Chapter 12

Uneditted.
Updating via mobile app.

⚠️ WARNING!!! This chapter contains violence. Read at your own risk. ⚠️

───⊹⊱✫⊰⊹───
12. Et Mortuus Es
───⊹⊱✫⊰⊹───

Rafie sat beside her father as soon as they had arrived at the congressional hall in the Kingdom of Qarzech. Hindi pa rin ito mapalagay lalo na't nakita nya roon ang ilan sa mga kasamahan nya sa Veritas. Nang tanungin nya kung bakit sila naroon ay iisa lamang isinagot sa kanya, that they were assigned there for additional protection.

She was uncomfortable and cannot make herself at peace. 'They are not from the defense sector, they are investigators and some are from the forensics department!' her mind ranted while keeping an eye from everyone.

Napatingin sya sa gawi ng kanyang ama ng maramdaman nito ang pagpisil nito sa kanyang balikat, "you look uneasy," bulong nito sa kanya habang hinahayaan ang ibang opisyal ang hari ng bansang kinaroroonan nila ngayon.

"I am just being precautious, pa," she answered truthfully. "Your men... they're the ones deployed from Ythaqui borders?"

Tumango ang ama nito bilang tugon, "and they were ordered to look after you if anything happens."

Biglang napalingon si Rafie sa kanyang ama na magiliw na ngumiti sa kanya. Kung gaano kaseryoso ang dalaga'y ganoon naman ka-relax ang kanyang ama. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang inaasta nito at lalo tuloy itong nakaramdam ng kakaibang pangamba.

"The additional men that were sent here are from the forensics and investigations department," she hissed, trying hard not to be heard by anyone. "Something doesn't add up!"

Hinawakan ng kanyang ama ang kanyang mga kamay at tila ba pinapakalma sya nito. Hindi sila gaanong nagkikita dahil sa uri ng kanilang trabaho ngunit hindi rin nagkulang si Orlando Vera bilang ama sa kanila ni Levi. At sa inaasta nito ngayon, mas lalo itong nangangamba sa maaaring maganap.

───⊹⊱✫⊰⊹───

It's already afternoon in Bangtan City and Sky is wearing his two-star rank uniform - royal blue with gold accents, his nameplate placed on the left pocket at chest level, and his black hair was brushed backwards.

The hall was filled with reporters, some netizens that were allowed to sit-in as live viewers, ministry officials such as the police and prosecutors alike, and most importantly, the politicians.

Nakita nya ang malaking ngisi ng kanyang amang si Senator Armand Amore na nasa kabilang panig habang kinakausap ang ilang kapwa pulitiko nito at itinuro pa ang gawi niya. Paniguradong ipinagmamayabang na naman nya na ang kanyang anak ay isang public servant at aani na naman ito ng maraming papuri.

Simula nang malaman ng mga taong anak sya ng senador at isa sya sa mga nagligtas sa kanilang presidente laban sa mga terorista ay tumaas ang trust ratings ng ama nito. Maraming netizens ang nagsabing panatag ang loob nila kung tatakbo bilang bise presidente o presidente si Armand dahil ang anak nito'y nagtatrabaho sa Ministry of Defence.

Malaki ang kompiyansa ng mga mamamayan sa kanila dahil nakikita nila kung gaano ka-efficient ang mga ito sa kanilang trabaho. Marami na silang naisalbang buhay, naipasarang pasugalan, at may mga nahuli na ring mga drug syndicates at gamblers.

Nakita rin niya ang isa pang pamilyar na mukha sa mga audience, si ginoong Sandro Darlington, ang ama ni Storm. Hinanap niya kung kasama ba nito ang kanyang kababata ngunit hindi niya ito mahagilap. Nais niya sana itong kumbinsihing sumama sa kaniya upang kitain si doctor Lockhart ngunit sa kasamaang palad ay wala ang binata.

Tumingin sya sa kaniyang relos at nakitang may kwarenta minutos pa bago magsimula ang council meeting. Nagpasya itong lumabas na muna upang magpahangin. Hindi nito inaasahang marinig ang dalawang binatang nasa pasilyo, kapwa may sigarilyong nakaipit sa kanilang mga daliri at mukhang naka-uniporme rin ng tulad sa Ministry of Defence.

"Iba talaga kapag may kapit sa senado," saad ng lalaking mas matangkad kaysa sa isa. Kapwa nakatalikod ang mga ito sa kaniya. Uunahan na sana nya ang mga ito ngunit napatigil sya sa sumunod na narining. "Mabilis ang promotion at masasama sa council meeting."

Nagkaroon ito ng kutob na sya ang pinag-uusapan ng mga ito at pamilyar sa kanya ang boses ng lalaking iyon.

"Ikaw ba naman ang palaging kasama ng dalawang malakas din ang kapit sa mga direktor ng ministry," tila naaasar na sambit nito. "Kaya lang naman mayabang yung Rafie at Levi na yun ay dahil hindi pa rin sila napupuruhan ng mga kalaban."

Tuluyang nag-init ang ulo ni Sky sa narinig. Kaya nyang palagpasin ang opinyon nila tungkol sa kaniya, na kaya sya na-promote ay dahil may kapit sya. Ngunit ang marinig na pinagsasalitaan nila ng masama ang dalawang taong hinahangaan at nirerespeto nya ay hindi niya kayang palagpasin.

Sinadya nyang banggain ang binatang halos kasingtangkad lamang niya, "ano ba?" sita ng binata sa kanya at napatigil ng makita nila si Sky na matatalim ang tinging ipinupukol sa kanila.

Tinignan niya ang mga nameplates nila at sarkastikong napangisi nang mabasa ang pangalan ng isa, "Stellar," umpisa niya. "Ikaw yung nagkamali ng police report tungkol sa amin noon, 'di ba?"

Napalunok si Timothy dahil hindi niya akalaing masasabi iyon ni Sky sa kanya.

"Kung nais ninyong ma-promote, gawin ninyo ang trabaho ninyo ng maayos," seryosong sambit niya sa dalawa na namula sa inis, "hindi yung magchi-chismisan kayo na parang wala kayo sa serbisyo. Mahiya naman kayo, naka-uniporme kayo oh!" pagtatapos nya sa kaniyang sinabi bago tuluyang iniwan ang dalawa.

"Tang ina, akala mo kung sino!" iritableng sambit ni Timothy Stellar nang makalayo na si Sky sa kanila. "Porket malapit sya kina Rafie yumabang na rin ang gagong yun!"

Sinundan na lamang niya ng masamang tingin ang binata hanggang sa makalabas ito ng gusali habang sya naman ay pilit pinapakalma ng kanyang kasama, "may araw ka rin!"

───⊹⊱✫⊰⊹───

"...and as for the Protection of Internal Affairs between our countries, the meeting for the Annual World Peace Treaty shall now commence," anunsyo ng isang lalaking may katandaan na. May aksento ito, palatandaang hindi inglés ang pangunahing wika nya. Natitiyak ni Rafie na mula ito sa isang probinsya ng Kingdom of Qarzech dahil na rin sa pangkulturang pananamit nito - isang itim na throbe na hanggang tuhod ang haba at may puting hemline, kaparis ng puting pantalong pormal.

Naging malikot ang mga mata ni Rafie at hindi ito napipirmi sa iisang direksyon lamang. Minamatyagan nyang mabuti ang bawat galaw ng mga taong naroon.

'I was invited here on purpose,' saad ng utak nya. Tanging matataas na opisyal lamang ang dumadalo rito and she's a rank lower than the rest of the guests. Hindi mawala sa isipan nya ang bagay na iyon, na sinigurado ng nga taong pipiliin nyang pumunta rito kaysa magbigay ng speech.

Nasa kalagitnaan na nang pagbibigay ng talumpati ang primo ministro ng bansang ito nang biglang may nanloob sa conference hall - mga armadong lalaki na nakasuot ng purong itim na damit. Tanging ang puting bahagi ng kanilang mga mata lamang ang nakikita nila dahil sa maskara at itim na pinturang bumabalot sa kanilang mga balat.

Tinutukan nila ng baril ang bawat taong naroon, lalo na si Rafie na hindi nagawang bunutin ang kaniyang sariling baril upang depensahan ang sarili.

One gunshot was heard after another at isa-isang bumagsak mula sa upuan ang mga country representatives, mulat ang mata ng ilan at may dugong umaagos mula sa kanilang mga ulo. Ilang segundong natulala si Rafie sa nasaksihan at bumalik lamang ito sa reyalidad nang maramdaman nyang hinihila na syang palayo.

She looked around and saw her father at her side holding a gun on his right hand. Napapalibutan sila ng ilan sa kanilang mga tauhan habang tumatakas.

Napansin nyang patungo sa basement ang tibatahak nilang daan at gulong-gulo ito sa mga nangyayari. Dumidilim ang paligid at isa-isang nagsuot ng shades ang mga tauhan nila at inabot kay Rafie ang isa pa. She looked at it quizically, "it's for night vision," paliwanag ng ama nito. "Mapanganib kung gagamit tayo ng flashlight! It will put us in great disadvantage."

Isinuot iyon ni Rafie at unti-unti nitong nakikita sa dilim ang mga kasamahan niya. All of them are armed with guns, ang iba sa kanila ay sugatan. May naririnig pa rin silang putukan ng baril mula sa itaas at paniguradong hinahanap na sila ngayon.

Hinarap sya ng kanyang ama at hinawakan sa magkabilang bisig, "listen, Serafica." seryoso ang mga boses nito at titig na titig sa kanyang mga mata. Hinaplos ng kanyang ama ang pisngi ng nag-iisa nitong anak na para bang ito na ang huli nyang magagawa iyon, "a war is coming".

Hindi niya inaasahang marinig iyon ngunit alam nya sa sarili niyang ito ay isang katotohanan. Pilit niyang pinapatatag ang kanyang kalooban dahil hindi nito nagugustuhan ang takot na unti-unti nyang nararamdaman.

"You have to go back home alive," dagdag ng ama nya na nagpalakas ng kaba sa dibdib nya.

"Y-you're going home with me, papa," her voice almost cracked.

Her father gave her a faint smile and pat her head, "always remember that papa loves you," ang tanging nabanggit ng kanyang ama. "I've lived a meaningful and an honorary lifie. If I die today," Rafie was shaking her head upon hearing those words while feeling the back of her father's palm wiping her tears away, "I will die with dignity."

Ikinasa nito ang kanyang baril at ibinigay niya iyon kay Rafie habang kinukuha naman nya ang isang extrang baril mula sa kanyang kasamahan, "fight with honour and you must stay alive." Tumango si Rafie bilang pagsang-ayon.

Nagsimula na ulit silang tumakas. They tried to be swift as a wind, sinigurado nilang mabibilis ang mga kilos nila ngunit hindi sila gumagawa ng ingay. Isa iyon sa mga naging training nila sa camp.

Base sa ikinikilos ng mga kasamahan niya, alam na ni Rafie na inaral nilang mabuti ang kapaligiran. Hindi rin naman nagtagal ay nakalabas sila mula sa madilim na basement.

Isang masulasok na kakahuyan ang sumalubong sa kanila at mula sa likod ng naglalakihang mga puno ay lumabas ang mga armadong kalaban. Lahat sila ay pintado ang mga mukha at tanging mga mata lamang ang nakikita.

"Lima laban sa walo," saad ng isipan ni Rafie. They are outbumbered but she doesn't want to back out without any fight. Hindi sya ang tipo na basta-basta na lamang aatras sa isang laban!

"Párte tous zontanoús! Allá an antistathoún, skotóste tous! Aftí eínai i parangelía! (Trans: take them alive! But if they resist, kill them! That's the order!)" saad ng lalaking nakatutok ang armalite sa ama ni Rafie.

Matitikas ang mga pangangatawan ng mga ito, matatangkad rin sila. Sa unang tingin, aakalain mong napakaliit ni Rafie at madali lamang syang madarakip ng mga ito.

"Isang salitang banyaga..." sambit muli ng isip ni Rafie. May kaalaman sya sa wikang Latin ngunit hindi pamilyar sa kanya ang wikang narinig nya. Hindi rin iyon French ngunit malakas ang kutob nyang isa itong European language.

Unti-unting lumapit ang mga kalaban nila at hinayaan lang sila ni Rafie. Sa sandaling pinatalikod sya upang gapusan ay saka ito gumalaw ng maliksi. She bent and slid next to the armed man, stretched his right arm and elbowed him. Sinipa rin niya ang maselang bahagi ng lalaki kaya't namimilipit ito sa sakit.

Sinugod naman sya ng dalawa pang kalalakihan, maging ang mga kasamahan ni Rafie ay nanlaban na rin hanggang sa mapatigil ito ng maramdamang may mainit na likidong umaagos mula sa kanyang kanang balikat.

Tumumba ang isa sa mga kasamahan nya sa harap niya, mulat ang mga mata at may dugong umaagos sa gilid ng ulo nya.

"Isang sniper," bulalas ng isang kasamahan nila.

Pilit na hinahanap ni Rafie ang kinaroroonan nito, itinututok ang baril sa kawalan at pinaputok ito, nagbabakasakaling matamaan nya ang sniper. Another gun shot was heard from the back and another colleague of hers dropped dead to the grounds.

Hindi lang iisa ang sniper!

Hinila sya paalis ng kanyang ama sa lugar na iyon. Tumakbo sila kasama ang natitira nilang tauhan na may tama ng baril sa kaliwang braso. Pinapaulanan sila ng mga bala at para bang sadya silang tinatakot ng mga ito. Para silang pinaglalaruan bago patayin.

Isang mataas na bangin ang nagpatigil sa kanilang pagtakbo at isa-isang lumabas mula sa likod ng mga naglalakihang puno ang kanilang mga kaaway.

Malalaki ang mga pangagatawan ng mga ito katulad ng mga nauna nilang naka-engkwentro. Hindi mo mawari ang kanilang tunay na anyo dahil sa itim na pinturang inilagay sa kanilang mga balat. Halatang pinaghandaan itong mabuti.

Unti-unti silang nilapitan ng tatlong lalaki ng sumenyas ang taong mayroong pulang bandana. Tila nais silang dakpin ng mga ito. Inihanda ni Rafie ang sarili sa pakikipaglaban ngunit hinawakan sya ng kanyang ama sa sa braso. Ngumiti ito sa kanya at ipinaalalang, "you must stay alive".

Mahigpit ang mga yakap ng kanyang ama at ilang segundo pa ang nakalipas ng maramdaman nyang may malapot at napakainit na likidong dumadaloy mula sa likuran nito.

"P-papa..." halos manghina ito nang makitang may dugo ang pag-ubo ng kanyang ama. Iniligtas sya ng kanyang ama mula sa balang dapat ay para sa kanya.

Nanlabo ang mga mata ni Rafie dahil sa luha. Napasigaw ito dahil sa pighati at inilabas ang kanyang baril at pinaputok sa mga taong nasa kanyang paligid ngunit napakarami nila.

She felt a pain on her chest as if a hot metal was buried near her heart. She then realised what had happened - she was shot by the enemy! Nanlalabo ang mga mata nitong tinitigan ang nakahandusay na bangkay ng kanyang ama, pilit inaabot ang kamay nito upang sa huling sandali'y hawak nya ang kanyang ama ngunit nakaramdam ulit sya ng isa pang balang bumaon sa tagiliran na naging dahilan ng pagkawala ng kanyang malay.

───⊹⊱✫⊰⊹───

End of Chapter 12.
See you next chapter!

The Rebels © by Wintermoonie

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top