Chapter 14
⚠️ THIS CHAPTER CONTAINS PROFANITY, VIOLENCE AND SCENES THAT MAY TRIGGER ANXIETY. PLEASE BE GUIDED ACCORDINGLY. ⚠️
───⊹⊱✫⊰⊹───
14. Inside Desiderio
───⊹⊱✫⊰⊹───
It's been almost a week since Sky started tailing Senator Hendrix, gathering information and clues that might lead him to solve Rafie's murder case. Bukod sa mga meeting nito, tanging ang Desiderio lamang ang pinupuntahan ng senador at ngayong gabi, naisipan niyang sundan ito hanggang sa loob mismo ng KTV lounge.
It is highly maintained. De calidad lahat ng materyales ng dekorasyon, maging ang kanilang carpet ay mapapansin ring mamahalin. Mabuti na lamang at nag-reasearch siya tungkol sa lugar na ito. Tanging ang mga VIP members at may reservation lamang ang maaaring makapasok rito.
Sky was handed a golden masquerade face mask. He saw other colours of such masks - silver and bronze. He paid for the highest ticket when he booked his reservation which gives him free access to every corner of the said bar.
He walked casually alongside the other members escorted by women dressed in tight clothing, high heels, and luscious red lipstick. These women are all wearing pink masquerade face masks. Hindi rin nagtagal ay may isang babaeng lumapit sa kaniya. Pormal ang kauotan kompara sa mga naunang babaeng nakita niya kanina at nakasuot naman ito ng crimson-coloured masquerade mask. Even the shade f her lipstick is darker. "Welcome to Desiderio. How can we fulfil your desires tonight?"
He wasn't sure how to respond to the question and he needed to play safe. Ayaw niyang makahalata ang kausap nito na may ibang pakay siya sa pagpunta rito. This will blow his cover and might cause unnecessary commotion. He cleared his throat, loosen his tie, and returned the question instead, "What do you recommend to a young man like me?"
Ngumiti ang kausap nito na para bang nanalo sa casino. She personally assisted him to a private room, right next to the room guarded by two men. He grinned in secrecy. Nasa loob ng kuwartong iyon si Senator Hendrix at makakagawa siya ng paraan upang malaman kung ano ang pinag-uusapan nila sa kuwartong iyon gamit ang isang maliit na listening device na nasa bulsa ng coat niya.
Papasok na sana ito nang lumabas ang isang lalaking may katandaan mula sa kinaroroonan ni Senator Hendrix. Nilagpasan sila ng lalaking iyon at sinundan naman niya ng tingin. "Is that the way to the men's restroom?"tanong nito habang itinuturo ang pasilyong nilikuan ng ginoo.
Tumango naman ang babaeng kasama niya. "Yes."
He faced her and tapped her shoulder, "Get me the best bottle of liquor and great food you have." Utos nito rito at mas lalong lumawak ang ngiti ng kausap jiya. "I just need to use the restroom."
Hindi na jiya hinintay na sumagot ito at kaagad na siyang nagtungo sa men's restroom. Tahimik, malinis, at mabango sa loob. Mukhang nililinisan kada isa o dalawang oras. Tatlo ang cubicle sa loob, sarado ang nasa dulo. Kaagad niyang binuksan ang gripo sa washer nang marinig niyang nag-flush ang ginoo bago bumukas ang pinto.
The man came to wash his own hands too, aggressively took of his golden masquerade mask, and his eyebrows almost in unison. The old mad, who seems to be in his early fifty's, is definitely annoyed at something. He grabbed his mask and before he could leave, Sky purposely bumped him which made his mas fell to the perfectly white tiles.
"I-I'm sorry, I wasn't looking." he acted apologetic, picked the man's mask, and returned it to the owner while planting the peas-seized listening device inside the man's pocket. Hindi mahahalatang isa itong gadget dahil mukha itong maliit na turnilyo.
Pinalagpas niya ang dalawang minuto bago siya pumanhik sa kwarton nireserba niya para sa kaniyang sarili. Isang mamahaling bote ng alak ang nasa gitna ng malaki at maluwang na lamesang itim. Pinapalibutan ito ng maraming uri ng pagkain - buffalo wings, cordon bleu, chicken pops, and buttered shrimp with sauce. Ilang sandali pa ay kumatok muli ang babaeng kausap niya kanina, may kasama itong isang babaeng kulay blonde ang buhok, hapit ang kulay silver nitong damit, red high heels, and wearing a pink masquerade mask.
"This is Rosie and she will accompany you tonight." pilit ang mga ngiti ng babaeng iyon habang hindi niya hinahayaang makawala ang nagpupumiglas na dalaga mula sa kaniya.
He was eyeing the two women. Gusto niyang sabihin na nais niyang mapag-isa ngunit naisip niyang baka magduda ang mga ito kaya naman tumayo siya at pinuntahan ang dalawa. Napatigil ang babaeng nakasuot ng crimson mask sa pagbulong sa dalagang kasama.
Naglabas siya ng dalawang libo at ibinigay iyon sa babaeng naka-crimson mask. "I'll take care of her." he told her in the most seductive way possible.
"And she'll take care of you." pabalik na saad naman nito sa kaniya. Bago pa siyang tuluyang umalis ay hinila niya ang kurbata ni Sky at inilapit ang labi sa tainga ng binata saka bumulong. "She's fresh on the job. Inexperienced. I'm sure she will fulfil your sexual desires tonight."
Napalunok si Sky sa narinig. And before he knew it, the door was shut closed, a timer was turned on above the closed door. "Five hours and thirty minutes." he whispered to himself.
He roamed his eyes on the whole room and saw the CCTV's led turned off. Ngumisi ito at itinaas ang kaniyang kamay upang pigilan ang babaeng hampasin siya ng bote ng alak. "Mahal ang ibinayad ko sa alak na 'yan." Sambit niya bago harapin ang dalaga, hawak pa rin ang kanang kamay nito.
Kinuha niya ang bote ng alak saka hinila ang babae papalapit sa kaniya. "Just play along and you will not get hurt." saad niya sa dalaga saka kinuha ang cellphone niya at nagtipa ng mensahe.
Napalunok ang dalaga mula sa narinig. "Please..." nanginginig ang boses nito. "h-huwag mo 'kong..."
Hindi na naituloy ng dalaga ang kaniyang sasabihin nang ipabasa ni Sky ang mensaheng nais niyang iparating. 'They turned off the camera but not the mic.'
Kumunot ang noo ng dalaga at nagtatakang binaling ang titig kay Sky. Hindi niya alam kung ano ang gagawin o sasabihin. Nagtipa nang muli ang binatasa akniayng cellphone at ipinakitang muli ang kaniyang mensahe. 'Sundin mo ang sasabihin ko para hindi tayo mapahamak pareho.'
The young lass is still doubtful. Ngumiti na lamang si Sky sa kaniya at binitiwan ang kamay niya. "I'm craving for you." he told her out of the blue. He eyes widened but felt at ease when he signed her to keep quiet and pointed at the CCTV. "But I don't want this expensive bottle to just sit there. Join me for a drink. At mamaya, sa 'yo naman ako magpapakalasing!"
───⊹⊱✫⊰⊹───
Storm pulled his car to a stop at a pop-up bar. Nagkakagulo ang mga tao dahil sa isang lasing na lalaking hindi nila maawat sa pagsigaw at pagmumura. Sa buong linggo nitong sinusubukang tawagn si Levi, sa wakas ay sumagot rin ito kanina ngunit tila wala sa katinuan. Mabuti na lamang at nabanggit niya kung nasaan ito kaya kaagad naman itong nagmaneho papunta sa kaniya.
"S-Sir Levi!" pag-awat niya rito nang itulak ni Levi ang dalawang lalaking umaaawat sa kaniya.
Pumagitna nang tuluyan si Storm sa eksena at pinakiusapan ang mga naabala nito na ipaubaya na lamang sa kaniya ang 'kaibigan' niya. "Ako na ang magbabayad sa lahat ng nasira ng kaibigan ko, hayaan n'yo lang akong iuwi siya ng buo!" pakiusap niya sa mga taong naroon.
Isinakaya niya si Levi sa likod ng kaniyang sasakyan at kasunod nito ang mag-asawang may-ari ng pop-up bar. "Magkano ho ang nasira ng kaibigan ko?" tanong niya.
Napatingin ang mag-asawa sa kanilang pop-up bar na ngayon ay pinagtutulungan ng mga taong ayusin muli. "S-Sampung libo po." Nahihiyang sagot ng gino.
Inilibot ni Storm ang mga mata niya. Mukhang ito lamang ang pinagkakakitaan ng mag-asawa. Sa likod ng counter ay isang trese anyos na batang babae. Naka-uniporme pa rin ito at may kulay berdeng logo ng eskwelahan niya sa kwelyo ng uniporme niya.
Dinoble ni Storm ang bayad sa mag-asawa at nagtatakang bumaling sa kaniya, nais ibalik ang sobra, ngunit tinanggihan niya. "Keep it." tanging saad niya at hanggang sa makaalis na ang kotse niya ay nagpapasalamat pa rin sa kaniya ang mag-asawa.
He decided to take Levi on one of their hotels. Hindi naman niya alam kung saan ito nakatira at wala na rin itong malay dahil sa kalasingan. Minabuti nitong ipagpabukas na lamag ang lahat ng katanungan at bagay na nais sabihin. Ang importante sa kaniya ay nahanap niya ito ngayon.
───⊹⊱✫⊰⊹───
Sky was already listening to the conversation from the other room while the young lass was eating the food he ordered. Wala rin namang siyang pakialam kung ubusin niya ito, ang mahalaga ay nai-re-record niyang lahat ng usapang naririnig niya.
The device he planted on the man's coat from earlier is now connected to his mobile device and wireless headset.
May mga babae ring kasama ang mga ito and he could even hear Senator Hendrix havign a toast with his colleagues. May naririnig na rin siyang umuungol at maya-maya pa'y nagpaalam na ang mga ito, "Itutuloy namin ang kaligayahan sa itaas."
Napakunot ng noo si Sky. Sa pagkaalam niya'y tatlong palapag lamang ang Desiderio at nasa ikatlong palapag sila ngayon. Tatlumpong minuto na rin ang nakakaraan simula nang pagsarhan sila ng pintuan mula sa labas upang magkasarilinan sila ng babaeng kasama niya.
Lumapit ang dalagang kasama niya at bumulong, "Sabi mo naka-on pa rin ang mic. Tingin mo..."
Sumilip si Sky sa CCTV at nakita ang unti-unting pag-ilaw nito. "Shit." he whispered. Kaagad niyang ipinahiga ang dalaga sa sofa at pumaibabaw, "tingnan mo kung umiilaw pa rin ang CCTV. Nasa kaliwang bahagi ng pintuan." Utos niya sa dalaga. "Huwag kang magpapahalata!" dagdag pa niya.
Unti-unting tumingin ang dalaga sa parteng itinuro ni Sky saka tumango bilang tugon. "Ibig sabihin...?"
"Nagtataka sila kung bakit tahimik tayo kaya nanonood sila." Malalim na napaisip si Sky sa mga sandaling iyon at inilapit pa ng husto ang mukha niya sa tainga ng dalaga. "Ipulupot mo ang kanang binti mo sa bewang ko."
"Gago ka ba?" Halos napasigaw ito sa iniutos ni Sky.
"Gusto mong mamatay tayong dalawa?"pabalik na tanong naman niya sa dalaga.
Mariing pumikit ang dalaga at sinunod ang utos sa kaniya ni Sky. "Magkunwari kang sinasabunutan ang buhok ko."
"What?"
"Miss, hindi ka bingi." sarkastikong sagot niya. "Do as I say or we're both dead tonight."
Isang buntong hininga ang kumawala sa dalaga. She reluctantly obliged to what Sky wanted her to do.
"Keep doing it for a minute." Iyon ang huli niyang pagbulong sa dalaga bago siya tumayo. Plano niyang tawagan ang receptionist upang sabihing lalabas na siya at isasama ang dalaga ngunit hindi iyon natuloy nang marinig niyang nagkakagulo sa kabilang kuwarto.
Nagbabasagan ng bote roon at nakarinig siya ng ilang paris ng mga paa patungo sa kinaroroonan ni Senator Hendrix. Malakas ang pagkatok niya sa pintuan at kaagad naman iyong nabuksan.
"I apologise for the ruckus." Hinging paumanhin ng isang lalaki na naka-crimson mask at malagkit ang mga titig sa kasama nitong dalaga kaya hinarangan niya ito. Ang babaeng kasama nito kanina ay umaawat sa gulo.
Isang putok ng baril ang narinig mula sa kabilang kwarto, dahilan upang mapahiyaw ang mga tao. "Get everyone else to safety!" Utos ng babaeng kausap ni Sky kanina. "Alert everyone on the fourth floor, the police are going o be here any moment." Hindi nakaligtas sa pandinig ni Sky ang huling sambit ng ginang.
Binalikan ni Sky ang bote ng alak na hindi pa nababawasan, maging ang dalagang kasama nito ay hinila niya palabas ng kuwarto. "I'm taking her with me to heaven!" paalam niya sa babaeng kausap niya kanina.
Tumango na lamang ito sa kaniya at hindi na hinintay pang sumagot. Nagmamadali itong makababa. Ayaw niyang datnan siya rito ng mga kasamahan niya at baka mabuking pa ang private investigation na ginagawa niya.
Nakarating na sila sa pasilyo ng ground floor nang mapatigil ito. Pumarada ang ilang sasakyan ng mga taga-Ministry of Defense sa parehong entrance at back door ng Desiderio. "Nasaan ang emergency exit dito?" tanong niya sa dalaga.
Napaisip ito saglit at lumiwanag ang mata nang maalala ang isang emergency exit. "Sa basement." sagot niya saka sila pumasok sa maliit na pasilyong katabi ng reception area.
Madilim ang daanan at naririnig nila ang pagsigaw ng bawat tao. Napatigil siyang muli nang marinig niyang muli ang boses ni Senator Hendrix sa kaniyang wireless headset, "He might have killed the Veras - Orly and his daughter - but he is still not in control of the Ministry!"
"Ano? Tutunganga ka lang diyan?" Napabalik siya sa kaniyang ulirat nang tapikin siya ng dalaga. Tinungo nila ang basement at kaagad ring nagtago sa madilim na bahagi dahil may mga dumating ring pulis.
Wala silang ibang pagpipilian kundi ang gumapang sa madilim na parte ng basement na siya ring parking lot ng Desiderio. Naririnig na ni Sky ang static mula sa kaniyang wireless headset, ibig sabihin ay masyado na siyang malayo sa listening device kaya hindi na ito gumagana. He took his wireless headset off and kept it in his pocket.
Sa may basurahan sila lumabas, malayo sa mga kapulisan. Pinagpag niya ang kaniyang sarili bago hinarap ang dalaga. "Puwede ka nang umuwi."
Tinalikuran na niya ang dalaga at nagsimulang maglakad papalayo sa kaniya nang pigilan siya nito. His eyes were pinned to the pair of hands holding his left arm. He turned his body halfway to see her face unmasked. Her eyes were pleading. "Baka naman puwedeng ituloy-tuloy mo na ang pagiging hero mo sa 'kin ngayong gabi?"
───⊹⊱✫⊰⊹───
This chapter was updated via mobile app (Nov. 2021).
The Rebels © by Wintermoonie
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top