalala heheheheh jokeness lang... Baka next month or next next month na talaga ako uuwi diyan sa pinas— miss mo si Lola ano?" trueness naman kasi I missed my Lola. The last time I saw her was on my wedding, I still remember the bittersweet smile she gave me as I walked down the aisle.

"Yes po, I super duper miss my one and only and also super beautiful Grandmother." Napapangiti naman ako habang binabanggit iyon.

"Nakuuuu binobola mo lang ata si lola eh— I bet may kapalit tong mga compliment mo heheheheh ano yun apo?" And there she strikes my true intentions— but I really do mean it. Lola Tirz was the only family who I am close to, I'm more open to her than to my family.

"Kasi Lola doon na po sana ako mag se-settle in sa inyo muna before ako makahanap nang bagong matutuluyan..." I stated.

"Matutuluyan? Bakit pinalayas ka ba ni Wendell sa bahay nyo?! How dare him!—"

"No.no.no. Lola I chose to left that house, pero someday babalik rin ako doon para kuhanin lamang ang karapatan ko sa bahay na yun." I make myself cleared.

"....." Biglang natahimik si Lola sa kabilang linya kaya napa-hello ako ulit kung nandyan pa ba sya.

"Ah yes, nandito pa ako.... O sya bat hindi ka pumunta sa bahay? Nandyan ka pa ba sa Leyte? Sino namang kakilala mo dyaan? May matutuluyan kaba dyan?" sunod-sunod na tanong ni Lola sakin.

"Ahm well yes... Meron po akong natutuluyan ngayon, bahay ng friend ko po."

"Friend? Mabuti naman pinapatuloy ka ng friendnesss mo dyan sa kanila... Teka nga let's not joke around saan ka ngayon?" di convince si Lola kasi alam naman nyang wala akong friendnesss maliban kay Alice— my one and long lasting bestie.

"Nasa bahay po ng friend ko po Lola," I tried my best na hindi pumiyok, she knows me clearly.

"O sya nawa'y nasa mabuti kang kalagayan apo, alam mo namang nag-alala lageh sayo si Lola mo. Uuwi ako next month gaya ng sabi ko, pero di ko kasaad langga ha? Basin ma delayed ba" napa-okay na sagot naman ako kahit di ko masyadong naintindihan ang last na sabi ni lola.

"Sige na po Lola matutulog napo ako, twelve am na po kasi eh" nag babye naman muna sakin si Lola bago nya binaba ang tawag.

Inilagay ko yung cellphone ko sa lamesa na malapit lang sa kama at humiga. Napatitig ako sandali sa ceiling habang unti-unti akong nilalamon ng malalim na pag-iisip ko.

So mag s-stay pa rin ba ako dito?

Or aalis na ako bukas...

Di naman masyadong mahaba ang one month na pag stay rito diba?

Parang nakakahiya naman atang umalis sa bahay nato matapos ang nangyari kanina, kailangan ko yun solusyunan.

But how?

Sarili mo ngang problema di mo agad ma solusyunan.

Hayss Ewan ko nalang, si Lord nalang ang bahala sakin.

Sana may magawa man lang ako para magkabati na yung dalawa.



Unting nagdilim ang aking paningin at sa diko namalayan ay nakatulog na pala ako ng tuluyan.



































********

Nagising ako sa magkasunod na katok ng pinto kaya dali-dali akong bumangon at pinagbuksan ito, bumungad sakin si Manang Hermenia.

Ngumiti pa ito sakin bago ito nagsalita. "Maayong buntag hija, sorry kung nadisturbo ko yung pagtulog mo," nakakadala tong ngiti ni Manang Hermenia pati ako napapangiti rin.

"Naku okay lang po yun Manang"

"Nakahanda na yung agahan sa baba, sumabay ka na samin ni Juny kumain." Sabi nito kaya umo-o naman ako kasi biglang tumunog rin yung sikmura ko.

Nauna na si Manang Hermenia na pumunta sa dining area kasi nag-ayos muna ako— doing my morning routine; Ang maligo, magbihis, at ang magmukhang tao.

Mabuti nga't kasya sakin ang mga damit na binili sakin noon ni Jerome...
Teka, sya nga ba ang bumili nito?
Kung siya man..... OMYGHASSHHHH

Bakit ngayon ko lang to naisip?

Ang alam ko may nurse lang nagdala ng backpack sakin na may laman na damit na good for one month tas speaking of damit may underwear rin at mabutit ka size ko, it's akward to think na si Jerome ang bumili non.
Baka nag pa favor rin sya ng mga nurse, yes isipin lang natin na ganun yun. Erase ka na sa isip ko.


Lumabas na ako sa kuwarto ko at dumiretso agad sa hapag at naabutan ko naman doon si Manang Hermenia at ang anak nyang si Juny, busy kaka prepare ng mga ulam at kanin si manang habang si Juny naman ay inihanda ang mga plato, baso, kutsara at tinidor.


Napahinto naman sila ng maramdaman nila ang presensya ko pero agad naman silang bumalik sa pinagkaka-abalahan nito.

"Good morning po" bati ko sa kanila.

"Good morning rin hija" masiglang bati sakin si Manang habang si Juny naman ngumiti lang sakin at binigyan ako ng tango at umalis ito sa dining, Hindi ko alam saan ito pupunta.

"Hija upo kana at ihahanda kita ng makakakain, halika huwag ka nang mahiya hija nakakasama yan heheheh" nahiya pa akong ngumiti sa kanya bago ako umupo, parang kailan lang may hindi magandang nangyari sa lugar nato.

"Eto na hija! Mainit payan bagong luto kasi" maingat na inilapag ni manang ang isang mangkok na naglalaman ng isang tinola na isda na may maraming gulay nito.

Mas lalo tuloy na kumulog yung sikmura ko sa bango na dala ng tinola, ramdam ko ang laway ko na parang sabik sa inihandang pagkain.

"Sana magustuhan mo iyan hija"
Sinandukan naman ako ng kanin ni Manang at binigay ito sakin.

"Salamat po." tanging ngiti lang ang reaponda nito.

"Kayo po hindi po ba kayo kakain?"Ha? I thought sabay kami kakain? Napaayos nalang ako ng upo bago ko kinuha yung kutsara at tinidor.

"Naku tapos na kami ng senyorito at yung anak kong si Juny," sabi ni Manang kaya napaisip ako, Ang aga naman nilang kumain.

"Anong oras napo ba Manang?" Tanong ko tas napatingin naman sa kaliwang gilid si Manang kaya napatingin rin ako doon at may wall clock palang naka sabit don.

"Alas-otso na ng umaga kaya pala umalis na si Senyorito." Umalis? So... Naiwan ako rito? Okay...

"Ah... Si Brenda po Manang kumain na po ba?" Nakailang subo na ako at lasap ko talaga ang sarap na timpla ng tinola, like super sakto lang sa taste buds ang lasa ng soup.

"Baka mamaya pa yun hija tsaka hinatiran ni Juny iyon ng pagkain sa kwarto kung hindi man siya lalabas ng kuwarto, pasensya ka na kagabi hija ha sa kaguluhan kagabi. Mabait naman na bata yan si Brenda kaya ako na ang humihingi ng pasensya sa inasal kagabi ni Brenda–" napatigil ako sa pagsubo ng sinabi iyon ni Manang.

"No Manang wala po kayong dapat ipagpasensya, ako nga dapat ang humingi nyan e kasi wala man lang akong nagawa kagabi." Bumalik na naman saking alaala ang nangyari kagabi.

Nilalamon na naman ako ng deep thoughts ko—pero nagsalita si Manang kaya napabalik ako sa reyalidad.

"Hija paano nga uli eh pro-pronounce pangalan mo?"

"Po?" medyo lutang ako kaya diko masyadong gets si Manang.

"Kasi kagabi binanggit ni Senyorito pangalan mo tas medyo na uulyani na ako diko na ulit maalala kung pano iyon sasabihin" may pa kamot effect pa si Manang kaya napangiti ako ng konti.

"Oh yes nakalimutan ko palang magpakilala Manang— I'm Jasmine po pero you can call me Jas or mine(mayn po pronunciation)" napatango-tango naman si Manang.

"Sige hija kain kana baka lumamig iyang ulam mo at ako'y magwawalis lang sa sala" Kaya naman kumain ulit ako habang si Manang umalis sa dining area. Nang matapos akong kumain ay dinala ko yung ginamit kong pinggan at hinugasan iyon, at pinatuyo sa may dishwasher ng makita kong nakalagay doon ang ibang plato, kutsara, tinidor, etc.


Wala na naman akong gagawin sa dining kaya pumunta na rin ako sa living room kung saan nandoon si Manang Hermenia naglilinis at nagwawalis, naabutan ko si Manang na pinupunasan ang lamesita kung saan nakahalera ang mga picture frames.

"Oh nandyan ka pala Mine, tapos kana kumain hija?" I just nod and smile as an answer.

Kinuha ko iyong walis-lanot. "Ah Manang tulungan na po kita." Tatanggi sana ito pero nanaig yung sinabi kong tutulong ako kasi nagsimula na akong magwalis, winalis ko yung gilid ng pader kung saan may nakatambak doon na mga alikabok.

Tahimik lang naman kami ni Manang, tamang linis lang pero dumaan ang ilang minuto ay nagsalita ito.

"Ang ganda talaga ni Ma'am Helga" napatingin naman ako sa gawi ni Manang Hermenia habang nagwawalis parin, nakatingin sya sa malaking portrait at nakatunganga lang doon.

"Yes she is truly beautiful." Sabi ko bilang sang-ayon sa sinabi ni manang—totoo naman kasi na maganda ang mama ni Jerome.

"Tas matipuno at guwapo rin si Sir Fernan kaya puro magaganda at gwapo rin ang mga supling nito, saan pa nga mamana? Heheheheh" tumawa naman si Manang kaya nag smile rin ako—tama naman kasi si Manang sa sinabi nya e, sumagi rin sa isip ko kung saan rin ba ako nagmana.. kay mama ba or kay Dad? Parang sa kapitbahay ata ako nagmana.

"Kaso..." Pakiramdam ko nawala ang siglang bumalot kay Manang ng marinig ko ang lungkot na tinig nito.

"A-Ano po bang nangyari?" Out of nowhere bigla ko iyon natanong kaya lumingon sakin si Manang. Biglang lumungot ang mga masasayang mata nito at bigla nalang rin naging mapait ang ngiti nito.









"Naisilang ni Ma'am Helga na healthy at maayos si Brenda... Ngunit sa araw ring iyon bumitaw ito at tuluyan na nyang nilisan ang mundo na kinagagalawan natin ngayon."







































































✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧

A/N: Sorry if ngayon lang naka pag update༎ຶ‿༎ຶ medjo matagal ko rin natapos ang chap nato due to delays and schoolworks, pero here it is naka pag update na!!!

Btw thanks for reading!

Keep safe at ano ang reaksyon nyo? Eh kmjs nayan HAHAHA ror

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top