Chapter 06
Dedicating this chapter to
srslyzy
Thanks for adding this story
on your reading list. 😊
Uneditted. Updating via mobile app.
Enjoy reading.
──⊹⊱✫⊰⊹──
06. The New Recruit
──⊹⊱✫⊰⊹──
"Stay here and stay safe," bilin ni Levi kina Storm at Sky bago nila tinungo ang lugar kung saan nagaganap ang hostage taking.
"But," labag sa kalooban ng binata ang sinabing iyon sa kanya dahil nais nyang tumulong. He is part of the team and he feels responsible too.
Kahit nais nyang magpumilit ay hindi na rin niya iyon nagawa ng marinig ang utos ni Rafie, "we'll see you at the office."
He was briefed that Rafie holds the final word in every team she handles and was also advised to listen to her every command unless he wants to be kicked out of the Ministry of Defense in an instant.
Pinanood ng dalawang binata ang likuran ng dalawang special agents na tinatahak ang daan upang mailigtas mga sibilyan at bakas sa mga mukha nila ang pangamba. Sky took a deep breath before turning towards Storm whose eyes are still fixed on Rafie's back.
"Bakante ba yung unit na katapat ng jewelry shop?" Sky asked with eyes full of determination.
Napatingin sa kanya si Storm at ngumisi, tila ba nababasa kung ano ang nais gawin ng kaibigan nito. Agad nitong tinawagan ang reception desk upang alamin kung may tao ba sa unit 316, isang regular room na katapat ng jewelry shop habang tinutungo nila ang elevator, upang masiguro na walang tao roon.
Pinaalis ni Storm ang mga naglilinis sa kwartong iyon dahil kaka-checkout lang ng customer nila. His eyes disappeard completely while laughing nischievously at the sight of two wine glass with a bottle of empty Jack Daniels and two used condoms in the bin.
Sumilip ng bahagya si Sky sa bintana, hindi rin naman sya mapapansin dahil makakapal ang kurtina rito at sa pagkakaalam nya ay gawa sa one-way reflector glass ang mga bintana sa hotel na ito, iyon bang repleksyon ang ng mga tao mula sa labas ang makikita nila.
Nakita nilang nakikipagtutukan ng baril sina Rafie at Levi sa mga sandaling iyon. Kahit paano ay nabawasan ang kaba ni Sky sa nakikita ngunit napakunot ang noo nito sa sandaling itinaas ni Rafie ang kanyang mga kamay na para bang sumusuko. Nakisilip tuloy si Storm nang mapansin nito ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha ng kaibigan. Maging sya ay nanlaki ang mga mata nang makitang itinapon ng dalaga ang kanyang baril patungo sa kaaway.
Hindi man nila naririnig kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito ay tila may ideya na sila kung ano iyon, "we have to help them." tanging sambit nya.
"You're not allowed to fire a gun," paalala ni Sky. Isa pa ring sibilyan na maituturing si Storm sa mga pagkakataong ito at mas maigi kung hindi ito madadamay sa kanilang rescue operation.
"I'm not, but you are," nakangising sagot nya at nakuha naman kaagad ni Sky ang ibig nitong sabihin.
When they were doing their military service, Sky perfected his shooting skills. He can aim from a good distance and would still hit the target, ano pa kaya ang ganito kalapit?
"I'll help my fellow civilians get out of the site," pipigilan pa sana sya ni Sky ngunit huli na, tumakbo na palabas si Storm at sinarado muli ang kwarto na may 'Do Not Disturb' na sign sa labas ng pintuan.
Bumalik ang atensyon nito kay Rafie na ngayon ay bihag na ng isang armadong lalaki. Itinutok nya ang kanyang tranquilizer gun, making sure to hit him on the neck.
Ilang segundo lang naman iyon pero alam nyang nagtagpo ang mga mata nila ni Rafie, na ngumisi ang dalaga sa gawi nya nang makita sya at pakiramdam nya ay isa iyong senyales. Tila ba binibigyan sya nito ng permisong gawin kung ano ang sa tingin nya ay makabubuti kaya mas lumakas ang loob nito ng mga sandaling iyon.
Rafie closed her eyes as she felt the cold metal tip of the gun pointed directly at her temple and a gunshot was heard all over the place. People screamed in fear as they covered themselves with their own bare hands.
Humandusay sa sahig ang malaking bulto ng lalaking nang-hostage kay Rafie na syang ikinataka ni Levi. Saglit na nawala ang atensyon ng mga tauhan ng lalaking iyon kaya naman mabilis itong kumilos upang labanan ang mga armadong hostage takers sa tulong na rin ni Rafie.
Dalawang tao ang kasalukuyang nilalabanan ni Levi habang si Rafie naman ay isa ng bumukas ang pintuan ng jewelry shop, "GET OUT, NOW!" sigaw ni Storm sa mga sibilyan na nag-unahan sa paglabas.
Tumulong rin ang binata sa pag-akay ng lalaking sugatan at kinindatan ang nanlilisik na mga mata ni Rafie nang makita sya.
Hindi na sya inintindi ng dalaga sa mga sandaling iyon. She blocked her opponent's attack and kicked his crotch hard. She spinned and gave one last head kick to knock him off before heading towards Levi for aid.
Nagmamadaling umakyat ang ilan sa mga pulis upang dakpin ang mga armadong lalaking nang-hostage habang ang iba naman ay inaalalayan ang mga sibilyan.
Kinuha at itinago ng dalawang special agent ang kanilang mga baril saka bumaba na kung saan sila sinalubong ni Chief Matsumoto, "that was a dangerous move, Serafica." saad nya sa dalaga na ngumisi lamang.
Ipinasok naman sa ambulansya ang mga lalaking tinamaan ng kanilang tranquilizer gun, maging ang nang-hostage kay Rafie ay naroon din. Lahat ng mga nagta-trabaho sa Ministry of Defense at mga pulis ay mayroon nito dahil hangga't maaari, ayaw nilang kumitil ng buhay. Para sa kanila, mas mabuting mahuli ng buhay ang mga kriminal at upang makuhanan nila ito ng impormasyon tungkol sa mga sindikatong nais niñang tugisin.
Nagpaalam at nagpasalamat ang mga pulis sa kanila ng masiguradong nadakip na nilang lahat ang mga armadong kalalakihan.
Hinarap nina Rafe at Levi ang dalawang binata na nag-uusap habang nakasandal sa isang puting Mercedes. Biglang tumayo ng tuwid sina Storm at Sky sa pagdating nila, "send me a written report on what happened today."
Kalmado at malumanay ang boses ni Rafie sa mga sandaling iyon na syang ikinalapad ng ngiti ni Sky lalo na nang makatanggap ito ng dalawang thumbs up mula kay Levi, "we'll see you at the office tomorrow, kid!"
"And you," nakataas man ang kilay ni Rafie ay matamis pa rin ang mga ngiting iginawad sa kanya ni Storm. "Civilians are not allowed to meddle in a Ministry of Defense's operations."
"I care for you too, miss crush!" tanging sagot ng binata at himagikgik naman si Levi sa isang tabi habang siniko naman siya ni Sky.
Napailing na lamang ang dalaga at mukhang wala rin itong magagawa sa inaakto ng binata. Nakapag-research na sina Levi at Rafie tungkol sa dalawang binatang ito at alam nilang galing sila sa mga prominente at kilalang pamilya. Hindi na rin nagtagal ang dalawa at nagpaalam na ang mga ito at pinaalalahanan si Sky tungkol sa written report na kailangan nyang i-submit sa mga seniors niya.
"Sya nga pala," tawag ni Storm sa kaibigan bago ibinigay ang isang susi sa kanya.
Ngumiti naman si Sky ng malapad. Susi iyon ng isang Bentley Continental GT, isang luxury car na pinakuha nya kay Storm dahil wala itong oras kaninang unaga.
"See you at Vino's bar tonight," pagpapaalam ni Storm sa kaibigan bago tinungo ang sariling sasakyan. Alam nitong may gagawin pa ang kaibigan kaya hindi na nya ito isinama sa kanyang gala.
Bumalik na rin si Sky sa isa sa mga hotels ng kaibigan kung saan sya naka-check in at kaagad na binuksan ang laptop upang isulat ang isang written report. Ibibigay sa kanya ni Dir. Han ang isang USB upang magkaroon sya ng access sa generic website ng kanilang departamento kung saan nya gagawin ang written report.
The general website of the Ministry of Defense is a platform where an agent can access wherever they may be in order to create a report, receive a report, or at least get the basic information about some of the cases they handle. Dahil baguhan lamang sya, ito lamang ang access na ibinigay sa kanya at wala naman syang angal doon.
He never thought he'd be working in the Ministry of Defense. Ang pinangarap nya ay ang magtayo ng sarili nyang negosyo ngunit hindi nya maipagkakaila sa kanyang sarili na marami syang mga bagay na nais tuklasin katulad ng paratang sa ama nya ilang taon na ang nakalilipas at sa biglaang pagkamatay ni Quin.
Napatango ito sa kawalan, "this is the right thing to do," he told himself convincingly.
Tinapos na nya ang written report at ipinadala iyon sa email nina Rafie at Levi. Ang email portal na gamit ng Ministry of Defense ay kakaiba kumpara sa ordinaryong email na gamit ng bawat mamamayan. It will ask for your login credentials, at naibigay na iyon kaninang umaga ng mabigyan sya ng briefing ni Dir. Han. To compose an email, you will have to choose if it is an incident written report, updating a case report, or general informations report.
He chose the 'incident written report' and it automatically tagged Rafie at Levi's email as the recipient of the said report. Tinapos nya ito at idinetalye ang nangyari kanina. Matapos nyang gawin ito ay nag-logout na sya at tinanggal ang USB saka itinago iyon sa isa sa mga bulsa ng coat na nasa aparador nya.
It was seven in the evening when he decided to unwind at Vino's bar. Hindi naman sya maglalasing dahil may duty pa sya kinabukasan.
Umupo ito sa isang pabilog na upuan, lima ang kakasyang tao doon but he reserved it all for himself. He was drinking one iced tea, eating sisig and prawns while reading a news article on his mobile phone when Vino decided to join him, "dapat sa restaurant ka nagpunta at hindi sa bar."
Tinignan nya ang may-ari ng bar na kanyang kaibigan rin. Nakangiti ito sa kanya at napakamot sa likod ng ulo, "your place is more comfortable. Dim lights, jazz instrumental na katamtaman ang volume..." he trailed off. "Mas gusto ko ang ambiance rito, walang makakakita sa akin na kakilala ng tatay ko."
──⊹⊱✫⊰⊹──
See you next chapter! 💜
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top