Chapter 13
⚠️ THIS CHAPTER CONTAINS PROFANITY, VIOLENCE AND SCENES THAT MAY TRIGGER ANXIETY. PLEASE BE GUIDED ACCORDINGLY. ⚠️
───⊹⊱✫⊰⊹───
13. Desiderio
───⊹⊱✫⊰⊹───
Levi parked the ministry car without giving a damn about their parking rules. He did not even bother giving a second glance to the people he almost hit nor to people who cursed at his arrogance.
He stormed inside the main building, taking every attention from the half-shocked, half-confused agents who were all given a new task.
"THE SAFETY OF OUR COUNTRY IS NOW AT STAKE," rinig na rinig niya ang sigaw ng Ministry Chief. Kalahating bukas ang pintuan nito at maraming nangamba sa pahayag na iyon.
Levi went inside without a knock. Naroon ang ilan sa mga opisiyal, maging si Sky ay naroon din na tila inis na inis sa mga sandaling iyon. Pulang-pula rin ang mga mata nito at halatang kagagaling lamang sa matinding iyak.
Napako ang tingin ni Director Han, ang Ministry Chief, sa gawi ni Levi ngunit umiwas rin kaagad ito. Alam na niya kung bakit may galit sa mga mata ng bagong dating na binata.
Ipinakita nito ang mensaheng natanggap niya mula sa kanilang main office, "you're sending me to attend a fucking seminar in Europe when you know for a fact that our country is in danger of a terrorist attack?" buong sarkasmo niyang bungad.
Hinimas ng kaniyang direktor ang kaniyang sentido. Naupo ito at para bang ilang segundo lamang ay sasabog na siya sa dami ng problema.
Tumayo ang isang sopistikadang babae na kung titignan ay tila nasa late twenty's na ito. Naka-bun ang kaniyang kulay tsokolateng buhok, pula ang mga labi, at nakasuot ng itim na corporate attire na hapit sa kaniyang katawan.
"The senate thinks it is best to have you moved to Europe to cool down your temper," mahinahon nitong sagot sa kaniyang paghuhurumentado kani-kanina lamang.
Levi gave a sarcastic smirk, took a few steps closer to her, and looked directly into her eyes, "hindi ko alam na mas importante ang temper ko kaysa iligtas ang bansa laban sa mga terorista."
Nag-iwas ng tingin ang dalaga at tinignan siya ni Levi mula ulo hanggang paa bago bumaling ng muli sa kay Director Han, "you agreed to the senate's decision? For all we know, baka sila pa ang nagpapatay kina..." hindi niya maituloy ang kaniyang sasabihin dahil nagsisimula na namang bumigat ang pakiramdam niya. He was breathing heavily while trying hard to hold back his tears.
"You dare accuse the senate of murdering the Veras?" nakipagsukatan ng tingin si Levi sa babaeng iyon. "If you stay here and get killed, this country will surely die! We need our best agents to be safe in order to..."
"In order to gain full control of the country?" buong sarkasmong pagtutuloy ni Levi at muli ay matatalim na naman ang tinging ipinukol niya sa babaeng kaharap. Wala siyang pakialam kung sino ito, ang tanging malinaw ay nawalan siya ng pamilya sa pangalawang pagkakataon. His mind is clouded with anger and all he wanted to do is find the culprit who took the lives of his loved ones.
Nilisan na niya ang opisina ng kaniyang direktor at kahit pa ilang beses siyang tawagin nito upang bumalik ay hindi niya iyon pinakinggan. Dere-deretso siyang nag-martsa papalabas ng building, pumasok nang muli sa sasakyan, at pinaharurot ito paalis.
───⊹⊱✫⊰⊹───
"Narito na ang autopsy report na hinihingi mo."
Tinanggap ni Sky ang isang hard cardboard folder na may nakasulat na TOP SECRET sa harapan mula sa doktor na gumawa ng autopsy sa mga inuwing bangkay mula sa Annual World Peace Treaty.
Isang malalim na hininga lamang ang naipamalas nito nang masilayan ang walang buhay na si Chief Vera, ang ama ni Rafie. Katabi nito ay ang bangkay ng isang babaeng halos hindi na makilala ang mukha.
"Ayon sa ulat, nakita ang katawan niya sa ibaba ng bangin kung saan naman natagpuan ang katawan ni Chief. She was shot in the head twice," paliwanag ni Doctor West, isang matandang doktor na matagal ng nagtatrabaho sa Ministry of Defence. "Knowing Chief Vera and Rafie, they were, for sure, trying to escape their killers."
Umigting ang panga ni Sky sa narinig, ang kaniyang kamao ay unti-unting namumuo at halos mapunit ang folder na hawak nito, habang iniisip ang karumal-dumal na sinapit ng mag-ama kasama ng ilan pa sa mga kasamahan nila. 'Kung sino man ang may pakana nito, siguradong magbabayad sa batas,' sigaw ng kaniyang isipan.
He have come to love the life he was trying to build, the life outside the shadow of his father, the life of being a public servant and protector of peace. Pero ngayong nawala ang isa sa mga taong tumulong sa kaniya upang mahulma kung sino siya ngayon, pakiramdam niya'y nawalan siya ng isang haliging nagpapatibay sa kaniya, isang haligi na gumagabay sa kaniya.
Napabalik na lamang sa kasalukuyan ang diwa niya ang marinig niyang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon ngunit hindi niya ito magawang sagutin hanggang sa sumuko ang tumatawag sa kaniya.
5 missed calls from Storm.
Sinundan kaagad iyon ng isang text notification mula sa best friend niya.
Storm Darlington: Sigurado bang si Ms. Crush 'yan? Baka impostor lang 'yan!
Kanina pang nangungulit si Storm tungkol sa balitang iyon. Maging siya ay hindi makapaniwala do'n. Nais niyang patulan ang isiping baka nagkakamali lamang ng akala ang mga tao ngunit narito na sa kamay niya ang patunay na ang bangkay ay walang iba kundi si Serafica Vera.
Isang tapik ang natanggap niya mula kay Dr. West saka ito nagpaalam na lalabas na sapagkat marami pa itong kailangang gawin sa crime lab. He is the head of the Ministry of Defence's Medical Facility after all.
Sinulyapan niya sa huling pagkakataon ang bangkay ng dalaga, "hindi mo sinunod ang golden rule," halos pumiyok ang boses niya nang banggitin iyon. "Stay alive," isang mapait na ngiti ang kumawala sa kaniyang mga labi at iniwas ang tingin sa bangkay. Ilang beses siyang kumurap-kurap upang pigilan ang mga butil ng luhang lumabas mula sa kaniyang mga mata. "Madaya ka, agent Tala. Ikaw ang gumawa ng batas na iyon pero ikaw itong hindi sumunod."
───⊹⊱✫⊰⊹───
Samantala, makikita ang isang lalaking nakatalikod mula sa dalawang kalalakihang magkatabing nakatayo, isang metro ang layo mula sa isa't isa, naka-itim na uniporme, at parehong may baril na nakasukbit sa tagiliran nila.
Sa harapan nila'y isang mesa na gawa sa nara. Nakapatong ang isang naka-sinding tabako na nakapatong sa ash tray at katabi ang isang wine glass na naglalaman ng red wine. Nasa bandang dilim ang lalaking nakatalikod sa kanila ngunit tuwid itong nakatayo't nakaharap sa malaking painting ng isang isla.
"Naipabalita na ang pagkamatay ng mag-ama," ulat ng isa sa mga lalaking naka-itim na uniporme. Mas matangkad ito kumpara sa kasama niya, may balbas at malaki ang pangangatawan. Brusko ito at may tattoo sa kaniyang kaliwang braso - isang bungo na pinabalibutan ng ahas. "Aligaga ang mga tao sa Ministry of Defence lalo nang dumating ang mga bangkay."
Makikita ang bahagyang paglingon ng lalaking nakatalikod saka hinarap muli ang painting, "sinigurado niyong patay na ang babae?" ma-awtoridad ang boses nito, may kalaliman at mararamdaman mo ang babala sa bawat salitang binitwan niya.
Nagpalitan ng tingin ang dalawa na para bang may kaunting kaba sa mga mata nila bago nagsalita ang ikalawang lalaki. Ang buhok nito'y nakapusod dahil umaabot ito hanggang sa kaniyang balikat. Maskulado rin ito ngunit mas maliit nga lang kumpara sa katabi niya, "dalawang beses siyang binaril sa ulo at inilaglag sa bangin," paniniguro niya. "Imposibleng mabuhay pa 'yon, boss!".
Hindi na muli pang nagsalita ang tinawag nilang boss at wala na itong itinanong pa. Sa ngayon, sapat na para sa kaniya ang takot na ibinigay niya sa Ministry of Defence. Maisasakatuparan na niya ang kaniyang matagal na ninanais para sa sarili at sa kanilang bansa.
───⊹⊱✫⊰⊹───
Lumipas ang dalawang linggo simula nang maiuwi ang mga bangkay ng nasawi mula sa Kingdom of Qarzech. Ngayon ang araw na ililibing ng sabay-sabay ang mga nasawi at maraming tao ang dumalo rito liban pa sa mga pamilya ng mga nasawi.
Nais mang ihatid ni Sky ang bangkay ni Rafie sa kaniyang huling hantungan ay hindi maaari. Kasama siya ngayon sa mga nagbabantay ng paligid. Marami mang dumalo upang makipighati ay marami ring nagpunta rito upang mag-silent protest.
Maraming nagkalat na banners sa paligid na nagsasabing, 'Justice for the lives lost during the Annual World Peace Treaty' at mayroon ding ilan na bumabatikos ngayon sa paghina ng depensa ng bansa. Maraming haka-haka na ito na ang simula ng pagbagsak nila dahil sa nangyari.
"Sky," nilingon nito ang naka-itim na si Storm at hindi maipinta ang mukha.
Sumenyas ito sa isang kasamahan na palitan muna siya sa kaniyang puwesto. Naglakad ang dalawa patungo sa isang bakanteng lote, ilang metro ang layo mula sa mga libingan, kung saan halos walang ibang tao ang nakatambay.
Sinuri ng binata ang kakaibang ikinikilos ng kaibigan. Hindi ito mapakali at para bang may bumabagabag sa kaniya, "ano 'yon?" hindi niya maiwasang magtanong.
Napakamot ng batok si Storm bago hinarap si Sky. Tinitigan niya ito sa mga mata, tila inoobserbahan kung kakayanin nitong magsabi ng impormasyon. Lumapit ito at halos hangin na lamang ang nakarinig sa hina ng boses niya, "may nabanggit si Senator Hendrix no'ng isang gabing nagpunta siya sa bahay at nalasing," panimula niya.
Napatitig lamang sa kaniya si Sky. Hindi ito sigurado sa kung saan patungo ang kanilang usapin ngunit malakas ang kutob nitong hindi maganda ang ibabalita ni Storm sa kaniya.
Storm leaned closer to him and continued giving him information about what he overheard the other night, almost hissing, "umiiyak ito at may sinabi tungkol sa nangyaring pag-atake sa Annual World Peace Treaty sa Qarzech," mas naging alisto si Sky dahil sa narinig. "Ayon sa kaniya, 'he ordered to kill them - Chief Vera and his daughter... he is after Levi too'..."
Sky stiffened at the information given to him. Alam nilang sinadya ang pagpatay sa kanila ngunit kung may nakakaalam kung sino ang nasa likod nito'y mas mapapadali nilang mabibigyan ng hustisya ang mga napaslang.
"Kailangan kong hanapin si Levi," tanging sambit ni Sky. Paalis na sana ito nang hawakan ni Storm ang braso nito.
Kunot-noong tinapunan niya ng pansin ang ginawang iyon ng kaibigan. Ngumuso ito sa isang itim na kotse na kadarating lamang. Lumabas mula sa likod ng sasakyan ang isang ginoong may kaliitan, bilog ang pangangatawan, at manipis na ang buhok sa ulo. Pinapalibutan siya ng anim na bodyguard habang naglalakad ito patungo sa libingan, "that's Senator Hendrix," tugon ni Storm saka unti-unting niluwagan ang pagkakahawak sa kaibigan. "Mas magandang dumito ka na lang para mabantayan mo ang Senador na 'yan. Ako na ang maghahanap kay Levi."
Sinunod ni Sky ang payo ng kaibigan. He took today's off and tailed the senator in secrecy. Gusto niya itong makausap ng sarilinan dahil nais niyang malaman kung sino ang nagpapatay sa mga kasamahan niya, lalo na kay Rafie.
Maraming dinaluhang mga meetings ang senador sa buong araw kaya naman nagtaka ito nang pumasok ito sa isang kilalang bar, ang Desiderio, a high-end prostitute bar disguised as a luxurious KTV lounge kinagabihan. Isang katanungan lamang ang nasa utak ni Sky sa mga panahong ito, 'what the hell is he doing here?'.
───⊹⊱✫⊰⊹───
End of Chapter 13.
This chapter was updated via mobile app.
The Rebels © by Wintermoonie
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top