New family
Kating's POV
Nakiusap sa akin si Mr. Alba na kung puwede daw akong sumama sa bahay nila para makilala ko naman ang asawa niya at ang isa pa nilang anak na si Eunice. Ampon daw nila ito pero talagang itinuring nilang parang tunay nilang anak.
Habang nasa biyahe kami ay panay ang tawag ni Mrs. Alba. Talagang sinisiguro kung kasama talaga ako.
"Ano ang gusto mong kainin? Nagluluto kasi ang mommy mo. Excited 'nung malaman na darating ka," punong - puno ng kasiyahan ang boses ni Mr. Alba.
"Ginataang sigarilyas. Saka pritong isda na salaysalay," sagot ko.
Parang nagulat si Mr. Alba sa sagot ko.
"You eat those stuff?" Paniniguro niya.
"Lahat ho ng klase ng isda at gulay kinakain ko. Iyon kasi ang turo ni tatay at nanay sa akin. Kung anong nakahain sa mesa, magpasalamat at kainin," sabi ko.
Nakita kong parang nag - iba ng timpla si Mr. Alba. Parang nalungkot siya.
"Naiinggit ako kay Gildo at kay Helen," at napahinga siya ng malalim tapos ay tumingin siya sa akin at ngumiti. "Pero okay na. At least they took care of you. Nakakahinayang lang kasi hindi kami ng mommy mo ang nagpalaki sa iyo."
Hindi ako sumagot.
"Magkaibang - magkaiba kayo ni Louraine. She is so soft, quiet. Hindi nga marunong magalit iyon. She was the total opposite of you, Kaya siguro siya nauto ng lalaking iyon," dama ko ang galit sa tono ng salita ni Mr. Alba.
Alam kong si Sir Lee ang tinutukoy niya.
"Hindi ho kaya talagang nagmahalan lang sila? Tingin ko naman mahal na mahal ni Sir Lee ang anak 'nyo. Hanggang ngayon kahit wala na siya dito. Siguro may nakita si Louraine na hindi 'nyo nakikita kay Sir Lee. Subukan 'nyo kayang kilalanin 'yung tao. Baka sakaling makita 'nyo rin kung anong nakita ni Louraine sa kanya," hindi ko napigil na hindi sabihin iyon.
Napatingin si Mr. Alba sa akin.
"Sa totoo lang ho, dapat magpasalamat kayo sa kanya. Kasi siya ang nagsabi sa akin na bigyan kayo ng pagkakataon na kilalanin ko. Wala siyang sinabing masama laban sa inyo kahit na nga kulang na lang murahin 'nyo kapag nakikita 'nyo. Mabait ho si Sir lee. Kung bata man na-inlove si Louraine, pinili niya iyon. Nagmahalan lang silang dalawa. Kaya huwag 'nyong sisihin si Sir Lee sa nangyari kay Louraine. Aksidente ang nangyari sa kanya at pareho lang naman kayong nawalan," sabi ko pa.
Hindi na nagsalita pa si Mr. Alba pero alam kong hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
Huminto kami sa tapat ng isang malaking bahay. Ang daming kotse ang nakaparada sa garahe. Ang taas ng gate. Pang - mayaman!
"This is your house," nakangiti na ngayon si Mr. Alba. Bumaba siya at binuksan ang pinto ng kotse sa side ko. "Come on. Your mom and your sister are waiting for you," sabi niya.
Sumunod naman ako. Isang may edad na babae ang nagbukas ng gate sa amin. Nakita kong titig na titig siya sa akin.
"Katrina, siya si Baby. Matagal na siyang kasama namin dito," pakikala ni Mr. Alba sa kasambahay nila.
"Kamukhang - kamukha siya ni Louraine," sabi nito.
"Kambal daw kasi kami," sagot ko sa kanya. "Saka Kating na lang ho ang tawag 'nyo sa akin. Masyadong mahaba ang Katrina," sabi ko.
"Halika na. Pumasok na tayo sa loob," sabi niya sa akin at sinundan ko siyang makapasok.
Agad akong sinalubong ni Mrs. Alba at niyakap ako ng mahigpit. Pareho ng naramdaman ko ng yakapin ako ni Mr. Alba. Parang ang gaan sa pakiramdam.
"Thank you, iha. Thank you at nandito ka na," umiiyak na sabi ni Mrs. Alba. Humiwalay siya sa akin at tinitigan ako sa mukha. "Look how pretty she is, Rod." Sabi pa ni Mrs. Alba.
"Welcome home, Katrina." Nakangiting sabi ng isang babae sa akin at yumakap din sa akin. Ito siguro ang Eunice na sinasabi ni Mr. Alba. "You really made your parents happy."
"Magulang mo din sila 'di ba?" Paniniguro ko.
"Oh, it's okay. I know that I am adopted since I was small. Not a big deal," sabi pa niya.
"She is your sister, Kating." Sabi ni Mr. Alba. Bumaling ito kay Mrs. Alba at Eunice. "She wanted to be called Kating. Masyado daw mahaba ang Katrina."
"Kating is nice," sabi ni Eunice. "Do you want to see your room? Come on. I'll show you around." Hinawakan niya ang kamay ko.
"Go on. Sige. Mag - aayos pa naman ako ng mesa. I'll call you both if I am done," nakangiting sabi ni Mrs. Alba.
Tumango lang ako at sumunod ako kay Eunice. Umakyat kami sa second floor ng bahay at pumasok kami sa isang kuwarto. Parang nalula yata ako sa laki noon. Kuwarto lang, parang mas malaki pa sa bahay namin sa Pasay.
"This is Louraine's old room. Pero matagal na itong pina-renovate nila dad. When she died, inalis na nila lahat ang mga gamit niya and put it here," at itinuro niya ang mga kahon sa ilalim ng kama. "Alam mo na. Biglaan kasi ang nangyari kay Lou kaya nahirapan din kaming tanggapin ang nangyari," sabi niya at inayos ang mga blinds sa kuwarto.
Iginala ko ang paningin sa buong kuwarto. Parang ang lungkot ng pakiramdam. Wala kasing kabuhay - buhay ang paligid. May kama, blinds, mesa na maliit, couch at tv. Iyon lang ang mga naroon.
"Puwede ko bang tingnan ang mga gamit niya? Ni Louraine? Gusto ko lang siyang makilala pa," paalam ko.
"Wala naman sigurong problema. Matagal ko ng sinabi kina dad na itapon na 'yang mga yan or i-donate. Sabi ko para maka - move on na kami. Ang tagal na rin namang wala ni Lou," sagot pa ni Eunice.
Kinuha ko ang isang kahot mula sa ilalim ng kama at binuksan ko iyon. Ilang mga damit, mga gamit ng babae ang naroon. Mga pictures. Parang nanlalaki ang ulo ko ng kuhanin ko ang mga pictures at tingnan iyon. Kuha sa isang party. Debut ni Louraine. Ang bongga. Parang sa hotel ginawa. Naalala ko, 'nung nag - debut ako kasama ako sa pasada sa jeep ni tatay. Walang handa kasi wala naman kaming pera.
Isang naka-envelope na mga litrato ang kinuha ko. Binuksan ko iyon at nakita kong pictures din ni Louraine. Kasama si Sir Lee. Naroon din ang ilang mga kaibigan ni Sir Lee. Ang babata pa nila. Kuha sa iba't - ibang okasyon. Tinitigan ko maige ang isang litrato na kuha mula sa isang opisina. Si Louraine at si Sir Lee nakangiti kasama ang isang naka - barong na lalaking may edad. Sa paligid ay naroon ang mga kaibigan ni Sir Lee. Mga nakangiti sila sa picture.
"Kuha iyan 'nung nagpakasal si Lou and Lee. That was supposed to be a secret pero nakita 'yan ni Daddy kaya lumayas si Lou and sumama na kay Lee," paliwanag ni Eunice ng makita niya ang tinitingnan kong litrato.
"Kilala mo si Sir Lee? 'Yung dati niyang asawa?" Tanong ko habang iniisa - isa ko pa ang mga litrato doon. Puro pictures ni Louraine and Sir Lee. Ang saya - saya ng mukha ni Sir. Hindi tulad ngayon na laging para siyang aburido. Laging seryoso. Dito sa picture, kahit picture lang kitang - kita ko ang kasiyahan ng mukha niya. Kasi kahit ang mga mata niya masaya.
"Si Lee? Of course I know him," natawa si Eunice. "He was crazy over Louraine. Actually hanggang ngayon. They love each other so much," napahinga ng malalim si Eunice. "Sayang nga. Dad and mom was really against him for Lou. Kasi tingin nila walang kinabukasan si Lou kay Lee. But against all odds, kinaya nilang dalawa. She was pregnant when she died. Lee never knows it. Surprise dapat iyon kay Lee after their first concert. But the accident happened," parang nanginig ang boses ni Eunice.
"Hindi alam ni Sir Lee na buntis siya?" Paniniguro ko.
Umiling si Eunice. "Lou and I are super close. Sa akin lang niya sinabi na buntis siya and isu - surprise niya si Lee. But dahil sa nangyari, hindi ko na sinabi kay Lee. Lalo lang siyang masasaktan. Baka lalo niyang hindi mapatawad ang sarili niya. He is blaming himself for what happened to Lou."
Napahinga ako ng malalim at muli kong tiningnan ang litrato ni Lou at Lee. Parang gusto kong mainggit kay Lou. Ang suwerte - suwerte niya. Ang ganda ng buhay niya, mahal na mahal siya ng magulang niya. May kapatid siyang mahal din siya kahit hindi sila magkadugo. At higit sa lahat, mahal na mahal siya ni Sir Lee kahit nga matagal na siyang wala.
Parang may kumurot sa dibdib ko ng maisip ko iyon. 'Tang ina. Bakit ganito? Bakit ako parang nasasaktan? Nagseselos ba ako? Ipinikit ko ang mata ko at umiling. Hindi. Kagaguhan itong nararamdaman ko.
"Puwede kitang samahan mamili ng mga gamit mo. This will be your room. Bahala ka kung anong gusto mong gawin dito. Put some life here. Napakatagal ng walang buhay ang bahay na 'to," sabi niya sa akin.
"Wala akong pera pambili ng mga gamit ko," sagot ko sa kanya.
Natawa si Eunice. "I'll tell dad," sabi niya at tumayo na. "Oh, may lakad ka ba mamayang gabi?" Tanong pa niya.
"Wala naman. Baka dumaan lang ako kay tatay," sagot ko.
"Sama ka na lang sa akin. Lee invited me to their gig. His band will play in Johnny's bar."
"Hindi ba magagalit si Mr. Alba?" Tanong ko pa.
Natawa si Eunice. "'Mr. Alba talaga? Sanayin mo ng tawagin siyang dad. Saka hindi na 'yun magtatanong."
Okay. Sige. Susunod na lang ako sa babaeng ito.
—————————>>>>>
Lee's POV
Umalis ako sa bar ni Vlad at dumiretso ako sa bahay ni Lars. I need to check on Maddie dahil ang tarantado kong kaibigan ay hindi ko makausap ng matino.
Naabutan ko siyang nakaupo sa lanai at nakatingin sa cellphone niya. Magang - maga ang mata siguro sa kakaiyak. Hindi nga niya pansin na dumating ako.
"Mads," tawag ko sa kanya.
Nagliwanag ang mukha niya at tumayo tapos ay patakbong yumakap sa akin. Doon siya umiyak ng umiyak.
"He doesn't want to talk to me," humahagulgol na sabi ni Maddie.
Pinabayaan ko lang na umiyak ito ng umiyak. I know this will help her calm and think straight. Pero inihanda ko na rin ang sarili ko kung may ipagtatapat man sa akin si Maddie. If she is really having an affair, talagang malaking problema ito.
Humiwalay sa akin si Maddie at naupo. Pinapahid niya ang luha niya.
"What happened?" Tanong ko. Naupo ako sa harap niya.
"He thinks I am having an affair," at muling napaiyak si Maddie.
"Are you?"
Tiningnan ako ng masama ni Maddie. "I can't do that. I love him. I love our son. Ayaw lang niyang makinig sa akin," sagot niya.
"What's with the secret phone calls? Lagi ka daw niyang nahuhuling may kausap sa telepono. Deleted messages. And pinipilit mo pa daw na magtrabaho uli," sabi ko.
Napailing si Maddie. "Surprise ko dapat sa kanya. Sa anniversary namin," at napaiyak uli siya. Kinuha niya ang isang envelope at iniabot sa akin.
Binuksan ko iyon at isang titulo iyon ng lupa.
"I bought a resthouse in Silang. Sa Cavite. I bought that with my own money. Surprise ko sa kanya 'yan. Gusto kong matuwa siya na hindi ko winawaldas ang perang binibigay niya," napaiyak siya ulit. "'Yung lagi kong kausap sa telepono, that was my agent. Si Jen. And he is gay. You can even call him to confirm this." At iniabot niya sa akin ang isang calling card.
Para akong nakahinga ng maluwag. Sabi ko na. Fucking misunderstanding. Typical Lars attitude. Magagalit muna bago makinig.
"You tried to tell him about this?"
Umiling siya. "Ayoko pa sanang sabihin kasi nga surprise ko sa kanya. But he got mad at me and he suspects that I am having an affair," pinahid niya ang tumulong luha. "Hindi ko iyon magagawa."
"Why do you want to work again?"
"Lee, I need to work because I want to have a life again. Yes Lars can provide us everything. Pero gusto kong may patunayan din naman ako. I love him and I love our son. Pero I need to breathe outside this house. Being a mom is a one tough job. It's making me crazy sometimes. And kay daddy naman ako ako magwo - work. I can even bring Keith in the office. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw iyon intindihin ni Lars," mahaba. niyang paliwanag. Napayuko si Maddie at napailing. "He didn't come home last night." At muli siyang napaiyak.
"He is in Vlad's place. Totally wasted last night. Pabayaan mo na muna. He will realize everything kapag nahimasmasan na iyon. We have a gig tonight kaya titino na iyon," sabi ko kay Maddie.
"Thanks for coming here. Thanks for listening," sabi ni Maddie. "Are you going you tell him about this? What I told you?"
Ngumiti ako. "It's your surprise to him. I don't want to ruin that. And besides, pabayaan mong mag - isip ang gagong iyon. Pabayaan mong maghirap naman. Sa dami ng naging babae noon, ikaw lang ang iniyakan niya. He was crying last night thinking that you are having an affair," at napahalakhak pa ako.
"Really? He cried?" Natawa din si Maddie.
"Mads, gago lang si Lars. Pero mahal na mahal ka ng gagong iyon. Makikipagpatayan iyon para sa iyo."
"Can you tell him to come home? I missed him."
Tumango lang ako at tumayo na. "Mag - usap lang kayo. Kayo lang ang makakaayos nito," sabi ko. "I'll go ahead. I need to get back with the boys."
Humalik sa pisngi ko si Maddie. "Thanks, Lee."
Kumaway lang ako kay Mads bago ako sumakay sa kotse ko. Dumiretso na ako sa bar ni Den dahil nag text sa akin si Vlad na nandoon na daw sila.
Marami ng tao sa bar ng dumating ako. People recognized me and ask for some photos na pinagbigyan ko naman tapos ay dumiretso na ako sa loob.
"Hi, love."
Pakiramdam ko ay kinuryente ang katawan ko ng maramdaman ko ang mainit na hininga sa batok ko. Agad akong lumingon at nakilala kong si Katya iyon.
"Kat," bati ko sa kanya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang suot niya. Short skirt and tank top. Sexy. Para yatang gusto ko munang magkulong kami ni Katya sa VIP room ni Den bago kami tumugtog. Pampalipas ng init.
"I missed you," malandi niyang sabi sa akin at ikinawit ang braso sa braso ko.
"Busy lang," sagot ko at naglakad kami papunta sa bar sa likod. Naroon kasi ang mga kabanda ko.
"You want to have kinky time before you play?" Malandi pang sabi ni Katya at kumagat pa ng labi.
"Lee!" Nangibabaw ang boses ng isang babae kaya hinanap ko kung saan nanggaling iyon.
"Lee! Over here!" At nakita ko ang isang babaeng kumakaway sa akin. Napakunot ang noo ko. Si Eunice ba iyon? Lumapit ako para makasigurado.
"Eunice? What are you doing here?" Tanong ko. Nakita kong tiningnan niya si Katya na nakakapit sa akin.
"You invited me 'di ba? Girlfriend mo?" Tanong pa niya at tumingin kay Katya.
"Yes. I am Katya," sabi ni Katya. Gusto kong itama ang sinabi niya dahil hindi ko naman siya girlfriend. We are just fucking buddies. That's it. Pero baka maiskandalo naman si Eunice kapag sinabi ko iyon. Hindi naman ito sanay sa mga ganoon.
Ngumiti si Eunice pero alam kong peke iyon. "Good. Alright. Nice meeting you, Katya." At bumaling sa akin si Eunice. "We will just find a seat. I just thought you can help us to find a good spot to watch your band."
"Us? Sinong kasama mo?" Tanong ko.
"My boyfriend Jake and my sister," sagot niya at kumaway sa likod ko.
Sister? Ano bang sinasabi nitong si Eunice? Patay na ang kapatid niya. Si Louraine iyon.
"My sister, Katrina. Twin sister of Louraine," sabi ni Eunice.
At there she is. Walking towards us. Is this really Katrina? Because she looks different. Ibang - iba ito sa Katrina na kasama ko kaninang umaga. She dressed different. Looked different. It looks like Louraine is alive and she is walking towards me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top