•Chapter 5
His House, his family.
LUMIPAS ang mahigit na dalawang oras ang byahe bago kami makarating sa bahay ng family ni Jerome, aaminin kong ang ganda ng istraktura ng bahay nila. Mapapansin mo agad na isa sila sa nabibilang na mayayaman na pamilya dahil sa laki at ganda ng bahay nito, na kahit gabi na ay mas lalong maaaninag ang ganda nitong dala pano nalang kaya kung masisilayan mo to sa umaga?
May guard na manong ang nagbabantay ng gate at pinagbuksan pa kami nito bago kami nakapasok sa loob, ng maayos nang na parking ni Jerome ang sasakyan ay pinatay na nito ang makina at kanya-kanya na kaming lumabas. Kahiya namang mag pa open ng door diba?
Naunang naglakad si Jerome papuntang front or entrance door at ako naman ay sumunod lang sa kanya at pumwesto sa likod nya, may doorbell malapit nito kaya ito'y kanyang pinindot.
Nakadalawang pindot ng doorbell si Jerome bago ito buksan ng isang — Manang. Tingin ko nasa edad 50 pataas, medyo maliit si manang, may white hairs na rin sya sa buhok, nagsusuot na ng salamin, at mapapansin mong mabait itong tao dahil sa ngiti nitong nakakadala.
"Ano pong kaila— Senyorito! Buti at naisipan mong bumisita di ne, nalipay ko pagmaayo kay naa ka ari sakto lang nagluto kos paborito nimong sud-an pampanihapon," (Ano pong kaila— Senyorito! Buti at naisipan mong bumisita di ne, malaki ang saya ko ng bumisita ka di ne saktong-sakto at nagluto ako ng paborito mong ulam for dinner) napahinto ang manang sa pag sasalita ng mapansin nya ang presensya ko at di parin nawawala ang masaya nitong ngiti sa labi.
"Hala naa man diay kay dang bisita seyorito— Ali dayon mos sulod, Ali lang dayun sa sulod" (Hala may dala ka palang bisita Senyorito— hali kayo pasok, Hali ka hija pasok sa loob).
I think ako yung kinausap ni Manang or nag a assume lang ako?
Di ko man naintindihan ang sinabi ni Manang ay alam kong hindi iyon masama kasi di parin nawawala ang ngiti nya, lihim rin akong tumitingin kay Jerome na todo rin ang ngiti nito sa labi habang kaharap ang manang.
Nang pumasok si Jerome ay pumasok rin ako alangang mag pa iwan ako sa labas. Pagpasok ko palang na feel ko na uli ang luxurious ambiance sa loob ng mansion, masasabi kong mansion dahil sa kalaparan at kalakihan nito.
Living area nga super bongga. Nakaupo muna ako ngayon sa isa ka upuan na malapit sa mga sofa, iniwan muna ako ni Jerome kasi tutulungan nya raw si Manang Hermenia mag ayos sa mesa.
Napapatingin ako sa taas, baba, kaliwa at kanan ko. Kahit saan man dumapo ang paningin ko ay super linis ng bahay, nakakamangha rin yung chandelier na nakasabit sa gitna ng living room.
Kulay all white ang buong bahay na mina match sa kulay ginto, pula at bughaw. Nahagilap rin sa paningin ko ang isang malaking portrait na nakadikit sa dingding — parang family picture ata yun.
Dahil sa curiosity ko rin ay inilapag ko muna yung backpack na suot ko sa kaninang inuupuan at naglakad papalapit sa portrait, I tried to make myself behave baka makabasag pa ko ng mamahaling vase na malapit lang rin sa portrait.
Nang nakalapit ako sa malaking portrait ay doon ko napagtanto na family picture nga iyon, Nakaupo ang isang mestisa na babae sa isang magandang upuan at ang lalaki naman na asawa nito ay nakatayo sa bandang kaliwa malapit sa gilid nito. Karga nang mestisa na babae ang isang cute na 5 years old ata na batang lalaki at na hindi naka smile kasi seryoso itong tumingin, may isang dalagita ring katabi ng mestisa na babae sa bandang kanan nya at tamis naman itong ngumiti sa portrait.
Ang galing nang artist nitong portrait parang xerox copy talaga, napatingin naman ako sa mga picture frames na nakahalera sa mesa.
Puro family pictures rin at individual photos. May pic akong nakita na naka whacky pose si little Jerome at yung ate naman nya nag silly face rin— which is cute.
May pic rin na karga ng Papa ni Jerome ang ate nitong nasa edad 4 years old ata, may family pic rin na nakatayo silang apat— Yung mama ni Jerome is pregnant at si Jerome at ang ate nya ay mga teenagers na at his father naman is katabi nito ang kanyang asawa.
Nawili ako sa kakatingin ng mga family pictures nila. Meron din kami nito sa bahay pero unti lang rin picture ko doon since di ako sumasali sa mga pictures nila dahil narin sa sakit ko, naalala ko nun nagtipon ang mga kaklase ko nung grade 6 para daw mag groufie selfie. Sinali nila ako sa groufie na labag sa kalooban ko, at doon nagka anxiety ako at inatake agad ng sakit ko. Sa taranta nila dinala agad ako sa hospital dahil nahihirapan na akong huminga, how funny to think na sa araw ng graduation namin sa elementary ay sinugod ako ng hospital.
"Who are you?" Napalingon ako sa bandang kaliwa ko ng may nagsalita— isang batang dalagita.
Napataas pa ang left brow nito habang naka tingin diretso sa kin.
Natameme ako kasi hindi ko alam anong sasabihin ko.
"A-Ah I'm Jasmine..." now what? Hinintay kong rumesponda ang dalagitang bata pero she just gave me an eye roll before she left. Saktong pag alis nito ay syang pagdating ni Jerome sa living room.
"Hey..." may malapad pa itong ngiti habang naglakad palapit sakin— nandito parin ako sa pwesto ng mga nakahalerang picture frames at portrait. Never move an inch.
"Okay ka lang?" Tanong nito at napatango naman ako bilang sagot—ayaw ko ring sabihin ang nangyari kanina, ayaw kong maging oa at assume.
*********
NASA dining area na kami at nakaupo sa isang malaki at mahabang lamesa kung saan maraming bakanteng pwesto na upuan, pinili kong umupo sa kaliwang bahagi at sa ika-tatlong upuan.
Katapat ko sa lamesa si Juny— anak ni Manang Hermenia na kaedad lang ni Brenda (Jerome's little sister).
Tahimik lang kami at wala ni isa naming tatlo ang nagsalita, busy pa sina Manang Hermenia at Jerome kakahanda ng pagkaing hapunan namin.
Panay titig lang sakin si Brenda at kung salubungin ko man yung tingin nya ay pinapaikot lang nito ang mga mata at umiwas ng tingin, si Juny naman tahimik lang na parang may sarili syang mundo.
Parang natutuyo yung lalamunan ko kaya panay ako ng igham, ilang seconds rin ang lumipas ay pumasok na sina Manang Hermenia at Jerome sa dining area na may dalang plato, utensils at baso— puro babasagin lahat ang ginamit nila.
"Teka dyan kana Senyorito umupo kana at ako na kukuha ng ulam"
"Tutulungan na kita Manang—,"
"Naku hijo kaya ko pa naman, umupo kana at asikasuhin muna ang iyong bisita" kumindat pa ito bago ito tuluyang umalis sa dining area. Napa lingo-lingo naman si Jerome na may ngiti sa labi— ganyan rin ako noon sa nanny ko, mas close ko pa si Nanny Juli kesa kay Mama.
Umupo narin sa wakas si Jerome—sa padre de pamilia na side ng upuan.
Parang na feel rin nya ang nakakabinging tahimik na bumalot sa dining area that's why he cleared his throat and started talking.
"Hey Juny, laki mo na ah" ngumiti naman ang batang si Juny.
"And Brenda do you still have a crush to this Juny boy?"
"Kuyaaaaaa?!" Humalakhak naman si Jerome sa case nyang to super saya nya habang ang kapatid nya super galit at inis at hindi na mapinta ang mukha.
"Heheheh I'm just kidding, tsaka nga pala have you two entertain our visitor?" Hindi sumagot ang dalawa.
"Well I guess hindi, Jasmine meet Brenda my little sister and Juny. Brenda and Juny meet your ate Jasmine," ang akward kasi si Juny lang ang ngumiti sakin ng pilit at habang si Brenda di nakikinig at di interesadong makinig.
Napatahimik nalang si Jerome ng maramdaman nyang wala talagang may interesadong mag usap-usap ngayon—syempre ako nahihiya ring magsalita lalo nat bisita lang ako rito baka atakihin rin ako bigla ng anxiety. Mahirap na.
Di naman nagtagal ang nakakabinging tahimik at akwardness sa loob ng dining area ng dumating si Manang Hermenia bitbit ang isang mangkok na may lamang ulam.
Inilapag ni Manang ang samut-saring ulam at kanin sa hapag, bago sya umupo ay inaya ang lahat na mag pray muna before kumain.
"Bless us O Lord in this thy gift which we are about to receive from thy bounty through Christ our Lord, Amen." nang matapos ang prayer ay kanya-kanyang lantakan na sa pagkain— di na ako nahiyang kumuha ng pagkain dahil nag wrestling narin ang mga bituka ko sa tiyan.
Habang kumakain ay dumadaldal rin pa minsan-minsan si Manang Hermenia at sinasagot o sinasabayan naman ito ni Jerome, habang kaming tatlo never nagsalita at tutok lang ang atensyon sa pagkain.
"Manang anlaki na ni Juny, binatang binata na heheheh baka may napupusuan na yang anak mo po," napahagikhik naman si Manang Hermenia bilang tugon.
"Naku senyorito may napupusuan nga iyan—"
"Naaaayyyyyyyy" sumingit sa usapan si Juny at halatang nahihiya ito sapagkat sya naman kasi ang usapan ng dalawang to. Imbes na mag sorry ang dalawa ay tumawa naman ito ng todo, ansaya nila parang nanalo ng lotto.
Kaya ayun ang mukha ng dalawang bata ay biyernes santo kasi pinag titripan ito ng dalawang kasama namin sa hapag. Di parin sila tumigil kakaasar sa dalawa, deep inside natatawa rin ako pero ayaw ko lang ipahalata baka kagalitan ako ng masyado ni Brenda— I don't think she likes me.
Mas pokos lang ako sa pagkain, tsaka ang ulam for today ay Ginataang gulay na kalabasa, tortang talong, at tinola na manok. Lahat ng dish ay masasarap, syempre luto ni Manang Hermenia. Kilala si Manang bilang isang magaling na cook sa baranggay Makakuyog, at isa si Manang Hermenia na mayordoma sa bahay na to.
"Bat ba tayo nag tatagalog?," may bahid na inis na tono sa pananalita ni Brenda na ikinahina at tigil ng dalawang kasama namin, syempre nagulat rin ako. Napabalik agad ako sa reyalidad matapos nya itong banggitin.
"Kung pwede man unta ta mag bisaya? Patagalog-tagalog pud, bisaya mang dako" (Kung pwede namang mag bisaya? Patagalog-tagalog, laking bisaya naman) napatikhim si Jerome at umayos ng upo, parang biglang nag bago ang aura sa loob ng dining area.
"Tagalog muna ang gamitin natin since hindi nakakaintindi masyado si Jasmine ng bisaya—" malumanay na sabi ni Jerome ngunit nangingibabaw ang seryoso na aura nito, ngayon ko lang nalaman ang side nyang to.
"Tsk. Kita pajuy mo adjust? Kita ang tag iya dapat silay adjust" (Tsk. Tayo pa talaga ang mag a-adjust? Tayo naman may ari dito dapat sya mag adjust) Brenda murmured pero narinig naman iyon naming lahat.
*Basag ng baso sound effect.
Nagulat kaming lahat nang biglang nahulog at nabasag ang baso na para kay Jerome dahil bigla nalang nyang dinaganan ang lamesa.
Napatingin ako diretso kay Jerome; mahigpit ang kapit nya sa clothing ng mesa, kunot ang noo, at pinipigil nito ang galit.
Napatayo si Manang Hermenia at pinapatahan nito si Jerome habang si Juny naman ay kinuha ang dust pan at walis para iligpit ang nabasag nitong baso, habang ako? Parang na deep freeze sa kinauupuan ko at nakatunganga lang— what kind of visitor I am... I brought misfortune.
"Hijo ayaw palabi intawn huna hunaa naa ang ingon sa imoha tiyo, kalma na dong. Brenda kalakaw na adto nas kwarto nimo, pagdali lakaw na ako nay bahala sa imo kuya" (Hijo wag kang padalos-dalos alalahin mo ang pinayo sayo ng Tito mo, kalma ka lang dong. Brenda umalis ka muna sa kwarto mo, bilis pumunta ka na sa kwarto mo ako na ang bahala sa kuya mo) di ko alam ang gagawin, Wala akong naintindihan sa pinagsasabi nila.
Napaupo naman si Jerome ng tuluyang maka alis si Brenda, kumalma naman sya ng kaunti ng laging kinakausap sya ni Manang.
Wala akong nagawa.
Di parin ako makagalaw parang na paralyze ako sa nangyari, hinatid na ni Manang Hermenia si Jerome sa kwarto nito para kumalma ng tuluyan at makapag pahinga.
Naiwan kami ni Juny sa dining area, busy parin ito sa kakaligpit ng mga bubog sa sahig. Di man lang namin natapos ang pagkain na inihanda ni Manang at Jerome, iniligpit ko naman ito at nilagay sa isang tupperware— Sabi kasi ni Juny na doon ko nalang daw ilagay ang ulam at si Manang nalang daw ang bahala.
Habang nagliligpit ako ay nag dedeep thoughts na naman ako sa pangyayaring naganap kanina.
Di ko expect na magka ganun..
Ngayon ko lang nalaman tong side ni Jerome, I didn't meant it in a bad way but in good way. Ayaw nya sa hindi rumerespeto.
Si Brenda kamusta kaya sya, Kita ko sa mata nya Ang pag kagulat sa inasta ng kuya nya kanina.
I think misfortune talaga ako.
Nagdadala ako ng badluck,
Sana ay hindi ko nalang tinanggap ang alok ni Jerome.
Kung sana ay sumakay lang ako ng bus di to nangyayari e.
⊹⊹⊹⊹⊹⊹⊹⊹⊹⊹⊹⊹
A/N: heheheh thanks for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top