Chapter 07

Dedicating this chapter to
-lonie-
Thank you for adding my story on your RL.

Uneditted. Updating via mobile phone. Enjoy reading.

──⊹⊱✫⊰⊹──
07. Under Attack
──⊹⊱✫⊰⊹──

"Level two agents, proceed to area nine now," utos ni Levi sa kanilang mga tauhan. Pitong buwan na rin ang nakalilipas matapos ang insidente sa Butterfly Mall at nakatanggap sila ng isang mensahe tungkol sa binabalak na pangalawang pag-atake sa Ythaqui borders.

Ang unang pagsalakay ay ginawa dalawang buwan na ang nakararaan at matinding pinsala ang idinulot nito sa depensa ng bansa. Rafie and her team carried out a secret mission in order to investigate the attempt of terrorists entering their premises.

May ilang impormasyon na silang nakalap mula na rin sa isang teroristang nadakip ng pangkat ng kanyang ama. Isang bilog na tila nakapaloob sa isang kopa at baliktad na krus sa ibaba, iyon ang pare-parehong naka-tattoo sa kanilang kaliwang palapulsuhan at ang huling saad ng teroristang iyon ay isang kataga sa griyego na hindi nila gaanong mawari dahil hindi klaro ang natanggap nilang recording na ipinadala sa kanila.

"Sky, protect area seven," utos ni Rafie sa binata mula sa kanilang wireless communication device. Agad namang tumango ang binata na akala mo'y katapat nya ang dalaga at kinuha ang sandata.

Sky is great in shooting combat at any range and from level five agent, or rank five officer, the lowest rank given upon entering the Ministry of Defense, he was quickly promoted to level three because of his skills.

Ang area seven ay ang itaas ng Bangtan Wall, ang pinaka-main entrance border ng bansa. Sila ang po-protekta sa inside border upang walang makapasok na kaaway sa kanilang teritoryo, sila rin ang namamahala sa tinatawag nilang long distance battleship, o pakikidigma gamit ng mga baril, bomba at pana.

Ang area nine naman na tinatawag nila ay malapit na sa Ythaqui borders, sila ang mga nasa pangalawang linya ng depensa at kasama roon sina Rafie at Levi upang pangunahan ang pagpo-protekta ng kanilang inland borders.

They are communicating through their wireless devices. Lahat ng utos na nagmumula sa kina Levi at Rafie ay sinusunod ng mga tauhan nila. Karamihan sa mga ito ay nagprisintang sumama sa misyon ng dalawa, lalo na ang mga nauna nilang mga sinanay.

They are all wearing their black military uniforms with bulletprrof vests equipped with battle equipments such as guns, grenades, and knives. Nailikas na rin ng iba ang mga mamamayang nakatira malapit sa borders sa isa sa kanilang mga military bases kung saan sila mas ligtas.

"Agent Tala reporting," saad ni Rafie sa kanilang wireless communication device. "Troupe Dope in Fontana Area, remain on guard and provide back-up only when needed." Utos nito sa grupo na nagbabantay sa isang maliit na bayan malapit sa Ythaqui borderline kung saan naroon din ang kanilang escape vehicle.

"Copy, chief," sagot ng nasa in-command sa area na iyon.

"This is agent Fire reminding you to stay alive," dugtong ni Levi bago sya sumenyas sa mga kasamahan na lumusob sa kampo ng mga tulisang bumihag ng ilang mga militar sa Ythaqui borderline at isa na roon ang ama ni Rafie.

Sing-bilis ng hangin ang naging galaw ng kanilang pangkat, sinisigurado na ang bawat hakbang na kanilang tatahakin ay hindi mapapansin. Isang maliit na bahay na gawa sa yero ang nasa gitna, nakasindi ang lamparang nagbibigay-liwanag sa kapaligiran, at dalwang tulisan ang nagbabantay sa labas.

Pangungunahan sana nina Rafie at Levi ang paglusob ngunit pinigilan sila ng ilan sa kanilang mga tauhan at nagprisintang mauna upang matiyak ang kaligtasan ng dalawa.

Wala na ring nagawa ang mga ito lalo na't hindi na nila hinintay pa ang desisyon ni Rafie. Five of them did not hesitate in going into their enemy's lair. They single-handedly defeated the guards but even before they could open the small house, a ticking bomb blew in the area that took those men's lives in their horror.

"FUCK," Rafie cursed out loud upon getting up from her feet. Masyadong malakas ang impact ng pagsabog at halos lahat sila at tumilapon sa kalapit na punong kahoy.

Tumakbo ito patungo sa kinaroroonan ng walang malay nyang mga tauhan at unti-unti namuo ang galit sa kanyang dibdib. Her men did not deserve to die this way. Nakumpirma nito na wala na silang buhay base na rin sa itsura ng mga taong nag-check ng mga pulso nito.

Napatingin si Rafie sa maliit na bahay na ngayon ay gutay-gutay na dahil sa pagsabog. Binuksan nya ang kanyang flashlight, hindi na rin nya sinasagot ang mga tanong ng kanyang direct supervisor sa kung ano ang pagsabog na iyon. The place was empty and she could only make an outline of the bombs that was placed there to lure them out.

Wala ni isang bangkay ang nasa loob ng bahay. Dali-dali nitong pinuntahan ang isa sa mga bangkay ng mga nagbabantay at tinignan kaagad ang kanilang pala-pulsuhan at nakumpirma nito ang tattoo ng mga teroristang nais sumalakay sa kanilang bansa.

Ilang saglit syang nag-isip. Naalala nito ang dalawang sasakyang militar na dumaan kanina sa highway at sinabing inutusan silang magbantay sa inland borders ng Bangtan City. Nanlaki ang mga mata nya at napamurang muli ng wala sa oras, "shit!"

"ORDERING ALL INLAND TROUPES NOT TO PROVIDE ENTRY TO ANYONE, NOT EVEN MILITARY VEHICLES, FROM THE BORDERS," mahigpit na ipinag-utos nito sa kanilang wireless device na syang ikinataka ng mga kasamahan nya. "I REPEAT, DO NOT PROVIDE ENTRY FROM OUTSIDE VEHICLES! THOSE ARE THE TERRORISTS!"

Isang alarma ang narinig nila mula sa inland borders. Sobrang lakas nito na nangangahulugang nasa panganib ang buong syudad, "Raven Troupe has fallen." Pag-uulat ni Sky sa kabilang linya at rinig ng lahat ang palitan ng putok ng baril na nangyayari. "Permission to carry an all-out attack to the terrorists."

"PERMISSION GRANTED!" Agad na sagot ni Levi at sumenyas sa ilang tauhan nil na magmatyag sa di kalayuan habang sumesenyas naman ang iba na dumeretso na sa Ythaqui borders.

"Look out for each other and make sure to stay alive," pilit na pinapahinahon ni Rafie ang kanyang boses habang tinutungo ang Ythaqui borders.

"Agent Tala, baka mas kailangan kayo ni Agent Fire sa inland borders," mungkahi ng isa sa mga kasamahan nila.

"We will carry out the mission from here. Our city needs you most," dagdag ng isa pang kasamahan nila.

Lahat ng tauhan nila ay sumasang-ayon sa mungkahi ng dalawang kasamahan nila, maging ang mga tao sa ibang areas ay isinatinig rin na mas makabubuting nasa inland territory sina Rafie at Levi.

Sasagot na sana ang dalawa nang nakarinig sila ng pagputok ng baril malapit sa kinaroroonan nila, "spread out!" Utos ni Levi na syang sinunod ng mga ito.

They all geared themselves, ready to combat with their enemies' attacks, but Rafie's heart sank as she watched most of her men lost their lives one bomb attack after another.

"They planted bombs all over the place," pag-uulat ng isang kasamahan nila.

A smoke can be seen at the borderline of Ythaqui. Hindi sila nalalayo sa lugar na iyon at ang usok na iyon ay nangangahulugang natutop na ang apoy at posibleng wala ng iba pang papasok rito. Nais nyang puntahan ang kanyang ama ngunit kailangan nya ring gawin ang tungkulin nya. Humugot sya ng napakalalim na hininga bago mahinang nagsabi ng "retreat".

Malakas pa rin ang alarmang nanggagaling sa inland borders na para bang nagkakagulo na ang bawat mamamayan doon.

"The terrorists are attacking the Presidential Palace," rinig nila ang pag-uulat ni Sky mula sa kanilang wireless device. "Nanganganib ang Bangtan City at ang buong bansa!"

"All unit proceed to the palace now," utos ni Levi pagkarining ng ulat ni Sky. Ilang hakbang pa lamang ang natatahak nila ng matigil kaagad ang mga ito. Ilang armadong kalalakihan na malalaki ang pangangatawan ang humarang sa kanila. Ang mga mukha nila ay napinturahan ng kulay itim upang ilihim ang kanilang pagkatao at tila walang sinasanto.

Nagpalitan ng tingin sina Rafie at Levi at sa tinginan pa lamang nilang dalawa, alam na nila ang iniisip ng isa't isa. Paglapit na paglapit pa lamang ng dalawang lalaki upang dakpin sila ay agad nang lumaban ang dalawa at ganun din ang mga kasamahan nila. They were all trained in all different areas of combat kaya sanay na ang mga ito.

"Tang ina," pagmumura ni Levi ng mapansin nitong may mga dumarating na bagong kalaban, "hindi ba sila nauubos?"

Tumakbo ang mga ito. Mas importante sa kanila ang makarating sa Bangtan City upang protektahan ang inland borders dahil sa sandaling mapasok ng mga terorista ang Presidential Palace, nangangahulugan rin na nasakop na ang kanilang bansa at iyon ang hindi nila hahayaang mangyari.

Makulimlim ang langit, nananaig ang kulay gris na mga ulap kaysa sa mga kulay puti, at kahit huni ng ibon o kaluskos ng mga hayop ay hindi halos naririnig sa mga sandaling ito.

Nagtago sa likod ng isang malaking bato si Rafie kasama si Levi na kapwang hinihingal mula sa pagtakbo habang pinagmamasdan ang paligid kung may nakasunod pang kalaban.

"Itakas mo ang grupo," utos ng dalaga na syang ikinabigla naman ng binata. "Bumalik kayo sa base, magtungo kaagad kayo sa Presidential Palace at ako na ang bahalang iligaw ang mga kumag na 'to!"

Umiling si Levi sa suhestyon nya, "alam mong hindi sila papayag na buhay mo ang magiging kapalit para sa kaligtasan nila," mariin ang pagtutol nito.

Marahas na tumingin si Rafie sa kanya. "Fire, I am not asking you as a friend. I am ordering you as your commander. Do as I say," matigas na sambit nito ngunit ayaw magpatinag ni Levi.

Narinig nila na may kumaluskos mula sa hindi kalayuan at alam nilang pareho na anumang oras ay mahuhuli sila ng mga kalaban.

"Rule number one, Tala. No one gets left behind," paalala ng binata sa kanya bago tinutok ang baril sa likuran ng dalaga at pinaputukan ang lalaking dapat ay babaril dito.

Ngumisi si Rafie sa ginawang iyon ni Levi. Sya naman ngayon ang tumutok at bumaril sa taong nasa likuran ng binata. Asintado ito at derectso sa utak ang balang pinakawalan nya.

"Golden Rule, Fire. Stay alive," sagot nito sa kanya bago tumayo at pinaputukan ang dalawa pang lalaki na nagtatago sa likod ng matataas na punong kahoy. Sumabay naman sa kanya si Levi na syang bumaril sa mga armadong lalaki na nasa likuran nya.

When it comes to battle field, silang dalawa ang laging nasa front line dahil hindi sila natatakot sa bala ng baril ng kanilang mga kaaway, bagkus ay sinasabayan nila ito kaya naman ang tawag sa kanilang dalawa ay "Death Star Duo".

Pinulot nilang dalawa ang mga armas ng kanilang mga napatay at lumisan na. Bago pa man ding mangyari ito ay nagkausap na ang lahat na magkikita sa iisang lugar at doon ang punta nila ngayon - sa bayan ng Fontana, isang maliit na barrio kung saan maraming mga mersenaryo ang nagtitinda ng armas at gamot herbal para sa mga manlalakbay na ngayon ay alam nilang walang tao dahil nailikas na ang mga ito.

Tinignan ni Rafie ang relo sa kanyang pulsuhan, "may treinta minutos pa tayo para makarating sa Fontana. Kung sakaling magkagulo, get in the vehicle and..."

Hindi natapos ni Rafie ang kanyang sasabihin ng bigla syang hinila ni Levi palayo. Biglang sumabog ang kinatatayuan nila kani-kanina lamang. Hinanap nila kung saan ito nagmula at nakita ang bulto ng isang tao sa itaas ng puno na may kargang missile gun.

Itinaas ni Levi ang kanyang pistola at sinalubong ng kanyang bala ang maliit na missile kaya sumabog ito sa kalagitnaan ng hangin. Pinasundan nya ito ng isa pang bala na tumama sa gitnang noo ng lalaki. "Asshole," inis na bulalas nito ng tuluyang mahulog ang kalaban nila mula sa sanga ng puno at wala ng buhay.

"Shit," bulalas ni Rafie ng mapansin nitong unti-unting lumalaki ang apoy sa paligid dahil sa pagpapasabog ng kalaban nila kanina. It started a forest fire. "Umalis na tayo bago tayo matupok ng apoy!"

──⊹⊱✫⊰⊹──

See you next chapter!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top