Party

Hi guys. Pasensiya na sa matagal na update. Sobrang busy lang. Kaya ito na ang inaabangang update. Meron ng konting patikim sa story ni Vlad at kahit maraming naiinis kay Les, parang gusto ko din siyang gawan ng sarili niyang story. Mabait naman 'yun. Bigyan natin ng chance 😂😂😂

Hindi na ako busy kaya madadalas na ulit ang UD. Ilang chapters na lang at matatapos na rin ito kaya huwag sana kayong magsawa. Maraming salamat sa pag - aabang 😊

❤️ Herby M

———————————>>>>>>

Lee's POV

I know Katrina is avoiding me. Ilang araw na kaming nagkikita sa office pero parang hindi niya ako nakikita. As if I don't exist to her at all. She is already included in our weekly mancom meeting. She changed. Naging tahimik, seryoso, just observing things. She's just talking to Lester. If she has questions about anything, she will ask Lester.

And it annoys me. Nakakabuwisit tuwing makikita ko silang magkasama. Lagi silang nag - uusap. Mukhang gustong - gusto na ni Katrina ang kasama si Lester.

At kung hindi lang talaga ako naka - oo sa kapatid kong si Lei, I am not going to attend the upcoming company anniversary.

Hindi na ako dumaan sa office. Dito na lang ako mag - stay sa bar ni Vlad. Usapan naman ng banda, dito na kami magkita - kita at sabay - sabay na kaming pupunta sa venue ng company anniversary namin.

Direcho ako sa office niya sa taas. Malayo pa lang ako ay naririnig ko na ang boses niya. Mukhang may kausap.

"I can't allow you to do that! Your brother is going to kill me!"

Napatawa ako habang naglalakad palapit sa office niya. Malamang kausap ni Vlad ang babaeng nabuntis niya. Gago rin. Gagawa - gawa ng kalokohan, mukhang nahihirapang labasan.

"I can't marry you. Ikaw na nga ang nagsabi na ayaw mo ring magpakasal. I am not ready to get married. But I am not going to allow you to get rid of that baby. That is my baby!" Malakas na ang boses ni Vlad.

Dahan - dahan kong binuksan ang pinto. Naupo ako sa sofa. Nakatalikod si Vlad at may kausap sa cellphone. Hindi niya alam na nandoon na ako.

"I don't know how to tell him. He is my friend and he is going to be upset if he knows about this. Hindi lang siya pati na ang ang isa mong kuya," mahinahon na ngayon si Vlad.

Napailing ako. Sino kayang friend ang sinasabi ni Vlad? Kilala ko naman ang ibang mga close friends nito.

Gusto kong pagtawanan ng malakas si Vlad dahil sa itsura niya. Ngayon ko lang nakitang ganito ka - problemado ang isang ito. Hindi ako sanay.

Inis na humarap si Vlad. Nagulat pa siya ng makita ako doon. Parang namutla pa nga.

"Dude," natatawang bati ko sa kanya.

"I'll call you. I'll call you again," sabi niya sa kausap at pinatay na niya ang telepono. "Kanina ka pa diyan?" Seryosong tanong niya sa akin.

Umiling ako. "Hindi naman. Huwag kang mag - alala. Hindi ko naman narinig ang usapan 'nyo ng babae mo."

Napangiwi si Vlad at naupo sa tabi ko. Tapos ay napahinga ng malalim.

"She still wants to get rid of the baby?" Tanong ko sa kanya.

Naiinis na tumango siya. "And I won't allow it. If she doesn't want the baby, I'll get it once she gives birth. But I am not going to allow her to get rid of my baby," dama ko ang inis sa boses ni Vlad.

"Why don't you talk to her family and tell them the situation. Mukhang close mo naman yata kayo ng kapatid nung girl," sabi ko.

Ngumiwi si Vlad at bahagyang lumayo sa akin. "It's too complicated. Hindi ganoon kadali iyon," sagot niya. "So, what time is our event? 'Yung sa company anniversary 'nyo?"

"Eight. Dito na lang ako mag - uubos ng oras. I don't want to stay in the office. Mabubuwisit lang ako doon," sagot ko.

"Lester is still bugging you?"

"No. The truth? Nagbago nga siya ng pakikitungo sa akin. Hindi na kami madalas magtalo," sabi ko. Kasi talagang. Ang laki ng ipinagbago ni Lester sa pakikitungo sa akin magmula ng maging close sila ni Katrina.

"O? Good news iyon. Pero bakit ayaw mong mag - stay doon?"

"Because of Katrina." Napasandal ako sa sofa pagkasabi noon.

Kumunot ang noo sa akin ni Vlad.

"I think they are a couple already. And that happened because of me." Sabi ko.

"Fucking no way, man. For real?" Hindi makapaniwala si Vlad.

Tumango ako. "Gago kasi ako."

"What did you do?"

"I pushed her away."

"What do you mean pushed her away?" Taka ni Vlad.

Tumingin ako kay Vlad. "She told me she likes me and I pushed her away," sagot ko.

"Do you like her?" Tanong ni Vlad.

"She looks like Louraine."

"Idiot. I was asking you if you like her as Katrina. Not because she looks like Louraine."

Hindi agad ako nakasagot.

"If you just like her because she looks like your dead wife, pabayaan mo na siya kay Lester. Because it would be too unfair for her that you just like her because she looks exactly like her sister." Tonong nanenermon si Vlad.

Bago pa ako makasagot ay bumukas ang pinto at pumasok si Kyle bitbit ang gitara niya.

"Fucking traffic. Buti na lang hindi na ako nagdala ng sasakyan," bungad niya at tuloy -tuloy na pumasok sa loob. "Wala pa si Lars?"

"Didirecho na lang daw doon. Just received his text." Sagot ni Vlad.

"Bakit parang mga Biyernes Santo mukha 'nyo?" Taka ni Kyle.

"I thought I have a big problem but Vlad here has a bigger problem," sabi ko.

"Dude!" Saway ni Vlad. Ayaw niya kasing ipasabi sa iba ang problema niya.

"You can't solve your problem if you're just going to keep it to yourself. We are your friends and we will try to help you as long as we can," sabi ko.

"Anong problema mo? Is this about the girl that you've been dating?" Tanong ni Kyle.

Parang biglang hindi mapakali si Vlad.

"We are not dating," sagot niya.

"They are not dating but he knocked her up," sabi ko.

Kitang - kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Kyle.

"The fuck! Seryoso?" Hindi makapaniwala si Kyle.

"Can we stop talking about me? I'll try to fix this. Ang pag - usapan natin ay kung anong ginawa nitong si Lee kay Katrina at biglang si Lester na ang syota niya," sagot ni Vlad.

Bumaling naman ang ang tingin sa akin ni Kyle.

"I thought syota mo na?" Tanong niya sa akin.

"Lee, ito lang. Baka lang kasi nakakalimutan mo. Louraine is dead and she won't be coming back. On the other hand, Katrina is here. Buhay at gusto ka. Hindi naman siguro magagalit si Lou kung magmahal ka uli ng iba. You deserve to be happy. Ang tagal mo ng nagluksa," sabi ni Vlad sa akin.

"'Yung totoong sagot lang, dude. Do you like her? Si Katrina?" Tanong ni Kyle.

"Of course I like her. She's pretty. Nice person," at napahinga ako ng malalim. "She confessed that she likes me."

"Really?! Imagine that. 'Tang ina ka. Alam kong sanay kang babae ang nagtatapat sa iyo. But this is different. Dude, we know that you like her too. We can see it. So don't let a dead person stop you from loving someone else," sabi ni Kyle.

Hindi ako nakasagot.

"But I think I am too late. I hurt her. May mga nasabi akong hindi maganda." Sabi ko.

"Gago. Puwede ka pa namang bumawi. Ikaw pa. Kung mahal ka naman ni Katrina 'di kausapin mo. Sabihin mo mahal mo din. Mahal mo ba?" Tanong ni Vlad.

Mahal? Am I capable of loving someone else besides Louraine?

Yes. Ako na rin ang sumagot sa sariling tanong ko. Ako lang ang nagkulong sa sarili ko sa alaala ni Louraine. Ako ang pumili na maging miserable ang buhay ko kasi nawala siya. But my friends are right. I do deserve to be happy with someone that loves me.

And I love that someone too. I love Katrina, too.

Shit. Fucking realization hits me hard. I love her and I pushed her away.

Tumunog ang telepono ko at nakita kong tumatawag si Lei.

"Lei," sabi ko ng sagutin ko ang tawag niya. Nakita kong tumayo si Vlad at tumalikod sa amin. Parang may inaayos.

"Where are you and your band? The party is about to start," dama kong nag - aalala ang boses ni Lei.

"Papunta na diyan," sagot ko.

"Kapag libre kailangan late kayo?" Nang - iinis pa siya.

"Sobra ka naman. Pakain na nga lang ang bayad mo sa amin, demanding ka pa." Natatawang sagot ko.

"Lee naman. I grant every request you asked. Your sound system kinuha ko 'yung sabi mo kahit over budget na ako. Bilisan mo na. Pumunta ka na dito. Baka hindi pa kayo dumarating lasing na ako dahil sa stress," sabi niya.

"Open bar ba? What are you drinking? Beer?" Kulit ko pa.

"Wine. I am drinking wine. Come over here. People are waiting for you guys," sabi pa niya.

"Fine. Fine. We will be there. See you in a bit." At pinatay ko na ang telepono.

"Kinukulit ka na ni Lei," natatawang sabi ni Kyle.

Tumawa lang ako at tumango.

"Is it open bar? She's drinking na?" Sabat ni Vlad. Hindi man ito nakatingin sa amin ay busy naman ito pagpindot sa cellphone niya.

"Yeah. She's drinking wine daw. Maarte 'tong kapatid ko na 'to, eh." Sagot ko at tumayo na ako. "Tara na. Para makaalis na rin tayo after ng isang set. Thanks for this guys. Babawi ako sa inyo." Sabi ko.

"Get Katrina para makabawi ka sa amin,"
Natatawang sabi ni Kyle.

———————>>>>>>>>>>

Kating's POV

Ilang araw ko na ring iniiwasan si Lee. Talagang masama pa rin ang loob ko sa kanya. Hanggang ngayon para pa ring nagre - replay sa utak ko ang mga sinabi niya sa akin. Hanggang ngayon tuloy naiisip ko, sobra bang perpekto ni Louraine at kahit na akong kakambal niya ay hindi magagawang pumalit sa kanya.

Kahit paano, mabait naman si Lester. Laging siya ang kasama ko. Sobra ang suporta niya sa akin para matutunan ko ang trabaho ko. Sinasamahan niya ako sa mga meetings, sa pakikipag - usap sa ibang mga managers. Lagi siyang nakaalalay. Pero sa totoo lang, parang hindi ko naman maramdaman na may gusto siya sa akin. Parang lagi lang siyang sumasama ganoon. Pero wala talaga akong maramdamang spark sa aming dalawa.

Wala naman na talaga akong plano na umattend pa sa company anniversary ng LES corporation kaya nandito lang ako sa bahay. Dinalaw ko lang kaninang umaga si tatay Gildo at natutuwa ako kasi nagiging okay na siya. Ilang araw pa daw na observation sabi ng doktor niya at puwede na siyang umuwi.

Gusto ko ngang kausapin si Mr. Alba kung puwedeng doon na ako umuwi kay tatay Gildo kapag nakalabas na siya sa ospital. Gusto ko naman bumawi kay tatay.

Tumingin ako sa relo at pasado alas otso na. Nakatingin lang ako sa damit na naka - hanger sa cabinet. Bigay ni Lester 'to. Isuot ko daw sa anniversary. Pero sinabi ko ng hindi ako pupunta. Hindi ko feel at isa pa, ayokong makita ang buwisit na si Lee.

Lalo lang akong nagagalit sa kanya. Talagang ganoon niya ako ka - ayaw? Ni hindi man lang niya kinakausap. Ni tingnan hindi niya ginagawa. Sobrang yabang! Kung ayaw niya sa akin, ayoko rin sa kanya. Maghahanap ako ng lalaking gusto ako.

Tumunog ang telepono ko. Si Mona ang tumatawag sa akin.

"Bakit?"

"Bes! Nasaan ka na? Mag - uumpisa na ang party," rinig ko ang malakas na tugtugan sa background niya.

"Hindi nga ako pupunta 'di ba? Mag - enjoy ka na lang diyan," sagot ko.

"Paano ako mag - eenjoy kung wala ka naman. Nandito na 'yung banda nila Sir Lee. Grabe bes!!! Ang guguwapo nila!" Tumili pa si Mona.

Napairap ako. Ano naman kung nandoon na ang Lee na iyon? Wala akong pakielam.

"Punta ka na dito. Sige na. Para may kasama naman ako. Saka boss ka na 'di ba? Dapat daw lahat ng boss nandito. 'Yung daddy mo nga nandito, eh." sabi pa niya.

Nakarinig ako ng katok sa pinto habang tinatawag ang pangalan ko. Boses ni Mrs. Alba.

"Sige na, Mona. Kuwentuhan mo na lang ako ng mga pangyayari. Papahinga muna ako," pinatayan ko na siya ng telepono kahit na nga may sinasabi pa siya.

"Kating, iha. Nandito sa baba si Lester. Sinusundo ka," narinig kong sabi ni Mrs. Alba.

Kulit naman talaga ng lalaking iyon. Sinabi ko na ngang hindi ako pupunta. Napilitan akong bumaba at nakita kong nakaupo sa sofa si Les.

"Hindi ka pa bihis," puna niya sa akin.

"Ayokong pumunta 'di ba?" Sagot ko.

Tumayo siya at lumapit sa akin at bahagya akong pinatalikod para itulak ng marahan pabalik sa kuwarto ko. "Go back to your room, wear the dress that I gave you. I'll give you fifteen minutes. Party is about to start," sabi niya.

"Wala naman akong gagawin doon. Dito na lang ako," sabi ko.

"You need to be there, Katrina. All managers should be there. It's the company's anniversary."

Inirapan ko na lang siya. Tingin ko naman wala akong magagawa kaya padabog akong bumalik sa kuwarto ko.

"I'll wait for you in the car. Fifteen minutes," sabi pa ni Lester bago ako tuluyang umakyat pabalik sa kuwarto ko.

Alam kong hindi lang ako inabot ng fifteen minutes sa pagbibihis. Paglabas ko ay nasa kotse nga si Lester at naghihintay sa akin. May kausap siya sa telepono ng pumasok ako sa kotse.

"We will talk soon. Not tonight," malamig ang tono ng boses niya. Parang hindi niya gusto ang kausap niya.

Tahimik lang ako. Nakikiramdam. Para kasing ang bigat ng paligid. Iba kasi si Lester ngayon. Seryoso siya.

"Sige na. I have more important things to do," at pinatay na niya ang telepono tapos ay tumingin sa akin. Ngumiti siya pero halatang peke ang ngiti na iyon. "Bagay sa iyo ang damit mo. See? Sasayangin mo lang kung hindi ka pupunta."

Hindi ako kumibo. Nag - drive na lang siya papunta sa venue ng party. Kakaiba talaga. Tahimik lang si Lester. Ang daldal kaya nito. Seryoso lang siyang nagda - drive hanggang makarating kami sa venue.

Marami ng tao ng dumating kami. Sa labas pa lang ay rinig na ang malakas na tugtog na nanggagaling sa loob. May ilang mga empleyado ang nasa labas. Nag - park si Lester at sabay kaming bumaba.

"Mag - eenjoy ka dito for sure. Lei organized this party. Knowing my sister. Sa sobrang arte 'nun siguradong maraming mga pasabog 'yun," komento ni Lester habang naglalakad kami.

"Les."

Pareho kaming napatingin sa tumawag kay Lester. Boses babae iyon.

Isang babae ang tumawag sa kanya. Magandang babae. Ang simple lang niya. Nakasuot lang ng jeans at t-shirt. Nakalugay ang mahabang buhok. Sino kaya ito? Sa dalas namin magkuwentuhan ni Les, kilala ko na ang mga tao sa buhay niya. Pero parang hindi niya nabanggit kung sino ito at parang hindi natutuwa si Lester na makita ang babaeng ito. Sumimangot kasi ang mukha niya.

"Can you please talk to me?" Punong - puno ng pakiusap ang tono ng babae.

"I told you I'll talk to you but not tonight. Umalis ka na," sabi ni Les.

"But you are avoiding me," parang iiyak na ang babae.

"Kausapin mo na kaya? Mukhang importante ang sasabihin sa iyo," sabi ko.

Nakita kong nagngalit ang bagang ni Les at huminga ng malalim. "Mauna ka na sa loob." Sabi niya sa akin tapos ay masamang tumingin sa babae.

Iniwan ko na sila. Baka may kailangang i-discuss sa babaeng iyon si Les. Tingin ko mukhang personal ang pag - uusapan nila.

Ang ingay na sa loob. Ang ingay ng mga tao. Nagsisigawan sila. Kasi may bandang tumutugtog sa stage. Banda ni Lee. Black Slayers.

Kahit galit ako kay Lee, hindi ko maiwasang hindi siya tingnan sa stage. Ang guwapo niya habang tumutugtog. Katulad 'nung napanood ko siya noon. Grabe ang mga tao. Nagsisigawan habang sinasabayan ang tugtugan nila.

Hindi yata ako makagalaw ng makita ko siyang nakatingin sa akin. Mula sa stage ay nakatingin lang sa akin si Lee at pakiramdam ko ay parang kinakabog ang dibdib ko sa sobrang kaba.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top