Chapter 04
Dedicating this chapter to
Lovely_Akachan
⚠⚠⚠ This chapter contains scene/s not suitable for minors or closed-minded people. Read at your own risk. ⚠⚠⚠
──⊹⊱✫⊰⊹──
04. Storm's Quin
──⊹⊱✫⊰⊹──
Tatlong taon na ang nakararaan simula ng maganap ang isang bagay na nagpabago ng buhay nya, tatlong taon na rin simula ng pilit nya itong kinalimutan ngunit dahil lamang sa isang lumang larawan ay bumalik ito na para bang kahapon lang ito nangyari.
Taong 2015, graduating students na sina Sky at Storm sa kolehiyo. Plinano nilang pareho na kukuha muna ng work experience ang dalawa bago bumalik sa Bangtan City ngunit hindi iyon ang nangyari dahil pagkatapos ng graduation march nila ay pareho na silang pinauwi ng mga magulang nila.
Storm took up Business Management course and majored in entrepreneurship. Sya ang natatanging tagapagmana ng kanilang family business, ang Darlington Group of Hotels.
Si Sky naman ay kumuha ng kursong Business Administration degree in Marketing. Ayaw nyang sumunod sa karerang tinahak ng ama nya, ang nais nya ay magkaroon ng sariling negosyo malayo sa anino ng pamilya nya.
"Sumama ka na," rinig ni Storm na pagpupumilit sa isang dalaga isang linggo bago ang graduation march nila. Narito sila ngayon sa isang malawak na parke. "Ipapakilala na kita ng pormal sa pamilya ko." pagpupumilit pa nya rito.
Ibinaba ni Sky ang librong hawak nya at pumagitna sa dalawa, "mahiya kayo at may single dito!" sambit nya at itinaas pa ang kamay. Tumawa ang dalawa nitong kasama at pabiro syang pinalo ng dalaga.
"Hindi ako sigurado," seryosong sambit ng dalaga. "Wala naman na akong babalikan doon. Nandito na ang buhay ko," dagdag pa nya na labis ikinalungkot ni Storm ng mga sandaling iyon.
Umakbay si Sky sa dalaga, "eh pakakasalan ka naman nitong si bespren." pangungumbinsi niya sa dalaga ngunit tila hindi pa rin iyon naging sapat. "Magiging isang pamilya na kayo at ako..." napatigil syang bahagya kaya napatingin ang dalawa sa kanya. "Shet, maiiwan akong single? Wag na pala kayong magpakasal!"
Isang batok ang natanggap nya mula kay Storm at isang halakhak naman mula sa dalagang kasama nila, "joke lang! Joke lang! Tangina, masakit!" pagpipigil nya kay Storm ng hindi sya nito tinigilan sa kakabatok. "Quin, pumayag ka na kasi! Pakasalan mo na 'tong kaibigan ko! Sigurado naman akong paliligayahin ka nya at sa sobrang dami ng hotel nila, hindi mo na kailangan problemahin kung saan ka titira!"
Dinaganan sya ni Storm ng mga sandaling iyon dahil nahihiya sya sa mga sinasabi niya at patuloy pa rin sa pagtawa ang dalaga.
Quin was Storm's first love, first kiss, and first everything. He was ready to offer her the world that he has. Ulila na kasi ito at kaya lang naman sya nakatungtong sa magandang eskwelahang ito ay dahil isang scholarship.
Matalino ang dalaga, maganda, masiyahin, at punong-puno ng pangarap. Ang sabi niya'y binawian ng buhay ang mga magulang nya dahil sa isang aksidente noong limang taong gulang pa lamang sya at lumaki na sya sa bahay ampunan.
Naging mailap sya noong una kay Storm dahil hindi nya ito lubos na kilala ngunit nahulog rin ang loob nya dahil na rin sa kabaitan ng binata. Huli na ng nalaman nyang galing sa isang buena familia ang kasintahan at naging alanganin sya dahil sa pagkakaiba ng kanilang estado sa buhay.
"Quin, ano ba?" pagtawag ni Sky na dinadaganan pa rin ni Storm na parang nire-wrestling. "Pumayag ka na at wala akong balak mamatay na virgin!"
Iyon na marahil ang huling pagkakataon na nakita at narinig nilang humahalakhak sa saya si Quin dahil makalipas ang tatlong araw matapos ang graduation nila, tumawag ito kay Storm na umiiyak at humihingi ng tawad. Nakabalik na rin silang tatlo dito sa Bangtan City at tumuloy muna ang dalaga sa isang bakanteng unit malapit sa bahay-ampunan kung saan sya lumaki.
"I-I'm s-sorry," hikbi niya sa telepono isang gabi. "S-Storm, I-I'm sorry!"
"Quin, what's wrong?" nag-aalalang tanong ng binata. Tumakas lang ito mula sa family dinner nila upang i-celebrate ang kanyang graduation. "Nasaan ka? Pupuntahan kita!"
"N-No! No!" marahas na pagkakasabi nya at humihikbi pa rin. She sounded helpless and in pain. "I'm r-really s-sorry, Storm. Ma-mahal... K-kita... But I'm really, r-really sorry."
Magsasalita pa sana si Storm ngunit ibinaba na ng dalaga ang tawag. Hindi nito nagustuhan ang kakaibang kaba na nararamdaman nya. He wanted to find her and know what was wrong. He was ready to leave when his father called him, "Storm! Come and say hi to our business partners, anak."
Mariin syang napapikit at humugot ng lakas ng loob, "dad, can you please excuse me for a while? Saglit lang ako, babalik din ako kaagad." halos pagmamakaawa nya.
Nagtataka syang tinignan ng ama, "pero narito sila para i-congratulate ka. Hindi mo man lang ba sila pauunlakan?" tanong nito sa anak at wala na ngang nagawa si Storm kundi ang i-text si Sky upang hanapin si Quin.
Ipinakilala sya sa kanilang business partner na sina Mr. and Mrs. Inocencio, kasama nila ang kanilang unica hija na si Nicole na kaedaran lang nya. They were talking about their future business ventures but his mind was somewhere else, hindi ito mapakali lalo na't nakatanggap ito ng mensahe kay Sky na hindi raw nya alam kung nasaan ang dalaga dahil wala ito sa tinutuluyan nya.
Halos buong gabi nila hinanap ang dalaga sa buong lungsod ngunit hindi nila ito natagpuan. Malakas ang kutob nyang may hindi magandang nagyayari sa dalaga lalo na't nakapatay na ang cellphone nya.
Papasikat na ang araw ng makauwi ang mga ito sa kani-kanilang mga bahay at naghahanda na rin papunta sa isang meeting ang ama nito, "oh. Were you out all night again?" tanong nito ng makita syang antok na antok.
Nag-iwas lamang ito ng tingin lalo na't hindi pa nya nasasabi ang tungkol sa dalagang nais nyang ipakilala sa kanila. Napakamot ito ng kanyang batok, "ah... Well..."
His father gave him a pat on the shoulder, "you need to get some rest. The Inocencios invited us for merienda." saad ng ama nya. "I think they want to be partners with us." dagdag pa nito bago nagpaalam.
Gustuhin man ng binatang hindi sumama ay wala rin syang magagawa. He needs to be trained in managing their family business since he is the only heir.
Alas tres na ng hapon ng magising ito sa pagkakatulog dahil na rin sa sunod-sunod na pag-ring ng kanyang cellphone, "hello." inaantok nitong sagot.
"Storm," nahimigan nito ang pag-aalala sa boses ng kaibigan kaya napabangon ito. "Nandito ako ngayon sa harap ng unit ni Quin." halos mawala ang antok nya ng marinig ang pangalan ng dalagang iniibig ngunit nababalot naman ng kaba ang puso nya.
"I-Is she okay?" agad na tanong nito kay Sky. "B-Bakit daw sya nawala kagabi? M-May nangyari ba? A-ayos lang ba sya?"
Nagpakawala ng isang malalim na hininga ang kaibigan sa kabilang linya bago sumagot, "ayon kay sister Marissa, ayaw raw muna nitong tumanggap ng bisita." sagot nito patungkol sa madreng nakausap nya na nagbigay permiso upang magamit pansamantala ni Quin ang bakanteng unit na iyon.
Napakunot ang noo ni Storm sa narinig, "bakit daw?" tanging naitanong na lamang nya.
"Hindi ko rin alam. Sinusubukan ko syang kausapin pero ayaw talagang lumabas ni Quin," bagsak ang mga balikat nito habang pinakikinggan ang bawat salitang binibitiwan ni Sky. "Masama ang kutob kong baka may hindi magandang nangyari sa kanya. Hindi naman sya ganito noon."
Napasabunot si Storm sa mga nalalaman dahil maging sya ay hindi nya alam kung bakit bigla na lamang nagkaganito ang kasintahan nya. Tinignan nya ang relos nito at napapikit ng mariin, "sige. Pupuntahan ko na lang sya pagkatapos ng business meeting kasama si papa. Salamat."
Dumating si Storm sa isang mamahaling Japanese restaurant kung saan naghihintay ang papa nya at ang mag-amang Inocencio, "sorry, I got a bit lost." hinging paumanhin nya ng makitang sampung minuto na itong late.
Ngumiti naman si Mr. Inocencio at sinabing, "no worries, hijo. Halos kadarating lang din nitong si Nicole."
Walang ibang laman ang pag-uusap nila kundi puro business proposals, future business venture, and building a resort within the city. He was physically present with them but his mind was completely somewhere else that time, especially when they joked about having an arranged marriage between the two.
He excused himself for awhile and tried calling Quin.
The person you are trying to contact is currently busy, please try again later.
Napabuga na lamang sya ng hininga dahil simula kanina hanggang ngayon ay hindi sya nito kinakausap. Pabalik na sana ito sa loob ng restaurant ng sundan sya ni Nicole. Masaya itong nakangiti sa kanya ng mga sandaling iyon.
"Storm," panimula ng dalaga habang nilalapitan sya. Nakangiti ito ng malapad at hinawakan ang binata sa kamay. Napatitig lamang si Storm doon, "I may come off strong with this, pero sumang-ayon na ako sa binabalak nilang arranged marriage sa pagitan natin. Umaasa akong pumayag ka rin."
Napalunok si Storm ng mga sandaling iyon, hindi nya alam kung paano tatanggihan ang dalaga na hindi ito masasaktan. Bago pa man ito makapagsalita ay nahagip ng kanyang mga mata ang isang dalagang kagabi pa nya nais makausap.
He was stunned and confused at the same time. Hapit ang damit nito, maiksi, at may make-up pa. Kasama nito ay isang binata na halos kasing tangkad nya, may kayabangan ang itsura, at halata ring anak mayaman ito. Nakangisi itong lumapit sa dalawa.
Napako ang tingin ni Storm sa kamay na nakahawak sa bewang ni Quin at hindi man lang sya tinapunan ng pansin nito, "Quin..."
Imbes na sagutin sya ng dalaga ay ang kasama nito ang humarap sa kanya, "hey, back off. She's my property."
Nag-igting ang panga ni Storm sa narinig at matatalim ang mga matang tinignan ang lalaking nakangisi, "she's my fiancée, you asshole!"
Imbes na sagutin nya si Storm ay ibinaling nya ang kanyang tingin kay Quin, "tell him." tila utos nito.
Sa unang pagkakataon ay tinignan sya ng dalaga, matamlay ang mga mata ngunit may determinasyon sa boses nya. "I'm s-sorry, Storm."
Hinawakan ni Storm ang magkabilang braso ng dalaga, ipinagsasawalang bahala ang dalawa pang taong kasama nila. "Ano ba'ng sinasabi mo?" kinakabahang tanong nya rito, "Quin, my dad's here. Ipapakilala kita ngayon na."
Halos mabasag ang boses nya ng mga sandaling iyon at tuluyang nabasag ang puso nya ng higitin ng lalakeng kasama nya si Quin at siniil ng mapusok na halik.
Nag-iwas ng tingin ang dalaga, ayaw ipakita ang mukha nito sa kasintahan.
"Quin... B-Bakit?" iyon na lamang ang tanging naitanong nya.
"I'm s-sorry," tanging sagot ni Quin sa kanya at tuluyang sumama sa lalaking iyon.
Nagpakalasing si Storm matapos ng tagpong iyon at ilang beses nitong sinubukan na kausapin si Quin, nagbabaka sakaling mabigyan sya ng rason o paliwanag sa nangyayari ngunit wala syang napala.
He grew tired of trying to reach out and he despised her after seeing pictures of them at clubs drinking and partying.
Dalawang buwan matapos ng tagpong iyon, nalaman na lamang nilang namatay si Quin at ayon sa autopsy report ay drug abuse raw ang naging dahilan.
Storm became a different man since then. Wala na syang sineryosong babae, hindi rin sya pumayag sa arranged marriage nila ni Nicole, at hindi na rin nya nakita pa ang lalaking kasa-kasama ni Quin noon.
Tatlong taon na ang nakalipas pero sa tuwing naaalala nya ito ay nakakaramdam pa rin sya ng kirot sa kanyang puso. Nilukot nya ang lumang litratong natagpuan ni Sky at itinapon iyon sa basurahan.
"Make yourself comfortable, bro." paalam nito at derechong tinungo ang pintuan upang makaalis na.
Sky knew his bestfriend is still in pain and what happened to them is still a puzzle to him. Saksi sya sa pagmamahalan ng dalawa at sigurado syang may nangyari noon na hindi maganda.
Kinuha ni Sky ang lukot na litrato, "what the hell happened back then, Quin?"
──⊹⊱✫⊰⊹──
Please leave me a star⭐ and a comment💬 to let me know your thoughts. Maraming salamat po!
See you next chapter! 💜
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top