Sister


Lee's POV

The guys has been texting and messaging me in my messenger non - stop. Vlad keeps on calling me kasi nag - aaway daw si Lars at Maddie. Sa akin lang naman daw nakikinig si Maddie so if I can drop by to their house para makausap ko. Makakapaghintay naman siguro ang mag - asawang iyon. And besides, bakit kailangan ko bang makielam sa kanila? Mag - asawa silang dalawa, why don't they fix their own marital problems? At the end of the day kasi kahit anong payo ang sabihin ko sa dalawang iyon, sila pa din naman ang masusunod sa kung anong gagawin nila.

I was busy texting Vlad when I heard noises coming from the kitchen. Parang mga nagbagsakang mga plato, kutsara. Mabilis akong tumayo kasi baka kung anong nangyari kay Katrina.

"Katrina!" Malakas kong sigaw.

Hindi ko alam kung sino ba ang nagulat sa aming dalawa. There she is on the floor, lying. And fucking naked!

"What the fuck happened?" Tanong ko. Hindi ko alam kung tutulungan ko ba siya o ano. Shit! She is fucking naked in front of me! Pakiramdam ko ay nanuyot ang lalamunan ko sa nakita kong itsura niya. Basang - basa pa ang buhok niya at amoy na amoy ko ang shampoo na ginamit niya. Fuck this!

"Nadulas ako," mahinang sabi niya at mabilis na itinapi ang kapirasong tuwalya sa katawan niya.

"Get up," sabi ko at tinulungan ko siyang makatayo.

Shit. She smells fresh. So natural scent. At hindi ko maintindihan ang init na nararamdaman ko. Putang ina. Ano ba 'to? I immediately pushed her away from me ng makatayo siya.

"Bakit ka naman nadulas?" Inis na sabi ko sa kanya. Naiinis kasi ako. She is just plain stupid. Wearing like this in front of a stranger like me? Paano kung ibang lalaki ang nandito at magtake - advantage sa kanya?

"Aksidente nga, eh. Paraan nga. Nadulas na nga 'yung tao sisisihin mo pa," inis niyang sagot sa akin at mabilis na pumasok sa kuwarto niya at pabalibag na isinara ang pinto.

Pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag ng mawala si Katrina sa paningin ko. Pero para namang tukso na bumalik sa alaala ko ang madalas gawin sa akin ni Louraine noon kapag tapos na siyang maligo. Louraine loves to play with her wet hair and she will just teased me tossing her wet hair on my face.

But seeing Katrina completely naked? Shit! 'Yun ngang nakita ko siyang naka - two piece ilang buwan ko yatang paulit - ulit na tiningnan ang magazine na iyon. Tapos ngayon? 'Tang ina talaga.

Get a grip, Leandro! Naiinis kong sabi sa sarili ko.

Napahinga ako ng malalim at bumalik ako sa sala at naupo. I am trying to get off that image from my head. Her curvy waist, her long lean legs, her well gifted boobs.

Bur wait. I saw something on her right boob. There was a small red birthmark near the nipple. Same with Louraine.

Shit. Masakit na ang ulo ko dahil kulang ako sa tulog. Pero 'yung isang ulo ko, parang sumasakit din!

I took my phone and dialled Vlad's number. I need to clear my head from that image.

"Kanina pa kita tinatawagan. Bakit ba ayaw mong sumagot?" Tonong naiinis na siya.

"Ang aga 'nyong istorbo, eh." Sagot ko.

"Did you call Maddie?"

"No," sagot ko.

"Dude, you better call her. I think this is not just a simple tampuhan. Lars slept here in my bar. Lasing na lasing kagabi," Vlad is really worried.

"Ano bang nangyari?" I know these two has some problems pero mga petty quarrels lang naman iyon na normal sa mag - asawa.

"Maddie wants to work again. Ayaw naman pumayag ni Lars. They've been arguing about this for so long," napahinga ng malalim si Vlad. "I think Maddie is getting bored."

"Bakit ba kasi ayaw payagan ni Lars?" Napatingin ako sa pinto ng kuwarto ni Katrina kasi bumukas iyon. Para akong na - relieve ng makita ko siyang nakabihis na. Naka - office attire.

"He wants Maddie to stay at home at take care of their kid. Hindi ko maintindihan. Parehong may katwiran pero hindi sila magkaintindihan," sagot ni Vlad.

"Where is Lars?"

"Still sleeping. Ubusin ba naman ang isang boteng cognac. Ayun suka ng suka si gago. Binigyan pa ako ng trabaho," parang natatawang - naiinis si Vlad.

"Sige. I'll try to drop by later. May asikasuhin lang ako ngayon," sagot ko sa kanya at pinatayan ko na siya ng telepono.

Alam kong nahihiya si Katrina sa akin kasi hindi siya makatingin. Saka nakatayo lang siya malapit sa akin.

"Okay ka na?" Tanong ko.

Tumango lang siya kaya tumayo na ako. "I'll wait for you in the car." Sabi ko at dire - diretso na akong lumabas at sumakay sa kotse. Napasandal ako sa upuan. I don't know what will I do now. I don't know what will I tell Katrina about Louraine. Parang ayoko na. Huwag na lang kaya? I know if I start telling her about Louraine, everything will come back. And the pain will still hurts me more.

Umayos ako ng upo ng sumakay doon si Katrina. Hindi siya tumitingin sa akin.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Ewan ko sa 'yo? Nasaan ba 'yung asawa mo? Kung nasaan siya doon mo ako dalhin," painis na sagot niya.

Napahinga ako ng malalim. I know she is pissed because of what happened. I know she is really embarrassed because of what happened.

I drove away from her house. Hindi ko na pinansin ang mga grupo ng mga babaeng kumakaway sa akin. Lalo lang sumimangot ang mukha ni Katrina.

"If you're still thinking about what happened, wala sa akin iyon. Sanay na akong makakita ng babaeng hubad," sabi ko sa kanya.

Tiningnan niya lang ako ng masama at inirapan.

"Yeah. Sometimes women are stripping naked in front of me," walang anuman na sabi ko. Totoo naman kasi iyon. Mga panty pa nga ang ibinabato sa amin minsan kapag tumutugtog kami.

"Hindi naman ako naghubad sa harap mo. Aksidente 'yun. Kaya huwag kang mag - ilusyon na intensyon kong maghubad sa harap mo," inis na inis na sabi niya. "Ambisyosong 'to," mahina pero narinig kong sabi niya.

Natawa ako at napailing sa inakto niya. She is really embarrassed kaya ito ang defense mechanism niya.

"How's your dad?" Iniba ko na lang ang usapan namin.

"Wala pa ring malay," nakita kong napakunot ang noo niya ng makitang papasok kami sa sementeryo. "Bakit dito?"

"Because Louraine is here. You want to meet her, right?" Sagot ko at ipinark ko ang kotse malapit sa puntod ni Louraine.

Bumaba ako at lumapit sa puntod niya. Pinabayaan kong sumunod sa akin si Katrina.

"Hi Lou," sabi ko at nilinis ko ang puntod niya. Inalis ko ang mga bulok na bulaklak at dahon na naroon. "I want you to meet someone," at tumingin ako kay Katrina. Tahimik lang siya nakatayo sa tabi ko at tinitingnan ang gravestone ni Louraine.

"Louraine Carol Alba," parang sa sarili lang iyon nasabi ni Katrina.

"I want you to meet your sister Katrina." Sabi ko.
——————-———-

Kating's POV

Bakit ganoon? Grabe naman. Ang bigat naman ng feeling. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. Basta parang dinudurog dibdib ko sa sobrang lungkot na nararamdaman ko. Lalo na ng makita ko si Sir Lee na kinakausap ang lapida ng asawa niya. Parang gusto kong mainggit sa Louraine na ito. Grabe kahit ilang taon na siyang patay, mahal na mahal siya ni Sir Lee.

"Your sister is here," sabi ni Sir. Hinihipo pa niya ang bawat letra ng pangalan ni Louraine.

"Talagang magkapatid kami?" Parang hindi pa rin ako makapaniwala.

"Kung hindi ka naniniwala, lalo na ako. But I think Mr. Alba is telling the truth," napahinga ng malalim si Sir Lee. "I saw that you have a red birthmark on your right breast." Sabi niya.

Pakiramdam ko ay nag - init ang pisngi ko at automatic na niyakap ko ang sarili ko na para bang makikita niya ang boobs ko. Natawa siya sa inakto ko.

"Louraine also has the same birthmark. Exactly the same," sabi pa ni Sir.

Hindi ako sumagot at muli akong tumingin sa lapida ni Louraine.

"Katrina, whatever happened to you, to Louraine, I think it is your destiny to know the real you," napahinga ng malalim si Sir Lee. "Look, kahit alam kong galit sa akin si Mr. Alba, I know he is still hurting because of what happened to Louraine. We both are still hurting. So I think you being here is the answer para sumaya naman siya," sabi ni Sir. "I know how he loves Louraine. He is a nice man. You just need to know him more."

Saglit akong napatitig kay Sir Lee. Nakayuko lang siya at tinitingnan ang lapida ni Louraine. Grabe ang taong ito. Sobrang bait. Sobrang kabaligtaran ng itsura niya. Kahit alam niyang galit sa kanya ang pamilya ni Louraine, wala akong narinig na masamang salita laban sa kanila.

Para akong naasiwa ng tumingin sa akin si Sir Lee at ngumiti. Parang gusto kong matunaw sa ngiti na iyon! First time kong nakita na umaliwalas ang mukha ni Sir! At parang ang guwapo niya lalo!

"Think about it, Katrina. If you embrace who you really are, ang laki ng mababago nito sa buhay mo. You can help your dad, you won't need to show your body in a magazine."

Napahinga ako ng malalim. May punto naman si Sir Lee sa sinasabi niya.

Pareho kaming napatingin sa bag ko kasi tumutunog ang telepono ko.

"Answer that. I know its Lester," sabi niya.

Kinuha ko ang cellphone ko at tama nga siya. Si Sir Les nga ang tumatawag.

"Where are you? I told you we have a meeting at nine am. Nasaan ka?" Dama kong iritado si Sir.

Napatingin ako sa gawi ni Sir Lee at nakita kong tahimik lang siyang nakaupo sa harap ng puntod ni Louraine.

"Sir, kung ang meeting na iyan ay -"

"You need to be here, Katrina. Mr. Alba is already waiting." Matigas na sabi ni Sir Les.

"Makikipag - usap lang ako kay Mr. Alba kung nandoon din si Sir Lee," sagot ko kay Sir Les.

"What the fuck are you saying? Hindi kailangan si Lee dito," galit na si Sir Les.

"Okay. Kayo na lang mag - meeting." Sabi ko at pinatayan ko siya ng telepono. Nakita kong naiiling na natatawa si Sir Lee.

"You are stupid you know that? You did that to Lester? He is going to fire you," sabi niya sa akin.

Nagkibit ako ng balikat. "Bayaan mo siya. Marami naman ibang trabaho. Saka sabi mo nga kung tatanggapin kong sila Mr. Alba talaga ang pamilya ko, hindi ko na kailangang magtrabaho sa kapatid mong bully." Sagot ko sa kanya.

Natawa si Sir Lee. Narinig kong tumunog ang telepono ko. May nagtext. Si Sir Lester.

Fine. I'll call Lee.

Narinig kong tumunog ang telepono ni Sir Lee.

"What?" Seryosong tanong niya sa kausap. Tahimik lang na nakikinig si Sir Lee sa mga sinasabi ng kausap nito. "Fine. I'll be there." At pinatay nito ang telepono.

"It seems like I am also invited in your meeting," napahinga siya ng malalim. "Let's go before Lester trashed his office," sabi niya at nauna ng maglakad.

Hindi ko mapigil ang ngiti ko habang minamasdan ko si Sir Lee na naglalakad. Kahit nakatalikod guwapo pa rin.

Parang tumitibok yata ng kakaiba ang puso ko!

Diyos ko, Kating! Tigilan mo! Pigilan mo ang puso mo! Dahil mukhang masasaktan ka lang ng bongga kung itutuloy mo ang nararamdaman mo!

Nawala ang ngiti ko sa naisip kong iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top