•Chapter 4
Him again.
NAKARATING ako sa lugar kung saan karamihan ito ang ginagamit pang excuse ng mga taong gustong indianin ang kasama or kaya the lame excuse kagaya ng ginawa ko kanina.
Nasa loob ako ng cubicle room at syempre doing my thing, parang yung lame excuse ko kanina is nagamit ko rin talaga. Nang matapos ay lumabas ako at nag wash ng hands sa sink, pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang sariling repleksiyon sa salamin.
Simple lang naman ang hitsura ko, di masyadong maganda at di masyadong pangit. Sakto lang sa hitsura. Pero ipinagmamalaki ko talaga ang best assets saking mukha; Ang kilay ko na super ganda ng kurba at ang mga mata ko na kulay tsokolate. Yung ilong ko sakto lang at hindi rin ako clearskin may mga kunting tigyawat rin ako sa sulok ng aking mukha, may pagka heart shape rin ang anggulo ng mukha ko.
Napahilamos ako at muling tumingin sa repleksiyon sa salamin, napatitig ako saglit sa sarili at pilit na gine-get over sa kaninang nangyari. Kinuha ko yung panyo sa bag at ginamit kong pang punas pero napaayos rin ako ng tayo ng may isang ale na pumasok sa restroom, may kasama pala itong six years old na bata.
"Dinhi sa ka nak ha, mag cr sa si Nanay." (dito ka muna nak ha, mag cr muna si Nanay) tumingin saking gawi ang ale at nginitian pa ako bago sya pumasok sa isang cubicle na available.
Habang nag pupunas ako ay naramdaman ko na may nakatingin sakin, na co-concious ako sa titig ng six years old na bata sa gilid ko. Masyadong titig sakin ang bata— baka nagandahan sakin? Hehehe chars. Inayos ko na ang bag ko at sinuot uli ito, aalis na sana ako ng restroom pero napahinto ako ng nagsalita ang ale sa loob ng cubicle.
"Ah. Excuse me Lang, pwede ko mamalihug?" (Ah. Excuse me miss, pwedeng humingi ng pabor?") Actually diko alam kung anong sinabi sakin ng ale kasi di naman talaga ako nakaka-intindi ng bisaya.
"Ah ate, ano po yung kailangan nyo? Pwede paki-tagalog po, di po kasi ako nakaka-intindi ng bisaya" I briefly explain kaya humingi ng pasensya yung ale sakin gamit ang tagalog language.
"Ah pasensya na miss, pwedeng humingi ng pabor? Pwede paki-abot ng bag ko sa sink, mabigat-bigat kasi yan baka di kayanin sa anak ko," Saad nito. Napatingin naman ako sa sink at may bag ngang nakalagay doon—malapit sa pwesto ko kanina habang nanghihilamos. Naglakad ako palapit sa pwesto ng bata at kinuha yung bag.
"Nanay! Gikuha ni ate imo bag!" (Nanay! Kinuha ni ate yung bag mo!) Sumigaw yung bata kaya naalarma ako, di ko pa naman yun naintindihan— (・–・;)ゞ.
"Ah ate eto na po yung bag mo po" nagmamadali akong inabot iyon sa ale ang bag sa ibabaw na surface kung saan ito ay open at nagpasalamat naman ito sakin.
"Maraming salamat miss, at pasensya na po sa abala, anak dia raman ang bag ni nanay namalihug raman ko sa ate gud. Anha raka ha, huwati si Nanay ayaw ug lakaw." (Maraming salamat miss at pasensya na po sa abala, anak na sa akin na ang bag nanghingi ako ng pabor sa ate. Diyan ka lang ha, hintayin mo si Nanay at wag kang aalis.)
Nagpaalam muna ako bago ako tuluyang lumabas sa restroom.
Paglabas ko ay bumungad na naman uli sakin ang samut-saring tao na naglalakad at hinahanap ang mga sasakyan nilang bus, di parin nawawala sa paningin ko Ang mga strings na naka-attached sa pinky finger nila.
Malaki–laki pala ang terminal na to kasi malapad ang parking space ng mga bus, nakita ko na malapit lang rin ang terminal sa isang kalakihan na mall. Kinuha ko muna yung cellphone ko para tingnan kung anong oras na, pero may sandamak-mak na message notifs akong natanggap sa messages na app kaya tiningnan ko kung sinong nag text.
Lola Tirz —10 messages.
Wow grabeh andami namang na text sakin si Lola, parang kanina lang binabaan nya ako kasi needed siya ng Amiga nya—hehehe chars tampo ako ng unti.
Pinindot ko yung icon at nakita ko ang text ni Lola. Muntikan ko nang eh bato yung cellphone ko ng makita ko yung mga text nya sakin.
Lola Tirz (09300151353)
Apo :<
$0rRy b!n4bA4n k@ n! LoLa kanInA
Ma miga kASI SUPER IN DEMAND
nxt mnth pa LoLa u uwu.
*Uwi
Wag yu tampu apo ku.
M@GdadaLa LoLa ng maraming PASALUBOng
Apo sorry for hangIng app ganiha.
Kol ako mayA.
Tubaga ha.
Naintindihan nyo bayung text ni Lola? Ako HINDI!
grabeh what generation ba pinanganak si Lola? At pang alien typings yung text nya— nakaka sakit ng ulo kong babasahin.
Mamaya ko na nga lang to pansinin tung text nya, 2:30 pm na pala nang hapon. Gusto ko muna libangin ang sarili ko ayaw ko munang problemahin ang problema ko, napag desisyonan ko na pumunta ng mall.
Makaraan ang mga ilang minutos ay nakarating rin ako sa mall— akala ko ang lapit lang ng mall yun pala malayo. Tatawid ka pa ng ng tatlong karsada bago ka makarating sa mall.
Marami tao akong nakasalamuha sa pag tapak ko pa lang ng entrance ng mall, super lapad at laki rin ng mall nato diko akalain na may gantong kalakihan na mall sa Leyte. I thought if probinsya ang usapan mga maliliit lang na department store— makes me think I'm super wrong.
Nagsimula na akong maglakad-lakad, kunwari magsho-shopping pero actually hindi ako bibili kasi wala akong pera.
Then I stopped walking when I saw one of my favorite treasures.
Nawili ako sa kakatingin sa mga relong nakahalera sa gitna ng mall. Super gaganda nila at super treasury, I honestly love watches. Marami nga akong treasures na relo sa bahay namin ng ex-husband ko, I think someday babalik rin ako sa lugar na yun. Someday.
Umalis na ako sa pwesto ng mga nakahalerang relo at sumakay sa escalator papuntang second floor, when I got to the second floor mas dumami pa ang tao na naroroon.
I started walking and walking, I let my feet decides kung saan ito pupunta. Hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili nasa harap ng isang department na maraming mga batang naglalaro with many toys and kids stuff.
I saw happiness and laughter in the eyes of many children, how I wish I can laugh like that before. Napatingin ako sa sign board ng department at nakasulat dito ay:
"Kidz PlayHaus"
Napabalik uli ako ng tingin sa mga batang naglalaro at habang nakatingin ako sa kanila ay nilalamon na ako ng mga deep thoughts ko.
I've never been in a play haus before, pero I've dreamed na makapasok doon at makapaglaro sa ganun. But my dream never came true since my parents would never let me, in my 29–years of existence I've never experience something like that.
"Mama! Mama! Gusto ko dyan, gustong gusto ko dyan!" Napatingin ako sa katabi ko na di kalayuan sa pwesto na tinatayuan ko, there I saw a mother and a child. Gustong gusto ng batang lalaki makapasok sa play haus, but I think her mother is against with it since nagmamaktol ang bata.
"Pero mama please, pagkatapos po nito gagawa na po talaga ako ng assignments ko sa school. Sige na Mama please?" I just listened to them without looking at their direction—baka napagkamalan ako na stalker or what.
"Basta bay gagawin mo na assignments mo? Big boy kana Jestine di ka na ata pwede dyan sa play haus" sambit ng mama sa bata.
"Pero mama tingnan mo yung nakasulat doon oh malapit sa entrance 3–10 years old ang pwede sa play haus, at 8 years old pa ako kaya sige na Mama please.please.please" napangiti ako ng marinig ko ang pag pe-persuade ng batang lalaki sa mama niya, I found it cute.
"Sige na nga, pero di tayo mag tatagal ha may assignments kapang tambak sa bahay at— wag mong kakalimutan yung kasunduan" napa 'yey' naman ang batang lalaki sa sinabi ng mama nya, pumasok na sila sa loob ng play haus at nag bayad ng entrance before fully na makapasok ang bata na maglalaro.
Naiinggit ako. Kung ganyan lang turing ni mama sakin baka I have a childhood memories na maganda, kaso di ganyan mama ko. There I touch my tummy out of nowhere, with what if's questions in my head.
What if buhay yung baby ko, mag gaganyan rin ba sya sakin?
What if I become a mother, would I be a reliable and a good mother?
What if kung di ako nakunan, masaya kaya ako ngayon?
All that what if's questions makes me feel sad for remembering the saddest and painful memories. The moment I miscarried my poor baby.
I don't want to cry. Again.
Kaya umalis ako sa lugar na yun, dahil sa kamamadali ko ay may nababangga akong mga tao but I apologise to them in unprofessional way.
My mind is not in the right state, ang naalala ko ay sumakay ako sa isang escalator papuntang 3rd floor at dinala ako ng mga paa ko sa isang unrestricted area which is for staff only at here I am— sa rooftop ng mall.
I tried to calm myself, but I failed. Mas lalo pa akong napaiyak at humagulhol na parang bata, inaatake na ulit ako ng sakit ko.
Hinahampas ko na ang dibdib ko dahil sa hindi na ako makahinga ng normal, nanghina na ang mga tuhod ko kaya napaupo ako sa sahig.
Di parin ako tumitigil kakahampas at kakaiyak. Fuck this mental illness!
"Shit.shit.shit. k-k-kalabas ko l-lang ng hospi.pital" I can't even uttered a word properly!
Mas lalong lumakas ang paghampas ko saking dibdib nang naramdaman kong parang nauubusan ako ng hangin, fuck this naka survive nga ako pero mamamatay naman ako sa sakit kong to!
"Hey!hey!hey!hey!hey! Jasmine! Jasmine! Jasmine! " Hina akong napalingon saking likod and there I saw him. Him again.
"Jasmine! Are you alright hey!" Tuluyang nag breakdown ang aking katawan at nag shut down.
I SLOWLY open my eyes and a white ceiling was the first thing I saw, I can't feel my body. May narinig akong musical na malumanay na pinapatugtug sa isang plaka—kung hindi ako nagkakamali.
Nasa hospital na naman ba ako?
Hindi ako kumibo nor did speak pero ng nakalipas ang mga ilang minutos ay unti-unti nang bumabalik ang aking lakas and now I can also feel my body and soul. Bumangon ako sa kakahiga at inilibot ko ang paningin sa kwartong ito— it's not familiar to me.
Napatingin ako sa gawi ng pintuan ng bumukas eto and there I saw Jerome.
"Hey, mabuti naman at nagising kana" his face lightened when he saw me at agad nitong isinarado ang pinto at lumapit papunta sa kin, umupo sya sa sofa na malapit lang sa kama.
"Nasaan ako?" I asked.
"Nasa clinic tayo ng tita ko, mas malapit ang clinic nya sa mall. Kaya dito na agad kita dinala" salaysay nya.
Wait clinic to? How come? I once again check the room. Di halata na clinic lang to super laki rin ng space ng kwartong ito at may musical plaka pa talagang naka pwesto dito sa loob.
"Teka, how come na alam mong nandoon ako...." mahina kong sabi.
"I was on a business meeting kanina sa isang restaurant na nandoon rin sa mall, habang hinihintay ko ang ka business partner ko there I saw you bumping people at the mall. I thought at first namamalikmata lang ako but then I'm wrong it's really you, sinundan kita kasi I thought your in danger or something," tahimik lang akong nakikinig sa kanya.
"Napansin kong wala ka sa sarili mo at that time, I called you many times. Pero never mo akong nilingon kaya pinili kong sundan ka, mas lalo akong nahirapan sundan ka dahil sa dami ng tao sa mall. But then I saw you walking towards the unrestricted area kaya nagmamadali akong humabol sayo as soon as possible, and there I saw you— I was on panic seeing you collapse." Sa kalooban-looban ko super dami ko ng nasabing thank you kay Jerome, akalain mo yun sya na naman ulit nag salba ng buhay ko.
"Thank you. Super thank you—" di ko natapos ang nais na sabihin ng sumabog na naman ang emosyon ko.
Umiyak na naman ako pero in a calm way.
"Shush. Wag kang umiyak" lumapit sya sakin at kinulong ako sa bisig nya.
"Don't cry... Naalala ko na naman ang insedente kanina.. Kaya please don't cry." I can't stop crying mas lalo akong napaiyak sa mga pinagsasabi nya.
*********
"YOUR healthy naman, wala kang chronic disease at wala namang problema sa heart mo. Tell me hija what's the reason bat ka nawalan ng malay" Saad ng doctor na babae— tingin ko nasa mid 50+ na ito.
"Nahirapan po kasi akong huminga kanina.... D-Dahil po iyon sa sakit ko, I was diagnosed at the age of 14," I stated.
"Sakit? Teka give me a second." Tumayo sya at pumunta malapit sa may aparador kung saan may kinuha syang folder.
Dinala nya ito at nilapag sa lamesa nya, kinuha nya ang mga papeles na nasa loob doon.
May mga hinanap pa syang papeles at nahanap nga nya iyon.
"Here it is. Can you tell me what symptoms ang nangyari sayo?"
"It's kind of confidential doc—"
"You can call me Tita She, so hija what is it?" She asked.
"Hirap po akong huminga, at nag e-experience rin ako ng panic attacks. Di naman ito bago sakin since I also experience this so many times, pero ngayon lang po ako nag collapse and I think it's also partly fault." I freely explained. Ewan ko but hindi ako nahihiyang mag salita kay doc, magaan ang loob ko towards her.
"My hunch is right. One of my patients consult this with me and your symptoms are just like it, it's called Psychogenic Anxiety. Am I right?" I just gave her a nod as an answer.
"A type of mental illness. Have you ever go to a therapy that can cure this illness? Or taking antidepressants?" tanong ni Tita She, and I just smiled at her akwardly.
"Ahm doc— I mean Tita She, okay na naman po ako. Wala napong masakit sakin, I think nadala lang po ako sa emosyon kaya po ako nagkaganun." Sabi ko. Walang magawa pa si Tita She kaya she also just gave me a calm smile.
"Okay hija, pero sure ka na ba talagang walang masakit sa iyo?" Tanong nito muli pero I assured her that I'm okay.
Matapos iyon ay hindi na ako nagtagal sa clinic ni Tita She, lumabas na kami ni Jerome.
"Hey, akala ko nakasakay ka na ng bus?" takang tanong nito.
"Ah.. napag-iwanan ako ng bus, and I think okay lang rin na hindi ako nakasakay since wala naman akong mauuwian sa maynila" paliwanag ko.
"Saan ka ngayon mag s-stay?" Yan. Yan na naman ang problema ko. Wala akong kakilala dito—except kay Jerome. Di ko alam san ako pupunta, baka mag katotoo yung sinabi kong maging palaboy nalang ako sa Leyte.
"I don't know." Umihip ng malakas bahagya ang hangin kaya naramdaman ko ang ginaw na dala nito.
"Malapit ng mag gabi, how about doon ka muna mag stay sa bahay ng family ko" my eyes widened when I heard his suggestion, s-sa bahay nila? Ng pamilya nya?
"N-Naku wag na super dami munang naitulong sakin di ko alam pano na iyon mababayaran, ayaw ko ring abusuhin ang taglay mong kaibitan" I tried my best to decline his invitation.
"Di ako sumisingil ng utang since hindi ito business at this is my will hindi ako napilitan or na obliged, I'm not that kind of person miss Jasmine Bernadaz." I felt guilty tuloy sa sinabi ko kahit wala namang dapat ika-guilty. Nakakapanibago sa pandinig ko pag banggitin nyang buo yung pangalan ko.
"Pero... Pero.. super dami ka ng nagawang kabutihan sakin Jerome—" I never completed my sentence when he interrupt.
"Kung ganon san ka pupunta? May kakilala ka bang iba sa Leyte?" He asked na ikinatahimik ko, kasi wala naman talaga akong kakilala dito sa Leyte ang disadvantage pa, I don't understand bisaya nor know how to speak bisaya.
"Mayroon.... Kaso not in Leyte but in Southern Leyte, my Lola lives there but," para akong isang bata na nag e-explain sa harap ng kanyang ama. Di ko knows bakit nagkakaganto ako pag si Jerome na ang kausap ko.
"But?"
"But wala sila sa pinas she went abroad, traveling— sige na nga tatanggapin ko nalang yung alok mo" there now I said it, kinapalan ko na talaga ang pag mumukha ko.
Then he just chuckled nung narinig nya ang sinabi ko, kaya medjo na tameme ako kasi ang cute nyang tumawa. Wait erase that.
"Heheheheh sorry it's just that your acting cute. Ahm tara na malapit ng mag gabi, malayo layo rin yung bahay nang family ko." Wala na akong magawa kundi sumunod nalang sa kanya. I think it's not bad right? One day lang naman ata ako doon or kaya one week.
"Teka pano yung business meeting mo kanina?" Napatanong ako bigla ng maalala kong binanggit nya iyon sakin kanina.
"Oh I cancelled it, di kasi kitang kayang iwanan sa clinic. Unconscious ka and it's not right leaving a sleeping beauty in the clinic, baka may kung anong manyari sayo." He quickly say at binuksan na nya ang pintuan ng sasakyan nyang— Sonic Gray Pearl Honda CR-V.
"Sakay na." Tahimik naman akong sumakay sa kotse nya.
He started the engine at bumyahe na kami papunta sa bahay ng pamilya nya, never ulit kaming nagkaimikan.
Gulong-gulo ako at nagwawala ang puso ko sa rib cage, lakas ng kabog saking dibdib. Pabalik balik lang sa pandinig ko ang mga sinabi nya sakin.
Napatingin ulit ako sa gawi ni Jerome na focus lang sa pag da drive, mukhang na conscious sya sa titig ko kaya tumingin rin sya sakin pabalik na agad naman akong nakaiwas.
Gosh. Iba nato self, malala kana baka side effects lang to ng sakit mo. Wag Kang mahuhulog?!
☬☬☬☬☬
A/N: mahulog ba sasakyan ang tinutukoy mo Jasmine? HAHAHA
Tsaka nga pala gusto ko rin sana mag fun fact kaso next time nalang Hihihihii btw thanks for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top