Chapter 03
Dedicating this chapter to
BrainlessChuck
──⊹⊱✫⊰⊹──
03. A Taste of Bitterness
──⊹⊱✫⊰⊹──
Isang malakas na suntok ang sumalubong kay Sky dalawang araw makalipas nang mapagkamalan silang nagnakaw ng pera. Napaupo ito sa marmol na sahig ng kanilang bahay, "A-Armand!" suway ng ina nito sa ama nyang galit na galit.
Isang mansyon ang bahay nila, ang mga kagamitan ay mula pa sa iba't ibang bansa. His kind-hearted mother owns a fashion boutique while his father is a very well known politician. May nakatatanda itong kapatid na isang piloto kaya madalas ay wala ito sa bahay nila.
Pinunasan ni Sky ang gilid ng labi nya gamit ang likod ng kanyang kanang palad at doon nakita ang dugo mula sa sugat na kanyang natamo. He glanced at his father who looked very displeased at that moment, "what the hell were you thinking?" ngitngit nito habang itinatapon ang isang papel.
Kinuna niya ito at nabasa ang police report. Napabuntong-hininga ito, "we were framed. Malinaw naman sa police report na wala kaming kasalanan, so wh-"
"Are you not thinking straight?" putol ng ama nyang pinipigilan pa rin ng kanyang ina mula sa likod. Hangga't maaari ay ayaw nyang masaktan ang bunso nitong anak, "a scandal like this can ruin my image, my political career!"
Napangisi ng mapait si Sky ng mga sandaling iyon. Pinagpag nya ang katawan saka tumayo at nakipagtikisan ng tingin sa ama. Halos magkapantay lang sila, matangos rin ang ilong nito at makikitaan mo pa rin ng kakisigan sa edad nyang cuarenta y ocho.
"Storm and I got framed and all you could think about is your political image," mapait nyang sagot sa kanyang ama. "Wag kang mag-alala, pababanguin ko ang apelyidong dala ko para ikaw ang manalo sa susunod na eleksyon!" buong tapang nyang sambit sa ama bago nya ito lagpasan at tuluyang lumabas sa study room na iyon.
Akmang susundan pa sana sya ng ama nya ngunit pinigilan ito ng kanyang ina, "Armand, just let him be! Wala naman syang kasalanan," pagsusumamo nito habang nakakapit sa bisig ng asawa.
Hinila ni Armand ang kanyang bisig at hinarap ang maybahay, "Janet, alam nyang maraming tao ang nagmamatyag sa pamilya natin! Isang maling kilos lang natin ay siguradong palalakihin ng mga nasa oposisyon!" mariing pagdadahilan naman nito.
Narinig iyon ni Sky dahil nanatili syang nakatayo sa likod ng pintuan, umaasang susundan sya ng ama upang sabihin na nagkamali sya sa pananakit na ginawa nito ngunit hindi iyon ang nangyari. Tuluyan nyang nilisan ang kwartong iyon na nagsisilbing extension ng opisina ng ama nya tuwing narito ito sa bahay nila.
Ever since his father entered politics, all he care about is his image. Masaya naman sila dati noong hindi pa naging pulitiko ang ama nya. They were actually the definition of a happy family for they were taught how to appreciate the little things in life, to respect people no matter where they come from nor what status they may have in the society.
Everything began changing when his father was offered a position as a politician. Noong una, ipinagmamalaki pa nya ang serbisyong ibinibigay nya sa mamamayan dahil nais talaga nyang makatulong sa bayan, ngunit unti-unti rin itong nagbago. Mas naging conscious ito sa imahe nya, tila ba gusto nito na ipakitang napaka-perpekto ng pamilya nila at wala silang nagagawang mali.
He grew sick of carrying his father's name. Siguro ay onse años sya simula ng naging mailap ito sa madla, sa tuwing social gatherings ay mas pinipili nyang magtago sa likod ng ina at hindi ito nagpapakuha ng litrato ng basta-basta. Ang huling larawan na nailabas kasama sya ay sa isang lifestyle magazine noong nagpunta sila sa isang eskwelahan sa Sitio Paruparo. Namigay ng relief goods ang pamilya nila para sa mga naapektuhan sa dynamite fishing na ngayon ay mariin ng ipinagbabawal.
He was held hostage by a drunk fisherman that time, he was crying hard and wanted to be saved. Isang maliit na punyal ang halos bumaon sa gilid ng leeg nito.
"I-Ikaw... Kayo ng mga kasama mong pulitiko a-ang nag-utos na gumamit ng dinamita!" umiiyak nitong sigaw. "Ilan sa mga kasama ko ang nasawi tapos ang kapal ng mukha mong magpakita dito na akala mo may malasakit kang talaga!"
Hindi iyon nakalimutan ni Sky kahit kailan. Bahagya syang napahawak sa kaliwang leeg na natatakpan ng kwelyo ng kanyang puting polo at sinalat ang kanyang peklat na nagpapaalala ng pangyayaring iyon. Naakusahan ang ama nitong kasabwat sa pagbibigay-permiso sa dynamite fishing upang mas maparami ang mai-export nilang mga isda ngunit ilan sa dinamitang iyon ay sumabog sa mga mangingisda.
Iyon na marahil ang huling beses na sumama at nagpakita sya sa madla kasama ang pamilya nya. He was privately home-schooled until he graduated elementary, attended an elite high school abroad right after where he met Storm. Sa ibang bansa rin sila nagtapos pareho ng kolehiyo at saka lamang sila bumalik ng Bangtan City ng ipatawag na sila ng kani-kanilang mga magulang.
Dinukot nito ang kanyang cellphone mula sa bulsa at tinawagan ang kanyang best friend. Nakakaapat na ring na ito ng sumagot sya, "what?" medyo iritadong sambit nya. "This better be good or else," may halong pagbabanta sa boses nya.
Napangisi ito sa inasal ng kausap, "malalim ba pagkakabaon? Hugutin mo muna!" pang-iinis nito.
Kilala na nya ang kaibigan kapag hindi sya kaagad nakakasagot ng tawag nya, "gago!" tanging sambit nito na syang nagpatawa lang sa kanya. "What do you need?" tanong nito at narinig ang daing ng isang babae sa tabi ng kaibigan.
Storm must have been having another steamy moment with one of his flings and he called at the wrong time, "book me a room at your VIP suite."
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Storm sa kabilang linya, "did tito Armand hit you again?" buong pag-aalala ang tono ng boses nito.
Tumango sya na akala mo'y kaharap nya ang kanyang kausap, "I'll be there in two hours. Siguro naman nakapag-happy new year ka na nun!"
"GAGO!" natatawang sigaw lang ni Storm sa pang-iinis niya bago nya tinapos ang tawag saka sumakay sa pulang Ferrari 488 at nilisan ang kanilang mansyon.
Dumaan muna ito sa Lotus Ave kung saan hile-hilera ang restaurants, coffee shops at ilang high-end boutiques. Ito ang isa sa mga mini-shopping districts na maituturing sa lungsod.
Bumili sya ng ilang paris ng damit bago tinungo ang bagong bukas na bar. It's a cozy place for drinking, mellow music ang pinapatugtog at hindi katulad sa mga party bars na maiingay. This was set up especifically to businessmen and high-profiled people.
"We're still closed, dun ka muna tumambay sa Milk Tea shop." saad ng boses na nagmumula sa likod ng bar. May hawak itong kaha ng red wine at inabot nya iyon sa isang bartender upang ayusin sa lagayan nito.
Ngumiti lamang si Sky habang umuupo sa isang high stool, "paniguradong dito tatambay si Storm pag nagbukas ka na." komento nito sa binatang may katangkaran, maamong mukha at may cute na dimple kapag nakangiti.
"So, you have a milk tea shop across the street and a bar in one district." namamanghang saad ni Sky habang nililibot ang mga mata sa buong paligid. Kung gaano kaliwanag ang disenyo at ambiance ng milk tea shop ay sya namang ikina-dim ng lugar na ito. "Masyado ka ng nagpapayaman, kuya Vino."
Vino Espiritu chuckled while cleaning the wine bottles from its storage, "money makes the world go round," tanging sagot nya rito at napatigil sa ginagawa ng matamaan ng ilaw ang gilid ng labi nito. "Napano yan?" nagtatakang tanong nito habang tinuturo ang sugat ng binata.
Dalawang taon na simula ng makabalik siya rito sa Bangtan City at isa si Vino sa mga nauna nilang nakilala ni Storm. Pareho kasi silang tambay sa milk tea shop nito kaya naging ka-close na rin nila.
Umiwas ng tingin ng binata, "a reminder of how I hate carrying his surname." makahulugan nitong sagot.
Hindi na kumibo pa si Vino dahil ayaw nyang makialam sa personal na buhay nito. Alam nyang anak sya ng isa sa pinakatanyag at maimpluwensyang pulitiko dito sa bansa nila at hindi rin lingid sa kaalaman nya ang pagkamuhi ni Sky sa apelyidong dala nya. Ayon kasi sa binata, para itong isang kulungan kung saan hindi sya malayang maging totoo sa sarili nya, isang gapos kung saan hindi sya puedeng magkamali o matuto sa mga pagkakamali.
Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na ito. Tinungo nya ang Darlington Suites, isa sa pinakamalaki at pinaka-eleganteng hotel na pagmamay-ari ng pamilya nina Storm.
Ang VIP suite nila ay mala-bachelor's pad ang dating. May isang malaking kama na kasya ang apat na tao, banyo na may jacuzzi bukod sa shower, maliit na kitchen area kung saan may microwave oven at refrigerator, at maliit na entertainment area kung saan may forty-two inch flat screen television.
"This must be Storm's personal suite," he thought to himself especially when he saw food and beverages not sold in the hotel stocked in the mini-kitchen area.
Binuksan ni Storm ang kurtina sa kwarto nito at kitang kita ang kalahati ng lungsod sa sobrang taas ng kinaroonan nila, "dark tinted and thick glass. Sound proof din kaya in case na balak mo ng ma-devirginise ay walang problema."
Binato sya ni Sky ng unan, "leche ka, hindi ako kasing manyak mo!" nakangusong sagot nya rito.
Ibinato ni Storm pabalik ang unan na nasalo naman nito, "suggestion lang naman! Napaka-bayolente mo kaagad!" kunot-noong saad nito habang humihiga sa kama at nagsimulang nagtipa ng mensahe sa cellphone nya.
Binuksan ni Sky ang cabinet na gilid ng kwarto at isa-isang inilagay ang mga pinamiling damit kanina. Isasar na sana nya iyon ng may mahagip ang kanyang mga mata. Kinuha nya ito at unti-unting humarap kay Storm.
Napansin naman iyon ng binata kaya humarap ito sa kanya, "oh, bakit ganyan ang tingin mo? Nakahanap ka ba ng dyamante sa-" hindi nya naituloy ang sasabihin ng iabot sa kanya ni Sky ang isang larawan na tila naluma na ng panahon.
Mabigat ang pusong kinuha iyon ni Storm at pinakatinitigan. Gumuhit ang isang malagim na eksena mula sa kanyang nakaraan, isang alaalang nagpabago ng kanyang buhay na pilit matagal na nyang kinalimutan.
──⊹⊱✫⊰⊹──
Please leave me a star⭐ and a comment💬 to let me know your thoughts. Maraming salamat po!
See you next chapter! 💜
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top