Lucky

Sa mga abangers sa UD.  Eto na.  Enjoy guys!
Daming may crush kay papa Lee, ah! Ako din, eh.
😍❤️
Herby M.
————-

Kating's POV

Parang hindi ko kayang salubungin ang tingin ni Sir Les at ni Eunice.

"Boyfriend? Anong boyfriend ang sinasabi mo?" Seryosong tanong ni Sir Les kay Clyde.

"Yeah. There was this - "

"Clyde, tinatawag ka na yata ni Judith. Ayun, o. Baka magalit kasi kausap mo ako," putol ko sa sasabihin niya. Buti na lang talaga nakita ko si Judith na hinahanap siya. Diyosko! Ano ba ito?

"Oh, yeah. Nice seeing you again, Katrina. I'll call you," sabi niya at umalis na. Para yata akong nakahinga ng maluwag ng umalis na si Clyde.

"Anong sinasabi 'nun?" Kahit si Eunice ay nagtataka.

"Wala. Akala lang niya boyfriend ko si Sir Lee. Ex - boyfriend ko 'yang si Clyde. Tinulungan lang ako ni Sir Lee kasi binabastos na niya ako noon. Pero wala naman nangyari. Gago lang talaga 'yang si Clyde," ewan ko kung papaniwalaan ba nila ang sinasabi ko.

"He was your ex - boyfriend? What a douche," naiiling na sabi ni Sir Les at tiningnan pa ng masama si Clyde na palayo na sa amin. "Ang please Katrina, stop calling me Sir. Just Les."

"Boss kita, eh. So tanda ng paggalang 'yun," sagot ko.

Hindi na nakasagot si Sir Les kasi malakas na hinampas ng drummer ng Black Slayers ang drum kit niya. Sigawan ang mga tao. Nagsimula silang tumugtog. Ang ingay. Pero maganda ang beat. Grabe ang mga tao alam na alam ang mga kanta nila.

Hindi ko mapigil ang sarili kong titigan si Sir Lee sa taas ng stage. Seryoso siya sa ginagawa niya. Hawak ang gitara, nakapikit habang tumutugtog. Talagang dinadama niya ang ginagawa niya. Sobrang humahanga ako sa kanya kasi ang galing - galing niya. Silang lahat.

"Do you want to get out of here?" Malakas na sabi ni Sir Les sa tenga ko. Kailangan niyang sumigaw kasi malakas talaga ang tugtog sa buong bar.

"Manonood pa kasi ako," sagot ko sa kanya. Bakit ako aalis dito? First time kong mapanood na tumugtog sila Sir Lee kaya susulitin ko to 'no!

"Wala namang kuwenta ang mga 'yan," sabi pa ni Sir Les.

"Tingin ko hindi iyon ang sinasabi ng mga tao dito. Magaling sila. Magaganda ang kanta. Saka Sir, kung hindi mo naman pala gusto ang banda ni Sir Lee, dapat hindi ka na nagpunta dito," hindi na ako nakatiis na hindi sabihin iyon.

"I said call me Les. Ayoko ng tatawagin mo akong Sir. Its too formal," parang nainis na siya. "And besides your dad wanted me to be here. He doesn't trust my brother. He might corrupt your mind like what he did to Louraine."

Inirapan ko siya. Bakit ba lahat sila iniisip na sinamantala ni Sir Lee ang kabataan ni Louraine? Nainlove 'yung tao. Hindi pananamantala 'yun. Pareho silang na - inlove. Gustong - gusto ko 'yung sabihin kay kay Sir Les pero itinikom ko na lang ang bibig ko.

"Are you enjoying this night, guys?" Malakas na sabi ng kumakanta. Sigawan ang mga tao. Nakita kong nakatingin sa gawi namin si Sir Lee. Sa akin ba? O asumera lang ako? Ay bakit ganoon? Para yatang tumalon ang puso ko?

Naku! Mali! Mali ito! Kung anuman 'tong nahubuhay sa dibdib ko, mali ito. Asawa si Sir Lee ng namatay kong kapatid kaya mali talaga.

"Our bassist Lee here would like to acknowledge the presence of Eunice and Katrina Alba. Welcome to our gig. We hope you are enjoying our show," nakangiting sabi ng vocalist. Vlad yata ang pangalan nito.

Kumaway si Eunice kay Lee at tumango lang ito tapos ay tumingin lang siya sa akin. Pero hindi naman siya ngumigiti. Basta seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

Pero teka. Sa akin nga ba siya nakatingin o sa katabi ko? Tumingin ako kay Sir Les at nakatingin lang din siya kay Sir Lee.

Hala! Ano ba naman 'tong magkapatid na 'to? Kahit magkalayo silang dalawa may tensyon pa din?

Naramdaman kong umakbay sa akin si Sir Les at kinabig pa niya ako palapit sa kanya. Napailing lang si Sir Lee at tumalikod. Dinampot nito ang isang bote ng beer at ininom. Tapos ay nagsimula na siyang tumugtog at sumabay sa mga kabanda niya. Hindi na kami tiningnan.

Patay - malisya akong lumayo kay Sir Les. Siraulo ito, ah.

"Kating, is it okay if I leave you here? Nag-text kasi si Jake. May imi - meet lang kaming friend niya na balikbayan. Babalikan kita dito," sabi ni Eunice sa akin.

"Ha?" Iyon lang ang nasabi ko. Teka! Paano ako uuwi?

"I'll take care of her. Alam naman ng dad mo na kasama mo ako so, don't worry." Sabat ni Lester.

"Babalik naman ako, Kating." Sabi ni Eunice at tumayo na tapos ay mabilis na lumakad paalis doon.

Wala naman akong magawa. Kahit parang ayokong kasama si Sir Les dito, wala na akong choice.

"Ayaw mo pa talagang umalis dito?" Narinig kong tanong ulit ni Sir Les. Tapos ng tumugtog ang banda nila Sir Lee at nawala na sila sa stage. Saan na kayo 'yun? Baka puwedeng sa kanya na lang ako magpahatid pauwi? Feeling ko mas safe na kasama si Sir Lee kesa dito sa kapatid niya.

"Parang mas gusto ko pang mag - stay dito," iyon na lang ang sagot ko.

Alam kong parang nairita si Sir Lester sa narinig na sagot ko. Narinig kong tumunog ang telepono niya at napamura siya ng tingnan kung sino ang tumatawag.

"I need to take this call. Lalabas lang ako saglit. I'll be back," sabi niya at sinagot ang tawag niya.

Nagpalinga - linga ako kasi hinahanap ko si Sir Lee. Nakita kong may mga tao ang nagkukulumpon sa likod. Sigurado akong nandoon sila kaya tumayo ako at nagpunta doon.

———————————->>>>

Lee's POV

Parang gusto kong sugurin si Lester kanina. Gago 'yun. Aakbayan pa niya si Katrina? Anong akala niya? Madali niyang makukuha ang babaeng iyon? Siraulo siya. Katrina is not like that. Mukha hindi naman madaling mauto ang babaeng iyon.

But wait. What the hell am I thinking? Ano naman kung akbayan ni Les si Katrina? Binata ang kapatid ko, single si Katrina. At tingin ko, mukhang mas gugustuhin ng parents ni Katrina si Les. Wala na akong pakielam doon. Pero naiinis talaga ako kasi alam ko naman, kagaguhan lang 'tong ginagawa ni Lester na ito. Alam kong gagamitin lang niya si Katrina para mas lalong tumibay ang partnership nila ni Mr. Alba.

Naramdaman kong may kumapit sa braso ko at nakita kong si Katya iyon.

"Still mad at me, baby?" Malambing na tanong niya sa akin.

Napahinga ako ng malalim. Kahit paano, nakakatulong ang presensiya ni Katya para mawala ang kung ano - anong pumapasok sa isip ko.

"Do you want to go upstairs?" Nakangiti niyang tanong sa akin.

"Sure, babe. Go ahead. Sunod ako. I'll just talk with the guys," sagot ko sa kanya.

Ngumiti ng malandi sa akin si Katya at umakyat na. Tiningnan ko ang lugar nila Katrina at napakunot ang noo ko ng makita kong walang tao doon. Where the hell did they go? For sure, hindi naman aalis si Eunice na hindi magsasabi sa akin.

Para yata akong kinabahan. Shit! Where did Lester bring Katrina?

Mabilis akong naglakad papunta sa lugar nila. Pero hindi pa ako nakakalayo ay kinakawayan na ako ni Vlad at pinapalapit ako sa lugar niya. Nasa bandang stage kasi siya at kausap ang ilang mga fans.

"Dude, someone is looking for you." Hindi ko maintindihan kung bakit nangingiti ang itsura ni Vlad.

"Who -" napatahimik ako dahil nakita ko si Katrina na katabi ni Vlad.

"Hinahanap kita, eh. Umalis kasi si Eunice kasi magkikita daw sila ng boyfriend niya saka kaibigan nila. Parang naaasiwa naman akong kasama si Sir Lester," sabi ni Katrina sa akin.

Pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag ng makita ko doon si Katrina.

"Ano bang sabi ni Eunice?" Tanong ko.

"Umalis nga. Babalik daw siya pero hindi ko alam kung anong oras. Naaasiwa ako kay Sir Lester. Parang ang awkward kasi boss ko siya tapos dikit siya ng dikit sa akin," dama ko ang inis sa boses ni Katrina.

What a fucking douchebag? Ulol talaga ang kapatid kong 'yun.

"Kapag bumalik na lang si Eunice, pakisabi na umuwi na ako. Kaya ko naman umuwi mag - isa. Ayoko lang kasabay si Sir Lester," sabi niya sa akin.

Napahinga ako ng malalim at tumingin ako sa itaas. Alam kong naghihintay doon si Katya.

"Come on. I'll drive you home," sabi ko sa kanya.

Nakita kong nagulat ang itsura niya. "Sigurado ka?"

"Yeah. Let's go. Dito na tayo sa likod dumaan para walang masyadong tao," sabi ko at hinatak ko ang kamay niya. Bumaling ako kay Vlad. "Dude, hatid ko lang siya then I'll be back. Tell Den ako na ang bahala sa bill nila. I'll settle it pagbalik ko."

Ngumiti lang ng nakakaloko sa akin si Vlad bago tumango.

"Numi - ninja moves ka, ha?" At humalakhak ng malakas si Vlad.

"Gago!" At iniwan na namin siya.

Walang imik si Katrina hanggang sa makarating kami kung saan naka park ang kotse ko. Tahimik din siyang sumakay doon kahit na ng mag - simula na kaming bumiyahe.

"Hindi ka nagsabi kay Lester na ayaw mong sumabay sa kanya?" Tanong ko habang nakatutok ang tingin ko sa kalsada.

"Hayaan mo na si Sir Les. Si Mr. Alba lang naman ang may gusto na samahan niya ako. Kasi baka daw i-corrupt mo din ang utak ko tulad ng ginawa mo kay Louraine. As if naman na gaga ako at magpapa - uto sa 'yo," sagot niya sa akin.

Mahina akong napamura. So they think I corrupted Louraine's mind? We loved each other!

"Sabi ko nga, bakit ba hindi na lang pabayaan kung anuman ang nangyari sa inyo? Nagmahalan kayo. Anong masama doon? Ang dadamot nila. Hindi na lang kayo pinabayaang maging masaya," dama ko ang inis sa boses ni Katrina.

Napailing na lang ako at itinutok ko ang paningin ko sa kalsada. Yeah. She is right. They are selfish. My family and Louraine's family. Hindi na lang nila kami pinabayaang maging masaya noon. Kahit na nawala na si Louraine. Hindi pa rin nila ako pinabayaang maging masaya.

"Nami - miss mo ba siya? Si Louraine?"

Tiningnan ko si Katrina at talagang naghihintay siya ng sagot sa akin.

"Every fucking day," mahinang sagot ko.

Tumango - tango siya at ngumiti. "Ang suwerte ni Louraine 'no? Ang daming nagmamahal sa kanya. Sila Mr. Alba. Si Eunice. Ikaw. Kahit wala na siya, talagang nandiyan kayo para sa kanya."

"Hey, your parents loves you. Even Eunice. Naninibago ka lang dahil sa nangyari but I know mahal na mahal ka nila tulad ng pagmamahal nila kay Lou." Sabi ko sa kanya. Kahit kasi hindi niya sabihin, alam kong naninibago talaga si Katrina sa mga nangyayari sa kanya.

Huminga siya ng malalim. "Wala lang. Para lang kasing ang bilis lahat. Saka pakiramdam ko, hindi naman ako ang gusto nilang bumalik. Ang mukha ko lang kasi kamukha ko si Louraine. Pero -" napailing siya at natawa. "Pero tama ka. Dapat ko ngang tanggapin na ito na ang buhay ko."

"Everything will be fine, Katrina. And I know, Louraine is happy that you are here with your family. Nakita mo naman na masaya sila na nakita ka nila," sabi ko.

"Si Louraine, mabait ba siya?" Tanong pa niya.

Ngumiti ako kasi naalala ko kung paano kami nagkakilala ni Louraine.

"Sobrang bait. Simple. Napaka - down to earth. Soft spoken. Hindi ko nga narinig na sumigaw iyon. Everybody loves her. That's why I love her."

"Ang suwerte talaga niya," iyon na lang ang narinig kong sagot niya.

Huminto kami sa tapat ng bahay ng mga Alba.

"Salamat sa paghatid Sir," sabi niya sa akin habang nagtatanggal ng seatbelt.

"Please stop calling me Sir. Lee na lang," sabi ko sa kanya. "Papasok ka pa bukas sa office?"

Tumango siya. "Kailangan kong magtrabaho. Sige, Lee. Salamat sa paghatid. Ang galing mo palang tumugtog sa stage. Grabe ang mga fans 'nyo. Ang dami," sabi pa niya.

Natawa lang ako at sinundan ko ng tingin ang pagbaba niya sa kotse. Tumayo siya sa tapat ng gate at nilingon ako.

"See you tomorrow," nakangiti kong sabi sa kanya at umalis na ako doon. Baka makita pa ako ni Mr. Alba magkaroon na naman ng tensyon.

I am sure, tomorrow is just another battle with Lester lalo na 'pag nalaman niyang sa akin sumabay pauwi si Katrina.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top