•Chapter 2
Discharge
KASALUKUYAN akong nag aayos ng mga damit ko at nilagay iyon sa isang backpack. Ngayong araw na to ang araw ng discharged ko sa hospital, para akong preso na lalabas na sa kulungan dahil tapos na ang punishment ko.
After so many weeks of taking samples and going on therapy, I am now free from this hospital. Thank God that I'm all better now at makakalabas na ako ngayon ng hospital, it's been so long.
I'm also thankful and grateful for Jerome— the man who saved my life and give me hope to live. He helped me recover and sya lahat ang nag bahala sa expenses sa hospital, pati sa mga damit and personal things.
Malaki na ang utang na loob ko sa kanya at di ko alam kung paano ko iyon mababayaran since I'm not rich—well my family is wealthy pero I don't want their money para ibayad sa kabutihan na binigay sakin ni Jerome.
Natapos na ako sa pag-aayos ng mga gamit ko ay napaupo muna ako sa hospital bed— four and a half months rin akong nakahiga sa higaan nato. It's been 6 and a half months passed since that accident happened, time and days do really passed by so fast.
Kung noon ay gustong-gusto ko nang mawala at mabura ang existence ko sa mundo—ngayon ay gusto ko na ulit mabuhay. I know life is hard— pero my life noon? Was much worst.
I think God gave me a second chance, a chance to live my life again. A chance na baguhin ko ang aking kapalaran at a chance na buoin ko ang tunay na ako.
Maybe God heard all my mourning and sorrows, that he gave me this things—on what I have right now.
"Jas"
Did he truly heard my wish? The wish I made nung tuluyan na akong nawalan ng malay sa aksidente?
"Jasmine! Are you okay?" Napabalik ako sa reyalidad ng may tumapik sa balikat ko— si Jerome lang pala.
"Ha?" Napatitig lang sakin si Jerome with no facial expressions na makikita sa mukha nya.
"What? Ah is there something in my face?" Napahawak naman ako sa mukha ko kung may ano ba sa mukha ko dahil nakatitig parin sakin si Jerome.
He sighed. "I called your name 4 times pero tulala ka lang, are you sure you're okay?" may bahid na pag-alala sa tono ng tanong nya sakin which made me smile.
"Ah sorry nag over think lang ako, and yes I am more okay" I said with a smile on my face. Since the day I woke up I noticed something strange and new. Noon mahirap akong ngumiti at kung ngumiti man pilit at peke lang, pero now? I can do it very simply.
"If you say so... Are you ready to go?" Tumango naman ako bilang sagot at kinuha ko ang backpack. Naunang lumabas si Jerome while me tiningnan ko ang bawat sulok ng buong kwarto at ng maisigurong wala nakong naiwan at nakalimutan na dalhin ay lumabas na ako ng kwarto at sinirado na ang pinto ng kwarto.
NAABUTAN ko si Jerome sa Nurses area at kausap nito ang isang nurse na naka encharge doon, Kaya lumapit naman ako papunta kay Jerome. He noticed my presence kaya nagpaalam na sya sa nurse na kausap nya.
"We're free to go now.. Kaya tara?" Ngumiti pa sya bago kami naglakad uli. Malaki pala ang hospital na napag stayhan ko for a months, well isa itong well-known na ospital ayon kay Jerome. Syempre dahil well-known asahan mong mamahalin at malaki ang gagastusin mo sa ospital nato.
I once questioned Jerome na paano sya ang bahala sa gastusin ko sa hospital and he just gave me a weird answer that somehow I felt a tiny relief 'dont worry I have my ways', may assurance nga pero di mo alam kong assured bayang assurance nya.
Ng makalabas na kami sa hospital ay bumungad samin ang sikat ng araw at fresh air, napatigil ako sa kakalakad at dinama ang init na dumampi sa aking balat at ang simoy ng hangin.
Alam kong wala ako sa syudad since napaka fresh ng hangin sa lugar na to, Nandidito nga ako sa isang probinsya.
Lumaki ako sa Syudad ng Manila at minsan lang naka bakasyon sa isang probinsya where my Lola Tirzah lives.
Nakakapanibago sa katawan ko ang kapaligiran ko which is good for me.
Nakita ko na anlayo na pala ng nilakad ni Jerome kaya tumakbo ako para makahabol sa kanya. Papunta kami ng parking lot since doon nakaparada ang kotse nya.
Nakaabot na kami sa parking lot at nandito ako malapit sa exit area naghihintay dahil sa malayong area sya nakapark kaya heto ako naghihintay, napatingin uli ako sa surroundings ko. Puro puno lang naman ang nakikita ko at green grasses sa may gilid ng isang highway.
Ang ganda naman ng hospital na to such peaceful and comfy, bukod sa malaki ang mga buildings nito ay may magandang environment pa. I can't believe na may Hospital na ganto, sa syudad kasi di ganto yung feeling.
My thoughts vanished when I heard a honk sounds— then there I saw an Attitude Black Mica Toyota Hilux Car.
Wow. A beautiful car.
The tinted car window opened and there I saw Jerome sitting in the driver seat. "Hey, sakay na" he offered kaya kahit nakakahiya sa side ko ay binuksan ko ito at umandar na ang makina ng sasakyan.
Thirty minutes passed at nakalayo-layo na kami sa area ng hospital, Hindi narin puro puno ang nakikita ko sa paligid kundi mga bahay na at ibang buildings na hindi naman masyadong kalakihan.
Sa loob ng trenta minutos na biyahe ay tahimik lang kami ni Jerome, kaya feeling ko nasu-suffocate ako sa akward atmosphere.
"Ah... you have a nice car" I blurted out. Napatingin naman sakin si Jerome with a shock expression parang di nya ata expect na magsasalita ako.
"Ah yes... Well pangalawa sa limang collection ko itong si Abby's— name ng car na to" kwento nya kaya napatango-tango lang ako bilang pagtugon.
"Oh yes won't you mind if I ask something,?" He asked then I answered.
"Ano yun?"
"Your last name is Bernadaz right? Are you some kind of related to Adonis Bernadaz?" Natahimik ako ng marinig ko ang isang pamilyar na pangalan. Pinagpatuloy parin nya ang pagsasalita.
"Somehow parang nahahawig yung mukha mo kasi kay Adonis lalo na yung shape ng mga kilay nyo tas magkaparehas rin kayo ng last name, I thought at first na magkapatid kayo—" Hindi nya natuloy ang continuation ng pagkukwento nya when I interfere.
"Yes your right were siblings, Adonis is my older brother." Medyo late reaction sya kasi di agad sya nagsalita—which gives me the urge to talk and explain.
"How come did you know my brother?" Oo nga how did he know? Is he part of Adonis friends? But I don't think I've seen him before. Napatikhim sya bago nagsalita ulit.
"Ka batch mates ko si Adonis nung highschool at syempre everyone knows Adonis Bernadaz, star sya ng school. He's a brilliant one" he stated. Ka batch mates nya si Adonis nung highschool? So which means ka batch mates ko rin sya!
"Sa MU Highschool University ka nag aaral nung highschool?" Obvious naman na sa MU Highschool University rin sya nag aaral since kilala nya si Adonis—what good question Jas.
"Yes kaso nung nag 4th year ako ay tumaransfer ako ng school kaya di ako nakapag–graduate sa MU Highschool University" he explained. That's why! Kaya pala hindi ko sya makilala since nag transfer pala sya.
"Ah... Nag aaral rin ako sa MU Highschool University pero how come di kita nakilala agad? " Taka kong tanong which he just answered me with a shrugged.
"Maybe fate did not want us to meet? Or kaya di tayo nagkita since I'm not a social person?" Napa pintig ang tenga ko nang marinig ang salitang fate —and speaking of fate! Nahagilap ko ulit sa aking paningin ang pulang strings!
I widened my eye and brows when I saw our Strings are connected to each other—I'm still in a process of digesting what I saw right now. Can't get used to it.
Huminto yung sasakyan at nag tanggal ng seatbelt si Jerome,
"Let's eat muna ng lunch, I'm hungry nakalimutan ko palang mag-agahan kanina." He said at naunang lumabas sa sasakyan while me? Didn't move an inch! Di nya ba talaga nakikita yung red strings?
Napatingin uli ako sa pula na thread na naka attached sa pinky finger ko, legit na ba to? I shook my head at pilit na pinapawala ang topic na yun sa isip ko, Nagitla ako ng bumukas yung pinto.
"Let's eat muna ng lunch doon sa karinderya," tinuro pa nya yung karinderya na tinutukoy nya. Total he opened na yung pinto ng car nya bumaba narin ako at sinara nya ito, bago nya ito tuluyang ni-lock.
Naglakad kami papunta sa karinderya at naabutan namin na marami ring tao na kumakain, nauna akong umupo sa isang table malapit sa entrance since doon lang yung free.
Naglakad palapit si Jerome sa counter para umorder ng pagkain, inilibot ko naman ang paningin ko kasi naninibago pa ako sa environment na to.
Pansin ko na karamihan na kumakain sa karinderyang to ay mga office worker's at mga students, at base sa naririnig kong pag uusap sa katabing table ko hindi sila taga–Manila.
They're not using tagalog language para ngang related sa bisaya eh, bawat phrases ng pag kwe-kwentuhan nila may 'jud' at 'gyud' sa huli.
Natapos na atang mag order si Jerome dahil nakabalik na sya sa table na pwesto ko, tanungin ko nga sya kung anong lugar to. Sa loob ng six months never kong natanong kung saang lugar ako na confined since nawala iyon sa isip ko dahil na priority ko ang pag papagaling at pag pupunta sa mga therapy.
Saktong pag upo ni Jerome sa upuan ay tinanong ko sya,
"Hey ah I forgot to ask you this, Are we still in Manila?" Nang marinig nya iyon ay napa face palm sya at mayroon pa syang binulong sa sarili na diko narinig.
"Ah no wala na tayo sa Manila where somewhere in Leyte— I am sorry na di ko yun nasabi sayo nung nagising ka nawala iyon sa utak ko since I was uplifted." He explained and I just slowly nod at nag response sa explanation nya.
"Okay lang napansin ko nga wala tayo sa Manila dahil yung iba ay nagsasalita ng bisaya" I stated then again nag sorry ulit sya dahil na kalimutan nya iyon sabihin sakin.
Ilang mga minutes ay sinerve na yung pagkain na inorder namin sa isang ale. Dalawang ulam ang unang sinerve— Adobong manok at halang-halang na manok.
Umalis uli yung ale dahil kukunin nya daw yung kanin at softdrinks.
Matapos sinerve ang pagkain ay nagpasalamat naman si Jerome sa ale habang ako tahimik lang, magsisimula na sana akong kumain pero sabi ng kasama ko na mag pray daw muna kami before kumain.
Diko naman kasi ginagawa yung mag pray before kumain— minsan lang ata akong nag pray.
Di naman ako nagreklamo kaya umo-o ako lang ako, pumikit si Jerome kaya ginawa ko na rin before he started praying. "Our father in heaven, God bless our food. In Jesus name we pray amen." Then I opened my eyes nung di na sya nagsalita. Our eyes met and he only smiled at me at nag simula na kaming kumain.
Wala ni saming dalawa ang nagtangkang mag salita dahil sa masarap na ulam na nakahanda sa lamesa namin—No halong lies super sarap ng ulam na inorder ni Jerome lalo na yung halang-halang na manok.
Lasap na lasap mo yung anghang sa sabaw ng halang-halang, Yung anghang na sakto? Yung di masyadong sobra sa pagkakalagay ng sili.
Naubus ko yung pagkain ko at satisfied yung tiyan ko matapos non, natapos rin yung kasama ko kaya tumayo sya at bumalik sa counter ng karinderya at bumili sya ng dalawang mineral water na bote.
Bumalik sya sa pwesto ko at inabot nya sakin ang bote ng tubig, nag pasalamat naman ako sa kanya bago ko binuksan yung bote at ininom ito.
"Tsaka nga pala how do you know na wala tayo sa Manila?" Tanong nya sakin at napatingin ako sa gawi nya.
"Super obvious naman kasi dahil presko yung environment dito, di gaya doon sa Manila maraming taxi na pumepreno, maraming factories and etc." I partially replied.
He just gave me a nod and nagyaya na syang lumabas ng karinderya, inayos rin namin ang mga kubyertos at plato na ginamit bago kami tuluyang lumabas ng karinderya.
Sa pagka labas namin ng karinderya ay unang bumungad sa paningin ko ang di ko inaasahan na makita—inaasahan ko man pero diko expect na ganto ang makikita ko!
Napatigil ako sa paglalakad. Napahawak ako sa naninikip kong dibdib, para akong di makahinga sa samut-saring naramdaman ko ngayon.
Ano ba ang tamang reaksyon para sa kaso kong to?
Unang bungad sakin ang napaka daming red strings na naka attached sa samut-saring tao na nag lalakad!
A/N: mataas pa sana tong chapter na to eh pero diko na ma continue naiiyak ako ngayon parang ang super malas ko today 🙃
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top