•Chapter 3

Strings



NASA loob na kami ng kotse at ni isa saming dalawa ay walang nagsalita sa nangyari na kahihiyan na nagawa ko kanina.

Bumabyahe kami ngayon papuntang terminal dahil babalik na ako ng maynila, uuwi na ako sa amin pero ewan ko lang kong welcome pa ako sa bahay.

Gusto ko man umimik pero nawalan rin ng courage magsalita kasi wala akong maisip na topic at seryoso rin sa pagmamaneho si Jerome, kaya sa huli never akong umimik at nilibang nalang ang sarili sa tanawin sa labas hanggang sa nakarating agad kami ng terminal.

Naghanap pa ng puwesto si Jerome na ma parking-ngan sa kotse nya bago ito pinatay ang makina at bumaba na kaming dalawa. Nagtanong pa kami sa mga konduktor doon kung saang bus ang papunta ng Maynila tinuruan naman kami kaya di kami nahirapan mahanap iyon.

Nasa tapat na ako ng pintuan ng bus pero di parin ako sumasakay ewan I feel my gut feeling na parang sinasabi nito na wag daw ako sumakay, kanina pa nakaalis si Jerome. Todo pasalamat ako sa lahat ng mga mabubuting ginawa nya sakin at super dami ko nang utang na loob sa kanya na kailanman diko alam kailan at paano ko yun mababayaran.

Dahil sa di ako mapakali ay umupo muna ako sa waiting chair ng terminal. sa kaso kong to parang maiiwanan talaga ako ng bus, marami ng mga pasaherong sumakay sa bus na sasakyan ko pero di parin ito umaandar. Kinuha ko yung cellphone ko sa loob ng backpack— yes buhay na buhay pa yung cellphone ko since that accident pero may crack na ang screen pero magagamit pa naman.

Dinial ko ang number ni Reya at tinawagan ito, nakadalawang call ako bago nya ito sinagot.

"Hello?" sagot nito.

"Reya—" di ko natapos yung sasabihin ko ng naunahan nya ako magsalita.

"Ate! Bakit ngayon ka lang nagparamdam! Nag-alala ako sayo nung di kita ma contact akala ko may nangyari na ng masama sayo, ano te kamusta ka? Asan ka ngayon? Tinanong ko si Manang Juli na umuwi ka ba sa bahay nyo pero sinagot lang ako na di ka na daw umuwi ng bahay matapos kayo mag divorce ni Wendell —" andami pa nyang sinatsat na diko masyadong pinagtuunan ng pansin dahil panay ako kakasilip sa bus na dapat sasakyan ko.

"Ate? Nandyan kapa?" muntik ko ng nakalimutan na may kausap pa pala ako.

"Oo nandito pa, ah Reya okay bang sa inyo muna ako titira?" di naman sya
nakasagot agad kaya ako na naman yung nagtanong sa kanya kong nandyan pa ba rin sya.

"Ate gustuhin ko man na patirahin kita sa bahay ay di ko magagawa, nandito kasi yung mga magulang ni Sammy at pansamantala ring tumira dito sa bahay kasi pina-renovate ang bahay nila. Super masikip na nga dito sa bahay kasi lahat ng furniture nila dinala rin dito hays" napaasim naman yung mukha ko, saan na ako uuwi nito?.

"Kay kuya Adonis naman di ka pwede tumira kasi baka atakihin ka rin ng allergies mo dun, super dami pa namang alagang pusa si kuya. Sa bahay naman.... Di ka rin puwede doon ate super galit si Dad sayo" biglang nawala yung facial expression na ginawa ko ng marinig ko ang hulihang sinabi ni Reya.

"Nalaman nya ate na nakipag divorce ka kay Kuya Wedell— well his kumpare told the news, he called me through the phone and I knew he was furious sa way ng pagsasalita nya. I tried to explain kung bakit nyo na pagdesisyonan iyon at sa di ko sinasadyang madulas sa pagsasalita nabanggit ko rin kay Dad about sa m-miscarriage mo ate....." I'm speechless.super speechless.

"I'm so sorry ate I didn't mean to tell him but it just slipped away from my mouth, I'm sorry" paulit-ulit syang nag sosorry pero di parin ako maka react sa ibinalita nya sakin.

"Okay lang" I said out of nowhere.

"Ate?" tanong ni Reya na parang di nya gets yung sinabi ko.

"Okay lang na malaman iyon ni Dad at ni mama... Deserve naman nilang malaman yun kasi total apo naman nila yun" nagsimulang mag init ang bawat sulok ng aking mga mata at ramdam ko ang tubig na namumuo ito.

"Sa divorce? I never regretted it. I don't care about Dad, kung galit sya magalit sya. I don't want to be tied again to a man who only knows on how to hurts me and my child," unting nagsilabasan ang mga luha ko sa aking mga mata diko na rin mapigi-
lang mapahikbi na parang bata.
"Ahm Reya alam mo pa ba ang address ni Lola Tirzah?" buti nalang may panyo akong nakita sa loob ng bag at ginawa ko yun pampunas ng luha at sipon.

"Yes ate, sa Region 8 nakatira si Lola. The place we used to live when we went for a vacation? I think nasa municipality iyon ng Sogod. Speaking of Lola tirz wala sya ngayon sa bahay nya" kung minamalas naman agrhh!

"Saan nag punta si Lola?" Tanong ko sa kapatid.

"I think nag travel si Lola around the world? nalaman ko rin iyon kag kuya Adonis eh. Tsaka nga pala ibigay ko nalang sa iyo ang number ni Lola Tirzah para naman magkausap kayo nag-alala rin sya ate ng mabalitaan nyang nawala ka nalang bigla," may nag pop up na message notif sa phone ko at yun yung number ni Lola Tirzah.

"Ate san ka ba ngayon bat ang ingay ng busina ng bus?" Bus.. yung bus na sasakyan ko!!

Napatingin ako sa pwesto nito pero wala akong natagpuan na bus! Iniwan ako ng bus!!!!

Nalingat lang ako sandali nakaalis agad yung bus, super malas ko today! Agrhh?!

"Shit. Napag-iwanan ako ng bus!" naiinis kong sambit may mga curse words pako na sinasabi nang mapahinto yun ng nagsalita si Reya sa kabilang line, di pa pala sya nag end call.

"Ugh. I'm sorry if narinig mo yun parang tinatablan ako ng kamalasan today." I said with a pissed tone.

"Well everyone has bad luck ate— teka nasaan ka ba? Bakit napagiwanan ka ng bus?" She asked.

"I'm in Leyte" napa-what reaction si Reya sa sinabi ko.

"Your in Leyte?! How? Paano ka napadpad dyan? Wala ka namang kakilala dyan sa Leyte para magpunta ka dyan?" Super dami nyang tanong na diko nasagot.

Napabuntong hininga muna ako bago ako sumagot. "It's a super long story, I need to go. Talk to you later bye." Before she even said a word I ended the call. Inilagay ko na yung selpon sa loob ng bag since diko na iyon gagamitin, napatingin ako sa pwesto ng bus kanina na dapat sasakyan ko at tuloy na napag-iwanan.

I'm so pissed. Super pissed!

Nainis ako sa sarili ko dahil di naman kasi dapat ako mapag-iwanan kanina sa bus kong dapat sumakay nalang ako at doon nalang tumawag kay Reya pero dahil sa gut feeling ko na to, napag-iwanan tuloy ako!

But at the same time kung nakasakay man ako't napunta na sa Maynila, saan naman ako pupunta? Saan ako titira?

I let out a big heavy sighed.

Napaupo nalang ako ulit sa inuupuan ko kanina at yung utak ko ay lumilipad na kung saan-saan, with matching tulala na expression. Di ko na alam gagawin ko. Hihintayin ko nalang ba ang next bus at magpatuloy na pumunta sa Maynila? O kaya maging palaboy nalang ako sa Leyte?

How about Jerome? Nah. ayaw ko na syang distorbuhin pa! super laki na ng naitulong nya sakin, I don't want him to see me as a hopeless woman.
I can't live like this! I promised myself that I would change the way I live and I will change my life.

I'm decided! Pupunta ako sa bahay ni Lola Tirzah sigurado ako may maid doon na nagbabantay sa bahay ni lola, kontakin ko muna si Lola I also need her permission para makapasok sa bahay.

Dinial ko ang numerong binigay sakin ni Reya at nag riring parin ito hanggang sa may sumagot ng call.

"Hello?"

"Helloo Lola Tirzah! Si Jasmine po ito" masigla kong sabi mabuti naman at sinagot ni Lola ang tawag ko.

"Jasmine?! Apo buti napatawag ka! Kamusta ka apo ko? Bakit ka nawala na parang bula nag-alala ako ng masyado sayo," napangiti ako sa mga naririnig ko. It's just that I'm so happy na may nag-alala parin sakin, akala ko kasi kinalimutan na nila ako ng tuluyan.

"Lola I'm sorry for making you worried, I'm fine naman po. Lola when pala kayo uuwi?" May naririnig pa ako na ibang boses at lengguwahe ang ginamit na kausap ni Lola sa kabilang linya.

"Apo I'm so sorry but I need to go now my Amiga right here needs me," but I need you too Lola Huhuhu. "Call you later bye, don't forget Lola loves you~"

"Pero lola—tot.tot.tot." at naputol yung linya, napatitig nalang ako sa cellphone kong may crack sa screen. Wala na akong magagawa pa parang nag backlash sakin yung ginawa ko kanina kay Reya.

Bad luck is really good at pissing me off. I rolled my eyes as I put my phone inside the bag, the plan failed now what do I gonna do next?!

I fix the way I sit on the waiting chair at bumalik ako sa pagmuni-muni hanggang sa may kung anong kumuha sa aking atensyon.

Nadapo ang paningin ko sa isang babaeng teenager na bumibili ng mani sa isang manong na nagtitinda, there I saw her red strings.
I trace her strings gamit ang mga mata ko at nakita ko ang the end of her strings, super ikinalaki ng mga mata ko and at the same time super laki rin ng gulat ko!

How can her strings...  Is connected to an adult man!?  Pano yun nangyari?!

Muntikan na akong mahulog sa upuan sa nakita ko, unbelievable!
Super unbelievable how can fate could be so cruel? A man and a teenage girl? Connected to each other? Each others soulmate?!

Nawala sa isip ko ang pagmuni-muni at yung kinakaharap kong problema dahil sa nakita at napag-alaman ko. I'm literally sure na ako lang yung nakikita sa mga strings, dahil yung iba hindi nila ito pinapansin at para bang hindi ito nag e-exist.

I can't take my curiosity kaya tumayo ako at inayos ang aking suot at mas hinigpitan ko pa ng hawak yung straps ng backpack ko habang palapit sa pwesto ng teenage girl, nung nakalapit naman ako sa batang babae ay walang salita ang lumalabas sa aking bibig.

Nakatunganga lang ako sa harap nya na parang may gusto akong sabihin pero hindi ko magawang sabihin, hanggang sa nagsalita yung Manong na nagtitinda.

"Lang, mopalit kag mani?" (Hija, bibili ka ng mani?) Napakurapkurap ako habang napatingin sa mga paninda ng manong.

"Ah manong hindi po..." Ngumiti lang si Manong sakin kaya pilit na ngumiti rin ako pabalik sa kanya at napatingin ulit ako sa babae na kaharap ko ngayon. Busy sya sa pag kakain ng mani na binili kay Manong.

"A–ano...." napatingin naman sakin yung babae na may pagtataka, shit this is so embarrassing! Bakit ba ako napiyok?!

"Yes, ate? Ano pong kailangan nyo po?" The girl question me kaya it gave me the courage to speak and tried to talk. Before I even spoke a word a man appeared right through us.

"Nak, human na ka ug palit? Tara na" (nak, tapos ka na bumili? Tara na) the man said. He even looked at me with a strange look.

"Kaila ka niya nak?" (Kilala mo sya nak?) the man asked.

"Dili Pa. Tagalog man na sya gipangutana ganeh naho unsa iya tujo" (hindi Pa. Tagalog sya tinanong ko nga kung ano yung kailangan nya) the girl answered.

"Ah miss ano ang kailangan mo sa anak ko?" The man asked me.
Napabalik balik ako ng tingin sa kanilang dalawa. What a mess!

"Ah... Ano kasi, saan cr dito? Kanina pa kasi ako palibot-libot di ko mahanap yung cr" sagot ko. What a dumb excuse! Napatawa bahagya ang lalaki at tinuro sakin kung saan ang daan papunta ng cr, nagpasalamat naman ako.

Before ako umalis I asked one last thing. "Is she your daughter?" At last natanong ko rin. The man just gave me a nod as an answer, I smiled and started walking away.



Fate do really is cruel and at the same time selfish. How can they're relationship worked out?  A father and a daughter? A great mess.

I can still remember how that man and his daughter strings end up tied with each other. A forbidden love. A forbidden soulmate. The type of pinagtagpo, tinadhana, pero kadugo.

Love do sometimes funny.
Pwede nang mag apply ang love sa isang comedy bar.



























































****
A/n: what if kagaya nyo rin si Jas na nakakakita rin ng strings? Anong reaksyon nyo? HAHAHA btw thanks for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top