Revelation

Ang bait - bait ko talaga, ha?  UD ulit.  Kala 'nyo kayo lang nae - excite kay Lee at Kating 'no?  Ako din kaya! Hehehe

Happy Sunday and Happy reading!

❤️ Herby M.

——————->>>>>

Kating's POV

Hindi ko alam na dito pala kami pupunta sa bahay nila Sir Lester. Pilit talaga akong isinama ni Mr. Alba dito para makilala daw ako ng pamilya ni Sir Les. As if naman na feel ko.

Pero curious din akong malaman kung ano pamilya nila. Siyempre pamilya din ito ni Lee. Mukha namang mabait ang tatay niya saka ang nanay niya. 'Yung kapatid niyang babae mukhang mabait din saka maganda. Feeling ko close si Mr. Alba sa pamilya nila Lee.

Pero nasaan na kaya siya? Bakit wala siya dito? Hanggang ngayon ba hindi pa rin sila in good terms ng pamilya niya? Pero mukhang ok naman kasi laging tinatanong ni Mr. Samson kung nasaan na si Lee.

Para yatang sumaya ako ng makita ko siyang dumating. Pero tulad kanina ng makita ko, tipid na ngiti lang ang ibinigay niya sa amin. Tumingin sa akin si Lee at nginitian lang ako tapos lumapit na sa daddy niya at yumakap. Parang ayaw naman niyang nandito.

Bakit ganoon? Bakit parang nagbago siya? Kagabi naman maayos naman kaming naghiwalay. Siguro dahil na naman kay Mr. Alba. Halata naman kasi na talagang ayaw ni Mr. Alba sa kanya. Kahit nga ngayon na napag - uusapan si Louraine. Pero nakakapagtaka, hindi ba alam ng pamilya ni Lee na naging asawa niya si Louraine?

Parang wala namang pakielam si Lee sa mga nag - uusap. Sabi lang niya kakain na siya kasi nagugutom na siya. Favorite pala niya ang adobong baboy? Ay, marunong akong magluto niyan. Masarap akong magluto niyan. Baka pakasalan niya ako kapag natikman niya ang luto ko.

Ano daw? 'Tang ina mo, Kating! Kung ano - anong kagaguhan ang naiisip mo. Tigilan mo si Lee. Asawa yan ng kapatid mo.

Gusto kong batukan ang sarili ko sa naisip ko na iyon. Ano ba naman? Sige na. Aamin na ako na crush ko na si Lee. Guwapo naman kasi talaga siya. Kahit puro tattoos ang katawan niya, bagay naman at hindi mukhang madumi. Naka tali lang ang mahaba niyang buhok. Meron siyang mga balbas at bigote pero bagay pa rin saka malinis pa rin ang mukha. Pero lalo ko siyang nagustuhan 'nung makita ko siyang tumugtog sa stage. Ang lakas ng dating niya. Kaya hindi na ako nagtaka kung talagang kulang na lang magpakamatay ang mga fans nila sa kanila.

Ang cute niyang sumubo. Ang cute niyang ngumuya. Ang cute niyang humawak ng kutsara saka tinidor. Ang cute ng bawat galaw niya.

Hala! Ano ba?! Diyos ko naman. Ano ba naman ito? Bakit ko ba nararamdaman ito? Parang hindi na crush lang ang nararamdaman ko kay Lee. Mahal ko na yata siya! Eekk!!!

"You know what I mean, Gilbert. Our family. I want it to be legal. You know. Para talagang solid ang partnership natin."

Napatingin ako kay Mr. Alba ng marinig ko ang sinabi niya. Legal? Solid partnership? Mag - uusap lang tungkol sa business kailangan kasama pa ako. Sumama lang naman talaga ako dito para makita ko ang pamilya ni Lee. Bonus nga na nandito din siya.

"What are you saying?" Parang naguguluhan ang daddy ni Lee sa sinasabi ni Mr. Alba.

Ngumiti si Mr. Alba at tumingin sa akin. "I was just thinking if your son Lester and my daughter Katrina will be a good couple. You know? Marriage between them?"

Ano daw?

Marriage? Kay Lester?!

Wala sa loob na napatingin ako kay Lee at nakita kong napahinto siya sa pagkain at tumingin sa akin. Parang kahit siya ay nabigla sa narinig niya.

"Ano ho?" Tanong ko kay Mr. Alba. Gusto kong makasiguro kung tama nga ang narinig ko. Parang nabuwisit ako ng makita kong nakangiti sa akin si Sir Lester at parang tuwang - tuwa pa sa narinig niya.

"This will be good, iha. You and Lester. Bagay naman kayong dalawa. And makakatulong ito para sa paglago ng kumpanya natin," nakangiting sagot ni Mr. Alba sa akin.

Tumingin ako kay Eunice at kay Mrs. Alba at parang hindi naman sila natutuwa sa sinasabi ni Mr. Alba.

"Anong good? Nagdedesisyon kayo para sa akin?" Hindi ko na mapigil ang inis ko. Dahil talagang nabubuwisit ako sa mga nangyayari.

"Katrina, you will understand -"

Naiiling na tumayo ako. "Ayokong maging bastos. Pero hindi ako papayag sa gusto 'nyo," at bumaling ako kay Sir Lester. "Sir, papayag ka ba sa ganito? Ang tanda na natin para manipulahin nila."

Nagkibit - balikat si Sir Lester. "Well, its okay for me. I like you. Besides, hindi ako naniniwala sa ligawan or long engagement. You can ask Lee about that. He has mastered the art of whirlwind romance," at ngumiti siya sa kapatid niya.

Nakita kong nagtagis ang bagang ni Lee pero hindi ito sumagot.

"Rod, why don't we ask them first? We can still have our partnership kahit hindi sila magpakasal. Let them choose who they want," sabi ni Mr. Samson.

Salamat naman at hindi kasing kitid ng utak ni Mr. Alba and utak ng tatay ni Lee.

"I've been like that, Rod. And I regret it. Nasayang ang ilang taon na hindi ko nakasama ang anak ko. Ngayon pa ba ako babawi? I know it's too late but I'll give it a shot. Maybe he can forgive me for what I did to him," nakita kong bahagyang namasa ang mata ni Mr. Samson.

Walang reaksiyon si Lee. Tahimik lang siya at nakatingin sa plato niya.

"And I wasn't there when he was down. He lost a wife but I didn't care. I didn't think that he was hurting and needed me. Us. His family. Kasi pinabayaan kong kainin ako ng galit ko," napahinga si Mr. Samson. "Hindi ko man lang nakilala ang daughter in law ko."

"That's why I am doing this now, Gilbert. I don't want to happen to Katrina, what happened to Louraine. We lost her because someone who is so selfish took her from us. He corrupted her mind. He made her believe that everything is just like a fairytale. She was so young. So fragile. She has lots of dreams. But he took that all away," nagngangalit ang boses ni Mr. Alba habang nakatingin siya kay Lee.

"Rod, please. Huwag naman dito." Narinig kong sabi ni Mrs. Alba.

"It was all his fault. Kung hindi dahil sa kanya, dapat buhay pa si Louraine. Dapat -"

Pare - pareho kaming nagulat ng malakas na pukpukin ni Lee ang mesa.

"Enough!" Malakas niyang sigaw.

Kitang - kita ko ang galit sa mukha ni Sir Lee. Para siyang bombang sasabog. Pero ang mga mata niya, punong - puno ng lungkot.

"I love her. Hanggang ngayon mahal ko si Louraine and I would do anything, everything para bumalik siya. Pare - pareho tayong nawalan so why are you blaming me?"

Pakiramdam ko ay kinurot ang dibdib ko sa narinig kong sinabi ni Lee. Ganoon niya kamahal si Louraine. Kaya niyang isigaw sa lahat kung gaano niya kamahal ang asawa niya.

"Lee," tanging nasabi ni Mr. Samson. "You know Louraine?"

Tumingin si Lee sa daddy niya. "She was my wife, dad." Malungkot na sabi niya. "Sana hindi mo na lang ako pinabalik para hindi na ganito. Para hindi na magulo. Sanay na naman ako na mag - isa lang. Nasanay na ako."

"Lee, I am sorry. I didn't know it was Louraine," Parang walang ibang masabi si Mr. Samson. Parang kahit siya ay ramdam ang paghihirap ng anak niya. "Do you know about this, Rod?"

Tumingin si Lee kay Mr. Alba.

"You already did this to Lou. And she rebeled against it. Huwag mo ng gawin uli. Katrina is old enough to decide what she wants so please, leave her alone. Don't make another Louraine," malumanay na ang boses ni Lee.

Parang ang tindi - tindi ng tensyon sa buong paligid. Walang may gusto magsalita. Parang revelation sa pamilya Samson ang mga sinabi ni Lee. Si Lester ang bumasag sa katahimikan.

"Can we change the topic? I hate dramas. Let's eat and talk about something else. Mr. Alba, my brother was right. Louraine and Katrina are two different person. Besides, you don't need to fix the marriage between us. Because I'll still pursue her. Because I like her," sabi ni Sir Lester.

Huminga ng malalim si Lee at tumayo na.

"I'll go ahead. Enjoy your dinner," at lumakad na paalis doon si Lee. Hindi man lang niya ako tiningnan. Kahit nga ang pagtawag sa kanya ng daddy niya at mommy niya hindi na niya pinansin.

————————>>>>

Lee's POV

Parang sasabog ang dibdib ko habang naglalakad ako palabas ng bahay namin. Bakit kailangang ipaalala sa akin na kasalanan ko ang nangyari kay Louraine? Alam ko iyon. Inaamin ko naman kasalanan ko at hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko. Kung sana isinama ko na lang siya noon.

Ilang beses akong huminga ng malalim ng makasakay ako sa kotse ko. And I thought everything is going to be fine ngayong maayos na kami ni daddy. It turned out, parang mas lumalala pa ang sitwasyon ngayon.

Alam ko naman ang ginagawa ni Mr. Alba kaya niya naisipan na ipagkasundo si Katrina at Lester. Natatakot siyang maulit uli ang nangyari noon na baka sa akin magkagusto si Katrina.

Eh, gusto mo naman talaga si Katrina.

Gago rin ang utak ko. Sa totoo lang naguguluhan ako. Kamukha ni Louraine si Katrina pero magkaiba silang dalawa. Baligtad ang ugali sa lahat ng bagay. But Katrina has this unique qualities na alam kong magugustuhan ng lahat. She is fierce. She is opinionated. Hindi siya nahihiya na sabihin ang gusto niya.

Shit! This is wrong. I love Louraine. I just miss her kaya akala ko nagkakagusto ako kay Katrina. It is just her face. Just her face.

Nagulat ako ng makarinig ako ng sunod - sunod na katok sa bintana ng kotse ko. Si Katrina?

"What are you doing here?" Taka ko? Bakit siya umalis doon.

"Pasabay lumabas. Hindi ko kayang magtagal doon," sabi niya at sumakay sa passenger side ng kotse ko kahit hindi ko naman siya pinapapasok. "Paandarin mo na. Umalis na tayo dito baka matunugan nila na hindi naman talaga ako nag - cr."

"What? Hahanapin ka ng tatay mo," sabi ko sa kanya.

"Ayoko doon. Tinatrato nila akong bata. Hindi ako tanga. Saka 'yang kapatid mo. Feel na feel niya. Ayoko sa kanya," dama kong naiinis si Katrina.

Pinaandar ko ang sasakyan ko paalis doon.

"Where will I bring you?"

"Kahit saan. Ayoko muna kasing puntahan si tatay Gildo. Nade - depress ako kapag pumupunta ako doon. Kasi hindi pa naman siya magaling."

Narinig kong tumunog ang telepono ni Katrina. Pero ni-reject lang niya ang call na iyon.

"Si Mr. Alba. Nalaman siguro na wala na ako doon," sabi niya.

"You should go back. Mapapag - usapan naman kung anong nangyari kanina," sabi ko.

"Ilibre mo na lang ako ng dinner. Hindi ako nakakain kanina dun. Sayang. Parang masarap
pa naman ang mga pagkain," sabi niya.

Tingin ko naman hindi ko mapipilit si Katrina na bumalik kaya nagpatuloy akong mag - drive. Dumirecho ako sa isang Italian restaurant na nadaanan namin.

"Okay sa 'yo dito?" Tanong ko.

"Kahit nga fishball okay lang sa akin. Tara. Gutom na talaga ako," sabi niya at nauna ng bumaba sa kotse.

Hindi na siya nahiya na mag - order ng gusto niya. Pag - upo namin ay agad siyang tumawag ng waiter at umorder ng pagkain. Gusto kong matawa. Mukhang gutom nga. Ang daming inorder.

"Ikaw?" Tanong niya sa akin.

"Coffee lang ako," sagot ko. Parang wala pa akong gana dahil sa nangyari kanina.

"Parang nahiya naman ako sa dami ng kakainin ko. Pero, okay lang. Kesa naman magpaka - plastic ako na hindi ako nagugutom." Sabi niya at muling tumingin sa tumutunog niyang telepono. Nakita kong napahinga siya ng malalim. "Si Mr. Alba ulit. Ang kulit."

"Katrina, they are worried. Hindi ka naman nagsabi kung saan ka pupunta. They are worried na baka may mangyaring masama sa iyo. Hindi mo masisisi ang magulang mo kung maging ganyan man sila. Ayaw lang nilang maulit ang nangyari," paliwanag ko sa kanya.

Tumitig siya sa akin. Para yata akong naasiwa kasi tingin ko si Louraine ang nakatingin sa akin. 'Yung tuwing may nagagawa akong kasalanan.

"Bakit ka ganyan?" Tanong niya.

"Bakit? What did I do?"

Napapailing siya. "Kahit kailan hindi nagpakita ng magandang trato sa iyo si Mr. Alba pero hindi mo siya binabastos. Hindi ka ba nasasaktan sa mga sinasabi niya sa iyo?"

"I still respect him because he is Louraine's father. At alam kong mahal siya ni Lou kaya hindi ko magagawa iyon. Kasi alam kong masasaktan din siya kapag binastos ko ang tatay niya."

"Kahit ganyan? Kahit alam mong mali na ang sinasabi niya?" Sabi pa ni Katrina.

"He is just blinded by hate. I know somehow he is blaming himself sa nangyari. Kasi hinigpitan niya masyado si Louraine. Pareho lang naman kami ng pinagdadaanan. So siya, ako ang outlet niya." Sagot ko.

Nakita kong inirapan ako ni Katrina. "Hindi na uso bayani ngayon."

Natawa ako sa sinabi niya. Nagsimula na siyang kumain ng dumating ang pagkain namin. Parang wala na siyang pakielam sa akin kasi kain lang siya ng kain. I just love watching her eat. Ang cute. No inhibitions. Walang halong pa - cute.

"Ayaw mong i-consider ang sinasabi ng daddy mo? Lester is a good person. Hindi mo pa lang siya nakikilala ng maige," sabi ko.

Nakita kong huminto sa pagsubo si Katrina at tumingin sa akin. Para yatang nawalan ng gana.

"Hindi ako gusto ng kapatid mo. Kailangan niya lang ako para sa negosyo. Hindi ako tanga para hindi mapansin iyon," sagot niya.

"Kahit na. Bakit hindi mo subukan? Between Lester and Clyde, mas maayos naman si Lester. And besides kilala na siya ng family mo," sabi ko pa.

Painis na binitiwan ni Katrina ang hawak na kubyertos.

"Ayoko nga sa kanya. Bakit mo ba pinipilit? Saka may iba akong gusto," inis na sagot niya.

Napailing ako. Kaya pala. Kung ibang babae kasi ang irereto kay Lester ay talagang hindi na magdadalawang isip pa. Guwapo ang kapatid ko, mayaman. Well, gago lang siya sa akin pero alam kong may itinatago din namang kabaitan 'yun.

"Sigurado ka bang magugustuhan ng daddy mo ang lalaking gusto mo?" Tanong ko pa.

Inirapan niya ako. "Wala akong pakielam kahit hindi niya gusto iyon. Sarili ko ito. Ako ang masusunod kung sino ang gugustuhin ko at hindi iyon ang kapatid mo."

"Gusto ka ba ng lalaking gusto mo?" Diretso kong tanong sa kanya. I need to know who is this prick. Para malaman ko kung seseryosohin ba ng kung sino mang lalaking iyon si Katrina. I do care about this woman at ayoko siyang masaktan.

Doon nagbago ang mood niya. Biglang lumambot ang itsura niya at napasandal sa upuan.

"Ewan ko. May mahal siyang iba, eh." Malungkot na sagot niya.

Napailing ako. "See. That's what I am telling you. May girlfriend pa ang gusto mo. Mahirap iyan."

"Actually wala siyang girlfriend. Hindi lang siya maka - move on sa asawa niya." Sabi ni Katrina at nagsimulang kumain uli.

"What? He is married? Are you crazy? May - asawa pa? Baka magbigti na ang tatay mo kapag nalaman 'yan." Kahit ako ay parang gusto kong pilipitin ang leeg ng lalaking iyon. May asawa na pala pero kumakalantari pa ng ibang babae.

Tiningnan niya ako ng masama.

"Hindi ko alam kahit guwapo ka, tanga ka."

Napakunot ang noo ko sa kanya.

"Ano ba ang sinasabi mo?" Naguguluhan ako dito kay Katrina. "Tell me who is this guy and I'll tell him to not to bug you anymore. Married man? Nababaliw ka na."

Napapailing si Katrina huminto na sa pagkain.

"Hindi ka lang tanga, manhid ka pa."

What? What the hell is she saying?

"What? Katrina, you are talking nonsense." Naiinis na ako.

Painis na inilayo ni Katrina ang plato niya at inis na tumingin sa akin.

"Ayoko sa kapatid mo kasi iba ang gusto ko. Kasi ikaw ang gusto ko."

Para yata akong nanigas sa narinig kong sinabi niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top